You are on page 1of 6

Sangkap ng Liham

1. Pamuhatan- ito ang bahaging katatagpuan ng


tirahan o tanggapan ng sumulat at petsa kung kailan
isinulat.
Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral
Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur
Ika- 23 ng Pebrero, 2016

2. Patunguhan- naglalarawan ito ng tirahan o lugar


ng sinusulatan, ang pangalan ng bahay- kalakal, ang
kalye, lungsod at bilang ng zipcode

G. Liham Patnugot
Editor-in-Chief
Central Publishing House
Col. SF Reyes Avenue
Pob. Norte, Sta. Maria

3. Bating panimula- isinusulat sa kaliwang gilid sa


ibaba ng patunguhan. Gumagamit ng pormal na
magagalang na salita tulad ng G., Gng., at iba pa
G. Patnugot:
4. Katawan ng Liham- ito ang naglalaman ng
mensahe. Nasa pagitan ng bating pambungad at
bating pangwakas

Ang bumubuo po ng Samahan ng Diwa at Panitik ng


aming paaralan ay interesadong magkaroon ng
kaalaman sa ilang bagay tungkol sa paggawa ng
pahayagan. Nais po naming humingi ng
kapahintulutang bumisita sa inyong palimbagan
upang makita ang ilang bagay tungkol sa
paglilimbag ng pahayagan. Kayo na po ang
bahalang magtakda ng araw at oras kung kailan
kami maaaring magtungo riyan.

5. Bating Pangwakas- ito ang pamamaalam ng sumulat.


Gumagamit ng pormal na pananalita tulad ng Lubos
na gumagalang, Lubos na gumagalang, Lubos na
nagpapasalamat, Sumasainyo.

Lubos na gumagalang,

6. Lagda- pagpapakilala kung sino o kanino


nanggaling o nagsimula ang liham. Minsan inilalagay
ang katungkulan ng sumulat.
Mikael Ruiz Kalihim
Tukuyin kung anong bahagi/sangkap ng liham- pangangalakal ang
sumusunod:

1. Lubos na gumagalang,

2. Ginoo:

3. Sangguniang Kabataan ng Triangulo


Triangulo, Lungsod ng Naga
Ika- 28 ng Pebrero, 2016

4. Juan Mendoza Chairman

5. Ang Sangguniang Kabataan po ng Triangulo ay nagkaisang magtayo ng


isang maliit na silid- aklatan. Upang maisakatuparan ang layuning ito,
minarapat po naming humingi ng tulong sa inyo.
LIHAM PANGKAIBIGAN

You might also like