You are on page 1of 2

Natasha Innogen L. Gorme Filipino S.W. 2.1. Gr.

12-HUMSS 11/07/2023

Suriin mo na!

1. Ang liham tagubilin ay isang liham na nagpapakita ng pag rekomenda o


pagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat
isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magka tulungan ang mga
kinauukulan sa katuparan na nilalayon nito.Ang liham ng kahilingan ay ginagamit kung
may hinihiling. Ito ay ginagamit upang makahiling ng isang bagay, paglilingkod,
pagpapatupad, at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa
pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksyonal man o opisyal.

2. Nakabubuti naman ang pagsulat ng liham dahil ito ay nakakadagdag ng “personal touch”
sa pakikipagkomunikasyon. Masasabi ko naman ito kasi ang pagdagdag ng “personal
touch” sa pakikipag komunikasyon ay importante sa pakikipagsama sa iba’t ibang tao
dahil ito ay nakapabuti sa iyong mga samahan dahil ito ay nagpapakita ng pansariling
katangian at ito rin ay nagpapalapit sa mga tao dahil sa taos-pusong pagsusulat nito. Ito
rin ay importante dahil kailangan rin ito sa pagsusulat ng mga liham aplikasyon at mga
business letters upang makaakit sa mga interes at kawilihan ng iyong mga katrabaho o
kaya sa iyong mga business partners, boss, at mga tagapagbili.

3.
4. Sa aking palagay kung ako ay nakapagtapos sa pagsasagawa ng panayam ako ay
magsusulat ng isang liham pasasalamat upang malalaman ng tagatanggap ang aking
taos-pusong pasasalamat sa kanyang pagsali . Hindi lang iyan pero susulatin ko rin ang
isang liham pasasalamat para makilala niya ang aking utang na loob dahil sa kanyang
pagsisikap sa pakikipagsali sa aking panayam.

5. Mahalagang alamin ang pagsulat ng mga iba’t ibang uri ng liham kasi kailangan nating
malalaman ang pagsulat nito dahil ito ay importante sa pagsusulat ng mga mensahe sa
personal na buhay. Kailangan naman ito sa pagsusulat ng mga personal na mensahe
upang makadagdag ng personal touch at taos-pusong damdamin sa mga iyong pagbati,
paanyaya, o pakikiramay. Mahalaga ring alamin ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham
upang makasiguro ng mga tagumpay sa trabaho at negosyo atsaka mahalaga rin ito
upang makakuha sa nararapat na serbisyo o mga produktong mabibili.

You might also like