Professional Documents
Culture Documents
G12 Tech
G12 Tech
Manwal- Ito rin ay mga pasulat na gabay o reperensiyang material na ginagamit sa pagsasanay, pag-
oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo, pagpapatakbo ng mga kagamitan o
makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) – para sa konstruksiyon o pagbuo ng isang gamit, alignment,
calibration, testing, at adjusting ng isang mekanismo.
Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User manual o Owner’s Manual) -naglalaman ng
gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan,
at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting
maintenance.
Employees’ manual o handbook- Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay
magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang
pinapasukan. Ilang halimbawa nito ay faculty manual o students’ manual.
User Manual – isang manual sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong binibili bago
gamitin tulad ng gamit sa bahay, appliances, kasangkapan, gadgets atbp.
Liham Pangnegosyo
Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang personal na sulat.
Patunguhan – nagmumula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo” o ang
pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan ng liham
Bating Pambungad – maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham at ang bantas na ginagamit ay tutuldok
(:) at hindi kuwit (,)
Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham at tandaan na palagi itong typewritten
o computerized 6. Bating Pangwakas -nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam at nagtatapos sa kuwit
Sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal – tumutukoy ang mga ito sa mga sulating
naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto,
serbisyo o kaganapan.
Sulating ukol sa isang produkto - tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may kinalaman sa isang
produkto. Hal. deskripsyon ng produkto, manwal sa paggamit ng produkto
Sulating ukol sa pagkain – tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa pagkain. Hal. recipe at
menu
(PLEASE STUDY MULTIPLE CHOICE IN YOUR MODULES KAY MAGKUHA PUD KO DADTO SA EXAM!)