You are on page 1of 19

Aralin 3 Teknikal- Bokasyonal

Pagsulat ng Manwal at Liham Pangnegosyo

Title Layout
Subtitle By: Tr. Dolly Almonte
Layunin:
 Nakikilala ang manwal at liham pangnegosyo bilang
teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa layunin,gamit,
katangian,at anyo;
 Nakapagsasaliksik ng mga kaugnay na impormasyon
kaugnay sa pagbuo ng sariling manwal at liham
pangnegosyo
 Nakakasulat ng liham pangnegosyo
Ano ba ang MANWAL ?
Ang manwal o manual sa ingles ay isang
babasahin o manipis na aklat na kalimitang
pinagkakalooban ng mga hakbang upang gawin
ng tama ang isang bagay.
KALIKASAN NG MANWAL
May iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit:

1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) – para


sa konstruksiyon o pagbuo ng isang gamit,
alignment, calibration, testing, at adjusting ng
isang mekanismo.
2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa
Paggamit (User manual o Owner’s Manual) -
naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine
maintenance o regular na pangangalaga at
pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga
pangunahing operasyon o gamit ng isang
mekanismo.
3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual)
– kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting
maintenance.
4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine
maintenance ng mekanismo, troubleshooting,
testing, pag-aayos ng sira, o pagpapalit ng
depektibong bahagi.
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual) – nagtataglay ng
espisipikasyon ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment,
diagnosis, at pagbuo.
6. Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual) – ginagamit
sa mga programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo
o indibidwal.
7. Employees’ manual o handbook ang mga itinakda para sa
mga empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga
kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa
kompanya. Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado nang sa
gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat
at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan. Ilang
halimbawa nito ay faculty manual o students’ manual.
8. User Manual – isang manual sa
paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t
ibang produktong binibili bago gamitin
tulad ng gamit sa bahay, appliances,
kasangkapan, gadgets atbp.
Liham Pangnegosyo

Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na


pormal ito kaysa sa isang personal na sulat. Sa pagsulat ng isang
liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang karaniwang
pormat na margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng
papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa 81/2”x 11 na bondpaper.
Kalimitang bahagi ng isang liham na pangnegosyo. Mahalagang
tiyakin kung ano ang layunin ng liham. Maaari itong maging
isang liham kahilingan, liham pag-uulat, liham pagkambas,
subskripsiyon, pag-aaplay, pagtatanong atbp.
Bahagi ng liham pangnegosyo:

1. Ulong-sulat – matatagpuan dito ang pangalan,


lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa
ahensiyang pagmumulan ng liham, kalimitan
itong nagtataglay logo ng nasabing kompanya
o institusyon
2. Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang
liham.
3. Patunguhan – nagmumula ang katawagan
sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo” o
ang pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan
ng liham. Samakwid inilalagay rito ang
pangalan at katungkulan ng taong ibig
pagbigyan ng liham
4. Bating Pambungad – maiksing pagbati sa
patutunguhan ng liham at ang bantas na
ginagamit ay tutuldok (:) at hindi kuwit (,)
5. Katawan ng Liham- nagtataglay ng
mismong nilalaman ng liham at
tandaan na palagi itong typewritten o
computerized
6. Bating Pangwakas -nagpapahayag
ng paggalang at pamamaalam at
nagtatapos sa kuwit
7. Lagda – pangalan o mismong lagda
ng nagpadala ng liham.
Anyo ng Liham Pangnegosyo

1. Sulating interpersonal o inter-institusyonal -


tumutukoy ang mga ito as mga sulating ibinibigay
sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon
upang maipabatid ang hangarin, impormasyon o
datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng
nagpapadala. Hal. liham pangnegosyo
2. Sulating pabatid-publiko at sulating
promosyonal – tumutukoy ang mga ito sa mga
sulating naglalayong magpabatid ng impormasyon sa
publiko at sa mga layuning itanyag ang isang
produkto, serbisyo o kaganapan. Hal. flyers, leaflets,
promotional materials, paunawa, babala at anunsyo .
3. Sulating ukol sa isang produkto -
tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may
kinalaman sa isang produkto. Hal.
deskripsyon ng produkto, manwal sa
paggamit ng produkto
4. Sulating ukol sa pagkain – tumutukoy ito
sa mga sulating may kinalaman sa pagkain.
Hal. recipe at menu.

You might also like