You are on page 1of 10

Pamuhatan (Heading)

Patunguhan (Inside Address)


Bating Pambungad (Salutation)
Katawan ng Liham (Body of the Letter)
Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close)
Lagda (Signature)
Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan,
adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito
ang logo ng tanggapan
Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan
ng taong padadalhan ng liham. Kung kilala ang
sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong
sinusulatan, ang kaniyang katungkulan (kung
mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon.
Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng adres o
direksiyon, hal. ave., st..
Ito ay pagbati sa sinusulatan. May ibat ibang anyo
ito at ang karaniwang ginagamit.
Ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng
paksa/mensahe sa sinusulatan.
Katangian ng maayos na mensahe:
1.Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw
at hindi dapat lumikha ng anumang alinlangan sa
pinapadalhan o babasa nito.
2.Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
salita, pangungusap, talata, at mga bahagi ng liham.
3.Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may
angkop na mga salita, banghay, at bantas.
Nagsasaad ito ng pamamaalam sa nililihaman.
Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo
mula sa huling salita ng katawan ng liham. Isulat
buhat sa kalagitnaan pakanan, na ang dulo ay hindi
lalampas sa palugit at lagyan ng kuwit at isulat sa
malaking titik ang unang letra ng salita.
Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng
lumiham. Ito ay nagpapakilala ng kapangyarihan at
pananagutan sa nilalaman ng liham.
Maglaan ng apat na espasyo mula sa pamitagang
pangwakas hanggang sa pangalan na nakasulat sa
malalaking titik (light o bold) at sa ilalim nito ay ang
katungkulan.

You might also like