You are on page 1of 3

Dela Cruz, Allyssa Jane Prof.

Lucita Dela Cruz


BS Psychology 1-1 FIL 0012 – 4

UNANG GAWAIN

A. Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat


Ayon kay Hank (1983), “Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o
nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito.” Ito rin ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-
unawa sa mga nakatalang titik at simbolo na bumubuo ng impormasyon o teksto. Mula naman kay
Kenneth Goodman sa Journal of the Reading Specialist (1967), ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game, sapagkat ito ay ngadudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip: ang
kakayahang manghula, bumuo ng hinuha o prediksyon kaugnay ng tekstong binabasa.

Ang pagsulat naman ay isang pisikal at mental na aktibidad na ginagawa para sa iba’t ibang
layunin. Para kay Xing Jin, ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit
ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. Ang proseso ng pagsulat ay binubuo ng apat na yugto,
ang pre-writing, writing, revising at editing. May apat na uri din ng pagbasa, ang pinakamabilis na uri
ay ang skimming; ang paghahanap ng isang espisipikong impormasyon o gamit ang isang keyword ay
scanning; ang pag unawa sa buong nilalaman ng akda ay ang analitikal; at ang panghuli ay ang
pagtiyak na naiintidihan ang kanyang binasa ay ang kritikal na pagbasa.

Ang interdisiplinaryong pagbasa at pagsulat naman ay maihahalintulad sa paggamit sa


proseso ng scientific inquiry kung saan ang indibiduwal ay gumagamit na kritikal na pag-iisip sa
pagpormula at pagsuri sa iba’t ibang uri ng teksto.

B. Alamin ang Pagsasaling Teknikal at paano ito ginagawa.


Ayon kay C. Rabin (1958), Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang
pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad
ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

Ang tekstong teknikal ay sinulat upang magpaliwanag ukol sa tekstong siyentipiko o kaalamang
pang-agham. Ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga kaalaman na nagmula sa mga pananaliksik.
Ito ay tuwirang may kinalaman sa mga siyensya pangkalikasan man o pang-lipunan, pang-akademiko
na nangangailangan pa rin ng mga espesyalisadong wika. Ang mga uri ng tekstong teknikal ay ang
teksbuk, manwal, encyclopedia, artikulong syentipiko, akademiko at mga patakaran at
pamamaraan. Dahil itinuturing na impomatib at reperensyal ang mga tekstong teknikal, inaasahan na
ang pagsalin dito ay “teknikal” din, walang halong sariling opinion at hindi mabahiran ng sariling
damdamin. Ang pagsasaling teknikal ay isang gawaing nakapokus lamang sa impormasyon,
terminolohiya, at estruktura ng mga pangungusap. Ngunit, hindi sapat na maisalin lamang ang
impormasyon, nararapat na may wastong layunin at kaakibat na proseso ito upang hindi
mailayo sa orihinal na mensahe ng a k d a .
Ano ang mga dapat maging pangunahing konsiderasyon sa isinagawang
pagsasalin?
 Pragmatiks ng salin – kung saan isinasaalang-alang ang estilo ng
salin sa besiyon na mas maiintindihan ng publiko at nasa karaniwang
ayos ng Filipino.
 Konteksto ng salin – dito kinakailangang tiyak at nasususnod ang
tamang pagbabalangkas ng mga salitang bunga ng pag-aaral.
 Intensyon ng orihinal ng awtor/salin – dapat mailathala ng maayos
ang gustong iparating ng nasagawang pananaliksik o ng mga awtor.
 Target na mambabasa ng salin – inaasahang ang pagsasalin ay
makatwiran lamang na mas bigyanng-konsiderasyon ang estilo sa
estilo ng inaasahang mambabasa.

C. Nasusunod ba ang mga alituntunin ukol sa pagbabaybay naisinasaad sa ortograpiyang Filipino?


Bakit?
Ortograpiya ay ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa
simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika. Bawat wika ay
may sariling sistema ng paglalapat ng simbolo/letra/titik/karakter sa mga makahulugang tunog o
ponema. Sa aking palagay ay, bagama’t ito ay itinuturo sa eskwelahan elementarya pa lamang
hanggang sa senior high school, hindi lahat ay naiintidihan ang importansya nito. Kaya nung itinuturo,
binabalewala at hindi isinisikap na intindihin at alalahanin mabuti ang mga konsepto at proseso, na
kalimita’y ating nalilimutan. Hindi na natin masyado pang pinagtutuunan ng pansin ang ating
pagbabaybay, kaya hindi narin natin mapuna kung ano ng aba ang tama o mali. Hindi sapat na alam
natin ang pagkaiba ng din at rin, o nang at ng, ang mahalaga ay kung paano natin ito nagagamit sa
pang araw-araw na diskurso at pagsulat.

D. Mayroon ka bang maimumungkahi kung paano mapapaunlad ang ortograpiyang Filipino at


gawin itong mas praktikal? Ilahad.
Sa panahon ngayon na kung saan ang globalisyason ay binabago ang ating lipunan upang makasabay
sa galaw ng mundo, unti-unting nating nakakalimutan ang sariling atin. Kulang tayo sa kamalayan sa ating
saraling wika, marahil mas nagagamit at nakikita pa natin ang Ingles kesa Filipino sa araw-araw nating
pamumuhay. Gaya nga ng sabi ni Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino,
“Gamitin nang gamitin.... Sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, mas naisasaloob nila ang
diwa na naroon sa mga salita.” Ang mga maliiit na bagay, kung ating lahat ay gagawin ay bubunga sa
nakapalaking yapak sa pagunlad. Sa mga paaralan na hikayatin ang paglikha ng mga estudyante sa mga
tula, maikling pelikula, artikulo at mga pagganap na ginagamit ang ating wika. Bigyan diin- at importansya
ng mga guro ang karunungan sa tamang paggamit ng wika, puwedeng magkaroon ng workshop na
maipapakita ang tamang pagsulat at pag-proofread. Sa mga establisyemento, institusyon at kominudad na
magkaron ng Tagalog na bersyon ng kanilang mga karatula, dokumuneto, at forms upang lahat, kahit ang
mga hindi nakakabasa ng Ingles ay maintindihan ito. Nawa’y mas marami pa sanang materyales na
mapagkukunan at maa-access sa bawat komunidad. Makilahok sa mga aktibidad o gumawa ng mga
proyektong magpapahalaga sa wikang Pambansa. Gawin din

Walang saysay ang paggamit at paglagay ng baybayin sa mga karatula kung wala pa sa kalahati ang
marunong bumasa dito. Paano pa ang ating mga katutubo? Hindi lang dapat Tagalog ang dapat hikayatin
kundi pati narin ang paggamit ng mother tongue, o mga diyalekto. Ating isabuhay at pagyamanin ang ating
wika, bagama’t man ito’y lumalago at nagbabago, magkaroon tayo ng istandardisadong wika na ating
maipagmamalaki.
E. Masasabi mo bang nakaangkla ang deskripsyon at layunin ng kurso sa bisyon at misyon ng
PLM? Paano mo ito nasabi? Ipaliwanag.
Naniniwala ako na ang mga layunin ng kursong ito ay higit na nakatutulog sa pagkamit sa misyon
at bisyong ng unibersidad. Una, sa pagtuturo ng mas malawak ng sakop sa pagbasa at pagsulat ay
mas natatamisa ng isang tao ang kanyang kakayahan na makakatulong sa pambansang kaunlaran.
Pangalawa, sa pagpapalaganap sa gamit ng ating wika ay tumutumbas ito sa pagsasaloob ng
diwang pagiging Filipino. Minumulat nito ang mata ng mga kabataan sa reyalisyayon na kung
gaano nga ba importantenng pahalagahan at pagyamanin ang saraling atin.

Talasanggunian

Bueza, M. (2014, August 20). Panayam: Paano mapauunlad ng Filipino ang kanyang wika? Rappler. https://www.rappler.com/video/almario-

pagpapaunlad-wikang-pambansa-filipino

Fortunato, T. F. (1991). Ortograpiyang Filipino: Isang Pag-Aaral sa Istandardisasyon ng Wika. Philippine E-Journals, 9(1), 1.

https://ejournals.ph/article.php?id=7761

Sison-Buban, R. E. (2014). Ang Pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga. 118.

https://www.researchgate.net/publication/316249602_Ang_Pagsasaling_Teknikal_Pagsipat_sa_Praktika_at_Pagpapahalaga_Technical

_Translation_Revisiting_the_Practice_and_Essentials

You might also like