You are on page 1of 15

11

FILIPINO SA
PILING
LARANG
Tech-Voc

1
LINGGO
FILIPINO SA PILING LARANG
Ikalawang Markahan 6
Unang Edisyon, 2020

GRADE 11
FILIPINO SA PILING
LARANG
Tech-Voc
Liham Pangnegosyo
Ikalawang Markahan
Ikaanim na Linggo

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: GENALIN V. CEBALLO

Editor:
Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: , CID Chief


, SDO EPS In-charge of LR
, EPS In-charge of LR
, EPS Subject Area In-charge
, Librarian
, Teaching Aid Specialist

1
Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learners Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang Modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-
aaral na madaling matutunan ang mga aralin sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao.

Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng


tamang paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag -unlad
nila sa pag-unawa sa pagpapakita ng kakayahan ng may tiwala sa sarili na ka-
nilang magiging gabay sa mga sumusonod na aralin.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain


at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang


pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
I Alamin

Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw na mag-aaral ay


inaasahang:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa:
a. kahulugan,
b. kalikasan, at
c. katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal.

Subukin
I

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay bahagi ng liham-pangnegosyo kung saan nakalagay ang pangalan o


mismong lagda ng nagpadala ng liham.
A. Petsa C. Ulong-sulat
B. Katawan ng Liham D. Lagda
2. Matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa pangkontak
sa ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong nagtataglay ng logo
ng nasabing kompanya o institusyon
A. Bating Pangwakas C. Ulong-sulat
B. Katawan ng Liham D. Bating Pambungad
3. Inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng
liham; kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito.
A. Patunguhan C. Lagda
B. Katawan ng Liham D. Petsa
4. Ito ay maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham.
A. Ulong-sulat C. Katawan ng Liham
B. Petsa D. Bating Pambungad
5. Ito ay nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham
A. Katawan ng Liham C. Bating Pangwakas
B. Ulong-sulat D. Lagda

3
D Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

https://www.mindfood.com/article/benefits-of-handwriting-letters/

1. Anong kaisipan ang ipinapahayag sa larawan?


2. Ano ang naaalala ninyo tungkol sa pagsulat ng liham
3. Bakit kayo sumusulat ng liham? Para kanino ang liham na isinusulat
ninyo?
4. Tungkol saan ang kadalasang nilalaman ng liham na isinusulat ninyo?

Pagyamanin
I

Bahagi ng Isang Liham-Pangnegosyo


1. Ulong-Sulat – matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasy-
on sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong
nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya o institusyon
2. Petsa – nagsasaad kung kailan isinulat ang liham
3. Pamuhatan - bahagi ng liham pangnegosyo na naglalaman ng tirahan/
kumpanya ng pinagmulan ng sulat, telepono, fax, e-mail at petsa
4. Patunguhan – inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong
ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig patunguhan
nito
5. Bating Pambungad – maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham
6. Katawan ng Liham – nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham
7. Bating Pangwakas – maiksing pagbati bago wakasan ang liham
8. Lagda – pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham

4
Bahagi ng Isang Liham-Pangnegosyo

____________________________________________________
____________________________________________________
Ulong-Sulat

Petsa ___________________________

__________________________
Pamuhatan
__________________________

____________________________
____________________________
Patunguhan
____________________________

___________________________ Bating Pambungad

Katawan ng Liham

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bating Pangwakas _________________________


Lagda _________________________

5
Mga Halimbawa ng Liham-Pangnegosyo
1. Liham Kahilingan 4. Liham Pag-aaplay
2. Liham Pag-uulat 5. Subskripsiyon
3. Liham Pagkambas 6. Pagtatanong

Sampung mga Katangian ng Mabisang Sulat-Pangnegosyo


1. Nababasa: nagpapahintulot sa pinatutunguhan ng iyong sulat na tumutok
sa iyong kahulugan, hindi ang iyong estilo ng pagsulat.
Isulat ang paraan mo ng pakikipag-usap
Pag-iba-ibahin ang haba ng mga pangungusap (average na 20 salita) at
konstruksyon
Gumamit ng mga salitang kilos
Maingat na piliin ang aktibo o pasibong tinig
Pumili ng pamilyar, tiyak (hindi abstrak) na mga salita
Gamitin nang epektibo ang mga talaan listahan, headings at espasyo
Panatilihin itong maikli at simple (KISS)
2. May Konsiderasyon: tinitiyak na hindi masaktan ang damdamin o
maihiwalay ang mambabasa
Iwasan ang language bias (kasarian, kultura, relihiyon, edad, sekswal na
oryentasyon)
Iwasan ang marahas na paraan ng pananalita
Iangkop ang pagpapatawa
3. Personal: paghahatid ng mensahe sa mga mambabasa sa halip na mula
sa mga manunulat
Kung angkop, madalas gamitin sa iyong pagsulat ang pangalawang perso-
na tulad ng “ikaw”
Kapag ginagamit ang ikatlong persona, isipin kung paano mo maaring
iderekta ang mensahe sa iyong mambabasa.
Isaalang-alang ang damdamin at ang mga pangangailangan ng iyong
mambabasa at ang kanilang pananaw
4. Positibo: gamit ang isang tonong nanghihikayat ng isang positibong inter-
pretasyon
Gawing masaya at ang tonong “can do”
Bigyang-diin ang positibong impormasyon sa pamamagitan ng paglalagay
nito sa simula o dulo ng mensahe
Kung kinakailangan, gamitin ang pag-uulit para sa nagbibigay-diin ng
positibo
Talakayin ang mga salik na nakaiimpluwensya, kadahilanan at nag-
mumungkahi ng mga benepisyo ng mga mambabasa bago magpakilala ng
negatibong impormasyon
5. Aktibo: gamitin ang aktibong tono na nakapokus sa tagapagsagawa
Palagiang gamitin ang aktibong tono upang maging mas mariin at maiksi
Piliin ang pasibong tono kung paano nais mong itago ang pagkakakilan

6
lan ng tagapagsagawa
6. Pinag-isa: kabilang lamang ang tanging impormasyon na may kaugnayan
sa pangunahing mensahe
 Tiyaking lahat ng mga ideya sa dokumento ay kaugnay ng pangkalaha-
tang layunin
Tanggalin ang hindi kailangang mga detalye
Malinaw na ipahiwatig kung paano nagkakaugnay-ugnay ang mga ideya
sa loob ng mga pangungusap.
Suriin ang talata. Hindi ito dapat naglalaman ng higit sa isang
pangunahing ideya
7. Magakakaugnay: ang mga pagkakaugnay ng mga ideya at paggawang
simple sa mga ito upang madaling maunawaan
Tiyaking ang mga aytem sa isang serye ay may pantay na istraktura
Ipakita ang relasyon sa pagitan ng mga ideya sa pamamagitan ng pag-
gamit ng mga salitang pangkonekta (at, kung, kapag, bago, pagkatapos)
Itala ang mga aytem sa isang serye upang makita ito
Linawin ang ugnayan sa mga bilang
Gamitin ang mga pamagat upang bigyang-diin at ipakilala ang
pangunahing ideya
Suriin ang mga biting konstruksyon at mga misplaced modifiers
8. Malinaw: madaling maunawaan ang mga mensahe sa unang pagkakata-
ong ito ay basahin.
Linawing buuin ang iyong mga ideya nang sa gayon ay walang hindi
masasagot na mga katanungan
Paggamit ng tiyak na wika, kongkreto at malinaw
Gawing naaangkop para sa layunin at madla ang antas ng wika
Tiyaking ang mga ginamit na salita ay pamilyar sa mambabasa
Bigyang-kahulugan ang mga hindi pamilyar na terminong pangteknikal
at mga gamit na akronim (particular na mahalaga kung may pangalawang
mambabasa / tagapakinig
9. Maikli: pagiging matipid sa mga salita
Tanggalin ang mga ekspresyong gumagamit ng maraming salita
Alisin ang mga hindi orihinal na parirala
Iwasan ang mga hindi kinakailangang pag-uulat
Palitan ang mga katawagang abstrak
10. Kumpleto at maayos: tinatanggal ang mga mali upang matiyak ang pag
-unawa at katotohanan
Kumpirmahin na ang lahat ng mga pangungusap ay kumpleto at
nakaayos
Suriin ang iyong baybay
Huwag pagkatiwalaan ang Spell/Grammar Check upang mahanap ang
lahat ng mga kamalian
Bumili at gumamit ng isang diksyunaryo, ang isang tesauro, at posibleng
isang gabay na istilo
Hangga’t maari, gumamit ng isang peer editor
7
Isagawa
E

Gawain 2. Suriin ang mga impormasyon sa ibaba. Iayos ito ayon sa bahagi ng
liham pang-negosyo. Isulat ito sa kwaderno nang paliham.

1. Ang samahan ng San Diego Crusaders Club ang naglalayong


makatulong sa ating mga mamamayan na nais magtayo ng sarili nilang
negosyo. Bilang pagsuporta, ay magsasagawa kami ng Lektyur/Seminar
kung paano makakapagsimula ng sariling negosyo, paano mapapaunlad
ang negosyo at ano-ano ang mga teknik na dapat isaalang-alang sa
pagnenegosyo. Magsasagawa din ng demonstrasyon kung paano gumawa
ng iba’t-ibang produkto na maaaring pagkakitaan.

Kaugnay nito, hinihiling naming magamit ang ating Covered


Court para sa mga binanggit sa itaas na gawain sa Enero 15, 2021, 8:00
nu—5:00 nh.

Nais din po namin kayong anyayahang dumalo sa gawaing ito


bilang panauhing pangdangal. Isa po itong malaking karangalan para sa
amin na makasama kayo sa ganitong pagkakataon.

Lubos po kaming umaasa na ang aming kahilingan ay inyong


pauunlakan.

Maraming salamat po sa anumang pabor na ibibigay ninyo

2. Matapat na sumasainyo,

3. KGG. JOSE V. REYES


Punong Bayan
San Diego, Rizal

4. San Diego Crusaders Club


216 A Luna St.
San Diego, Rizal

5. MANUEL R. PATAPAT
Pangulo, SDCC

8
6. SDCC SAN DIEGO CRUSADERS CLUB
San Diego, Rizal

7. Ika–16 ng Disyembre, 2020

8. Mahal naming Punong Bayan:

Mga tanong:
1. Ano ang naging batayan mo sa pagsagot sa gawain?
2. Naging madali o mahirap ba para sa iyo ang pagbuo ng liham pang-
negosyo? Bakit?
3. Ano ang karaniwang nilalaman ng isang liham-pangnegosyo?
4. Saan kadalasang ginagamit ang isang liham-pangnegosyo?
5. Ano-ano ang mga kadahilanan bakit sumusulat ng liham-pangnegosyo
ang isang indibidwal?

Linangin
E

Gawain 3: Mag-isip ng mga paksang maaring lamanin ng isang liham-


pangnegosyo. Isulat ang mga paksang naisip at pumili ng isang paksa at
gawan ito ng liham.

Mga tanong:

1. Ano-ano ang mga paksang iyong naisip na maaring lamanin ng isang


liham-pangnegosyo?
2. Tungkol saan ang napili mong gawan ng liham?
3. Ano ang kahalagahan ng liham-pangnegosyo?

9
E Iangkop

Gawain 4. Mula sa mga espesipikong trabaho na nakatala sa ibaba, pumili ng


isang trabaho at isulat kung anong liham-pangnegosyo ang maaring gamitin.
Ilarawan ang mga katangiang ginagamit sa pagsulat ng liham-pangnegosyo sa
nasabing trabaho.
1. automotive servicing
2. barbering
3. bertending
4. beauty care services
5. bread and pastry production
6. catering
7. commercial cooking
8. driving
9. food and beverages
10. food processing
11. hilot (wellness)
12. massage therapy
13. tailoring
14. technical drafting
15. visual graphic design

Rubric (3 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa)

1 2 3

Nakapili ng isang trabaho ayon sa ka-


gustuhan

Nakapagsaliksik ng halimbawa ng
liham pangnegosyo na ginagamit sa
napiling trabaho

Nakapagtala ng mga katangiang dapat


isaalang-alang sa pagsulat ng isang
liham pangnegosyo

10
A Isaisip

Gawain 5
Bilang mag-aaral sa Tech-Voc mahalagang maunawaan ang iba’t-ibang
liham-pangnegosyo.
Isulat ang iyong realisasyon tungkol sa gamit at kahalagahan ng liham-
pangnegosyo sa iba’t ibang trabaho o industriya.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

A Tayahin

Gawain 6
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay bahagi ng liham-pangnegosyo kung saan nakalagay ang pangalan o


mismong lagda ng nagpadala ng liham.
A. Petsa C. Ulong-sulat
B. Katawan ng Liham D. Lagda
2. Matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa pangkontak
sa ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong nagtataglay ng
logo ng nasabing kompanya o institusyon
A. Bating Pangwakas C. Ulong-sulat
B. Katawan ng Liham D. Bating Pambungad
3. Inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng
liham; kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito.
A. Patunguhan C. Lagda
B. Katawan ng Liham D. Petsa
4. Ito ay maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham.
A. Ulong-sulat C. Katawan ng Liham
B. Petsa D. Bating ambungad
5. Ito ay nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham
A. Katawan ng Liham C. Bating Pangwakas
B. Ulong-sulat D. Lagda

11
Susi sa Pagwawasto

Susi sa Pagwawasto sa Pagtataya

1. D
2. C
3. A
4. D
5. A

12
Sanggunian

MELC FPL– TVL G11 Q2

Gabay sa Pagtuturo Filipino sa Piling Larang pahina 32-37

Filipino sa Piling Larang (Modyul para sa Mag-aaral) pahina 149-151

Apolonio, S. et., al. 2016. Filipino sa Piling Larang Tech Voc. St. Andrew
Publishing House

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta Rizal

Landline: 02-8682-5773 local 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

14

You might also like