You are on page 1of 9

Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc Ang

Pagbuo ng Flyers at Leaflets Ikalawang


Kuwarter–Ikatlong Linggo

Pangalan: Loyola, Reylene Grace A.


Strand at Seksyon: ICT-1203
Guro: Bb. Lynette Mandap.
Petsa: June 7, 2021
Balik Tanaw
Ibigay ang mga paglalarawan sa mga dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng menu ng pagkain. Itala mo ito sa talahanayang nasa
ibaba.

Mga Dapat Isaalang- Paglalarawan


alang sa Pagsulat ng
Menu
1. Hitsura Layunin nitong paglawayin ang tumitingin
sa litrato upang masigurong
pipiliin ng tagatangkilik ang pagkain na
kaniyang nakita. Inaasahan dito ang
pagiging kakaiba ng kulay o presentasyon
ng pagkain at salitang gagamitin upang
mailarawan ito.
2. Tekstura Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng
pagkain na nakikita sa menu at
kung gaano kaartistiko ang pagkakahain
upang mas maging kapana-panabik ito
sa mga tagatangkilik. Inilalarawan dito
kung ang manok ba ay malutong,
makatas, malasa, at iba pa o di naman kaya
kung ang cheesecake ba ay makrema,
malambot, pino, matamis, o iba pang
paglalarawan.
3. Lasa Ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung
bakit binabalik-balikan ng mga
tagatangkilik ang produkto. Sa menu,
inaasahang mailalarawan kung ano ang
lasa ng pagkaing nakikita nila bago pa
man bumili ang mga tao. Halimbawa,
matamis, maalat, maasim-asim,
maanghang, at iba pang uri ng
paglalarawan.
Tandaan, sa pagbibigay-deskripsyon ng
pagkain lalo’t kung ikaw ay
maaatasang lumikha ng menu,
siguraduhing mahusay at detalyado mong
mailalarawan kung ano ang hitsura,
tekstura, at lasa nito. Ang tanging
batayang prinsipyo ukol dito ay magpokus
sa panlahat na konsepto ng
iyong inihahain sa pamamagitan ng
pagtalakay sa lasa at amoy nito
upang maakit ang kakain.
Gawain
Kumuha ng isang halimbawa ng flyer at leaflet. Idikit ito sa
bukod na papel at sagutin ang sumusunod na tanong:
Jollibee Leaflet
Jollibee Flyer
a. Anong impormasyon ang nilalaman ng flyer / leaflet?
Sa unang larawan makikita ang leaflet ng Fast food chain na Jollibee naglalaman ito ng

litrato ng mga pagkain na ang tawag ay kids meal party. Ang bawat pagkain ay may kanya

kanyang package name bilang ata halaga at meron din itong deskripsyon na nakapaloob .

Ang impormasyon na nilalaman ng Party Kids Meal Leaflet ay sa mga gusto mag avail ng

party sa Jollibee dito maaring pumili ang mga customers ng portion na gusto nilang ilagay

sa party pwede sila mag avail up to 4 na pagkain sa party ayon sa nakapaloob sa leaflet.

Meron din dito na pwede sila mamili ng kanilang desserts and drinks na naayon sa

kagustuhan nila. Samantala sa flyers naman ng Jollibee nakapaloob rito ang na maari silang

makasave ng 30 pesos pag inavail nila ang fried chicken at burger with fries. Meron din

silang free large nestea pag ito ay kanilang inavail. Kabuuan ay nagbibigay ng promo ang

flyer ng Jollibee

b. Mahusay ba ang paraan ng pagkakagawa ng flyer / leaflet?


Ipaliwanag.
Mahusay ang pagkakagawa ng leaflet at flyer ng Jollibee. Una sa leaflet ng Jollibee ang

bawat pagkain ay planado sa kani kanilang package at presyo ay nakapaloob rin dito

organisado at planado ang pagkakagawa malinaw rin ang mga deskripsyon na

nakapaloob sa leaflet ng Party Kids Meal. Nakakaakit ang kulay at tama ang fonts at

theme na ginamit. Gayundin ang sa flyers ang heading ay kaakit akit ang design at bawat

impormasyon na nakapaloob ay naayon sa flyer.


c. Anong tips sa paggawa ng flyer at leaflet ang natagpuan sa
halimbawa?
Flyer
1. Sumulat ng pamagat. Kailangang simple at malaki ang pamagat. Hindi ito dapat
hihigit sa limang salita, kasya dapat sa isang linya sa pahina, at nakagitna. Dapat
mas malaki kaysa sa buong teksto ang lettering ng pamagat upang makita ito ng
mga tao mula sa malayo.

2. Gawing simple ang mensahe. Dapat ay hindi na kailangang basahin ng


mambabasa ang kabuuan ng flyer. Dapat maunawaan na agad ito ng titingin o
babasa.

3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas natatandaan ng mga tao


ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahe. Iwasan ang sobrang daming
larawan upang hindi magmukhang siksik at magulo ang flyer.

4. Maglagay ng deskripsiyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na maikli lamang ito


ngunit detalyado na.
Leaflets
Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri din ng promosyonal na materyal. Gayunman,
higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa sa flyers.
May iba’t ibang dahilan sa pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding
brochures o pamphlets. Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang
negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan, para sa isang
adbokasiya o pangyayari.

Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi na
may iba’t ibang disenyo at teksto ayon sa partikular na layunin.

d. Ano ang mga nakikita mong kahinaan ng halimbawang flyer at leaflet?


Ang leaflet at flyer ng Jollibee wala ako Nakita na kahinaan nito bagkus ay kumpleto ito
at kaakit akit. Kumpleto ang impormasyon nakapaloob dito.
e. Kung ikaw ang gagawa ng flyer at leaflet, paano mo ito dapat na buuin?
Sa flyer ay nararapat na sundin ko ang pagsulat ng flyer bilang baguha kailangan akma

lahat ng impormasyon na ilalagay ko lalo na ang mga design at litrato ay akma at kaakit

akit. Sa paggawa nmn ng lealflet mas mainam na tupiin ko ito pero una sa lahat balak ko

na gumawa ng leaflet patungkol sa COVID 19 nakapaloob rito ang safety guidelines pag

dapat at hindi gawin tuwing pandemya.

Tandaan
Dugtungan ang sumusunod na salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap:
1. Sa paggawa ng flyer, dapat kong isaalang-alang ang mga promosyon, kailangan isaisip ang

reputasyon at imahe ng kompanya habang iniaakma ang mga gawain sa target market. sa

materyal na pinakatanggap ng mga konsyumer at pinakamalapit ang representasyon sa

kompanya. Kinakailangang bumuo ng temang angkop sa layunin ng promosyong isinasagawa.

Ang tema ang nagsisilbing inspirasyon sa pagbuo ng mga ilalapat na salita at disenyo sa materyal

na pampromosyon. Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin. Magsagawa ng testing

sa partikular na mga materyal hanggang maging matagumpay

2. Sa paggawa ng leaflet, dapat kong isaalang-alang ang mga Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri
din ng promosyonal na materyal. Gayunman,
higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa sa flyers.
May iba’t ibang dahilan sa pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding
brochures o pamphlets. Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang
negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan, para sa isang
adbokasiya o pangyayari.

3. Mahalaga ang mga promosyonal na materyal sa negosyo dahil

Ang mga pampromosyong produkto ay kapaki-pakinabang na nahahawakan na mga item

na naka-imprinta na may pangalan, logo o mensahe ng isang advertiser na idinisenyo

upang madagdagan ang kamalayan ng tatak sa mga consumer. Ang mga pampromosyong

produkto ay isang hindi kapani-paniwalang makapangyarihang tool sa marketing dahil

pinapayagan nila ang isang tatak na kumonekta sa mga mamimili sa pamamagitan ng pag-

iisip.

You might also like