You are on page 1of 14

1.

ANO NGA BA ANG ISANG


FEASIBILITY STUDY?

Ang feasibility study ay isang pag-


aaral na ginagawa upang malaman
ang iba’t ibang sangkap at epekto ng
iminumungkahing produkto at/o
serbisyo at kung ito ay naaayon sa
pangangailangan sa pamilihan.
2. ANO ANG KAHALAGAHAN NG
ISANG FEASIBILITY STUDY?

Mahalagang magawa ang feasibility study


upang matiyak ang matagumpay na
paglulunsad ng isang produkto o serbisyo.
Siyentipiko ang pag-aaral na ginagawa sa
feasibility study, kung kaya mapaghahandaan
ang iba’t ibang maaaring maging epekto at
mga sanhi na makapagpapabago sa
produkto’t serbisyo na maaaring ibigay.
Ikalawang Bahagi Narito ang
iba’t ibang bahagi ng isang
feasibility study at ang
pangunahing gawain ng
bahaging ito
. 1. Pangkalahatang Lagom / Executive
Summary Nagbibigay ng kabuuang
pagtanaw ng lalamaning feasibility
study. Madalas, huli itong isinusulat
kapag buo na ang lahat ng iba pang
bahagi.
2. Paglalarawan ng Produkto at /o
Serbisyo Malinaw na inilalarawan sa
bahaging ito ang produkto/serbisyong
inimumungkahing ibenta/ibigay.
Mahalagang mabigyang-diin ang
kalakasan ng produkto/serbisyo na
ibinibigay at kung anong benepisyo nito
sa gagamit.
3. Kakailanganging Teknikal na
Kagamitan Ipinapaliwanag nito
ang mga konsiderasyong
kinakailangan kaugnay ng
aspektong teknolohikal
. 4. Marketplace Inilalarawan sa
bahaging ito ang pamilihan kung saan
ibibigay o ibebenta ang produkto.
Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang
kaparehong produkto o serbisyong
ibinibigay at kung ano ang bentahe nito
sa iba pang produkto/serbisyo.
5. Estratehiya sa Pagbebenta
Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan
kung paano maipaaabot sa gumagamit
ang produkto/serbisyo. Iniaayon ng
marketing ang kahilingan at kaparaanan
kung paano mahihikayat na kunin ang
produkto/serbisyo.
6. Mga Taong may Gampanin sa
Produkto at/o Serbisyo Tinitiyak
sa bahaging ito ang mga tao at
ang kanilang espesipikong
trabaho para sa
produkto/serbisyo.
7. Iskedyul Itinatakda sa
bahaging ito ang panahon
kung kailan dapat magawa
ang mga produkto/serbisyo
8. Projection sa Pananalapi at
Kita Tinitiyak sa bahaging ito
kung mayroong nakikitang
benepisyong pampananalapi.
9. Rekomendasyon Inilalahad
sa huling bahagi ang
paglalagom at pagbibigay-
mungkahi batay sa ikalawa
hanggang ikawalong bahagi.
Itanong sa mag-aaral kung paano nila magagamit ang ilang bahagi ng feasibility
study sa ginagawang desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Magpasulat ng isang maikling replektibong sanaysay, kung kailan gumawa sila


ng desisyon na may matagal na pagninilay-nilay.

You might also like