You are on page 1of 24

Deskripsyon ng Produkto

• Ilista ang mga katangian ng isang produkto o gamit na gustong-gusto mo. Ano-ano ang
mga katangian nito na naging dahilan kaya mo binili o nais bilhin ang bagay na ito? Puna
ang talaan na ibinigay.
• Produkto o gamit na gustong-gusto ko:

Mga Katangian ng Bagay na Paborito ko o Bagay na Nais kong


Bilihin
1.
2.
3.
4.
5.
• Ang deskripsyon ng produkto ay isang
maikling sulatin na ginagawa para sa
pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa
produkto upang maging kaakit-akit at
maibenta ito sa mga target na awdiyens o
mamimili.
• Mahalga ang deskripsyon ng produkto upang
mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga
benipisyo, katangian, gamit, estilo, presyo, at iba pa ng
produktong nais ibenta. Sa gayong paraan, nabibigyan
ng pagkkataon ang mga mamimili na magdesisyon kung
bibilhin o tatangkilikin ang prodkto o hindi. Mahalaga
rin ang deskripsiyon ng produkto upang maipakita sa
mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang mga
pangangailangan.
• Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan o negosyo
dahil napakalakas ng kompetisyon ng iba’t ibang
kompanya. Sa modernong panahon, hindi na
lamang boutique o mga pisikal na istruktura ng
mga tindahan ang gumagawa ng mga deskripsyon
ng produkto, na dati ay inilalagay lamang sa mga
magasin.
• Laganap na rin ang mga online store na totoong
may mas mahigpit na kompetisyon dahil mas
malawak ang maaaring marating ng produktong at
mas maraming potensyal na kliyente. Kaya
mahalaga na sa dinami-dami ng produktong
nakalagay sa iba’t ibang online shop ay maging
natatangi ang produkto ng isang negosyante para
ito ay mas mapansin at maibenta.
• Karaniwang, ang deskripsiyon ng produkto ay
isang maikling talata lamang. Maaaring gumamit
ng bulleted lists sa pagsulat sa produkto lalo na
kung sa online stores.
Mga Paraan sa Pagsulat ng
Deskripsyon ng Produkto
• 1. Maikli lamang ang deskripsyon ng
produkto.
- sa larangan ng negosyo, ipinalalagay
palagi na ang mga mambabasa o mamimili
ay walang panahon para magbasa ng
mahahabang teksto. Kailangan masabi sa
maikling talata ang mga kinakailangang
ilarawan tungkol sa produkto.
- may iba’t ibang buyer persona
• 2. Magtuon ng ang bawat produkto. Ito ay kung
pansin sa ideyal para kanino ibinebenta ang isang
produkto. Mahalagang malaman ang
na mamimili. katangian ng target na mamimili
sapagkat sa pagsulat ng deskripsiyon
ng produkto, sila ang nararapat na
direktang kausapin.
- Ang target mo bang mamimili ay may
pormal na personalidad? Nagtatrabaho
sa opisina? O sila ba ay mula sa masa?
kung isasaisip ang mga katanungang ito
maiaakma ng negosyante ang gamit ng
wika sa kaniyang ideyal na mamimili.
• Sa advertisement ng isang telecommunications company sa isang diyaryong pangmasa, nakalagay ang
ganito, katabi ng isang napakagandang artistang babae na may hawak na simpleng modelo ng
cellphone

GAANTXT20 sa papiso-pisong dagdag, pwede magload! Unlitxt all day at all nyt pa! Walang
maraming ite-text! Di kelangan mag-register! Bili lang sa suking tindahan ng GAANTXT20 load,
solb na ang tawagan ang textan nyo ni mahal!

- Nagawa ang ganitong paglalarawan sa produkto sapagkat kilala nila na masa ang target na
mamimili.
• 3. Mang – akit sa pamamagitan ng mga
benipisyo.

- Bigyan ng diin ang mga benipisyong


makukuha ng mamimili mula sa produkto
4. Iwasan ang mga gasgas na
pahayag.
- gumamit ng mga paglalarawan na
magbibigay ng impresyon ng kalidad.
Halimbawa:
Ditas Doll Shoes
• Tingnan din ang video para sa deskripsiyon ng produktong ito.
• Ang klasikong tibay ng Ditas, ngayon, may pambabaeng disenyo na rin.
• Tinahi sa kamay ng pinakamahuhusay na sapatero ng Liliw, kilalang shoe exporter ng bansa.
• Hindi nababasa ang de-kalidad na balat (leather) na kinulayan para sa inyong personalidad.
• Malambot ang panloob na talampakan para sa buon araw na komportableng paglalakad.
• Hindi maskit sa paa.
• Hindi nakakagasgas sa sakong.
• 5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo.

- kung gagamit ng mga salitang magpapakita ng pagiging


pinakamahusay o pinakamabisa, magbigay ng espesipikong
patunay kung bakit. Sa halimbawa sa baba, gumamit ng salitang
“pinakamoderno” at “pinakamura,” at naglagay ng pruweba para
dito.
• Halimbawa:
Stratz Phone – ang pinakamoderno at pinakamurang android phone sa bansa –
may mataas na resolution, mas mataas na contrast ng touchscreen, at 8-week
battery life.
• patented ang built-in light na nagbibigay ng liwanag sa screen para
masmadaling magbasa
• 72% mas maraming pixels kaya malinaw ang resolution
• User-friendly menu at magaan ang touchscreen
• Hindi medaling ma-lowbatt
• Sa halagang P3, 000.00 may android phone ka na
6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
- maging malikhain sa paglalarawana. Mag-isip ng mga senaryong pamilyar at
malapit sa kanila.
Halimbawa:
Pinakahihintay-hintay natin ang bakasyon. Ang dagat. Ang gala sa mall. Ang
barbecue ni Nanay. Maraming pagkaing baon sa road trip ng barkada. Kaya lang, minsan
may hassle. May nasisirang pagkain. Kaya naman, mgayong summer, handog ng Ushopping
ang pinakabagong CookitSealit, ang resealable bag na aluminum at titanium ang loob. Iwas-
tapon, iwas-panis sa pagkain! Madali pang bitbitin.
7. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.

- Mahusay na estratehiya ng mga kilalang produkto ang paglalarawan ng


mga kompanya nito sa pamamagitan ng pagkukwento sa pinagmulan.sa
ganitong paraan, malalaman ng mambabasa kung gaano na katagal ang
produkto sa merkado, ano ang mga proseso sa pagbuo ng produkto, sino
o saan ginagawa ang produkto, at paano sinusuri ang kalidad ng
produkto. Lahat ng ito ay makatutulong para mabenta ang produkto.
8. Gumamit ng mga salitang umaapela sa
pandama.

- Gumamit ng mga pang-uring pandama. Nagbibigay ang mga


ito ng kapangyarihan sa mga pangungusap.
- Halimbawa: “nuot sa sarap” ang ginamit ng Chicken Heaven
sa paglalarawan sa kanilang mga manok.
Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa
9.
social media.

- Nagiging personal at mas kaakit-akit kapag may ibang


taong nagkukwento tungkol sa iyong produkto. Maaring
gamitin sa online shops ang mga positibong rebyu mula
sa mga kostumer bilang testimonya.
10. gumamit ng pormat na madaling i-scan.
- tinatawag na scannable format kapag madaling
basahin ang isang pahina.
Narito ang mga payo:
• Maglagay ng kaakit-akit na ulo o headline
• Gumamit ng subheadings
• Lakihan ang font size para madaling basahin ng sinuman.
• Gumamit ng video o mga litrato para mataas ang pagkakagusto ng
mamimili na bilhin ang produkto.
• Gumamit ng maraming puting espasyo upang maging kaaya-ayang
basahin.
11. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng
produkto.

- Sa larawan pa lamang, kailangang mapukaw na ang atensiyon


ng target na mamimili, kaya kinakailangang maganda ang kulay,
anggulo, at kuha ng modelo (kung mayroon) ng litrato ng
produkto.

You might also like