You are on page 1of 5

MODULE 9

MGA BAHAGI NG LIHAM PANGNEGOSYO

Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang personal
na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang karaniwang pormat
na margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa 8 ½” x
11” na bond paper. May anim na bahagi ang isang liham pangnegosyo.

1. Pamuhatan
Ang pamuhatan ay mula sa salitang ugat na “buhat”, ibig sabihin, pinagmumulan o
pinanggagalingan. Nagtataglay ito ng address ng nagpapadala ng liham na kadalasang nasa
dalawa hanggang tatlong linya lamang. Sa huling linya ng bahaging ito inilalagay ang petsa.
Maaari ding magdagdag ng isa pang linya matapos ang address o bago ang petsa, para sa bilang
ng telepono, numero ng fax, address ng e-mail o iba pang kahalintulad ng mga ito.

147 Muzon St., San


Fernando, Pampanga - 316 147 Muzon St., San
May 4,2020 Fernando, Pampanga - 316
Tel. 561-72-64
alfredovargas@gmail.com
May 4,2020

Hindi na kailangang maglagay ng pamuhatan kung ang ginagamit na papel ay ang tinatawag na
stationary na may nakalimbag nang pamuhatan at/o pangalan ng kompanya. Ngunit laging nilalagyan ng
petsa ang liham pangnegosyo.

Halimbawa:
2. Patunguhan
Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo” o ang pupuntahan, patutunguhan
o padadalhan ng liham. Samakatuwid, ito ang address ng padadalhan ng liham. Kompletuhin ang
address na ito at isama ang mga titulo at pangalan ng padadalhan ng liham. Lagi itong nasa kaliwang
bahagi. Mahalaga ang patunguhan upang matukoy ang pinadadalhan ng liham kung magkaroon ng sira
ang sobre o kung sakaling hindi mabasa ang address. Mag-iwan ng isang espasyo sa pagitan ng 147
Muzon St., San Fernando, Pampanga - 316 May 4, 2020 147 Muzon St., San Fernando, Pampanga - 316
Tel. 561-72-64 alfredovargas@gmail.com May 4,2020 pamuhatan at patunguhan. Maglagay rin ng isang
linyang espasyo bago ang pagbati.

147 Muzon St., San


Fernando, Pampanga - 316
Tel. 561-72-64
alfredovargas@gmail.com
May 4,2020

Ginoong Pepito Manaloto


Manaloto Pugo & Fishball Inc.
No. 143 Tolentino Building
Medina Ave., Antipolo City

Mahal na G. Manaloto:

3. Bating Pambungad
Laging pormal ang bating pambungad sa isang liham pangnegosyo. Karaniwang nagsisimula sa
mga salitang “Mahal na” na sinusundan naman ng apelyido ng taong sinusulatan. Karaniwan
ding may titulo ng taong pinadadalhan ng liham. Ang titulo ay maaaring simpleng G. (Ginoo),
Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong titulo sa propesyon o katungkulang hawak ng taong
pinadadalhan, halimbawa, Prof. (para sa Propesor) o Dr. (para sa doctor). Ang bating
pambungad sa liham pangnegosyo ay laging nagtatapos sa tutuldok (:), hindi sa kuwit (,).

Halimbawa:
Mahal na G. Manaloto:

4. Katawan
Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pangnegosyo. Tandaan na hindi ito
isinusulat-kamay, palagi itong typewritten o computerized. Depende sa estilo ng liham na iyong
gagamitin, maaaring may indensiyon ang mga unang linya ng mga talata. Ano pa man ang
pormat, maglaan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng bawat talata, sa pagitan ng pagbati at
ng katawan, at sa pagitan ng katawan at ng pangwakas.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng liham pangnegosyo:


 Sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat na malinaw na
ipahayag ang punong diwa at ang buod ng nais sabihin.
 Maging magalang.
 Iwasan ang paggamit ng nananakot na pananalita.
 Iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong mungkahi.
 Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at di mahalagang
pananalita.
 Iwasan ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na sa
unang pangungusap o talata ng katawan ng liham.
 Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga
pangyayari at/o magbigay ng mga katibayan hinggil sa pangyayari
o usapan.
 Sa huling pangungusap ng liham, sinasabi ang aksyong dapat
gawin sa mapitagang pamamaraan.
Mahal na G. Manaloto:

Nalaman ko mula sa aking kaibigan na nagtatrabaho sa inyong kompanya na


nangangailangan kayo ng isang accountant, ang posisyong pinaniniwalaan kong posisyon na
ako ay karapat-dapat.

Ako ay nakakuha ng maraming pag-aaral at trainings sa accountant, at maaari n’yo


akong maasahan sa paggawa ng iba’t ibang financial statements, pag-analyze ng mga financial
statements, pag-record at pag-manage ng mga book of accounts. Maaari din ninyo akong
asahan patungkol sa taxes. Para sa karagdagan, naniniwala ako na masisiguro ko ang aking
katapatan at kasipagan na kung saan pinaniniwalaan ko na dapat maging katangian ng isang
mabuting empleyado.

Para sa aking natapos, ako ay graduate ng Business Law, Accounting and Management
sa University of Nevada in Las Vegas, USA. Naniniwala ako na ang training ko noong college ay
naghanda sa akin upang magawa ko ang aking malaking responsibilidad.

Para sa inyong kaalaman para sa aking intellectual na kakayahan, maaari kayong


sumangguni sa mga sumusunod na personalidad:

Prof. Benito Ramos, College of Business and Accountancy, University of Nevada in Las
Vegas, United States of America

Mr. Paolo Pasion. Chief Executive Officer, Alamang & Alige Inc. Shq Ave. Los Angeles,
Pampanga.

Ako po ay handang makipagkita at magreport sa inyong opisina para sa interview sa


oras na bakante kayo. Maaari ninyo akong mokontak sa mga numerong ito: 09153232323

Lubos na gumagalang,

5. Pamitagang pangwakas
Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam. Ito ay nagtatapos sa
kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (margin) ng liham, depende sa pormat na iyong pinili.
Madalas na ginagamit ang block style na pormat dahil hindi na nito kinakailangan ang anumang
indensiyon sa buong liham.

Halimbawa:

Lubos na gumagalang,
6. Lagda
Maglaan ang dalawang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda. Kadalasang kasama
rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman laging kinakailangan.

Halimbawa:

Lubos na gumagalang,

CHESTER F. DELA ROSA

You might also like