You are on page 1of 5

Asignatura Filipino Baitang 6

W8 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagsulat ng ulat,liham sa editor,iskrip para sa radio broadcasting at
teleradyo, Paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng
mga datos na kailangan.

II. MGA PINAKAMAHALAGANG • Nakasusulat ng liham sa editor (F6PU-IVf-2.3)


KASANAYANG PAMPAGKATUTO • Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting (F6PU-IVe-2.12.1)
(MELCs) • Nakasusulat ng ulat (F6PU-IVb-2.1)
• Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng
mga datos na
kailangan.(F6EP-IVe-g-6)

III. PANGUNAHING NILALAMAN A. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng ibat ibang uri ng sulatin.
• Nakasusulat ng ulat,liham sa editor at iskrip para sa broadcasting
at teleradyo.
• Natutukoy ang mga dapat tandan sa pagsulat ng ulat.liham sa
editor at iskrip para sa broadcasting at teleradyo.
• Napahahalagan ang kakayahang makapagsulat ng ulat,liham sa
editor at iskrip sa broadcasting at teleradyo.

B. Naipamamalas ang ibat iang kasanayan upang maunawaan ang ibat-


ibang teksto.
• Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng
mga datos na kailangan.
• Natutukoy ang sanggunian kailangan sa pagtitipon ng mga datos.
• Naiisa-isa ang mga sangguniang kailangan sa pagtitipon ng mga
datos.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras:45 minuto)

Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral sa ikaanim na baitang. Ito ang
magsisilbing panukat upang malaman ang antas ng iyong kaalaman.
Bilang panimula ay subukan muna natin ang talas ng iyong paningin.Hanapin ang mga salitang nasa kahon sa
loob ng word puzzle at bilugan ito.

ENSAYKLOPEDYA
BALITA
GLOBO
ALMANAK
TEKSBUK
DIKSYONARYO
ISKRIP
PAHAYAGAN
ATLAS
LIHAM SA EDITOR
MAPA
Nahanap mo ba lahat ng salita? Ang mga salitang iyan ay may kaugnayan sa ating aralin ngayon.
Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay nauunawaan mo ng lubos ang pagsulat ng ulat,liham sa editor at
iskrip para sa broadcasting at teleradyo at paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga
datos.
Sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagsulat?
Mahusay! Bilang isang estudyante, ang pagsusulat ay isang bagay na hindi mo maaaring maiwasan. Ang
pagsusulat ay hindi lamang isang uri ng panitikan, kundi isang uri rin ng sining at agham. Sa pagsusulat, tayo ay
may kalayaang ipahayag ang ating mga damdamin sa ano mang paksa.
Una nating tatalakayin ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat o balita,liham sa editor at iskrip sa
broadcasting.
Ang ulat/balita ay isang pagpapahayag na maaring pasalita o pasulat ng ibat-ibang kaalaman.Ito ay
bunga ng maingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag-usap sa mga taong may tanging kaalaman sa o
pagmamasid sa mga bagay bagay.Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng ulat/balita.

Ang balita ay maikli at maliwanag na


paglalahad. Sa pagsulat, ito ay sinisimulan ang
sa pinakamahalagang impormasyon tungo sa
di-gaanong mahalagang detalye. Ang
patnubay o unang talataan ang sumasagot sa
mga tanong na ano, sino, kailan, saan, bakit at
paano. Ang pamagat ng balita ay batay sa uri
ng talataan o patnubay. Ito ay isinusulat sa
malalaking titik upang makatawag pansin.

Ang liham sa editor ay isang uri ng liham pangangalakal. Ito ay ipinadadala sa isang editor o patnugot ng isang
pahayagan o magasin. Maaring ang layunin ng liham ay isang reaksyon ukol sa nabasa sa pahayagan o magasin.
Maari ring magbigay ng puna o magparating ng saloobin o pananaw.Maikli, direkta at magalang ang daloy ng
pananalita ng liham na ito.Makikita sa larawan sa ibaba ang isang halimbawa ng liham sa editor.

Narito ang mga paraan kung paano ang pagsulat ng liham sa


editor:
1.Mangyaring isama ang iyong address at impormasyon sa
pakikipag-ugnay. Sa tuktok ng liham, dapat kang magbigay ng
buong impormasyon sa pakikipag-ugnay. Nagsasama ito hindi
lamang isang pisikal na address, kundi pati na rin isang email
address pati na rin isang numero ng telepono sa pakikipag-ugnay.

2.Mangyaring ibigay ang buong pangalan at address ng


tatanggap. Kung nagsusulat ka ng isang email o nais na
magpadala ng isang sulat sa pamamagitan ng koreo, ang address
ay dapat na nasa isang istilo ng negosyo. Isama ang pangalan,
pamagat, kumpanya, at address ng tatanggap. Kung hindi mo
alam ang pangalan ng editor, maaari mo itong hanapin sa
pahayagan o sumulat na lamang sa editor.

3.Sumulat ng isang simpleng pagbati. Hindi na kailangang maging


sopistikado sa iyong pagbati. Sumulat lamang sa "Editor", "Editor ng
pahayagan ng Herald" o "Minamahal na Editor". Maglagay ng
kuwit o panahon pagkatapos ng iyong mga salitang pagbati.

4.Ipahayag ang iyong saloobin o pananaw. Dapat na malinaw


mong maipahayag ang iyong opinyon at ipahiwatig kung ano ang
nag-udyok sa iyo sa ideyang ito.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
5. Proofread. Hindi papansinin ng mga editor ang mga titik na naglalaman ng hindi magagandang
grammar at hindi magandang nakasulat na rants.

6. Isumite ang iyong liham sa pamamagitan ng email kung pinapayagan ito ng publication.

Ang Iskrip sa Broadcasting ay naglalaman ng mga sasabihin ng isang tagapagsalita sa radyo.Narito ang
halimbawa ng iskrip para sa broadcasting

Narito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang iskrip para sa broadcasting:
1. Dahil ang iskrip ay babasahin ng radio announcer,at papakinggang ng mga tagasubaybay sa isang
partikular na programa sa radyo,dapat na malinaw ang mga salita at madaling maunawaan.
2. Gumawa ng balangkas o outline.Tiyaking masasagot ng isusulat na balita ang mga tanong na
Sino,Ano,Saan,Kailan,Bakit at Paano ang mga pangyayari sa balita.
3. Gumawa ng teaser- ang tila pang-eenganyong pahayag ngunit maikli bago isahimpapawid ang balita.
4. Sumulat ng pangunahing pangungusap na tiyak na kukuha sa atensyon ng mga tagapakinig.Maging
maingat sa pagsulat at tanging pili na mga salita lamang.
5. Isulat ang buong balita. Sa balitang pangradyo, karaniwang tumatakbo ang pagbabalita sa loob ng
30 segundong may 65 salita hanggang isang minutong may 130 salita.
6. Rebyuhin ang isinulat na balita.Tiyakin na wasto o tama ang mga ilalahad nitong pangyayari o
impormasyon.Gayundin ang kaangkupan ng mga salitang gagamitin.
7. Buuin ang konklusyon ng balita. Tiyaking tinalakay nang mabuti ang mga pangyayari at walang
naisantabi o nakalimutan bago ito bigyan ng pagtatapos.
8. Tandaan na ito ay pagbabalita: pagbabahagi sa nakararami ng mga impormasyon, kaya huwag itong
samahan ng personal na opinyon,saloobin o damdamin.
Sa pagsulat ay kailangan din nating mangalap ng datos sa tulong ng mga pangunahing sanggunian.

Halina at pag-aralan natin ang mga pangkalahatang sanggunian:


IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Ang mga pangunahing sanggunian na nabanggit ay maaring magamit sa pagbuo ng balita.
Para madagdagan pa ang inyong kaalaman sa paksang tinalakay maaring panoorin ang video sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=RIrizX5lz7U

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)


Naunawaan mo ba ang ating tinalakay na mga paksa?
Paunlarin ang iyong nalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto bilang 1: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagpapahayag ng wastong gamit ng mga pangkalahatang sanggunian at MALI naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang diksyunaryo ay aklat na pinagkukunan ng kahulugan, baybay, pagpapantig, bahagi ng pananalita


at pinanggalingan ng salita na nakaayos nang paalpabeto.
2. Ang teksbuk ay aklat ng mga mapang nagsasaad ng mga distansiya, lawak, lokasyon, anyong lupa at
anyong tubig.
3. Ang globo ay palapad na representasyon ng daigdig o bawat lugar sa daigdig.
4. Ang pahayagan ay publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento, larawan, anunsiyo at iba
pa.
5. Ang almanac ay set ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa ibat-ibang paksa at
mga artikulo tungkol sa katotohanan sa isang tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

Gawain sa Pagkatuto bilang 2:Tukuyin kung ang mga sumusunod ay dapat tandaan sa pagsulat ng ulat, liham sa
editor o iskrip. Ilagay ang U kung pagsulat ng ulat, E kung pagsulat ng liham sa editor at I kung pagsulat ng iskrip.
Ilagay ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Dapat mong malinaw na ipahayag ang iyong opinyon at ipahiwatig kung ano ang nag-udyok sa iyo sa
ideyang ito.
2. Ang pamagat nito ay batay sa uri ng talataan o patnubay. Ito ay isinusulat sa malalaking titik upang
makatawag pansin.
3.Proofread. Hindi papansinin ng mga editor ang mga titik na naglalaman ng hindi magagandang grammar
at hindi magandang nakasulat na rants.
4.Sumulat ng pangunahing pangungusap na tiyak na kukuha ng atensyon ng mga tagapakinig. Maging
maingat sa pagsulat at piling piling salita lamang.
5. Ito ay sinisimulan sa pinakamahalagang impormasyon tungo sa di-gaanong mahalagang detalye.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 40 minuto)


Mahusay at iyong nasagutan nang maayos ang mga nagdaang gawain. Upang mapalalim ang iyong kaalaman
ay sagutan din natin ang mga gawain sa ibaba:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Mangalap ng mga impormasyon tungkol sa enrolment ngayong S.Y. 2020-2021 sa
ating bansa. Magsulat ng isang balita tungkol dito. Gamitin ang rubrik na nasa gawain sa pagkatuto 5 upang
maging gabay sa pagsulat ng balita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Basahin mo ang balita na galing sa pahayagan
at pagkatapos ay sumulat ng liham sa editor.
Gamitin ang rubrik na nasa Gawain sa
pagkatuto 5 upang maging gabay sa pagsulat
ng liham sa editor.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ipagpalagay na ikaw ay isang radio broadcaster. Gamit ang sipi ng balita sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang 4 ay sumulat ng iskrip para sa iyong gagawing radio broadcasting. Gamitin ang rubrik sa ibaba para maging
gabay sa pagsulat nito.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Binabati kita!
Ngayon naman ay sagutan mo sa sagutang papel ang sumusunod:
Ang ________ ay isang pagpapahayag na maaring pasalita o pasulat ng ibat-ibang kaalaman. Ang
layunin ng ________ ay isang reaksyon ukol sa nabasa sa pahayagan o magasin. Ang ___________ ay naglalaman
ng ng mga sasabihin ng isang tagapagsalita sa radyo.Para makabuo ng mga ito ay kailangan natin ang mga
impormasyon na mkukuha natin sa mga pangkalahatang ______________.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 10 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)
Sagutin ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipinadala ng guro tungkol pagkalahatang sangunian.
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Isulat mo sa iyong kwaderno ang iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Alab Filipino 6 pahina 173,197 at 205,
MISOSA 6853 Paggamit ng sugnay na di makapag-iisa at makapg-iisa/Katotohanan at o
Opinyon/Liham sa Editor,
MISOSA 6776 Mga detalye ng Ulat at Balita/Pagsulat ng Patalastas at Balita.
https://www.tagaloglang.com/ulat/,
https://www.slideshare.net/allanortiz/pag-uulat-updated,
https://pdfcoffee.com/radio-broadcasting-tagalog-script-pdf-free.html

Inihanda nina: MISHIELA ROSE O. TABO Sinuri nina: MARIBETH C. RIETA


MARCIANO M. RONARIO JR CRISPENIANA P. BAUYON, EdD

You might also like