You are on page 1of 57

Aralin 4:

KOMUNIKASYON
Nakasalalay sa bawat sangkap at
proseso ng komunikasyon ang
pagtatagumpay at pagkabigo ng
paghahatid ng mensahe.

2
Karaniwan sa nagiging sanhi ng
pag-aaway ay ang hindi
pagkakaunawaan o ang malabong
paghahatid ng mensahe.

3
Kahulugan ng Komunikasyon

4

Pagbabahagi ng ideya at
damdamin sa estado ng
pagkakaunawaan
-Dale (1969)

5

Transmisyon ng mga
impormasyon, ideya, pag-uugali,
o damdamin at kasanayan... sa
paggamit ng simbolo
-Berelson at Steiner (1964)

6

Transmisyon ng mga impormasyon,
ideya, pag-uugali, o damdamin mula sa
isang tao o pangkat ng mga tao patungo
sa kanyang kapwa… karaniwang
isinasagawa sa pamamagitan ng mga
simbolo
-Theodorson (1969)

7
Tunguhin ng komunikasyon ang
makapaghatid o makapagbahagi ng
impormasyon, ideya, damdamin,
kasanayan o karanasan patungo sa ibang tao
na naihahatid sa pamamagitan ng paggamit
ng mga simbolo.

8
Modelo ng Komunikasyon

9
1

Modelo ni Aristotle ng Komunikasyon


Nakasentro sa tagapagsalita tungo sa
maraming tagapakinig ang modelo ni Aristotle
ng Komunikasyon.

10
(Discovery)
Pagtuklas

(Arrangement)
Pagsasaayos

(Clothing)
Pagbibihis
(Delivery)
Paghahatid

11
Kinakailangan sa anumang mensahe na
ipahayag ang pagtuklas sa kaalamang
lohikal, emosyonal, at etikal na istratehikal
na isinasaayos tungo sa pagbibihis ng ideya
upang magkaroon nang linaw at
pagkakaugnay at maihatid ng naaayon sa
patutunguhan.
12
2
Mga Modelo ni Schramm ng Komunikasyon (1954)

Nagsimulang pag-aralan ni Wilbur Schramm


ang komunikasyon bilang isang hiwalay na
disiplina o larangan.

13
Lawak ng Lawak ng
Karanasan Karanasan

SIGNAL

Pag-eenkowd Pagdedekowd

14
Mahalagang maisaalang-alang ang
lawak ng karanasan ng
tagapaghatid ng mensahe at ng
tagatanggap nito sa isang
komunikasyon.

15
Maaaring magkaroon ng
pagkakaiba ang mensaheng
ipinaaabot ng tagapaghatid kung
mayroong pagkakaiba sa kanilang
karanasan.

16
Higit namang magiging epektibo
ang kanilang komunikasyon kung
sila ay may pagpapakatulad ng
karanasan.

17
Mensahe

Tagatanggap Tagatanggap
Interpreter
Interpreter Tagahatid
Tagahatid

Mensahe

18
Sa modelong ito ni Schramm
naimungkahi ang pagsasama ng
tugon o Feedback mula sa
tagatanggap ng mensahe sa
proseso ng komunikasyon.

19
Nagkaroon ng tuloy-tuloy na
proseso ang komunikasyon sa
pamamagitan nito, at hinahayaan
ang pagkakaroon ng interaksyon
sa bawat isa.

20
3

Modelo ni Laswell ng Komunikasyon


Gumawa ng modelo ng komunikasyon ang
political Scientist na si Harold Laswell noong
1948.

21
Tagapaghatid Mensahe Midyum Tagatanggap

Impak
(Impact)

22
Ipinakikita sa modelong ito ni Laswell
ang mga katanungang “sino ang
nagsabi ng anong mensahe, sa anong
daluyan at ano ang naging epekto
nito?”

23
4

Modelo ni Berlo ng Komunikasyon

24
Sa modelong ito ni Berlo ipinakikita na ang
tagapagsalita ang siyang pinanggagalingan
ng mensahe na gumagamit ng tsanel
patungo sa tagatanggap na siya namang
uunawa nito.

25
Mayroon lamang iisang daloy ng
komunikasyon sa modelong ito
sapagkat walang nabubuong fidbak o
balik-tugon sa panig ng tagatanggap
ng mensahe.

26
5

Modelo ng Komunikasyong Helical


(Dance, 1967)

27
8
28
Ang modelong Helix ay nagpapakita
ng paraan ng komunikasyon na
umusbong sa isang indibidwal mula sa
kaniyang kapanganakan hanggang sa
kasalukuyan.

29
Ipinakikita nito ang konsepto ng
komunikasyon na habang umiinog papaitaas,
ay maaaring bumalik paibaba sa anumang
sandali at apektado ng kaniyang mga
nakaraang kaugalian ngunit maaari rin namang
unti-unting makalaya mula rito at uminog
nang paitaas.

30
Higit na fleksibol ang
prosesong ito ng
komunikasyon.
31
Mga Sangkap ng Komunikasyon

32
TAGAPAGHATID/ENKOWDER/
PINAGMULAN
Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong
pinanggagalingan ng mensahe

33
MENSAHE
Maaaring ito ay pangnilalaman o
panlingguwistika at mensaheng
relasyonal o di-berbal.

34
Ang mensaheng pangnilalaman ay ang mismong
konteksto o payak na kahulugan ng bawat salita o
pahayag samantalang ang relasyonal o di-berbal
ay ang paraan ng pagkakasabi o kilos/gawi ng
pagkakasabi nito.

35
MIDYUM
Kung gumagamit ng wika sa pagpapahayag,
berbal ang ginamit na midym ng tagapaghatid at
kung hindi naman, ito ay di-berbal.

36
TSANEL/DALUYAN
Maaaring ito ay sensori o kaya naman
ay institusyonal.

37
Ang daluyang sensori ay ang paggamit ng
paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at
pandama, samantalang ang institusyonal ay sa
paggamit ng mga kasangkapan tulad ng sulat,
telegram, e-mail, tax machine, cellphone, beeper
at iba pa.

38
TAGATANGGAP/RESIBER/
AUDIENCE
Siya ang nagbibigay-pakahulugan sa mensaheng
ipinadala ng enkowder o tagapaghatid.

39
TUGON/FEEDBACK
1. Tuwirang tugon: agad na pagbibigay ng reaksyon
matapos na matanggap ang mensahe
2. Di-tuwirang tugon: naipapahayag sa pamamagitan ng
anyong di-berbal
3. Naantalang tugon: ang hindi agad-agad na pagsagot

40
MGA POTENSYAL NA
SAGABAL SA KOMUNIKASYON
Isa ito sa nagiging sanhi ng katagumpayan o
kabiguan ng komunikasyon.

41
1. Semantikong Sagabal: may mga salita na maaaring
hindi lamang iisa ang kahulugan
2. Pisikal na Sagabal: ito ang mga ingay sa paligid,
distraksyong biswal, suliraning teknikal, hindi
komportableng kalagayan ng nagsasalita o ng nakikinig.
3. Pisyolohikal na Sagabal: matatagpuan ito sa katawan
ng nagdadala o tumatanggap ng mensahe
4. Sikolohikal na Sagabal: tumutukoy sa pagkakaiba-iba
ng kultura at kinalakhan ng tao
42
Kategorya ng Komunikasyon

43
Upang maunawaan ang iba’t ibang kategorya ng
komunikasyon, kinakailangang isaalang-alang ang
sumusunod:
1. Bilang ng nagsasalita
2. Pisikal na proksimidad ng nagsasalita sa mga
tagapakinig
3. Bilang o dami ng daluyang sensori
4. Konteksto ng komunikasyon

44
KOMUNIKASYONG
INTRAPERSONAL
Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon
sa kalooban ng isang tao, sa layuning liwanagin
o ianalisa ang mga ideya at sitwasyon.

45
TATLONG ASPETO NG
INTRAPERSONAL NA
KOMUNIKASYON

46
1. Konseptong-Pansarili: ito ay kung paano nakikita o
nadadama ng isang tao ang kanyang sarili sa paningin ng iba.
a. Paniniwala – ito ay basikong personal na oryentasyon sa
pagiging tama o mali
b. Pagpapahalaga – ito ay malalim na oryentasyon at ideyal na
karaniwang nakabatay sa konsistent na paniniwala
c. Pag-uugali – ito ay pagpapakita ng gawi, o kung paano
tinatanggap ang paksa o mensahe

47
2. Persepsyon: nakatuon sa panlabas na
pagtingin
3. Ekspektasyon: ito ang paghuhula sa reaksyon o
pagkakaugnayan ng bawat bahagi ng pagkatao

48
1. Panloob na Diskurso: nagaganap ito sa pamamagitan
ng pag-iisip, konsentrasyon, at pag-aanalisa
2. Solo-vocal na Komunikasyon: nagsasalita sa sarili
nang malakas
3. Solo-written na Komunikasyon: ito ang pagsusulat na
isinasagawa hindi upang ipabasa sa iba

49
KOMUNIKASYONG
INTERPERSONAL
Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon
sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig.

50
KATEGORYA NG
INTERPERSONAL NA
KOMUNIKASYON

51
1

Dayadikong Komunikasyon
Pag-uusap ng dalawang tao nang harapan o
kaya’y gamit ang iba’t ibang mga instrumento

52
2

Pangkatang Komunikasyon
Pag-uusap ng tatlo o higit pa

53
3

Pampublikong Komunikasyon
Higit na maraming tao ang nakakapakinig. Layon ng
komunikasyong ito ang makapaghatid ng mensahe,
mang-aliw o kaya naman ay manghimok

54
4

Komunikasyong Pangmadla
Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa pagitan ng
isang tao tungo sa nakakaraming tagapanood o tagapakinig
gamit ang teknolohiya, ng radyo, telebisyon, internet,
pahayagan, magasin at iba pang kauri nito.

55
PAGSUSULIT

56
1.

57

You might also like