You are on page 1of 58

Paggawa

ng Flyer
LAPATHA GRADE 12 (2017)
Layunin:
Sa katapusan ng aralin 100% ng mga mag-
aaral ang inaasahang makatatamo ng 75%
ng kasanayan na:
1. natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa
paggawa ng materyal pampromosyon
tulad ng flyers at leaflets;
2. nakagagawa ng mga materyal
pampromosyon tulad ng flyers at leaflets.
Ano nga ba ang flyers?

Ginagamit ang flyers sa


diseminasyon o pagpapakalat ng
impormasyon tungkol sa isang
personal na gawain o sa isang
negosyo. Karaniwang ginagamit
ito bilang promosyonal na
materyal.
Mahalaga ito para sa mga maliliit o
nagsisimulang negosyo sapagkat
nakatutulong ito na mapansin ng
mga tao ang kanilang mga
produkto o serbisyo
Karaniwang isang maliit na papel
ito na may lamang larawan at
maikling teksto,bagaman may
mga disenyong maaaring
isagawa,depende sa
nagpapakalat ng impormasyon.
Maaaring gamitin ang aplikasyong
Microsoft Publisher o Adobe
Photoshop sa pagbuo nito. Doon
ay mayroon nang mga gabay sa
bubuuing layout. Kailangan na
lamang maging maingat at
matalino sa isusulat sa nilalaman
Tips sa paggawa ng Flyer:
1. Sumulat ng pamagat. Kailangang
simple at malaki ang pamagat. Hindi
ito dapat hihigit sa limang
salita,kaysa dapat sa isang linya sa
pahina, at nakagitna. Dapat malaki
kaysa sa buong teksto ang lettering
ng pamagat upang makita ito ng mga
tao mula sa malayo.
Gumamit ng malalaking titik ( all
caps) at sans serif font tulad ng
arial. May serif ang mga pormal
na font tulad ng Times New
Roman at Antiqua. Mas simple
naman ang sans serif fonts.
Maaaring lagyan ng kulay ang
pamagat.
2. Gawing simple ang mensahe.
Dapat ay hindi na kailangang
basahin ng mambabasa ang
kabuuan ng flyer. Dapat
maunawaan na agad ito ng
titingin o babasa.
3. Magdagdag ng larawan o
grapikong presentasyon. Mas
natatandaan ng mga tao ang
mensahe sa tulog ng mga
kasamang imahen. Iwasan ang
sobrang daming larawan upang
hindi magmukhang siksik at
magulo ang flyer.
4. Maglagay ng deskripsyon sa
ibaba ng larawan. Nararapat na
maikli lamang ito,ngunit
detalyado na. Maaari itong
dalawa hanggang tatlong linya.
Gumamit ng malalaking titik para
sa mga susing salita. Gumamit ng
mapanghikayat na mga salita.
5. Huwag kalimutang ilagay ang
numerong dapat tawagan ng
mga taong nais tumugon o
interesado sa nilalaman ng
flyer.
6. Pagsasapubliko ng
impormasyon ang
pinakamahalagang bahagi sa
pagbuo ng flyer. Mamigay ng
kopya nito sa mga pampubliko
o matataong lugar.
Panoorin
Indibidwal na Gawain:

Bumuo ng Flyer hinggil sa


bonggang pagdiriwang ng iyong
Debut.
Gumamit ng short bondpaper sa
pagbuo nito bilang burador(draft).
Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos Iskor


1. Kompleto at malinaw ang 15
impormasyong inilahad.
2. Mahusay ang paggamit ng wika. 10
3. Malikhain at gumamit ng mga biswal 15
na elemento.
4. Malinis at maayos ang kabuuang 10
gawa
Kabuuan 50
Ano nga ba ang
Leaflets?
LAYUNIN:
• Natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa
paggawa ng materyal pampromosyon tulad ng
leaflets.
• Nakagagawa ng materyal pampromosyon
tulad ng leaflets batay sa napiling larangan
• Nakabubuo ng materyal pampromosyon tulad
ng leaflets nang may tiwala sa sarili
• Napapahalagahan ang sariling gawa ng
materyal pampromosyon tulad ng leaflets sa
pamamagitan ng pagbabahagi nito sa klase
Ano nga ba ang
Leaflets?
Ang leaflets tulad ng flyers ay uri ng
pampromosyonal na materyal.
 Mas malaki at komprehensibo
ang nilalaman kaysa flyers.
 Ang leaflets ay tinatawag ding
brochures o pamplets.
 Karaniwan itong isang buong
papel na itinutupi sa dalawa o
higit pang bahagi, na may iba't
ibang disenyo at teksyo ayon sa
partikular na layunin.
Paggawa ng Leaflet:
1. Planuhin ang mga detalyeng nais
ilagay sa leaflet. Bumuo ng Rough
layout.
2. Gumamit ng mga parirala para sa
mga pamagat at teksto.
3. Mas malaki ang espasyong
inilaan sa leaflets at maaaring
magdagdag ng impormasyon
tungkol sa produkto o serbisyo.
Maglagay ng web link na maaaring
puntahan ng mga interesadong
mambabasa kung may karagdagang
tanong
4. Maaaring gumamit ng Microsoft
Word o MPublisher.
5. Magsama ng mga larawan upang
maiwasan ang pagkakaroon ng
bulto ng teksto na hindi naman
babasahin ng mga tao.
6. Tingnan kung may mga
pagkakamali sa baybay at sa
gramatika.
7. Maglimbag ng mga sampol bago
ipamamahagi ang mga kopya
Maglagay ng web link na maaaring
puntahan ng mga interesadong
mambabasa kung may karagdagang
tanong
4. Maaaring gumamit ng Microsoft
Word o MPublisher.
5. Magsama ng mga larawan upang
maiwasan ang pagkakaroon ng
bulto ng teksto na hindi naman
babasahin ng mga tao.
Is a question that you ask
without expecting an
answer
Layunin:
Nailalad ang deskripsyon ng produkto
sa pamamagitan ng pagsulat ng
leaflets
ng leaflets
• Ano-ano ang dapat
isaalang-alang sa pagsulat
ng leaflets?
Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos Iskor


1. Kompleto at malinaw ang impormasyong 15
inilahad.
2. Mahusay ang paggamit ng wika. 10
3. Malikhain at gumamit ng mga biswal na 15
elemento.
4. Malinis at maayos ang kabuuang gawa 10
Kabuuan 50
Business Name:BRITNEY'S CLASSIC
RESTAURANT
HUWAG MAGMUKMOK...PAGKAIN ANG
IAALOK!(Catchy Heading)
Lahat naman tayo ang kumain. (Direct Address)Hindi ka ba
nagsasawa sa kinakain mo araw-araw?(Rhetorical Q.)Kaya
naman,nandito na ang Britney's Classic Restaurant, na
hinahanap-hanap n'yo!(Emotive).Nakasanayan na ng Pilipino
ang pagpunta sa maggandang hapagkainan at isa sa kanilang
mga tinatangkilik ang Britney's Classic Restaurant(Fact).
Siguradong makontento ka sa mga serbisyong handong
nito.(Opinion)At ayon sa pagsusuri nangunguna ang Britney's
Classic Restaurant nakakuha ng 90% na boto sa nakaraang
pagpili ng The most Addictive Restaurant” noong nakaraang
2015(statistics).Halina't sa BRITNEY'S CLASSIC RESTAURANT
ang iyong PERPEKTONG PINILI.(Aliterasyon)
Hard Shop Welding
HUWAG NANG MALUNGKOT..ANDITO NA AKO SA
INYO NAKATOTOK!
• Pansinin n'yo lahat naman tayo minsan ay malungkot(DA).
Pinagsisihan mo ba ang iyong trabaho sa pang-araw-
araw?(RQ).Kaya andito na ako ang “Hard Shop Welding” na
kinagigiliwan ng SMAW W(A).Na hinahanap-hanap ng mga
welder SMAW(E).Siguradong marami kapang matutuhan sa
shop ko at pwede ka pang mangibang bansa(O). Ayon sa
pagsusuri ang “Ang Hard Shop Welding” ay nakakuha ng
mataas na boto 96% bilang “The most Shielded Metal Arc
Welding noong nakaraang 2016”.(S)Kaya halina't huwag ng
patumpik-tumpik pa sa Hard Shop Welding na inyong
nagustuhan at napili.(A)
Business Name:Quality Grills
HUWAG MAGTIIS! QUALITY GRILLS NANDITO NA!
Lahat naman tayo ay naghahangad ng de-kalidad at
magandang disenyo na “Window Grill”(Direct Address). Hindi
kaba nababagot sa tuwing nakadungaw ka sa iyong bintana na
walang grill?(Rhetorical Q). Kaya naman, nandito na ang de-
kalidad na Window Grills na patok na patok para sa inyong
bahay!(Emotive).Ang grills na maganda,maaasahan at mura
na!(Aliterasyon).Siguradong hindi ka magsisisi sa ganda ng
kalidad ng Quality Grills(Opinion).Batay sa pagsusuri dinadayo na
ngayon ang Quality Grills dahil sa nakakuha ito ng pinakamataas
na rating na 90% at ginawaran ng “The Most Quality Grills
Nationwide” noong nakaraang taon 2017(Statistics).Kaya dito na!
Grills na maaasahan,de-kalidad at swak sa bulsa.(Power of tree)
Business Name: KEN AUTOPARTS AND
SERVICING
HUWAG KANG MAINIS,SASAKYAN N'YOY MAGIGING MABILIS
Lahat naman tayo naghahangad nang maayos na sasakyan(DA).
Hindi ka ba naiinis sa iyong sasakyang tumitirik?Kaya naman
andito na ang “KEN AUTOPARTS AND SERVICING” nsa
kinakailangan n'yo!(E).Kinahiligan na ng mga Pilipino na dayuhin
ang iba't ibang destinasyon kaya sa “KEN AUTOPARTS AND
SERVICING”sila nagpapaayos para sa magandang biyahe(F).
Garantisadong makontento ka sa mga serbisyong handog
namin(O). At ayon sa pagsusuri nangunguna ang “KEN
AUTOPARTS AND SERVICING”na nakakuha ng 93% na boto upang
maturing na “Most Reliable Servicing” sa bansa noong 2016
(Stat).Dayuhin ang “KEN AUTOPARTS AND SERVICING”-
Garantisadong biyahe n'yoy gagaan at gaganda(Ali).
Business Name: CAR CLEANER
CAR LINIS! ALIS DUMI!
Abot kayang halaga , pasok pa sa bulsa n'yo (DA).Nakapapagod
talaga kung palaging nililinisan ang kotse diba?(RQ)Totoo na !
nandito na!pinaka-High Tech,pinakabagong “CAR CLEANER” na
hinahanap at hinahabol-habol ninyo!(E)Ito ay no. 1 sa Japan
Certified Good product sa Toyota Ferarri Corp.”(F)Best Car
Cleaner sa buong mundo dahil sa 99.9% at plus 00.1 para sa sure
na alis dumi Formula nito,na sinuri nang mga mabuting
ekspertong USA Scientifico.(ST)So anong hinihintay n'yo?
Malinis,Makinis at siguradong Maganda ang labas ng kotse
n'yo.(A).
Business Name: RHEM'S
ELECTRONIC SHOP
Paunlarin ang kalidad ng pamumuhay!!!
Lahat naman tayo ay nakaagapay sa teknolohiya.
Gusto mo ba ng makabagong kagamitan? kaya
nandito na ang Rhemz Electronic shop na
hinahanap-hanap nyo ! Nakasanayan na ng ating
mga kababayan na nakatira sa Lapu - lapu city
ang pagbili ng mga kagamitan na kanilang
tinatangkilik sa Rhemz Electronic shop.
Siguradong makukontento kayo sa serbisyong
alay nito. Ayon sa pagsusuri ang Rhemz

You might also like