You are on page 1of 3

23.

Ano ang tawag sa paglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o higit pang


mga bagay?
a. Pagtutulad
b. Paghahambing
c. Pagwawangis
d. Pagsasatao
Ans: B (kaalaman)

24. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas
ng isang bagay o anuman?
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na katamtaman
c. Paghahambing na di-magkatulad
d. Hambingang palamang
Ans: C (kaalaman)

25. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paghahambing na magkatulad?


a. Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.
b. Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang
magkaroon ng pagkakaisa.
c. Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng
teknolohiya.
d. Di hamak na mas matatalino ang mga batang kumakain ng gulay kaysa mga batang
pihikan sa pagkain.
Ans. D (pag-unawa)

55-60. (Analysis)
Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng paghahambing na magkatulad at paghahambing na di-
magkatulad? Magbigay ng isang kongkretong halimbawa at tukuyin ang panlaping nagpapakita
kung anong uri ito ng paghahambing.
30. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pang-abay na panang-ayon?
a. Aalis lang tayo kapag naubos mo na ang kinakain mo.
b. Tunay ngang tama ang iyong hinala sa kanya.
c. Ang plano ko tungkol sa bayan ay madali lamang.
d. Ang mga bayani ay nag-alay ng buhay para sa bayan.
Ans. B (pag-unawa)

31. Anong bahagi ng pananalita ang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-
abay?
a. pang-abay
b. pang-ukol
c. pang-angkop
d. pangatnig
Ans. A (kaalaman)

32. “Umpisa bukas ay mag-aaral na ako ng mabuti” ay isang halimbawa ng pang-abay na?
a. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas
b. Ingklitik
c. Pamanahong may Pananda
d. Pamanahong Walang Pananda
Ans. C (pag-unawa)

33. Anong uri ng pang-abay ang naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa?
a. Pang-abay na Pamaraan
b. Pang-abay na Panggaano
c. Pang-abay na Kusatibo
d. Pang-abay na Pang-agam
Ans. A (kaalaman)

34. “Umuulan kaya marahil walang namimili sa palengke” ay isang halimbawa ng pang-abay
na?
a. Pang-abay na Panang-ayon
b. Pang-abay na Pang-agam
c. Pang-abay na Panlunan
d. Pang-abay na Pamanahon
Ans. B (pag-unawa)

48-54. Gumawa ng isang concept map na nagpapakita sa mga uri ng pang-abay at magbigay
ng mga salita o parirala na ginagamit nito.

You might also like