You are on page 1of 56

FILIPINO SA PILING LARANG

LIHAM PANG
NEGOSYO
1. NAILILISTA ANG MGA KATAWAGANG TEKNIKAL
KAUGNAY NG PINILING ANYO (CS_FTV11/12PT-0G-I-
94)
NATUTUKOY ANG MGA BAHAGI, PORMAT AT
KATANGIAN NG LIHAM PANGNEGOSYO;
NAIISA-ISA ANG URI NG LIHAM PANGNEGOSYO;
AT
NAKABUBUO NG LIHAM PANGNEGOSYO BATAY
SA SITWASYON.
- Mga salitang ginagamit
partikular sa isang
larangan.
- Mga salitang ginagamit
TEKNIKAL
sa praktikal
komunikasyon
na
upang
NA SALITA
maghatid ng teknikal na
impormasyon
BAHAGI NG LIHAM
PANGNEGOSYO
1. PAMUHATAN- nagsasaad ng tirahan ng sumulat at
petsa kailan ginawa ang sulat.
2. PATUNGUHAN- dito nakasulat ang pangalan at
tanggapan ng pagbibigyan ng sulat.
3. BATING PANIMULA- nagsasaad ng magalang na
pagbati na maaring pinangungunahan ng Kagalang-
galang, Mayor, Mam, Sir at iba pa. Mahalagang
gumamit ng tugmang pagbati na nararapat sa taong
pagbibigyan ng sulat.
BAHAGI NG LIHAM
PANGNEGOSYO
4. KATAWAN NG LIHAM- naglalaman ng mensahe na nais
ipabatid ng sumulat sa kanyang sinusulatan. Nararapat na
maging tumpak, sapat at hindi maligoy ang pagpapahayag ng
layunin sa pagpapadala ng liham.
5. BATING PANGWAKAS - bahagi ng pamamaalam ng sumulat
tulad ng lubos na gumagalang, sumasainyo, matapat na
sumasainyo o magalang na sumasainyo. At ito ay nagtatapos sa
kuwit (,).
6. LAGDA- karaniwang naglalaman ng buong pangalan ng
sumulat, pagpapakilala at lagda.
MGA URI NG
LIHAM PANG
NEGOSYO
Liham Aplikasyon
liham na ginagamit upang
maiparating nang pormal ang
kagustuhang mag-aplay sa
trabaho o iskolarsyip.

Liham Pagpapakilala
ginagamit upang pormal na
mairekomenda ang isang tao sa
trabaho o ang isang bagay/ produkto
na ipinakikilala sa merkado.
Bb. Stephanie Delos Reyes
Human Resources Manager
123 Restaurant Inc.
ABC, Gil Street, Makati City
Magandang araw, Bb. Stephanie Delos Reyes,
Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para sa inyong kumpanya. Nais kong
ipaalam sa inyo na interesado ako na mag apply para sa posisyon ng chef ng Kare Restaurant Inc. Matagal na
akong kumakain sa Kare Restaurant Inc. at nais kong makatulong sa tagumpay ng ABC Restaurant Inc.
Ako ay may limang taong karanasan bilang isang chef sa Luna Hotel. Luna Hotel, natuto ako kung paano
humawak ng tao, kung paano magluto kahit na gahol sa oras, at kung paano pasabikin ang mga customers sa
pamamagitan ng masasarap na putahe.
Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking karanasan sa Luna Hotel Inc. Maaari
ninyo akong ma-contact nang kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking email (jose123@hmail.com) at
cellphone number (+639201234567).
Maraming salamat.
Lubos na gumagalang,
Jose Peter Piero
jose123@hmail.com
+639201234567
Block 88 Lot 18 Package 3 Phase 7B
Bagong Silang Caloocan City 1428
Ginoong Enrico Santos
Branch Manager
Santos Computer Center
Novaliches, Quezon City
Ginoo:
Magandang Araw!
Sa ngayon na ang panahon ay lubhang makabago hindi maipagkakaila na sabay - sabay nagsulputan ang
pangangailangan sa computer sapagkat ito ay malaking tulong sa pang araw - araw na gawain ninuman lalo
na ng mga mag - aaral na tulad ko.
Kaugnay po nito, nais kong ipakilala sa inyo ang aking kapatid na nais magtrabaho sa inyo blang isa sa mga
technician. Si Armando po ang aking pinakabatang kapatid ngunit sa kabila ng kanyang murang edad na 18
ay kaya niyang gumawa ng trabaho ng isang propesyonal. Hindi man po siya nakatapos ng kolehiyo marami
po siyang kaalaman at kasanayan pagdating sa mga computer.
Nawa'y mabigyan nyo din po siya ng pagkakataon upang mapatunayan ang kanyang kakayahan. Maraming
salamat po.
Lubos na gumagalang.
Ellen Santos
Liham Subskripsyon
ginagamit upang maiparating
nang pormal ang kagustuhan sa
subskripsyon ng pahayagan,
magasin at iba pa

Liham Pamimili
isinusulat upang pormal na
maipaabot ang kagustuhang bumili
ng paninda na ipadedeliber.
Setyembre 30, 2010
CANDY MAGAZINE
Makati City, Philippines
(02)698-9087
Sa kinauukulan:
Nakalakip sa liham na ito ang halagang LIMANG DAANG PISO (Php
500.00) para saisang taong suskripsyon ng Candy Magazine mabisa
ngayong ika-1 ng Oktubre.
Kung maari lamang ay ibigay sa akin ang buwanan kopya sa
tamang oras.
Maraming Salamat.
Bregania, Mae C.
AIXSHOPAVENUE Owner
Agosto 13, 2017

Bb. Patricia Tubay


Tubay’s Hardware Store
511 Richwood Street, Marikina

Bb. Tubay:

Pagbati!

Mangyari lamang po na kami ay padalhan ninyo sa B5 L2 Kabayani Street, Marikina ng mga sumusunod na produkto:

2 galong pintura – turquoise


1 brush roller 6 inches
1 brush roller 12 inches

Kalakip ng sulat na ito ang paunang bayad na nagkakahalagang 500 pesos. Ang balanse ay ibibigay naming sa araw
ng delivery.
Gumagalang,
Juan Santos
Liham na
Nagtatanong
liham na isinusulat upang pormal na
maipaabot ang kagustuhang
humingi ng impormasyon.

Liham na
Nagrereklamo
isinusulat upang pormal na maglahad
ng reklamo o hinaing.
Setyembre 30, 2020
Angela T. Laraman
Business Loan Officer
Bank of the Philippine Islands
Las Pinas City
Kagalang-galang na Business Loan Officer:
Maligayang pagbati!
Isinulat ko po ang liham na ito upang itanong ang sistema ng inyong institusyon ukol sa pagpapahiram ng
pera para sa mga negosyante. Kung inyong mamarapati’y nais ko po sanang tanungin ang mga patnubay
at mga kakailanganing katibayan upang makapag-aplay ng loan.
Ang aking negosyo, Avi’s Book Corner, ay isang kapehang nakasentro sa pagpapahiram ng mga libro sa
mga parokyanong tumatangkilik nito. Sapagkat kinakailangang bumili ng maraming napapanaho’t
magagandang mga libro, kinakailangan ng aking negosyo ng karagdagang 500,000 PHP upang
matustusan ang mga inisyal na pangangailangan nito.
Lubos po akong nagpapasalamat sa panahong inyong inilaan sa pagbabasa ng sulat na ito. Maaari niyo po
akong matugunan sa address ng sulatronikong ito o sa numerong 0991-123-4567. Libre po ako’t maaring
matawagan anumang oras.
Sumasaiyo,
Avrianna C. Gomez
Avi’s Book Corner
May-ari
Punong Barangay
Boyet corpuz
Barangay Tahimik
Lunsod Ng Manila
Octobre 4,2011
Butihing Punong Barangay,
Magandang umaga po sa inyo. Nais ko po sanang idulog sa inyong butihing tanggapan
ang problemang kinahaharap naming mga magkakapitbahay. Ang problema po namin ay
ang madalas na pag-iinuman ng mga kabataan sa harap ng aming mga bahay na
kadalasan ay inaabot hanggang madaling araw. Ito ay nagiging sanhi ng hindi namin
pagkakaroon ng maayos na pag tulog,dahil po sa nililikha nilang malakas na ingay,
malakas na tugtugan,at magka minsan pa humahantong sa kanilang rambolan,at
nakakabulahaw sa aming pagtulog.
Umaasa po kami ng lubos sa inyong maagap na pagtugon sa aming hinaing.
Lubos na gumagalang,
Darwin Marte
MGA KATANGIAN NG
LIHAM PANGNEGOSYO
Pormal at magalang ang mga Wasto ang pormat, mga
ginagamit na salita pananda at gramatika.
Maikli ngunit buo ang kaisipan o Wasto at sapat ang puwang
ideya. sa paligid (margin) at
Wasto at malinaw ang mga pahayag. pagitan (spacing) sa bawat
Maging natural na aninmo’y bahagi ng liham,
nakikipag-usap ng personal sa pangungusap at talata.
sinulatan, tinatawag itong
kumbersasyonal
1. Ano ang Liham
Pangnegosyo?
2. Magtala ng
limang sitwasyon
na kailangang
gamitan ng Liham
Pangnegosyo.
PROMO
MATERIALS
PROMO
NAKASUSULAT NG
MATERIALS
SULATING BATAY SA
MAINGAT, WASTO, AT ANGKOP NA
paggamit ng wika (CS_FTV11/12WG-0m-o-95)
a. naiisa-isa ang mga konsepto sa paggawa ng
promo materials;
b. nakasusuri ng isang halimbawa ng promo
materials; at
c. nakagagawa ng promo materials batay sa mga
nararapat isaalang-alang sa pagbubuo nito.
Anim na Konsepto sa
Promo Materials
1. PRODUKTO AT SERBISYO – MGA PRODUKTO O
SERBISYO NA INAALOK SA ISANG NEGOSYO.
2. ANG MERKADO O MARKET – TARGET NA MAMIMILI
NA MAY PARE-PAREHONG INTERES AT
PANGANGAILANGAN NA NAPAPALOOB SA ISANG
NATATANGING LUGAR.
3. PANGANGAILANGAN O NEEDS- AY MGA
PRODUKTONG SERBISYONG KAILANGAN NG MGA TAO
SA PARTIKULAR NA LUGAR.
Limang na Konsepto sa
Promo Materials
4. HINIHINGI O DEMAND – DAMI NG PRODUKTO O
SERBISYO NA HINAHANGAD NA KAYANG GASTUSAN
NG MGA TAO SA ISANG PARTIKULAR NA LUGAR.
5. PAGTUSTOS O SUPPLY- DAMI NG PRODUKTO NA KAYANG
IBENTA SA MERCADO.
6. KITA O PROFIT- KABUUAN NA HALAGANG PUMASOK SA
NEGOSYO KAPAG TINANGGAL NA ANG HALAGA NG
PUHUNAN O MGA GINASTOS SA PAGBUO NG PRODUKTO O
SERBISYO. ITO ANG HALAGANG PAKINABANG O TINUTUBO
SA NEGOSYO.
Bakit kinakailangang isaalang-
alang ang mga konsepto
UNA, KINALAILANGANG ANGKOP ANG NILALAMAN O
ANG MISMONG PROMO MATERIALS SA PRODUKTO O
SERBISYO NA GAGAWAN NITO, UPANG HIGIT NA
TUMATAK AT PUMATOK SA MGA TAGATANGKILIK.
IKALAWA, MAHALAGANG ISAALANG-ALANG ANG
MERKADO O MARKET UPANG MAGING ANGKOP ITO
SA MGA TARGET NA MAMIMILI.
Bakit kinakailangang isaalang-
alang ang mga konsepto
IKATLO, MAHALAGA RING NAKABATAY SA
PANGANGAILANGAN O NEEDS; HINIHINGI O
DEMAND; AT PAGTUSTOS O SUPPLY. DAHIL DITO
NAKADEPENDE ANG KITA O PROFIT SA PAGPILI NG
KLASE NG PROMO MATERIALS KUNG KAYANG
GASTUSAN NANG MALAKI ANG GAGAWING PROMO
MATERIALS.
Promo Materials
1.NAKALIMBAG
A.MAGASIN AT DYARYO
NAAABOT ANG MGA ESPISIPIKONG
SUBSCRIBER NG MAGASIN AT DYARYO
UPANG MAIPAKILALA ANG PRODUKTO
O SERBISYO.
Promo Materials
1.NAKALIMBAG
B.BROCHURE, PACKAGING AT
POSTERS
ISA SA MGA MABISANG PARAAN NA
HINDI KINAKAILANGANG GASTUSAN
NG MALAKI. MAAARING MAILAGAY
ANG KUMPLETONG IMPORMASYON NG
PRODUKTO AT SERBISYO.
Promo Materials
1.NAKALIMBAG
C.BILLBOARD
MADALAS NA UMAAGAW NG PANSIN
SA MGA TAO. KADALASANG MAS
NAGLALAMAN NG MGA IMAHE UPANG
MAS MAAGAW ANG TINGIN NG MGA
POSIBLENG MAMIMILI
Promo Materials
2.ELECTRONIKO
a.Telebisyon- komersyal na naririnig at
napapanood.
b.Radyo- komersyal na naririnig.
c.Internet at Cellphone- sa pamamagitan ng
mga mensaheng natatanggap hinggil sa inaalok
na produkto at promo.
Promo Materials
3.IBA PANG PAMAMARAAN
A.PROMO O REGALO-
PAGBIBIGAY NG MGA AYTEM TULAD
NG MGA BALLPEN, T-SHIRTS,
KALENDARYO AT IBA PA NA MAY
NAKALIMBAG NA NAGPAPAKITA
NGINYONG MGA PRODUKTO AT
PANGALAN NG KOMPANYA
Pagbubuo ng Promo
Materials
1.TUKUYIN ANG LAYUNIN NG
PROMOTION.
2.Isaalang-alang ang mga target na merkado.
3.Umisip ng mabisang estratehiya na pupukaw o
tatawag ng pansin ng mga mamimili. Mas unique
o kakaiba, mas pumapatok.
Pagbubuo ng Promo
Materials
4.PAGPLANUHAN ANG LALAMANIN NG
KABUUAN NG PROMO MATERIALS.
5.Gamitan ng mga salitang makahihikayat sa
merkado. Maging maingat sa pagpili ng mga
salitang gagamitin. Tiyaking wasto ang gamit ng
mga salita at madaling unawain.
Pagbubuo ng Promo
Materials
6.Pagtuunan ng pansin ang imahe o larawan na
gagamitin. Malaki ang ginagampanang papel ng
mga ito sa mga Promo Materials.
Anunsyo,
Paunawa at
Babala
PATALASTAS
Pangkalahatang tinatawag na patalastas ang
anumang paunawa, babala, o anunsyo.
Nagsasaad ang mga ito ng mahalagang
impormasyon sa tao.
ANUNSYO

Ang mga sulating pag-aanunsyo ay ang paraan


ng paglalahad ng mga kaisipan na nais iparating
sa mga nakikinig, mambabasa o manonood.
ANUNSYO
Karaniwang ginagamit ito sa pagpapabatid
tungkol sa isang bagong tuklas na produkto,
isasagawamg program, makabagong tuklas na
kaalaman, gagawing kaganapan at marami pang
iba
ANUNSYO
Karaniwang mababasa ang mga sulating ito sa
mga magasin, flyer, diyaryo, pamphlet, bulletin
board. Naririnig din ito sa mga radyo at telebisyon
ANUNSYO
Ang mga mag-aaral ng Tech-Voc ay inaabisuhan
na pumunta sa Opisina ng Kalihim sa Martes, ika-
31 ng Mayo mula ika-10 ng umaga hanggang ika-
12 ng tanghali para malaman ang mga asignatura
na kukunin sa susunod na semestre
ANUNSYO
Halimbawa
Liham
Memorandum
Patalastas na Ipinapaskil
Balita (pangkalahatan)
Paksa
Business Announcement
Event Announcement
ANUNSYO
PAUNAWA
Ang isang paunawa ay isang mensahe na
nagsasaad ng mahalagang impormasyon at
mistula din itong magsasabi kung ano ang maari
at hindi maaring gawin. Maarin ding pumaksa ang
paunawa tungkol sa anumang pagbabago ng
naunang nabanggit na impomasyon
PAUNAWA
PAUNAWA:
Gaganapin ang pagpupulong ng mag-aaral
sa Jose Rizal Hall sa halip na Marcelo del PIlar
Room.
PAUNAWA
PAUNAWA:
Inaabisuhan ang lahat ma mula ngayong
Lunes, ika-30 ng Mayo ay hindi na muna
magpapapasok ng mga tao sa building na ito.
BABALA
Ang babala ay nagsasaad ng maaring maging
panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng
tao. Maaring sa pamamagitan ng salita o larawn
maisasaad ang babala.
Mga Katangiang Dapat
Taglayin
1. Nakapupukaw ng pansin
2. Simple at mabilis maintindihan
3. Direkta ang pagbibigay ng impormasyon
4. Maingat, wasto, at angkop ang mga salita
5. Ginagamitan ng infographics
6. Malinis ang pagkakagawa
Mga Katangiang Dapat
Taglayin
1. Nakapupukaw ng pansin
2. Simple at mabilis maintindihan
3. Direkta ang pagbibigay ng impormasyon
4. Maingat, wasto, at angkop ang mga salita
5. Ginagamitan ng infographics
6. Malinis ang pagkakagawa
Mga Hakbang sa
Paggawa Patalastas
1. Alamin ang layunin
2. Alamin ang lugar na paglalagyan
3. Planuhing mabuti
4. Gawin nang buong husay

You might also like