You are on page 1of 7

MODYUL SA FIL102 EKOKRITISISMO AT

CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

KURSO MALAYUNING KOMUNIKASYON


(Subject)

YUNIT (Chapter) YUNIT 5. KOMUNIKASYON PARA SA TRABAHO

 Komunikasyon Para sa Trabaho


PAMAGAT NG
a. Liham Pangangalakal/Pangnegosyo: Anyo, Bahagi, at
ARALIN
(Lesson Title) Paraan ng Pagsulat
b. Memorandum
c. Pagpupulong at Katitikan ng Pulong

Pagkatapos ng aralin ng ikalimang yunit, inaasahang matatamo ng


mga mag-aaral ang sumusunod:
LAYUNIN NG
ARALIN
 natutukoy ang mga anyo, bahagi, at paraan ng pagsulat ng
(Lesson Objectives)
isang liham pangnegosyo; at
 nakasusulat ng isang memorandum at liham pangangalakal
o pangnegosyo.

Sa yunit na ito, itatalakay ang kahalagahan ng komunikasyon


LAGOM NG
pagdating sa trabaho. Susulat ang mga mag-aaral ng mga
PANANAW
(Overview/ dokumento sa trabaho katulad ng memorandum at liham
Introduction) pangangalakal o pangnegosyo.
MODYUL SA FIL102 EKOKRITISISMO AT
CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN

PAGLALAHAD
(Abstraction) LIHAM PANGANGALAKAL O PANGNEGOSYO

Sa propesyunal na setting ang liham ay napaka halaga, ito kasi


ang isa sa pangunahing paraan ng pagpapabatid ng mga pormal na
mensahe. Ang mga liham sa lugar-trabaho ay maituturing na mga liham
pangnegosyo o business letter.

Ayon kay Tugas (2012), a business letter is a letter written on


formal language; usually used when writing from one business
organization to another, or for correspondence between such
organization and their customers, clients, and other external parties.

GAMIT, ANYO AT BAHAGI NG LIHAM


PANGANGALAKAL O PANGNEGOSYO

GAMIT NG LIHAM PANGANGALAKAL O PANGNEGOSYO


Sa mga komunikasyong internal at eksternal, iba’t ibang uri ng
liham pang-negosyo ang maaring ihanda. Ang paghahandang ito ng
isang tiyak na liham ay nakadepende sa layunin ng pagsulat.

ANYO NG LIHAM PANGANGALAKAL O PANGNEGOSYO


1. Liham ng Aplikasyon sa Trabaho (Application Letter)
Ito ang liham na inihahanda ng isang taong naghahanap ng trabaho at
ipinapadala sa kompanyang nais niyang pasukan. Tinatawag din itong
cover letter.

2. Liham ng Pagbibitiw sa Trabaho (Resignation Letter)


Ito ay hinahanda bilang pormal na pahayag sa planong pag-alis ng
empleyado.
MODYUL SA FIL102 EKOKRITISISMO AT
CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN

3. Liham ng Pagbebenta (Sales Letter)


Ito naman ang liham na ipinadadala sa isang tao o institusyon na nais
bentahan ng isang produkto o sebisyo. Tinatawag din itong sales
proposal letter.

4. Liham ng Pagbili o Pag-order (Order Letter)


Ang liham na ito ay inihahanda kung nais bumili ng produkto o serbisyo.
Naglalaman ito ng mga detalye o espesipikasyon ng produkto o
serbisyong nais bilhin.

5. Liham ng Pagtatanong o Paghiling (Inquiry or Request


Letter)
Pangunahing layon ng pagsulat ng ganitong uri ng liham ay kung may
nais malamang mga detalye ang isang tao, o kung may nais hilingin ito
sa isa pang tao o organisasyon.

6. Liham ng Paniningil (Collection Letter)


Inihahanda ang ganitong liham kung may kailangan kolektahin ang isa
negosyo sa kanyang kliyente o customer.

BAHAGI NG LIHAM PANGANGALAKAL O PANGNEGOSYO


1. Pamuhatan (Heading)
Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres, telepono at
numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon).
May dalawang uri ng pamuhatan:
a. Nilimbag na pamuhutan (printed letterhead)
b. Minakinilya (typeset)/Sulat-kamay na pamuhatan

2. Petsa (Date)
Ito ang petsa kung kail isinulat ang liham.

3. Patunguhan (Inside Address)


Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong
papadalhan ng liham.
MODYUL SA FIL102 EKOKRITISISMO AT
CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN

4. Bating Pangbungad (Salutation)


Ito ay pagbati sa sinusulatan.

5. Katawan ng Liham (Body of the Letter)


Ito ang tampok na bahagi ng liham at nagsasaad ng mensahe sa
sinusulatan.

6. Pamitagang Wakas (Complimentary Close)


Nagsasaad ito ng pamamaalam sa sinusulatan.

7. Lagda (Signature)
Binubuo ito ng pangalan, lagda at posisyon ng lumiham.

8. Inisyal ng Pagkakakilanlan (Identifying Initials)


Inisyal ito ng gumawa ng liham kung hindi ang mismong nakalagda ang
nagmakinilya o nag-encode nito sa kompyuter.

9. Paglalakip (Enclosure)
Nagsasaad ito ng mga dokumentong inilakip sa liham.

10. Tawag-Pansin (Attention Line)


Ito ay panawag-pansin sa taong kailangan.

11. Paksa (Subject)


Opsyonal lamang ito. Nakatutulong ito sa agarang pagtukoy kung
tungkol saan ang liham.

12. Notasyon ng Binigyang Sipi (Copy Notation)


Tanda ito na nagbigay ng kopya sa iba maliban sa sinulatan. Ginagamit
ang panandad c o cc para dito.
MODYUL SA FIL102 EKOKRITISISMO AT
CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN

MEMORANDUM

Ang memo ay napakatuwiran. Agad-agad sinasabi rito ang nais


sabihin nang walang paligoy-ligoy. Malinaw ang pokus ng memo, ang
binibigyang-diin ang dapat mabatid ng mambabasa.

KATANGIAN NG MEMORANDUM
1. Ang salitang Memorandum o Memo (o iba pang katumbas) ay
matatagpuan sa itaas ng papel.

2. May linya para sa pinaglalaanan (“to” line) at pinanggalingan (“from”


line) na madalas na siya na ring nilalagdaan ng nag-memo.

3. May linya para sa petsa (date line).

4. May linya para sa paksa. Ang linyang ito ang nag-ooryent at


naghahanda sa mambabasa para sa susunod.

5. Mensahe o kontento ng memo.

Halimbawa ng Memorandum:
MODYUL SA FIL102 EKOKRITISISMO AT
CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN

Halimbawa ng Liham Pangangalakal/Pangnegosyo:

ANG KATITIKAN NG PULONG

Ang katitikan ay opisyal na record ng pulong ng isang


oraganisasyon, korporasyon, o asosasyon. Ito ay tala ng mga
napagdesisyonan at mga pahayag sa isang pulong. Bagama’t hindi ito
verbatim na pagtatala sa mga nangyari o nasabi sa pulong, ang mga
itinatalang aytem ay may sapat na deskripsyon upang madaling
MODYUL SA FIL102 EKOKRITISISMO AT
CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN

matukoy ang pinagmulan nito at mga nagging konsiderasyon kaakibat


ng tala (Sylvester, 2015 & CGA, 2012).

Ayon kay Sylvester (2015), kung hindi gagawin ang katitikan ng


pulong, makikitang hindi pare-pareho ang rekoleksyon ng mga kalahok
sa mga naganap. Maari ring magkaiba-iba na sila ng ideya sa mga
napagkasunduan.

PAGLALAPAT PAGSULAT NG MEMORANDUM


(Application)
Panuto: Ipagpalagay natin na ikaw ay may-ari ng isang pamilihan.
Dulot ng pandemya, nakaranas ka ng problemang pinansyal kung
kaya nagdesisyon kang bawasan ang bilang ng iyong empleyado sa
iyong pamilihan. Sumulat ng isang memorandum sa wikang Filipino
upang maipaalam sa mga empleyado ang iyong planong
retrenchment. Gumawa ng sariling detalye (pangalan ng kompanya,
petsa, lugar, at iba pa). Sundin ang tamang pormat ng pagsulat ng
isang memorandum. (10 puntos)

PAGSULAT NG LIHAM APLIKASYON


PAGTATAYA
(Evaluation) Panuto: Ipagpalagay nating nakatapos ka na sa iyong kurso at balak
mong mag-aplay bilang isang guro sa sekundarya. Sumulat ng isang
liham aplikasyon na maglalaman ng iyong intensyong magtrabaho sa
bilang guro sa paaralan. Gumawa ng sariling detalye (pangalan ng
punong-guro, paaralan, petsa, lugar, at iba pa). Sundin ang tamang
pormat ng pagsulat ng isang liham pangangalakal.

Inihanda ni:

LEMUEL G. DEROMOL

You might also like