You are on page 1of 5

Aralin 6: Katitikan ng Pulong

Katitikan ng Pulong (Sylvester, 2015 & CGA, 2012)


- Opisyal na rekord ng pulong ng isang organisasyon, korporasyon, o asosasyon na
kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo.
- Tala ng mga napagdesisyunan at mga pahayag sa isang pulong, bagamat hindi verbatim.
*Ang mga itinatalang aytem ay may sapat na deskripsyon upang madaling matukoy ang
pinagmulan at konsiderasyon nito.

- “Minutes of meeting” sa Ingles, ito ay nagsisilbing summary o buod ng mahahalagang


napag-usapan sa isang pagpupulong.
- Akademikong sulatin nagpapahayag ng nilalaman ng isang pulong

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan


*Mga tanong ay inihayag ni Lyn Gaertner-Johnston (2006) sa kaniyang artikulong Tips for
Writing Meeting Minutes.

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sinu-sino ang mga dumalo?
3. Sinu-sino ang mga hindi nakadalo? (Isasama lamang kung kailangan)
4. Anu-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano ang napagpasyahan?
6. Ano ang napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kailan ito dapat maisagawa?
8. Mayroon bang kasunod na pulong? Kung mayroon, kailan, saan, at bakit kailangan?
Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan ng Pulong
- Umupo malapit sa tagapanguna ng pulong
- May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo
- Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan sa nakaraang pagpupulong
- Nakapokus sa nakatalang adyenda
- Nagtataglay ng pulong at kumpletong heading
- Gumamit ng recorder kung kinakailangan
- Itala ang mga suhestiyon nang maayos
- Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
- Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong

Tatlong Uri o Estilo ng Pag-ulat ng Katitikan ng Pulong


1. Ulat ng Katitikan
2. Salaysay ng Katitikan
3. Resolusyon ng Katitikan

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong (Baisan-Julian & Lontoc, 2016)

Headings
- Pangalan ng kompanya
- Samahan, organisasyon, o kagawaran
- Petsa, lokasyon, at magiging oras ng pagsisimula ng pulong

Mga Kalahok o Dumalo


- Tagapagpadaloy ng pulong
- Pangalan ng lahat ng dumalo kasama ang mga panauhin
- Pangalan ng mga liban o hindi nakadalo
Usaping napagkasunduan (Action Items/Agenda)
- Makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay
- Inilalagay kung sino ang taong nanguna sa pagtatalakay ng isyu at maging ang desisyong
nabuo ukol dito.

Iskedyul
- Kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong

Pagtatapos
- Oras kung kailan nagwakas ang pulong

Lagda
- Pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.

Aralin 7: Deskripsiyon ng Produkto/Proyekto

Deskripsiyon ng Produkto
- Isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo
- Mahalaga ito upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo,
katangian, gamit, estilo, at presyo ng isang produkto o serbisyo.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto (Manarpaac)


- Maikli lamang, ngunit napupukaw ang imahinasyon ng mambabasa
- Magtuon ng pansin sa ideyal ng mamimili
- Mang-akit sa pamamagitan ng benepisyo
- Magkwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
- Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media
- Gumamit ng mga kaakit-akit na larawan ng produkto
Aralin 8: Flyers

Flyers
- Ginagamit bilang handout, ang mga flyers o leaflets ay ipinamimigay upang maipakilala
ang isang produkto o taong kinakampaniya.
- Kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang, mahalaga ang mga ito upang
makatawag-pansin sa mga maaaring makakita nito at mahikayat sila sa pagtangkilik ng
produkto.
- Importante ang disenyo, konsepto, at testong nakapaloob sa promotional material, dahil
nakaaapekto ito sa pagpukaw ng atensiyon at sa magiging dating at tatak ng makakikita
nito.

Katangian at Kalikasan ng Flyers/Leaflets


- May kontak at logo
- Tiyak at direkta
- Hindi maligoy
- Walang mabulaklak na salitang gamit
- May katanungan at kasagutan
- May biswal na katangian
- Makulay

Mga Puntong Dapat Tandaan


- Nagsisilbing gabay tungkol sa isang produkto o serbisyo
- Mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa mga impormasyong isusulat dito.
- Mahalaga manghikayat kung kaya’t ang mga impormasyong isusulat dito’y marapat na
makatawag-pansin sa mga makakabasa nito.
- Mahalaga rin ang anyo, kulay, teksto, at pagkakabuo ng mga promotional material.
Maaaring gumamit ng mga aplikasyon sa kompyuter para sa mabilis na paggawa ng mga
ito.
- Pangalan ng produkto
- Paglalarawan sa produkto
- Tagline sa nasabing produkto
- Larawan o ilustrasyon
- Impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa flyers

You might also like