2. Liham Pangangalakal Ang bawat mag- aaral ay kinakailangang matutong sumulat ng liham- pangangalakal kahit na siya ay nasa ikaanim na baitang pa lamang. Nararapat lamang na magamit niya ang wastong sangkap ng isang liham- pangangalakal. 3. Ang liham- pangangalakal ay isinusulat kung umuorder bg ga bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag- aaplay ng trabaho, o nagtatanong. 4. Liham- Pangangalakal vs Liham- Pangkaibigan Liham- Pangangalakal Liham- Pangkaibigan Pormal ang tono ng pananalita Impormal o magaan ang pananalita Sinusulat upang makapag- ugnayan sa mga tanggapan o opisina Isinusulat kung umoorder na mga bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag- aaplay ng trabaho, o nagtatanong. Karaniwan na nagbabatian, nangungumusta, nag- aanyaya Deretso ang pagsulat Paligoy- ligoy 5. Iba’t- Ibang Uri ng Liham- Pangangalakal 1. Liham na humihingi ng gawaing mapapasukan 2. Liham ng sukripsiyon o order ng mga magasin o aklat sa tindahan 3. Liham na bumibili o nagbibili ng produkto 6. Ang mga mag- aaral sa Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral ay nagkasundo na magpalabas ng unang isyu ng pahayagang pampaaral, Ang Tinig. Nagtutulong- tulong silang makabuo ng isang liham na ipapadala sa isang palimbagan. Hangarin nilang humingi ng pahintulot na makamasid at makakuha ng mga kaalamang kakailanganin sa paglulunsad ng isang pahayagang pampaaralan. Ang Tinig 7. Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur Ika- 23 ng Pebrero, 2016 G. Liham Patnugot Editor-in-Chief Central Publishing House Col. SF Reyes Avenue Pob. Norte, Sta. Maria Ginoong Patnugot: Ang bumubuo po ng Samahan ng Diwa at Panitik ng aming paaralan ay interesadong magkaroon ng kaalaman sa ilang bagay tungkol sa paggawa ng pahayagan. Nais po naming humingi ng kapahintulutang bumisita sa inyong palimbagan upang makita ang ilang bagay tungkol sa paglilimbag ng pahayagan. Kayo na po ang bahalang magtakda ng araw at oras kung kailan kami maaaring magtungo riyan. Lubos na gumagalang, Mikael Ruiz 8. Anong uri ng samahan ang “Samahang Diwa at Panitik”? Anong proyekto ang ilulunsad ng samahan? Sa palagay mo, ano- anong kaalaman ang maaring matutuhan ng mga bata sa pagbisita sa palimbagan? Makatutulong ba sa mga bata ang pagbisita sa palimbagan? Magalang ba ang pagkakasulat ng liham? Patunayan. Basahing muli ang liham. Ano- anong bahagi ang sangkap nito? 9. Sangkap ng Liham- Pangangalakal a. Pamuhatan b. Patunguhan c. Bating panimula d. Katawan ng liham e. Bating pangwakas f. Lagda 10. 1. Pamuhatan- ito ang bahaging katatagpuan ng tirahan o tanggapan ng sumulat at petsa kung kailan isinulat. Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur Ika- 23 ng Pebrero, 2016 Malaking Titik Bantas Simula ng ngalan ng bayan/lalawigan/lungsod at ngalan ng kalye kuwit (,)sa pagitan ng bayan at lalawigan; distrito at lungsod kuwit (,) sa pagitan ng petsa at taon 11. 2. Patunguhan- naglalarawan ito ng tirahan o lugar ng sinusulatan, ang pangalan ng bahay- kalakal, ang kalye, lungsod at bilang ng zipcode G. Liham Patnugot Editor-in-Chief Central Publishing House Col. SF Reyes Avenue Pob. Norte, Sta. Maria Malaking Titik Bantas Simula ng magagalang na pantawag sa tao; tanging ngalan ng tao; katungkulan at ang address tuldok (.)sa dinaglat na magalang na pantawag sa tao. kuwit (,) sa pagitan ng bayan, lalawigan at lungsod. 12. 3. Bating panimula- isinusulat sa kaliwang gilid sa ibaba ng patunguhan. Gumagamit ng pormal na magagalang na salita tulad ng G., Gng., at iba pa G. Patnugot: Malaking Titik Bantas Simula ng magagalang na pantawag sa tao tuldok (.) sa dinaglat na magalang na pantawag sa tao. Tutuldok (:) pagkatapos ng bating panimula 13. 4. Katawan ng Liham- ito ang naglalaman ng mensahe. Nasa pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas Ang bumubuo po ng Samahan ng Diwa at Panitik ng aming paaralan ay interesadong magkaroon ng kaalaman sa ilang bagay tungkol sa paggawa ng pahayagan. Nais po naming humingi ng kapahintulutang bumisita sa inyong palimbagan upang makita ang ilang bagay tungkol sa paglilimbag ng pahayagan. Kayo na po ang bahalang magtakda ng araw at oras kung kailan kami maaaring magtungo riyan. Malaking Titik Bantas Simula ng bawat pangungusap tuldok (.) sa dulo ng bawat pangungusap. Simula ng bawat bagay na iorder tuldok (.) sa kasunod ng bilang sa talaan ng inorder 14. 5. Bating Pangwakas- ito ang pamamaalam ng sumulat. Gumagamit ng pormal na pananalita tulad ng Lubos na gumagalang, Lubos na gumagalang, Lubos na nagpapasalamat, Sumasainyo. Lubos na gumagalang, Malaking Titik Bantas Simula ng bating pangwakas kuwit (,) sa dulo ng bating pangwakas 15. 6. Lagda- pagpapakilala kung sino o kanino nanggaling o nagsimula ang liham. Minsan inilalagay ang katungkulan ng sumulat. Mikael Ruiz Kalihim Malaking Titik Bantas Simula ng pangalan ng sumulat Simula ng katungkulan ng sumulat 16. Basahin ang sumusunod ng liham- pangangalakal. Alamin ang uri at tukuyin ang mga bahagi/sangkap nito. Mababang Paaralan ng Santa Maria Kalye Burgos, Santa Maria Ika- 23 ng Pebrero, 2016 Gng. Florencia Sabong Florence Flower Shop Col. S.F. Reyes Avenue Santa Maria, Ilocos Sur Gng. Reyes: Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga bulaklak na aming kailangan sa pagtatapos sa Marso 11, 2016. 2 dosenang Gladiolang dilaw 2 dosenang putting rosas Kalakip po rito ang money order na limandaang piso (Php500.00). Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay po pagkatanggap ng mga bulaklak. Sumasainyo, Hermia Tan Presidente, Ikaanim na Baitang 1 17. Brgy. Poblacion Kalye Burgos, Santa Maria Ika- 23 ng Marso, 2016 G. Roberto S. Sebastian BEA Laboratories, Inc. 63 Marcos Hi-way Vigan, Ilocos Sur Ginoong. Sebastian: Nabasa ko po ang inyong patalastas sa pahayagan na nangangailangan kayo ng utility boy na magdadala ng inyong mga produkto sa ng mga suki ninyong tindahan. Nais ko pong mag- aplay sa posisyong ito ngayong bakasyon. Malaking tulong po sa akin kung tatanggapin ninyo ako sa trabahong ito. Anumang oras ay handa po akong makipagkita sa inyo para sa interbyu. Kalakip po nito ang aking biodata. Inaasahan ko po ang inyong pagtugon. Lubos na gumagalang, Rodel Santiago 2 18. Ano- ano ang isinulat sa dakong itaas ng kanang bahagi ng liham? Ano- ano ang inilalagay sa itaas ng bating panimula ng liham? Ano ang nilalaman ng talataan pagkatapos ng bating panimula? Paano winakasan ang liham? Paano nagkakaiba ang bating panimula ng liham- pangangalakal sa ibang uri ng liham na iyong nabasa, nagawa o naisulat? Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng bating pangwakas?/bating panimula? Magalang ba ang mga salitang ginamit sa liham? ALAMIN: 19. Magbigay ng mga halimbawa ng pahayag na maaaring gamitin sa mga sumusunod na bahagi ng liham- pangangalakal. SABIHIN: Bating Panimula Bating Pangwakas 1. 2. 3. 20. Tukuyin kung anong bahagi/sangkap ng liham- pangangalakal ang sumusunod: 1. Lubos na gumagalang, 2. Ginoo: 3. Sangguniang Kabataan ng Triangulo Triangulo, Lungsod ng Naga Ika- 28 ng Pebrero, 2016 4. Juan Mendoza Chairman 5. Ang Sangguniang Kabataan po ng Triangulo ay nagkaisang magtayo ng isang maliit na silid- aklatan. Upang maisakatuparan ang layuning ito, minarapat po naming humingi ng tulong sa inyo. 21. 6. Dakila Publishing House, Inc. 839 P. Santos Road Lungsod ng Makati 7. Lorna P. Sanchez Brgy. Sto. Tomas Alaminos, Pangasinan 8. Ginoong Patnugot: 9. Kgwd. Honorato Bantay Brgy. Poblacion 10. Sumasainyo 11. Nais po naming magpadeliber ng sumusunod: 3 kahon ng ballpen 6 kahon ng scotch tape 22. Pansinin at sabihin kung tama ang pagkakasulat. Kung hindi ay iwasto ang mali. Paaralang Elementarya ng Sta. Maria Pob. Sur, Sta. Maria Ilocos Sur Sumasainyo, Riona Somera Pangulo Ikaanim na Baitang Mangyari pong padalhan ninyo kami ng 100 sipi ng “Wikang Filipino para sa Ikaanim na Baitang, Batayang Aklat.” Ang nasabing aklat ay babayaran pagkahatid sa paaralan. Ginoo: West Publishing House 270 Madison St. Bayan ng santa Maria