You are on page 1of 56

PAUNAWA/

BABALA/
ANUNSYO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
• Naisasagawa ang kaalaman at
kasanayan sa wasto at
angkop na pagsulat ng piling
anyong sulatin
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
• Nakapagsasagawa ng demo
sa piniling anyo bilang
pagsasakatuparan ng
nabuong sulatin
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
• Nakasusulat ng sulating batay sa
maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika
CS_FTV11/12WG-0m-o-95
Ipasa mo ang bola, kung sino
man ang makahawak nito ay
huhulaan ang larawan
NO U-TURN
MEN AT WORK
TV PATROL PAUNAWA: WATER INTERRUPTION
BAND TOXIC WASTES
DANGER NO SWIMMING
Toilet Sign Board
SALE ADVERTISEMENT
SIGNAGE
Batay sa mga hinulaang larawan ay
pagsasamahin iklasipika ang mga
magkakatulad na mensaheng
inilalahad.
PAUNAWA BABALA ANUNSYO
Ang mga Sulating
Pag-aanunsyo,
Pagpapaunawa at
Pagbibigay Babala
• Karapatan ng tao ang mabuhay. Kabilang sa
karapatan ng mga ito ang pagsasabuhay sa
kanilang mga karapatan. Gayunman, may
limitasyon ang lahat upang hindi abusuhin
ng tao ang kanyang karapatan. Dahil dito,
may mga nabubuong batas upang sundin ng
tao.
• Sa kabilang banda, may mga pahayag na
naririnig o nababasa ang tao na nagbibigay
sa kanila ng babala, anunsyo at paunawa.
Ang mga ito ay nagtataglay ng mga
impormasyon na maaaring makaapekto sa
gawi o kinikilos ng tao.
• Papaano nga ba nagkakatulad at
nagkakaiba ang mga ito?
• Ano-ano ang katangian ng mga
ito?
• Papaano isinusulat ang mga ito?
• Pangkalahatang tinatawag na
patalastas ang anumang
paunawa, babala, o anunsiyo.
Nagsasaad ang mga ito ng
mahalagang impormasyon sa tao.
• Ang mga sulating pag-aanunsyo ay ang paraan
ng paglalahad ng mga kaisipan na nais
iparating sa mga nakikinig, mambabasa o
manonood. Layunin ng sulating ito na ipabatid
ang mahalagang kaganapan at ang mga
detalyeng nakaugnay rito.
• Karaniwang ginagamit ito sa
pagpapabatid tungkol sa isang bagong
tuklas na produkto, isasagawang
programa, makabagong tuklas na
kaalaman, gagawing kaganapan at
marami pang iba
• Karaniwang mababasa ang mga
sulating ito sa mga magasin, flyer,
diyaryo, pamphlet, bulletin
board. Naririnig din ito sa mga
radyo at telebisyon
• ANUNSIYO: Ang mga mag-aaral ng Tech-Voc
ay inaabisuhan na pumunta sa Opisina ng
Kalihim sa Lunes, ika-23 ng Abril mula ika- 10
ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali para
malaman ang mga asignatura na kukunin sa
susunod na semestre.
ANUNSIYO: Iniimbitahan ang lahat na dumalo
sa pagtitipon ng mga kilalang manunulat.
Gaganapin ang pagtitipon sa Claro M. Recto
Hall, Bulwagang Rizal, UP Diliman sa ika- 30 ng
Mayo 2016 mula ika-4 hanggang ika-6 ng gabi.
PAUNAWA
• Ang isang paunawa ay isang mensahe na
nagsasaad ng mahalagang impormasyon at
mistula din itong magsasabi kung ano ang
maaari at hindi maaaring gawin. Maaari ding
pumaksa ang paunawa tungkol sa anumang
pagbabago ng naunang nabanggit na
impormasyon.
• PAUNAWA: Gaganapin ang pagpupulong ng mag-aaral
sa Jose Rizal Hall sa halip na Marcelo del Pilar Room.

• PAUNAWA: Inaabisuhan ang lahat na mula ngayong


Lunes, ika-30 ng Marso ay hindi muna magpapapasok
ng mga tao sa building na ito.
BABALA
• Ang babala ay nagsasaad ng
maaaring maging panganib sa
buhay, estado, o nararanasan ng
tao. Maaaring sa pamamagitan ng
salita o larawan maisaad ang babala.
Mga konsiderasyon sa
pagbuo ng mga paunawa,
babala, at anunsiyo
• 1. Paggamit ng wika
Kinakailangang mapukaw agad ang
mambabasa sa anumang inilagay sa
paunawa, babala, at anunsiyo. Mahalaga,
kung gayon, na ang salitang gagamitin ay
simple at mabilis na maiintindihan.
• 2. Paggamit ng imahe o simbolo
Sa kasalukuyan, ang paggamit ng imahe at/o
simbolo, kalakip ang mahahalagang impormasyon,
ay tinatawag na infographics. Sa kasalukuyang
panahon, mas nakapupukaw sa mag-aaral ang
paggamit nito dahil sa pagiging malikhain, kakaunti
ang tekstong babasahin, malinis ang pagkakagawa,
at nakaaakit sa mata dahil sa kulay.
• Papaano nga ba nagkakatulad at
nagkakaiba ang mga ito?
• Ano-ano ang katangian ng mga
ito?
• Papaano isinusulat ang mga ito?
Pangkatang Gawain:
• Bawat grupo ay magsusulat ng
paunawa/babala/anunsyo. Ito ay
ipepresenta sa pamamagitan ng
JINGLE SONG, RAP at SPOKEN
POETRY.
• Unang Grupo (Jingle Song)
• PAUNAWA - Mayroong paglilipat ng silid-aralan ng
mga mag-aaral sa ika-11 baitang
• BABALA - Babala sa hinggil sa negatibong epekto
ng labis na paggamit ng cellphone
• ANUNSYO - Panawagan para sa “Tree Planting
Project” na gagawin sa paaralan
• Ikalawang Grupo (Rap)
• PAUNAWA - Mayroong paparating na malakas na bagyo
at inaabisuhan ang lahat ng nakatira sa tabing-dagat at
mababang lugar na lumikas.
• BABALA - Babala sa madalas na paglabag sa patakaran o
alituntunin na ipinatutupad sa paaralan
• ANUNSYO - Panawagan para sa pagkakaroon ng malinis
at payapang paaralan
• Ikatlong Grupo (Spoken Poetry)
• PAUNAWA - Mayroon programa sa paaralan at
magkakaroon pagbabago sa iskedyul ng mag-aaral
(shortened period)
• BABALA - Babala sa masamang epekto ng paninigarilyo sa
kalusugan.
• ANUNSYO - Panawagan para sa exhibit sa mga produkto
ng mga mag-aaral sa TechVoc
Pamantayan 5 4 3
Malikhaing Presentasyon
Nakapagsulat at naipakita ang
mahahalagang impormasyon ng paksa.

Gumamit ng maingat, wasto, at angkop


na salita
Madaling maintindihan ang mga sinulat
na paunawa/babala/anunsyo
• Ano ang kahalagahan ng mga
paunawa, babala at anunsyo sa
ating pang araw-araw na
buhay?
Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng Paunawa,
Babala at Anunsyo.
• GAWAIN (Triad): Pagsulat at paggawa ng
Anunsyo/Paunawa/Babala gamit ang kompyuter batay
sa ibibigay na sitwasyon.

• Sitwasyon: Magbubukas ka nang vulcanizing shop sa


inyong lugar. Ano-anong impormasyon ang iyong
isusulat sa mga sumusunod:
• 1. Anunsyo – kaugnay ng pagbubukas mo ng negosyo at sa
serbisyo at produktong iyong ititinda.
• 2. Paunawa – ang iyong ididikit sa harap ng iyong
vulcanizing shop upang makapag-isip ang mga mamimili
na maging maingat sa kanilang pagbili ng produkto o
serbisyo.
• 3. Babala – ang iyong ididikita sa harap ng iyong
vulcanizing upang magbigay babala sa mga mamimili na
mag-ingat sa mandurukot.
Pamantayan 5 4 3
Nakapagsulat at naipakita ang
mahahalagang impormasyon ng
paksa.

Gumamit ng maingat, wasto, at


angkop na salita
Madaling maintindihan ang mga
sinulat na
paunawa/babala/anunsyo

You might also like