You are on page 1of 2

Ika - Siyam na Linggo - Pagsulat sa Trabaho

Christian Lein V. De Jesus


12 - Courage
Gawain 1: Panuto sagutan ang mga sumusunod na katanungan. 3 – 5 na pangungusap sa
bawat katanungan. (25puntos)

1. Ano ang isinasaad ng Executive Order NO. 335, s ng 1988? Sa iyong palagay, matapat
kaya itong sinusunod ng mga nasa pamahalaan?
Isinasaad ng Executive Order No. 335, s 1988 na palaganapin ang Wikang Filipino sa
mga opisyal na transaksiyon at korespondensiya sa mga ahensiya ng gobyerno. Alinsunod sa
kautusang ito, anumang kagawaran, tanggapan, ahensiya, kawanihan, o instrumentaliti ng
pamahalaan ay dapat na magsagawa ng kinakailangang hakbang upang magamit ang Wikang
Filipino sa mga pormal na transakysyon, komunikasyon, at korespondiya. Para sa akin, hindi
ito masyadong natutupad ng mga nasa pamahalaan dahil karamihan sa mga nakikita o
nababasa kong transaksiyon mula sa gobyerno ay nakasulat sa Ingles, minsan ay may mga
nakasalin sa tagalog ngunit bihira lamang ang mga ito, karamihan padin ay nasa wikang
Ingles.

2. Paano mo ilalarawan ang uri ng pagsulat na ginawa sa pagsulat para sa trabaho o negosyo?
Paano ito naiiba sa personal na pagsulat?
Ang pagsulat para sa trabaho o negosyo ay kinakailangang malinis, malinaw at direkta ang
mga nakasaad dito. Kailangan ay mga impormasyon at mga importanteng mga detalye lamang ang
nandito, hindi maaaring gumamit ng mga jargon, teknikal na termino, balbal o bulgar na salita lalo
na kung hindi naman ito kailangan, kailangan ay pinapanatili ang propesyonal na tono sa lahat ng
bahagi nito. Ibang- iba ito sa personal na pagsulat dahil ang personal na pagsulat ay maaring isulat o
gawin sa anumang nais na paraan, maaring maraming mga jargon at balbal na salita dahil ikaw
mismo at kakilala mo ang magbabasa nito, hindi katulad ng pagsulat para sa trabaho o negosyo,
mga propesyonal ang mga magbabasa nito.

3. Bakit nagsusulat para sa trabaho o negosyo? Ano – ano ang layunin nito? Ipaliwanag.
Nagsausulat para sa trabaho o negosyo para magbigay ng impormasyon. Ilan sa mga
layunin nito ay ipalowanag o ipagtanggol ang mga isinasagawang aksiyon, isang halimbawa
nito ay ang pagpapaliwanag sa isang empleyado kung bakit karapat-dapat sa kaniya ang
iginawad na promosyon o liham na pagpapatunay. Isa pang layunin nito ay pag – uutos sa
tumaggap ng mensahe, halimbawa nito ay ang “Kailangan maghanda ng presentasyon ng mga
budget ng kumpanya sa susunod na buwan” at ito ay tinatawag na liham-kahilingan. At
panghuli ay ang maghatid ng magaganda o di – magandang balita katulad ng pagtaas o
pagkalugi ng kompanya, pagtaas o pagbaba ng sahod, pagkakaroon ng promosyon o
pagtanggal ng trabaho, at iba pa.
4. Magbigay ng mga halimbawa ng mga dokumentong pantrabaho?

- Liham-resignasyon
- Liham-pagpapatunay
- Gawad/Sertipiko

5. Paano matitiyak ang epektibong pagsulat ng dokumentong isunusulat sa trabaho o


negosyon.
Matitiyak ang epektibong pagsulat ng dokumentong isinusulat sa trabaho o negosyo
kung alam ang dahilan ang pagsulat at kung ano ang inaasahang resulta ng isinusulat.
Matitiyak din ito kung ang pagpapahayag ng mensahe ay malinaw ang pangunahing layunin
dahil ito ang batayan kung magtatagumpay o hindi sa layunin. Gumamit din ng mga simple,
direkta, at karaniwan na salita upang madaling maintindihan ito agad ng mga mambabasa,
iwasan ang paggamit ng mga maliligoy na pangungusap, salitang jargon, balbal at bulgar na
salita sapagkat hindi ito personal na sulatin, propesyonal ang mga babasa nito. At panghuli,
laging panatilihin ang propesyonal na tono sa lahat ng bahagi ng sulatin dahil kailangan na
ito ay laging pormal.

You might also like