You are on page 1of 28

LIHAM PANG

NEGOSYO AT
MEMORANDUM
Introduksiyon sa Korespondensiya

• Sa mga klase sa komposisyon at


malikhaing pagsulat, ang mga
sulatin ay kadalasang nagsisimula sa
sarili.
• Sa kabilang banda, ang teknikal na
komunikasyon ay bihirang
nagbibigay-tuon sa damdamin ng
manunulat.
• Ang pakikipag usap sa pasulat na
paraan o ang tinatawag na
korespondensiya ay mahalaga sa
lahat ng larangan. Ang mga ito ay
mga record na nanghihikayat ng
tama at mabisang paraan ng pagsulat
ng mga kailangang sulatin sa opisina
upang maging mahusay sa kaniyang
trabaho.
• Kadalasang iisang tao lamang ang
pinadadalhan ng mga ito.
• Kailangang maging maingat sa
pagsulat ng mga ito ayon sa layunin
at sitwasyon ng korespondensiya.
Maaaring magdulot ng emosyonal
na tugon sa mga mambabasa ang
mga korepondensiya, dahil sa tao-
sa-taong estilo nito. Mahalagang
ingatan ang tono at ang
estratehiyang organisasyonal sa
pagsulat.
Liham Pangnegosyo

Karaniwang isinusulat ang


mga liham pangnegosyo para
sa mga tao sa labas ng
organisasyon o kompanya.
May iba’t ibang sitwasyon na
sinasaklaw ang liham
pangnegosyo:
• Paghahanap ng trabaho;
• Paghingi ng impormasyon;
• Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw;
• Promosyon ng mga ibebenta at
serbisyo;
• Pagkalap ng pondo;
• Pagrerehistro ng mga reklamo;
• Pagbibigay ng tulong para sa
pagsasaayos ng mga patakaran o
sitwasyon;
• Koleksiyon ng mga bayad;
• Pagbibigay ng instruksiyon;
• Pagpapasalamat at pagpapahayag ng
pagpapahalaga o pagkalugod;
• Pag uulat tungkol sa mga aktibidad;
• Pagbibigay ng magandang balita o
positibong mensahe;
• Pag aanunsiyo
• Talaan o record ng mga kasunduan
• Follow-up tungkol sa mga usapan sa
telepono; at
• Pagpapadala ng ibang dokumentong
teknikal.
Memorandum o Memo
Ang memo ay karaniwang
isinusulat para sa mga taong nasa
loob ng isang organisasyon o
kompanya. Gayunman, may mga
memo din na ipinapadala sa labas
ng kompanya o organisasyon sa
pamamagitan ng e-mail o kaya ay
telefax. Narito ang mga gamit ng
memo:
• Paghingi ng impormasyon;
• Pagkompirma sa kombersasyon:
• Pag-aanunsyo ng mga pagbabago sa pulong;
• Pagbati sa kasamahan sa trabaho;
• Pagpapadala ng mga document; at
• Pag-uulat sa pang araw araw na gawain.

Bagaman halos ktulad din sa liham


pangnegosyo ang paksang tinatalakay sa
memo, maraming panloob na ulat sa
paglalakbay (trip report), progress report, at
maikling proposal.
Maaaring lumikha ang bawat
kompanya ng isang istandardisadong
pormay ng mga korespondensiya,
ngunit dapat ingatan ng sumusulat na
maging labis na impersonal ang mga
ipanapadalang sulatin. Bukod sa
pagiging maikli,tiyak, malinaw,
tumpak at mapaghikayat, lahat ng uri
ng korespondensiya ay dapat may
perspektiba o estilong “iyo” o “ikaw”.
Pagsulat ng Liham Pangnegosyo
- Ang liham pangnegosyo ay isang
pormal na sulatin. Higit na pormal ito
kaysa sa isang personal na sulat. Sa
pagsulat ng isang liham pangnegosyo
nararapat na sundin ang karaniwang
pormat na margin na isang pulgada sa
bawat gilid ng papel. Ito ay
karaniwang isinusulat sa short bond
paper.
Anim na bahagi ng liham pangnegosyo

• Pamuhatan -
• Patunguhan
• Bating Pambungad
• Katawan
• Pamitagang Pangwakas
• Lagda
Pamuhatan
Nagmula sa salitang ugat na buhat na
ibig sabihin, pinagmulan o
pinanggalingan. Nagtataglay ito ng
adres ng nagpapadalang liham na
kadalasang nasa dalawa hanggang
tatlong linya lamang. Sa huling linya
kung saan nilalagay ang petsa.
Patunguhan
- Nagmula sa salitang “tungo” o ang
pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan
ng liham. Ito ang adres ng pinadadalhan
ng liham. Lagi itong nasa kaliwang bahagi.
Mahalaga ang patutunguhan upang
matukoy ang pinadadalhan ng liham. Mag-
iwan ng isang linyang espasyo sa pagitan
ng pamuhatan at patunguhan. Maglagay
rin ng isang linyang espasyo bago ang
pagbati.
Bating Pambungad
Laging pormal ang bating pambungad sa
isang liham pang negosyo. Karaniwang
nagsisimula sa mga salitang “Mahal na” na
sinusundan naman ng apelyido ng taong
sinusulatan. May titulo din ng taong
pinadadalhan liham. G. (Ginoo), Gng.
(Ginang), Bb. (Binibini) o kaya naman ay Prop.
(propesor) o Dr. (para sa Doktor. Ang bating
pambungad sa liham pangnegosyo ay
lagging nagtatapos sa tutuldok, hindi sa kuwit.
Katawan
Nasusulat bilang teksto o talata ng katawan
ng liham pangnegosyo. Hindi ito isinusulat
kamay, palagi itong typewritten o
compuretized. Depende sa estilo ng liham na
iyong gagamitin, maaaring may indensyon ang
mga unang linya ng mga talata. Ano pa man
ang pormat, maglaan ng isang linyang
espasyo sa bawat talata, sa pagitan ng
pagbati at ng katawan, at sa pagitan ng
katawan at ng pangwakas.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng liham
pangnegosyo:

• Sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat


na malinaw na ipahayag ang punong diwa at
ang buod ng nais sabihin.
• Maging magalang.
• Iwasan ang paggamit ng nananakot na
pananalita.
• Iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong
mungkahi.
• Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at
di-mahahalagang salita.
• Iwasan ang paggamit ng panghalip sa
unang panauhan lalo na sa unang
pangngusap o talata ng katawan ng
liham.
• Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat
isalaysay ang mga pangyayari at
magbigay ng mga katibayan hinggil sa
pangyayari o usapin.
• Sa huling pangungusap ng liham,
sinasabi ang aksyong dapat gawin sa
mapitagang pamamaraan.
Pamitagang Pangwakas
Isaitong maikling pagbati na
nagpapahayag ng paggalang at
pamamaalam. Ito ay nagtatapos sa
kuwit at kadalasang nasa kaliwang
gilid (margin) ng liham, depende sa
pormat na iyong pinili. Madalas
ginagamit ang block style na pormat
dahil hindi na nito kailangan ang
anumang indensiyon sa buong liham.
Lagda
Maglaan ng dalawang linyang
espasyo bago ilagay ang pangalan
ng taong lalagda. Kadalasang
kasama rito ang panggitnang inisyal
ng pangalan, bagaman hindi naman
laging kinakailangan.
Dalawang pangunahing Pormat ng
Liham
Ang dalawang karaniwang
pormat ang pagsulat ng liham
pangnegosyo: ang anyong
block at ang anyong may
indensyon.
1. Anyong Block (Block Form) – Lahat
ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa
katawan

2. Anyog may Indensiyon (Indented


Form) – nakapasok ang unang salita sa
bawat talata ang patunguhan ay nasa
kaliwang bahagi. Nasa kanan naman
ang pamuhatan at pamitagang
pangwakas.

You might also like