You are on page 1of 8

Teknikal bokasyunal na sulatin

-Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay naglalahad at nagpapaliwanag ng


paksang-aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan.

Teknikal
- Praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga
propesyonal na tao upang maihatid ang ang teknikal na impormasyon sa iba’t
ibang mambabasa

Iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin

Korespondensiya
- Ang pakikipag-usap sa pasulat na paraan o ang tinatawag na
korespondensiya ay mahalaga sa lahat ng larangan. Ang korespondensiya ay
binubuo ng liham pangnegosyo, memorandum at elektronikong liham.

Korespondensiya opisyal
- Ang korespondensya opisyal ay tawag sa mga liham pang tanggapan upang
magkaroon ng komunikasyon ang mga pinuno at kawani ukol sa mga
transaksyon at usaping pang kampanya.

Pagsulat ng liham pangnegosyo

Liham
- Ang liham ay isang paraan ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagsasatitik
ng mga salita

Liham pangnegosyo
- Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Karaniwang isinusulat
ang mga ito para sa mga tao sa labas ng isang organisasyon o kompanya.

Mga sitwasyon na gumagamit ng liham pangnegosyo

● Paghahanap ng trabaho
● Paghingi ng impormasyon
● Pagtugon sa mga tanong
● Promosyon ng mga ibinebenta o serbisyo
● Pagkalap ng pondo
● Pagbibigay tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran
● Pagbibigay instruksyon

Mga bahagi ng liham


Pamuhatan
- Dito nakalagay ang buong adres ng pinagmulan ng liham, kasama ang
pangalan ng tanggapan, ang numero ng telepono at iba pang mga kaugnay
na detalye

Petsa
- Nakatala ang eksaktong panahon kung kailan ginawa ang liham.
- Ika araw, buwan, taon
- Buwan, araw, taon
- Araw, buwan, taon

Patunguhan
- Nakasulat dito ang pangalan ng taong tatanggap ng liham, ang kanyang titulo
at katungkulan sa tanggapan, kasama rin ang adres ng tanggapang
patutunguhan.

Bating panimula
- Nakasaad ang angkop na pagbati ng sumulat sa kinauukulan.

Katawan ng liham
- Nakasaad dito ang mensahe at mga impormasyong nais ipabatid ng sumulat.

Bating pangwakas
- Nakatala rito ang magalang at mabisang paraan ng pamamaalam. Ang
paggalang ay iniaangkop sa antas ng pormalidad ng liham.

Lagda
- Dito isinusulat ang pangalan ng lumiham.

Mga karagdagang bahagi ng liham

Referens-inisyal
- Titik lamang ito ng pagkakakilanlan sa taong nagdikta o sumulat ng isang
liham. Inisyal lamang ang isinusulat upang maipakita ang kung sino ang
nagdikta at sumulat. Malaking titik para sa taong nagdikta o lumikha at maliit
na titik para sa inisyal ng nagtayp ng liham.

Enclosure o kalakip
- Ito ang nagpapaalala sa taong tumanggap ng liham na may kalakip na
dokumento o kasulatan. Nakasulat ito sa linya pagkatapos ng referens-
inisyal.
Paksa
- Tinatawag ito sa Ingles na Subject Line kung saan nauuna nang ipabatid sa
tatanggap ng liham ang layunin ng liham. Maaari itong ilagay sa itaas na linya
ng pamuhatan o bating- panimula.

Atensyon line
- Ginagamit ito kung nais ng lumiham ng agarang pagtugon.

Binigyang sipi o copy furnished


- Ito ang nagpapakita sa taong sinulatan na may iba pang taong nakatanggap
ng liham. Kung magbibigay ng kopya ng liham para sa ibang tao, ilagay ang
binigyang sipi o simbolong cc.

Post script o pahabol


- Dito nakatala ang mga mensaheng nakalimutang banggitin sa katawan ng
liham.

Mga pormat ng liham

Anyong blak (block form)


- Ito ay isang pormat sa isang sulatin na kung saan ang lahat ng nasa liham ay
nasa kaliwang inaring ganap lamang.

Anyong may indensiyon (Indented form)


- Nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang patunguhan ay nasa
kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan at pamitagang
pangwakas.

Mga katangiang dapat taglay ng mabisang liham

● Malinaw ngunit magalang


● Maikli ngunit buong buo
● Tiyak
● Pagkampitagan
● Wasto ang gramatika
● Maganda sa paningin

Memorandum

- Ito ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o mas nakatataas na tungkulin


sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho. Karaniwan itong isinusulat
para sa mga taong nasa loob ng isang organisasyon.
Mga gamit ng memorandum

● Magbigay impormasyon
● Manghingi ng impormasyon
● Pagkompirma ng kumbersasyon
● Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa pulong
● Pagbati sa katrabaho
● Pagbuod ng pulong
● Pagpapadala ng dokumento

Bahagi ng memorandum

Ulo
● Para sa - pangalan ng padadalhan
● Mula sa - pangalan ng nagpadala
● Petsa - kung kailan isinulat at pinaskil ang memo
● Paksa - pinaguusapang impormasyon

Katawan
- Dito inilalagay ang panimula at buod ng pinaka mensahe ng memo

Manwal

- Maliit na aklat na kung saan nakasulat ang mahahalagang tala ukol sa


produkto at nagbibigay instruksiyon.
- Mahalaga ang manwal sapagkat ito ang babasahin na magtuturo sa’yo kung
paano gamitin/ayusin ang isang bagay o mekanismo

Mga uri ng Manwal PPOSTPM

Manwal na pagbuo/Assembly Manual


- Manwal para sa konstruksyon ng isang gamit o mekanismo

Manwal na paggamit/Owner’s Manual


- Naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na
pangangalaga at pagsasaayos ng kagamitan, at pangunahing operasyon o
gamit ng isang mekanismo

Manwal na operasyonal/Operational’s Manual


- Nagsasaad kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting maintenance sa
pagpapanatili ng kaayusan ng produkto
Manwal ng serbisyo/Service Manual
- Ipinapakita rito ang routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting,
testing, pagaayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong bahagi

Teknikal na manwal/Technical Manual


- Nagtataglay ng espisipikasyon ng mga bahagi, operasyon, calibration,
alignment, diagnosis at pagbuo

Manwal na pagsasanay/Training Manual


- Ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo o
indibidwal

Manwal ng manggagawa/Employee’s handbook


- Makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong
mahalaga sa kompanya

Mga bahagi ng Manwal PTPNAB

Pabalat na pahina
- Sa bahaging ito makikita ang pamagat. Ang pamagat ay kailangang malinaw
at sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang manwal na ito?”

Talaan ng nilalaman
- Dito nakatala ang mga pahina at ang pagkakasunod-sunod

Pambungad
- Ipinapaliwanag sa bahaging ito kung ano ang nilalaman ng manwal o tungkol
saan ang manwal? Paano gagamitin ang manwal? At sino ang gagamit o
para kanino ang manwal?

Nilalaman
- Makikita sa bahaging ito ang pagtalakay sa kung ano ang pangunahing paksa
kalakip ang mga biswal na may simbolo na magagamit upang unawain ang
mga bahagi ng manwal

Apendiks
- Ito ang mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa kabuuan ng
nilalaman ng manwal

Bibliyograpiya
- Paalpabetong talaan ng mga reperensya o mga binasang dokumento
Mga hakbang sa pagbuo ng Manwal BKAIIRI

1. Balangkasin ang layunin ng manwal


2. Kolektahin ang mga impormasyong kakailanganin
3. Ayusin ang mga impormasyong nakalap
4. Idisenyo ang manwal
5. Isulat ang manwal
6. Rebisahin ang manwal
7. Ilimbag ang manwal

Materyal sa promosyon: Flyer at Leaflet

Promosyon o promo
- Ito ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo.

Materyal na promosyon
- Ito ay paraan ng patalastas kung saan inilalahad ang mga detalye ng isang
produkto, konsepto, paalala o polisiya.
- Naglalaman ito ng logo, tagline, at mga imahe. Ito ay maaaring nasa print
media, broadcast media, at social media.

Mga dapat isaisip sa paggawa ng promosyon na materyal

● Sa promosyon, kailangang isaisip ang reputasyon at imahe ng kompanya


habang inaakma ang mga gawain sa target market
● Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin sa pamamagitan ng
testing
● Bumuo ng tema na naangkop sa layunin ng promosyon
● Isaalang alang ang kagustuhan at pangangailangan ng target market
● Huwag maglagay ng hindi makatotohanang pahayag sa mga pagsulat ng
patalastas
● Sumangguni sa mga empleyado at iba pang propesyonal kaugnay sa
gagawing materyal pamropomosyon

Pagsulat ng flyer

- Ang flyer ay tinatawag din circular handbill na ibinabahagi sa maraming tao


- Mahalaga ito sa maliliit o nagsisimulang negosyo
- Karaniwang nakalaan sa ordinaryong papel na naglalaman ng maiikling teksto

Ito ay maaaring gamitin ng indibidwal, kalakal o organisasyon upang:


● Ipatangkilik ang mabuting serbisyo
● Hikayatin at padalhan ng sosyal, relihiyoso at politikal na mensahe ang tao
● Magrecruit ng mga kaanib
● Ipatalastas ang isang pangyayari

Mga pamantayan sa paggawa ng flyer

- Sumulat ng pamagat na simple at maikli


- Gawing simple ang mensahe
- Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon
- Maglagay ng deskripsiyon sa ibaba ng larawan
- Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga interesado sa
nilalaman ng flyer
- Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo
ng flyer

Pagsulat ng leaflet

- Ito ay tinatawag ding brochures at pamphlets


- Printed, makulay at higit na may mabuting kalidad kaysa flyer
- Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi
na may iba’t ibang disenyo at teksto

Layunin:
- Mag promote ng produkto, serbisyo, o organisasyon
- Mailagay sa pahayagan
- Maipamigay sa mataong lugar
- Makatawag ng pansin at makapahayag ng mensahe

Pamantayan sa paggawa ng leaflet

1. Planuhin ang mga detalyeng ilalagay sa leaflet. Bumuo ng rough layout para
sa posisyon ng mga larawan
2. Gumamit ng mga parirala para sa pamagat at teksto
3. Magdagdag ng mga impormasyon sa produkto at dapat din maglagay ng
weblink na maaaring puntahan para sa mga interesadong mambabasa
4. Magsama ng mga larawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng bulto ng
teksto na hindi naman babasahin ng tao
5. Proofreading - suriin kung may pagkakamali sa baybay at gramatika ng mga
salita
6. Maglimbag ng mga sampol bago ipamahagi ang kopya
“Keep your dreams alive. Understand to achieve anything
requires faith and belief in yourself, vision, hard work,
determination, and dedication. Remember all things are
possible for those who believe.”
-Gail devers

You might also like