You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang (FPL) TechVoc

KABANATA 3, Aralin 7
FLYERS, LEAFLETS, AT PROMOTIONAL MATERIALS: Batayan sa Pagbuo ng Flyers, Leaflets, at
Promotional Materials

PANIMULA:
Ang flyer/leaflet at ano pa mang promotional material ay ginagamit upang palaganapin ang kaalaman
tungkol sa isang produkto o serbisyo nang ito’y tangkilikin ng mga maaaring may kailangan o kagustuhan dito.

Ang mga ito ay nagbibigay impormasyon rin sa mga mamimili o kung sinumang makababasa ng mga ito.
Kapansin-pansin din ang pagiging tiyak at direkta ng mga impormasyong nakasulat sa mga ito. Hindi maligoy ang
pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa.

PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG FLYER AT LEAFLET sa ibang promotional materials:

Pagkakatulad:
a. Ang mga flyer at leaflet ay kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang.
b. Kalimitang ginagamit ang mga ito bilang handout, ipinamimigay upang maipakilala ang isang
produkto o taong ikinakampanya.
c. Ginagamit din ito bilang pabatid sa mga okasyon o bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa
isang bagong kainan, pasyalan o produkto, at ibang patalastas.

Pagkakaiba:
a. Ang mga iba pang mga promotional material katulad ng brochure ay kalimitang mas mahaba sa isang
pahina.
b. Kalimitan ding nakatupi ang mga ito na siyang nagtatakda ng pagkakahati-hati ng mga impormasyong
nakasulat dito. Nagsisilbing gabay ang brochure sa mga mamimili dahil naglalahad ito ng higit na
detalyadong paglalarawan sa isang produkto.
c. Samantala, nagagamit din bilang promotional material ang poster na kalimitang nasa mas malaking
sukat kaysa sa mga naunang nabanggit na may higit na kaunting salitang nakasulat upang mas
mapagtuunan ng pansin ang biswal na paglalarawang nakalagay rito.

LAYUNIN NG IBA’T-IBANG URI NG PROMOTIONAL MATERIALS:

Mahalaga na ang mga flyer at iba pang promotional materials ay makatawag-pansin sa mga nakakakita
nito, nang sa gayon ay makamit ang layunin nitong:

 makapagbigay impormasyon hinggil sa isang produkto at,

 makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga ito.

 TANDAAN: Importante ang disenyo, konsepto, at tekstong nakapaloob sa gagawing promotional


material. Nakaaapekto ito sa pagpukaw ng atensiyon at sa magiging dating at tatak ng mga ito sa mga
makakakita.

SANGGUNIAN NG MGA BABASAHING HALIMBAWA:


Frequently Asked Questions Tungkol sa Modern Methods ng Family Planning. Retrieved from: www.doh.gov.ph
Ibang Sangguniang Maaaring Suriin:
A. Tamang Kaalaman sa Pag-aalaga ng Hayop.
B. Paano mag-apply para sa supply/transfer at terminasyon ng account?
C. Garantisadong Pambata
D. Pumuputiputitap poster
E. Grand Pakin Poster

BAHAGI NG ISANG PROMOTIONAL MATERIAL:

Ilan sa mga batayang impormasyong kalimitang makikita sa mga promotional materials ay ang sumusunod:

a. pangalan ng produkto
b. paglalarawan sa produkto
c. tagline ng nasabing produkto o kompanya
d. larawan o ilustrasyon
e. impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa flyer o promotional material.

KATANGIAN NG ISANG Promotional Material:

 Detalyado ang pagkakabuo ng nilalaman nito.


 May mga katanungan at tiyak na kasagutan para sa mga ito.
 Madaling basahin at unawain ang mga nilalaman nito na mainam para sa target na mambabasa ng mga
promotional material.
 Impormatib
 Mapapansin ding may mga larawan at kulay ang mga flyer upang higit na makapukaw ng atensiyon sa mga
mambabasa.
 Kahit ang pagpili ng estilo ng font (para sa lay-out) ay isinasaalang-alang sa pagsulat ng mga ito. Marapat
lamang na malinaw at madaling basahin ang gagamiting font sa paggawa ng promotional materials.

PANG KABUUANG ITSURA NG MATERYALES?

 mas kakaunting teksto ang nakasulat ngunit higit na maraming larawan at makulay ang kabuuan nito.
 Kahit pa mga susing salita lamang ang nakalagay, madali namang maunawaan ang nilalaman dahil sa mga
ginamit na salita.

SA MATERYALES NA PAWANG POSTER:

 tanging mga batayang impormasyon lamang hinggil sa gawaing ipinababatid ang nakalagay maliban sa
larawan nito at kalimitang ipinapaskil sa mga pampublikong lugar upang mabasa at makita ng maraming
tao.

PANGKABUUANG BATAYAN NG ISANG MATAGUMPAY NA PROMOTIONAL MATERIAL:


1. Ang mga promotional material ay nagsisilbing gabay tungkol sa isang produkto o serbisyo.

2. Sa pagsulat ng mga promotional material, panatilihin ang pagiging tiyak sa mga impormasyong itatala.

3. Mahalaga ring tandaang layunin nitong manghikayat kung kaya’t ang mga impormasyong isusulat
dito’y marapat na makatawag-pansin sa mga makakabasa nito.
4. Mahalaga rin ang anyo, kulay, teksto, at pagkakabuo ng mga promotional material Maaaring
gumamit ng mga aplikasyon sa kompyuter para sa mabilis na paggawa ng mga ito.

5. Binubuo ang ito ng pangalan ng produktong nais ipakilala o ikampanya, mga tiyak na
impormasyong hinggil dito, mga piling larawan upang higit na maging malinaw ang pagpapakita sa
ibig ipatangkilik, tagline, at iba pang mahalagang impormasyong makatutulong sa layunin ng
ginagawang flyer o promotional material.

6. Pormal ang kadalasang paggamit ng wika sa pagsusulat ng flyer at promotional materials at maaaring
kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho o larangan.

PAGBIBIGAY DIIN: Mahalaga ang mga promotional materials sapagkat nakatutulong ito sa mas epektibong
paglalarawan at panghihikayat.

You might also like