You are on page 1of 1

TEORYANG BEHAVIOURIST

•TEORYA

Ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may batayan
subalit hindi pa lubusang napapatunayan .

•TEORYANG BEHAVIOURISTS

Ipinapahayag sa teoryang ito na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa "PAGKATUTO" at
ang kanilang kilos o gawi ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran .

Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay dito . Binigyan diin ni "SKINNER" (1968) isang behaviorist na kailangan "alagaan " ang pag-
unlad ng intelektwal sa papamagitan ng pagganyak , pagbibigay - sigla at pagpapatibay sa anumang
mabuting kilos o gawi .

Ang teoryang ito ay nagbibigay sa guro ng mga set ng pamaraang madaling osagawa sa pagtuturo .
Ibinatay ang Audio- Lingual Method o ALM na naging popular noong 1960 sa teoryang behaviourism .

Ang Audio - Lingual Method ay ;

•Oral- based approach / Sistemang oral •Paraan ng


pagsasanay sa mga mag-aaral sa paggamit ng gramatikal estraktyur . •Batay sa mga teoryang
sikolohikal at Linggwistik.

PANGUNAHING KATANGIAN NG AUDIO - LINGUAL METHOD :

•Binibgyang diin ang mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita. •Binibigyang diin


ang pag-uulit ang dril. •Paggamit lamang ng target na
wika. •Kagyat na gantimpala / pagpapatibay sa
tamang sagot •Kagyat na pagwawasto sa kamalian at pagkakatuto ay
nakatuon sa guro.

Reperensya ;

https://id.scribd.com › presentation

Ang Teoryang Behaviorism | PDF - Scribd.

You might also like