Professional Documents
Culture Documents
Fil 101 Aralin 4-Module
Fil 101 Aralin 4-Module
: 00
VISION MISSION
A center of human development committed to the pursuit of wisdom, truth, Establish and maintain an academic environment promoting the pursuit of
justice, pride, dignity, and local/global competitiveness via a quality but excellence and the total development of its students as human beings,
affordable education for all qualified clients. with fear of God and love of country and fellowmen.
GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims to:
1. foster the spiritual, intellectual, social, moral, and creative life of its client via affordable but quality tertiary education;
2. provide the clients with reach and substantial, relevant, wide range of academic disciplines, expose them to varied curricula r and co-curricular
experiences which nurture and enhance their personal dedications and commitments to social, moral, cultural, and economic transformations.
3. work with the government and the community and the pursuit of achieving national developmental goals; and
4. develop deserving and qualified clients with different skills of life existence and prepare them for local and global competitiveness
Pangalan: _________________________________________________________
(Apelyido, Unang Pangalan Inisyal na Pangalan.)
Kurso, Antas & Seksyon: ___________________________________________
Tirahan: ___________________________________________________
Paksa Time-Frame
Ortograpiyang Filipino
(Mga Tuntunin sa Pagbabaybay)
Pagbigkas na Pagbaybay
Ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig. Ang ispeling o
pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa
isang salita,
Daglat
Bb. (Binibini) = /Kapital bi-bi/ Gng. (Ginang) = /Kapital ji-en-ji/
Inisyal ng Tao
MAR (Manuel A. Roxas) = /em- ey-ar/
LKS (Lope K. Santos) = /el-key- es/
Akronim
GAT (Galian sa Arte at Tula) = / ji-ey-ti/
Pasulat na Pagbaybay
Pantanging ngalan
Halimbawa; Gusali Sasakyan Twin Towers Victory Liner Grand Villa Hotel Thai Airlines
Certeza BLDG. JAM Line
Panumbas sa mga Hiram na Salita Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na
elaborasyon ng Filipino, Nililimitahan nito ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit
sa paggamit ng walong dagdag na letra(C,F,J,N,Q,V,X,Z) doon lamang sa mga sumusunod ;
Pantanging ngalan
Kung kaya’t napapanahon lamang ang pagrebisa sa mga tuntunin sa ispeling. May
mahalagang kraytirya para matamo ang episyenteng sistema ng ispeling:
Sa paghanap ng panumbas sa mga salita buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin ang mga
sumusunod na paraan:
a. Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng
kasalukuyang Filipino.
Halimbawa: Hiram na salita Filipino rule tuntunin Ability kakayahan East silangan
b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.
Hiram na salita Filipino Imagery haraya(tagalog) Husband bana(hiligaynon)
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles, at iba pang
wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino. Kastila Filipino Cheque tseke Litro litro Liquid
likido
Ingles Filipino
Centripetal sentripetal
Commercial komersyal
Advertising advertayzing
d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi nauunawaan ng
nakakarami, hinihiram nang tuwiran ang katawagang Ingles at binabaybay ito ayon sa
sumusunod na paraan:
1.Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
halimbawa: Salitang Banyaga Filipino Reporter reporter Soprano soprano Memorandum
memorandum
Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit
kailangan ang konsistensi sa paggamit. Halimbawa: Kongregasyon konggregasyon
3.May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di-konsistent ang
ispeling o lubhang malayo ang ispeling sa bigkas na:
a.) Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling sapagkat kapag
binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas ang orihinal na ispeling nito.
Halimbawa: Coach rendezvous Sandwich sausage
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 19737, ipinahayag ng Pangulong Manuel L. Quezon ang
pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng Pilipinas batay sa Tagalog. 1940 – sinimulang ituro ang
wikang pambansa sa paaralang publiko at pribado.
1959 – ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay sa Tagalog. Konstitusyon ng 1986 – ang
Wikang Pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino gaya ng nasasaad:
Artikulo XIV, Sek. 6. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Bilang pag-alinsunod sa
nasabing batas, Filipino ang ngalan ng wikang pambansa sa kasalukuyan. Ito ay batay sa Pilipino, na
siyang umiiral na wika.
Deskripsyon ng Filipino ayon sa KWF: Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay,
ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t
ibangsaligang sosyal at
Kautusang Pangkagawaran Bilang 59 -itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay
tatawaging Pilipino.
Kaya sa mga eskwelahan noon, mas tama ang aklat kaysa libro; ang takdang aralin kaysa
asaynment; ang pamantasan kaysa unibersidad; ang dalubhasaan kaysa kolehiyo; ang mag-aaral
kaysa estudyante.
Sa kasalukuyan, hindi na tama ang argumentong ang Filipino ay Tagalog din.Wika nga ni Almario( sa
Bernales, et al. 2006), hindi lamang natin iniintinding mabuti.Samantala, may mga miskonsepsyon pa
rin sa wikang Filipino na kailangan nating linawin.
Ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi galing sa Ingles na Filipino na tawag sa
ating mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi rin isang akomodasyong pampulitika ang pagbabago ng
pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino sa Filipino.
Bilang isang lingua franca, ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong
bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan saisa’t isa lalo na sa mga syudad, kahit pa mayroon
tayong kani-kaniyang katutubo at unang wika gaya ng Cebuano,
Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa “sanyata” at “rang-ay” ng Iloco, sa “usuang” at
“bihud” ng Visaya, sa “Santing” ng mga Kapampangan, sa “suyad” ng Manobo. Smantala’y hindi ito
hadlang sa madaliang pagpasok ng “shawarma”, “sashimi”, “shabu”, “odd-eve”, at iba pang idargasa
ng ”satelayt” at “fax” ng globalisasyon. - Dr. Virgilio Almario (sa Bernales:
Ang Filipino ay higit pang palalawakin at payayabungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy na
makaagapay sa pag-unlad ng bansa, at maging epektibong kasangkapan sa ating
pakikipagtalastasan.
A. Letrang C
1. Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: Calculus Chlorophyll Carbohydrates
Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/ at ng letrang K kung ang tunog ay /k/
kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C.
B. Letrang F
Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Tofu Foto French fries futbol
C. Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Jam Jaket Sabjek Objek
D. Letrang n(enye)
1.Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: El Niño Malacañang Niño
2. Palitan ang letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang
Ñ. Halimbawa: Piña = pinya Cariñosa = karinyosa Bañera = banyera
E. Letrang Q
1. Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: Quo vadis Quantum Opaque
2. Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/ at ng letrang K kung ang tunog
ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.
Halimbawa: Quarter = kwarter Quorum = korum Querida = kerida
F. Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Verbatim Varayti Video Vertebrate
G. Letrang X
1. Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: Axiom Xylem Exodus
2. Palitang ang letrang X ng letrang KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang
hiram na salitang may letrang X.
Halimbawa: Experimental = eksperimental Taxonomy = taksonomi Exam = eksam
H. Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Zebra Zinc Zoo Bazaar Magazine
Pantig at Palapantigan
1.Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ngtinig sa pagbigkas ng salita.
Halimbawa: A-ko sam-bot i-i-wan mang-ya-ya-ri It-log ma-a-a-ri
3. Paraan ng Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal, midyal at final
na salita, ito ay hiwalay na mga patinig.
Halimbawa: Aalis a-a-lis Maaga ma-a-ga Totoo to-to-o
b. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging
katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa: Buksan buk-san Pinto pin-to Sobre sob-re Kopya kop-ya
c. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang
salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na
kasunod
Halimbawa: Eksperimento eks-pe-ri-men- to Transkripsyon tans-krip-syon
e. Kapag may apat na magkakasunud- sunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang
dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na
kasunod. Halimbawa: Esktradisyon esk-tra-dis-yon Eksklusibo eks-klu-si-bo
4.Pag-uulit ng Pantig
a. Kapag ang unang tunog ng salitang ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang
inuulit.
Halimbawa: A-lis a-a-lis Am-bon a-am-bon
Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa: Mag-a-lis mag-a-a-lis Umam-bon uma-am-bon Umeks-tra u-me-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang- ugat ay nagsisimula sa KP (Katinig- Patinig) , ang katinig at
ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
c. Kung ang unang pantig ng salitang- ugat ay may KK (klaster ng katinig) na kayarian, dalawang
paraan ang maaaring gamitin.
Checked by:
College of Computer Studies Module Editing Committee for General Education Subjects
Recommending Approval:
Approved by.
Noted by: