You are on page 1of 6

Carl Jazferd Tigol 12-28-19

Prog B 12 Hope Bb. Maria Lea Carmille Murillo


Filipino 3

Introduksyon sa korespondensiya

 Ang korespondensiya ay binubuo ng tinatawag na liham pangnegosyo, memorandom, at


electrinikong liham. Ang mga ito ay mga rekord na nanghihiayat ng aksiyon,
nakikipagtransaksiyon tungkol sa negosyo, at nagpapamatili ng tuloy-tuloy na daoy ng
lomunikasyon sa trabaho.
 Kadalasang iisang tao lamang ang pinadadalhan ng mga ito, ngunitmaaring dumami ang
mambasa, sapagkat ang orihinal na pinadalhan ay ipinapasa ang koresponddensiya sa iba o kaya
ang sumulat ay nagpapadala rin ng kopya sa lahat ng may kinalaman sa paksa.

Liham Pangnegosyo

 Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng organisasyon o
kopanya. May iba’t ibang sinasaklaw ang liham pangnegosyo:

PAGSULAT NG LIHAM PANGNEGOSYO

Ang liham pang negosyo ay karaniwang isinusulat sa 8 ½ “ X 11” na bond paper.

Ang liham pang negosyo ay may anim na bahagi ito ay ang:

1. Pamuhatan- Ito ay ang pinagmulan o pinanggalingan ng sulat.

2. Patunguhan- Ito ay ang papupuntahan, patutunguhan, o padadalhan ng liham. Sa makatwid, ito ang
adres ng pinadadalahan ng liham.

3. Bating pambungad- Laging pormal ang bating pambungad sa isang liham pang negosyo. Karaniwang
nagsisimula sa salitang “mahal” na sinusundan naman ng apelyido ng taong sinusulatan. Karaniwan ding
may titulo ang pinapadalahan ng liham. Ang titulo ay simpleng G ( Ginoo), Gng (Ginang), Bb ( Binibini),o
ang mismong titulo ng propesyon o katungkulang hawak ng taong pinadadalhan.

4. Katawan- Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pang negosyo. Ito ay hindi isunusulat
kamay, palagi itong typewritten o computerized.

5. Pamitagang pangwakas- Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam.


Ito ay nagtatapos sa kuwit ( ,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (Margin) ng liham, depende sa pormat
ng iyong pinili.

6. Lagda- Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda. Kadalasang
kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman laging kinakailangan.
1. Paghahananp ng trabaho.
Halimbawa ng Liham na Paghahanap ng Trabaho.

509 Gen.Mascardo St.,Little Baguio

Lungsod ng San Juan, Metro Manila

Ika- 14 ng Oktubre, 2009

Kagalang -galang na Manuel Villar

Municipal Mayor

Lalawigan ng Bulacan

Malolos, Bulacan

Kagalang-galang na Mayor:

Isang magandang umaga po ang ipinaaabot ko sa inyo.

Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang Marso sa Mount Carmel Academy. Wala na pong
pangtustus ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pong trabahong
permanente ang aking ama kaya po kami kinakapos sa buhay.

Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sa inyong tanggapan. Gusto ko po sanang
makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin
ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking makakaya.

Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay ninyo sa akin. Tatanawin kong malaking utang
na loob.

Sumasainyo,

Renz Domingo
2. Paghingi ng impormasyon.
Halimbaw ng Liham sa Panghingi ng impormasyon

506 Lakas St.

Bacood, Sta.Mesa

Ika-10 ng Setyembre,______

Ang Dekano

Kolehiyo ng Businesss Administration

Pamantasan ng Santo Tomas

Ginoo:

Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong


magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan kayo
magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung
anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa
application form.

Ipinaaabot kop o ang taos-puso kong pasasalamat.

Magalang na sumasainyo,

Luz Del Mundo

3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw.


4. Promosyon ng mga ibinibenta at/o serbisyo.

5. Paglakap ng pondo.

6. Pagrehistro ng mga reklamo.

7. Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon.

8. Koleksiyon ng mga bayad.


HALIMBAWA NG LIHAM PANG NEGOSYO KOLEKSIYON NG BAYAD.

143 Pinya Road

Masipag, Manila, 0059


Hunyo 7, 2019

MARIA MAGDALENA

Teacher

Malaya Elementary School

Malaya, Manila, Philippines

Mahal na Gng. Magdalena

Magandang Araw!

Ipinahahatid ng liham na ito ang tungkol sa inyong utang na nagkakahalaga ng P10,000 libong piso na
nag due noong June 18, 2019. Nais naming ipaalam sa inyo na binibigyan po naming kayo ng tatlong
araw upang bayaran ang inyong pagkakautang . Kung kayo ay hindi magbabayad ng utang ay mapipilitan
po kami na pandamantalang kunin ang inyong kolateral bilang kapalit sa inyong pagkakautang.

Naipaliwanag nap o naming ito noong kayo ay kumuha ng utang sa amin at nakasulat din po ito sa ating
kontrata.

Ikinagagalak naming kung gagawan ninyo agad ng aksiyon an gaming kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Marlon Beta,

ABC Company, Manager

9. Pagbibigay ng instruksiyon.
10. Pagpapasamalat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o pagkalugod.

11. Pag-uulat tungkol sa mga aktibidad.

12. Pagbibigay ng magandang balita o mensahe.

13. Pag-aanusiyo.

14. Talaan o rekord ng mga kasunduan.

15. Follow up tungkol sa mga usapan s telepono.

16. Pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal.

You might also like