You are on page 1of 3

GAWAING PAGLALAGOM

SA FILIPINO
Ipinasa ni: Marey Fe M.Nuqui

Ipinasa kay:Russel P.Manuel


Paggawa ng Liham Pangnegosyo

Mga nilalaman:

Ulong sulat-dito makikita ang pangalan,impormasyon,lokasyon ng nasabing kompanya.


Petsa –Kung kalian ito isinulat.
Patunguhan-Nakalagay rito kung saan nais iparating ang liham.
Bating pambungad-maikling panimula o pagbuti.
Katawan ng liham-nakalagay rito kung ano man ang nais nitong iparating o sabihin sa
isang organisasyon o kompanya.

Bating pang wakas- Isinasaad rito ang bating pasasalamat.


Lagda- pangalan at lagda ng mismong sumulat at nagpadala.

Ang liham pang negosyo ay karaniwang isinusulat para sa taong nasa labas ng
organisasyon o kompanya.Ang Liham Pangnegosyo ay isang pormal na sulatin.Ito ay higit na
pormal kaysa sa isang personal na sulat.Ang pagsulat Liham pang negosyo ay may nararapat
na pormat kagaya ng margin na isang pulgada sa bawat gilid ng papel.
Ginagamit ito sa; Paghahanap ng trabaho

Pagtugon sa tanong o paglilinaw


Pagbibigay ng instruksiyon
Paguulat tungkol sa aktibidad
Pagsulat ng liham Pangnegosyo:
-Isinusulat sa 8 ½ X 11 na bond paper.

1. Pamuhatan- Ito ay ang pinagmulan o pinanggalingan ng sulat.


2. Patunguhan- Ito ay isang padalhanan ng liham.Sa makatwid ito ang address ng
pinadadalhan ng liham.
3. Bating pambungad-Laging pormal ang bating pambungad sa isang liham pang
negosyo.Ang titulo ay simpleng ( GNG.,G. BB.)
4. Katawan- Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pang negosyo.Ito ay
hindi isinusulat kamay,palagi itong typewritten o computerized.
5. Pamitagang pangwakas- Isa itong maikling pagbati na magpapahayag ng paggalang at
pamamaalam.Ito ay nagtatapos sa isang kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid
(Margin) ng liham depende sa pormat ng iyong pinili.
6. Lagda-Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda
kadalasang kasama ditto ang pang gitnang inisyal ng pangalan,bagamat hindi naman
lagging kinakailangan.

You might also like