You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI - Western Visayas
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Pontevedra National High School
Pontevedra, Negros Occidental

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)

Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 6
Kasanayang Pampagkatuto:
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga
binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyunal.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
mo ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
1 Liham Pangnegosyo

Inaasahan

Sa strand na iyong pinag-aaralan, higit mong kakailanganin ang


kasanayan tungkol dito. Kaya naman, ito ang aasahan mo.

Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:


Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawa ng sulating teknikal- bokasyunal.

Unang Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang mga hakbang sa liham pangnegosyo sa bawat bilang.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnegosyo nagaganap ang


pagtatala ng mahahalagang impormasyon.
A. Pagbabalangkas
B. Pagdedesisyon sa uri ng liham
C. Paggamit ng angkop na pormat
D. Paggamit ng angkop na bokabularyo
2. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo pagpapasyahan
ng susulat ng liham ang uri ng liham na kanyang isusulat.
A. Pagbabalangkas
B. Pagdedesisyon sa uri ng liham
C. Paggamit ng angkop na pormat
D. Paggamit ng angkop na bokabularyo
3. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo siya ay gagamit
ng estilo sa pagsulat.
A. Pagbabalangkas
B. paggamit ng angkop na pormat
C. pagdedesisyon sa uri ng liham
D. paggamit ng angkop na bokabularyo
4. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo pinag-iisipan
kung anong antas ng wika ang gagamitin sa pagsusulat.
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabularyo

3
5. Sa yugtong ito ng pagsulat ng liham pangnenegosyo itinatama ang
mga baybay ng salita at gramatikang nakapaloob sa liham.
A. pagdedesisyon sa uri ng liham
B. paggamit ng angkop na pormat
C. Pagwawasto ng ispeling at gramatika
D. Paggamit ng angkop na bokabularyo

Balik-tanaw (Pakikipagtalastasan)

Sa nakalipas na aralin ay tiyak na naunawaan mo ang ilang


mahahalagang impormasyon tungkol sa liham pangnegosyo. Kaugnay nito,
magbigay ng mga kaugnay na konsepto sa salitang Liham Pangnegosyo sa
loob ng graphic organizer. Pagkatapos, gamitin sa makabuluhang
pangungusap ang bawat isa.

Liham
Pangnegosy

________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa nakaraang modyul ay natutuhan mo ang kahulugan, uri at bahagi ng


liham pangnegosyo. Nabatid mo na ang liham pangnegosyo o liham
pangangalakal ay hindi maligoy sapagkat maaaring mag-apply, magtanong,
humiling o mag-order ng isang produkto, subskripsyon ng magasin,
pagpapasalamat at karaingan (Jocson 2012). Kaya naman mahalagang mabatid
ang pormat at mga hakbang kung paano ito isusulat. Ang iyong kasanayan na
maisa-isa ang mga hakbang sa tiyak na anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin
tulad ng liham pangnegosyo ay lubos na makatutulong sa mga gawain mo sa
hinaharap.

4
A. Mga Pormat ng Liham na Pangnegosyo

Maaaring gamitin ang alinman sa mga pormat ng liham pangnegosyo


sa ibaba bilang gabay sa pagsulat.
1. Estilong block – Nakasentro sa itaas
ang pangalan ng kompanya
(letterhead). Makikita sa pormat na
ito na ang petsa, pamitagang
pangwakas at lagda ay nasa kanang
bahagi. Mapapansin na hindi
nakapasok ang pangungusap ng
bawat talata habang ang bating
pambungad at patunguhan ay nasa
kaliwang bahagi.

2. Estilong Full blocked – Lahat ng bahagi ng liham ay nasa kaliwang


bahagi. Nakasentro sa itaas ang pangalan ng kompanya
(letterhead).

3. Estilong Semi-block - Makikita sa


pormat na ito na ang petsa,
pamitagang pangwakas at lagda
ay nasa kanang bahagi.
Mapapansin na ang unang
pangungusap ng bawat talata ay
nakapasok habang ang bating
pambungad at patunguhan ay
nasa kaliwang bahagi.

5
B. Hakbang sa Pagsulat ng Liham Pangnegosyo
Sa pagsulat ng anomang uri ng liham na pangnegosyo
mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Magdesisyon sa uri ng liham na dapat isulat. Sa nakalipas na aralin


ay tinalakay ang iba’t ibang uri ng liham na pangnegosyo. Maging
tiyak sa uri ng isusulat na liham. Ikaw ba ay mag-aaply ng trabaho?
Magtatanong? May paglilinaw? Alamin ang layunin ng iyong
pagsulat. Nakadepende sa intensyon ng magsusulat ang lalamanin
ng kanyang liham.

2. Bumuo ng maikling balangkas. Matapos magdesisyon sa uri ng liham


na iyong isusulat maaari ka nang bumuo ng isang balangkas. Kung
hindi mo ito gagawin ito ay pag-aaksaya lamang ng panahon dahil
bahagi ito ng iyong pagpaplano sa liham na iyong bubuuin. Magtala
ng mga mahahalagang impormasyon na makatutulong sa pagbuo sa
iyong isusulat na liham. Isulat ang mga mahahalagang ideya. Ito ay
maaaring susing salita o mga pangungusap.

3. Gumamit ng angkop na pormat. Mahalagang nakasusunod sa


tamang pagkakasununod-sunod ng mga bahagi at pormat kapag
susulat ng liham pangnegosyo. Halimbawa maaaring mauna ang
petsa kung kailan isinulat ang liham; sunod ang pamuhatan;
patunguhan; bating panimula; katawan; pamitagang pangwakas; at
lagda.

4. Gumamit ng angkop na bokabularyo sa uri ng liham na iyong isusulat.


Nakadepende sa uri ng liham kung anong angkop na bokabolaryo
ang gagamitin. Ilan sa iminimungkahi ang mga sumusunod:

Liham na Nag-aaplay
• Ako ay sumulat upang mag-aplay sa posisyong …
• Ako ay nagpapahayag ng interes para sa posisyong …
• Ako ay sumulat bilang tugon sa inyong adbertisment …
• Nakikita ninyo sa aking resume…
• Ang maiaambag ko sa kompanya ay …

Liham na Nagtatanong
• Ako ay sumulat upang magtanong hinggil sa …
• Ikalulugod ko ang pagsagot sa aking katanungan hinggil
sa…
• Maaari bang mabatid ang …
6
Liham na Nagrereklamo
• Ako ay sumulat upang magreklamo hinggil sa…
• Ako ay sumulat upang tawagin ang inyong atensyon hinggil
sa …
• Ako ay sumulat upang ihayag ang aking pagkadismaya
hinggil sa …

5. Iwasto ang pagbaybay ng mga salita at gramatika. Dahil ang liham


ay maikli tiyaking wasto ang baybay o ispeling ng mga salita.
Kaakibatt ng mga wastong baybay ang paggamit din ng wastong
gramatika. Halimbawa sa paggamit ng nang at ng; may at mayroon;
rin at din at iba pang madalas na pagkakamali sa wastong gamit ng
mga salita.
6. Iwasto ang paggamit ng mga bantas. Isa rin sa nagiging hamon sa
pagsulat ng liham pangnegosyo ang paggamit ng mga bantas.
Madalas nakatuon lamang wastong gamit ng mga salita at
gramatika, nakaliligtaang iwasto ang mga bantas sa loob ng liham.
Laging bibigyan ng panahon na i-proofread ang isinulat na liham.

(Mapanuring Pag-iisip,
Gawain 1
Pakikipagtalastasan)

Ngayong mas lumalim pa ang iyong kaalaman hinggil sa liham


pangnegosyo, subukin nating magsuri ng isang halimbawa ng isang liham
pangnegosyo.

Panuto: Basahin ang isang liham pangnegosyo sa ibaba. Suriin ito gamit ang
Tseklist sa Pagsusuri sa ilalim. Itala ang sagot sa iyong kuwaderno.

Agosto 22, 2019


336 Don Bosco St.
Sta. Teresita, Marikina City

The Manager
E-Plus World Services
Sta. Fe St. Makati City

Mahal na ginoo/ginang:

Magandang araw po! Akin pong nabasa sa Jobstreet.com na ang inyong kompanya ay
nangangailangan ng isang data encoder. Ako po ay intresado sa naturang posisyon. Ako po
ay nagtapos sa Antonio A. Maceda Integrated School (Senior High School) nitong Marso.
Kalakip nito ang aking National Certificate II (NCII) sa Computer Services System (CSS).
Bilang isang aplikante taglay ko po ang mga katangiang inyong hinahanap sa isang
empleyado.

7
Kalakip ng liham na ito ang aking resumė para sa ilang detalye tungkol sa akin. Handa po
akong paunlakan ang inyong panayam sa oras na ako po ay inyong ipatawag.

Lubos na gumagalang,

Francisco P. Salindiwa
Francisco P. Salindiwa

Tseklist sa Pagsusuri

Uri ng Liham

Pagbalangkas sa Hakbang
(Punahin isa-isa ang Hakbang
na Pinagdaanan Bago Naisulat
ang Liham)

Bokabularyo

Pormat

Baybay at gramatika

Gamit ng bantas

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS
Makabuluhan at tiyak ang paliwanag sa pagsusuri batay sa mga 10
aytem ng Tseklist.

Nasunod ang hakbang sa pagsulat ng liham 10

Mahusay ang gamit ng wika, balarila at bantas 10

KABUUAN 30

8
(Pakikipagtalastasan,
Gawain 2 Pagtutulungan)
Naisagawa mo ba nang maayos ang Gawain 1?
Binabati kita!
Ngayon naman, tingnan natin kung mailalapat mo ang inisa-isang
hakbang sa pagsasagawa ng teknikal-bokasyunal na sulating Liham
Pangnegosyo.
Panuto: Humanap ka ng kapareha sa iyong mga kamag-aral sa pamamagitan
ng chat. Isagawa ninyo ang sumusunod na mga Instruksiyon:
1. Pag-usapang muli ang mahahaglagang konseptong dapat tandaan
sa mga hakbang sa pagsulat ng Liham Pangnegosyo.
2. Pagkatapos, humanap mula sa pahayagan ng trabahong maaari
ninyong aplayan.
3. Gamit ang natutuhan sa aralin, at ang kalakip na pamantayan sa
sulatin, bumuo ng sariling liham na nag-aaplay ng trabaho. (Isulat
sa isang buong papel ang mga gawain.)
4. Magbahagihan at bigyang puna ang nabuong sulatin, maaaring sa
tulong ng messenger chat kung hindi makapag-uusap nang
personal.

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS
Kompletong naisagawa lahat ng Instruksiyon 10
ipinagagawa ng Tagapagdaloy.

9
Nasunod ang mga hakbang/pormat sa pagsulat ng 10
Liham Nag-aaplay ng Trabaho.
Mahusay na nasunod ang tuntuning pambalarila at 10
Mekanismo/Nakagamit nang angkop na bokabularyo
ayon sa uri ng sulatin.
KABUUAN 30

Tandaan

Mahalagang isaalang-alang ang mga hakbang sa pagsulat ng isang


liham pangnegosyo. Ito ang iyong magiging gabay upang maipahatid sa
kinauukulan o kaninoman ang anumang mensahe na nais nilang mabatid.
Ang hindi pagsunod sa mga hakbang na ito ay kawalan ng saysay sa
anomang uri ng liham na isusulat.

Pag-alam sa Natutuhan
(Pagbuo ng katauhan)
Sa tulong ng A-N-N chart lagumin ang aralin. Sa unang hanay magtala
ng mga dati mo ng alam hinggil sa hakbang sa pagsulat ng liham na
pangnegosyo. Sa ikalawang hanay ay ang mga natuklasan mo habang
tinatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng liham at sa huling hanay ay ang
natutuhan mo sa hakbang sa pagsulat ng liham pangnegosyo.

ALAM na sa aralin NATUKLASAN kaugnay NATUTUHAN kaugnay ng


ng aralin aralin

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga sitwasyon.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot sa bawat
tanong.

10
1. Si Aldrin ay gumamit ng pahayag na, “Nais ko pong mag-apply
bilang…” sa kanyang liham na nag-aaplay ng trabaho. Ito ay
_________________.
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabolaryo

2. Si Justine ay gumamit ng estilong block sa pagsulat ng kanyang


liham na nagtatanong. Ito ay _________________.
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabolaryo

3. Napagpasyahan ni Romy na gamitin ang liham na nagtatanong


upang makipag-usap sa kanyang amo upang linawin ang isang
bagay. Ito ay _________________?
A. Pagbabalangkas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabularyo

4. Muling binasa ni Ren ang kanyang liham na nag-aaplay bago niya


ito ipadala sa kompanyang nais niyang pasukan. Doon napagtanto
niya na mali ang gamit niya ng mga tutuldok at kuwit sa ilang
bahagi ng katawan ng kanyang liham. Ito ay _________________.
A. Pagwawasto ng bantas
B. pagdedesisyon sa uri ng liham
C. paggamit ng angkop na pormat
D. paggamit ng angkop na bokabularyo

5. Nagtala muna ng mahahalagang impormasyon si Edward bago niya


buuin ang kanyang liham na nagrereklamo. Ginawa niya ito sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga susing salita at mga
pangungusap. Ito ay _______________?
A. pagbabalangkas
B. paggamit ng angkop na pormat
C. pagwawasto ng ispeling at gramatika
D.paggamit ng angkop na bokabolaryo

11
(Pagbuo ng katauhan)
Papel sa Replektibong Pagkatuto

Kaugnay nang mga nabatid na impormasyon sa tinalakay na aralin,


sagutin ang katanungan sa ibaba.

Bakit mahalagang maisa-isa ang mga hakbang sa


pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal- bokasyunal tulad ng liham pangnegosyo?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______.

Sanggunian
Business English Blog. (2020). Essential Steps to Writing a Business
Letter. https://www.fluentu.com/blog/business-english/writing-a-
businessletter-in-english/
Francisco, C. G. C. at Gonzales, M. G. H. (2016). Filipino sa Piling Larangan
(Tech-Voc). Unang Edisyon. Quezon City: Rex Book Store Inc.
Jocson, M. O., Fernando, A. T., Ruzol, H. S., at Delfinado, C. G. (2012).
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Makati City: Grandwater
Publishing House.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ferdinand M. Ipanag
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Jamil Q. Carvajal
Tagalapat: Lorena S. Club
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

12

You might also like