You are on page 1of 2

HANIMA M, KHADAPI

FIL103 -Uu1
Instructor: Prof. Marjan Camama

C. Mga Uri ng Pagsulat Teknikal


Manwal
Flyers/leaflets
Deskripsyon ng produto
Liham pangangalakal pantanggapan/ liham pangnegosyo
Ang iba pang mga teknikal na sulatin

 Feasability study
 Naratibong ulat
 Paunawa/Babala at Anunsyo
 Menu ng pagkain
a. Liham pangangalakal pantanggapan -Ang liham pangangalakal ay liham na ginagamit
sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon sa
pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagsapalaran
sa kanila.
BAHAGI NG LIHAM PANGANGALAKAL
 PAMUHATAN – Nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat at petsa nang sulatin ang liham.
 PATUNGUHAN – Ito ang tumatanggap ng liham.
 BATING PANIMULA – Ito ay ang magalang na pagbati na maaaring pinangungunahan ng
Ginoo, Ginang, Binibini, Mahal na Ginoo, Mahal na Ginang, o Mahal na Binibini. Mahalaga
na angkop sa taong padadalhan ang liham ang bating panimula na ginagamit.
 KATAWAN NG LIHAM – Ito ay naglalaman ng pinakamahalagang Mensahe na nais
ipabatid ng sumulat sa sinulatan. Kumbaga sa pagkain, ito ang sustansya na mahalagang
makuha natin.
 BATING PANGWAKAS – Kung mayroon bating panimula, mayroon ding bating
pangwakas. Ito ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. Ito ay nagtatapos sa kuwit (,).
 LAGDA – Ito ang buong pangalan at lagda ng sumulat.

Pamuhatan

Patutunguhan

Bating Panimula

Katawan ng Liham

Bating Pangwakas

Lagda
Mga dapat tandan sa pagsulat ng liham:
 Gamitin/Isulat ang pangalan ng buwan
Halimbawa: Disyembre 5, 2022 (Wasto)
12/05/22 (Mali)
 Gamitin/Isulat ang petsa sa halip ng ngalan ng araw.
Halimbawa : Oktubre 5, 2000 (Wasto)
Lunes (Mali)
 Maging maingat sa kawastuhanng anumang isinusulat na liham.
 Kinakailangang maging tiyak ang nilalaman ng liham.
Mga katangian ng Pagsulat ng liham:
Kailangan taglay ng liham ang sumusunod na katangian:
 Malinaw (Clear) – Ang pagiging malinaw ng isang liham ay nakikita sa kung paano
pinagsusunod-sunod ang mga ideya. Ang isang liham ay hindi dapat na maging
mahaba o maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap. Laging tandaan na
ang kasimplehan ay daan sa madaling pagkaunawa.
 Wasto (Correct) – Laging isaisip na anumang liham ay dapat magtaglay ng angkop at
tiyak na impormasyon. Mahalaga na wasto ang bawat pahayag o sinasabi ng liham.
Kasama rin sa kawastuhan ang tamang paggamit ng mga bantas.
 Buo ang kaisipan (Complete ideas) – Buo at sapat ang mga impormasyon ng isang
liham ay nakatutulong upang maging buo ang kaisipan at ideya na nais ipabatid nito.
 Magalang (Courteous) – Maging magalang sa anumang uri ng liham na isinusulat.
Ang mga salitang nagpapahayag ng paggalang lalo na kung wala kang sapat na
kaalaman o hindi mo gaanong nakikilala ang taong iyong sinusulatan ay mahalaga.
 Maikli (Concise) – Ang bawat salitang ginagamit sa liham ay nakatutulong sa
pagbabatid na nais sabihin. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang
kabuluhan at hindi nakatutulong sa nais mong sabihin.
 Kombersasyonal (Conversational) – Mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kung
ang bumabasa nito ay parang personal na kausap ng sumusulat. Upang higit na
maging epektibo ang pagkakaunawaa sinasabi sa paraang natural ang mga nais
sabihin.

LIMANG KATANGIAN NG ISANG LIHAM PANGANGALAKAL

 Nag aaplay ng mapapasukan


 Mga paanyaya sa panauhing tagapagsalita
 Paghingi ng tulong
 Paghingi ng pahintulot
 Gunagawa ng mabuting diyalogo para sa liham

You might also like