You are on page 1of 8

KORESPONDENSIYA

Ang pakikipag-usap sa
pasulat na paraan.
- kailangang matuto ang bawat
empleyado ng tama at mabisang paraan
ng pagsusulat ng mga kinakailangang
sulatin sa opisina upang maging mahusay
sa kaniyang trabaho.
Ang korespondensiya ay binubuo ng
tinatawag na :
 Lihampang negosyo
Memorandum
Elektronikong liham

Ang mga ito ay mga rekord na


nanghihikayat ng aksiyon, nakikipag
transaksiyon tungkol sa negosyo at
nagpapanitili ng tuloy-tuloy na daloy ng
komunikasyon sa trabaho.
Kadalasan iisang tao lang ang
pinadadalhan ng mga ito ngunit
maaring dumami and mambabsa,
sapagkat ang orihinal na pinadalhan
ay ipinasa ang korespondensiya sa
iba o di kaya nagpadala rn ng kopya
sa lahat na may kinalaman sa
paksa.
LIHAM PANGNEGOSYO

Karaniwang isinisulat ng mga


liham pangnegosyo para sa mga
tao sa labas ng organisasyon o
kompanya
Iba’t-ibang sitwasyong saklaw ng
Liham pangnegosyo:
 Paghahanap ng trabaho
 Paghingi ng impormasyon
 Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw
 promosyon ng mga ibinebenta at/ o serbisyo.
 pagakalap ng pondo
 Pag rerehistro ng mga reklamo
 Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon
 Koleksiyon ng mga bayad
 Pagbibigay ng instruksiyon
 Pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o pagkalugod
 Pag –uulat tungkol sa mga aktibidad.
 Pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe
 pag-aanunsyo
 Talaan o rekord ng mga kasunduan
 Follow-up tungkol sa mga usapan sa telepono
 Pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal
PAGSULAT NG LIHAM
PANGNEGOSYO

Sa pagsulat ng isang liham


pangnegosyo, nararapat na sundin ang
karaniwang pormat na margin na isang
pulgasa (inch) sa bawat gilid ng papel.
Ito ay karaniwang isinusulat sa 8 ½ x
11 na bond paper
6 NA BAHAGI NG LIHAM NA
PANGNEGOSYO
1.Pamuhatan
2. Patunguhan
3. Bating Panimula
4. Katawan
5. Pamitagang Pangwakas
6. Lagda

You might also like