You are on page 1of 8

RHENA S.

GADOR BSED-SCIENCE BLOCK A

Panimulang Pagsusulit

Tama o Mali. Isulat ang iyong panglan kung wasto ang pahayag. Isulat ang iyong apilyedo kung hindi angkop ang
tinutukoy sa nasabing pahayag.

___Rhena____1. Ang pagdadalumat ay tumutukoy sa pagteteorya at pagbuo ng mga konsepto o kaisaipan sa


mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-bagay sa lipunan.
___Gador____2. Tinatawag na dalumat- wika ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya
batay sa masusi, masinop, kritikal, at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at
kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag- uuri’t paggamit nito.
___Gador____3. Ang awiting “Pananagutan” ni Eduardo Pardo Hontiveros, S.J. ay pagdalumat sa konsepto
ng karapatang pantao sa kontekstong Pilipino.
___Rhena ___ 4. Nagsimula ang pagpili ng Salita ng Taon noong 2004.
___Rhena____5. Noong 2016, itinanghal sa Salita ng Taon ang “netizen”.
___Rhena____6. Noong 2018, “tokhang” ang naging pangunahing Salita ng Taon.
___Rhena____7. Ang awiting “Tuldok” ng asin ay pilosopikal na pagdalumat sa puno’t dulo ng buhay at pag-
iral o existence.
___Gador____8. Ang salitang Huweteng ang itinuturing na pinakaunang paramdam ng epekto sa wika ng
umuunlad na industriya ng teknolohiya ng bansa.
___Rhena____9. Naging popular ang salitang wang-wang bilang sagisag ng pamamahala ng kaluluklok na
pangulo ng Pilipinas noong 2011.

Pagsasanay 1

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Paano nagagamit sa pagdadalumat ang mga salita o parirala/konsepto?
 Nagagamit sa pagdadalumat ang mga salita o parirala/konseptosa pamamagitan ng
mas malalim at mapanuring pagteteorya ng mga salita ng mga baagy-bagay sa
lipunan. Ito’y batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga
salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang naging konsepto sa malalimang
paggamit nito.
2. Bakit mahalaga sa kulturang Pilipino ang konseptong “loo” ayon sa awitin ni Jess Santiago?
 Mahalaga sa kulturang Pilipino ang konseptong “loob” ayon a awitin ni Jess Santiago
dahil ito na ang naging tradisyon ng mga Pilipino na kahit kailan ay hindi na
mabubura pa sa mga isipan. Ito’y paalala sa ating mga Pilipino ang kahalagahan ng
sariling wika na dapat ating tangkilikin bagama’t may mas malalim pa itong mga
kahulugan na dapat nating malaman at dahil dito mas mauunawaan pa nating mga
Pilipino ang kahalagahan at kahulugan nito.
3. Paano pinipili ang mga Salita ng Taon sa Sawikain?
 Pinipili ang mga Salita ng Taon sa Sawilain sa pamamagitan ng ito’y dapat
makabuluhan na salita sa diskurso ng lipunan, husay ng saliksik at malikhain ang
presentasyon.
4. Ano-ano ang karaniwang katangian ng mga nagwawaging Salita ng Taon?
 Ang karaniwang katangian ng mga nagwawaging Salita ng Taon ay naglalarawan ng
isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan sa isang particular na taon na kadalasan
ay political. Nagtatampok sa mga kontrobersiyal na isyu sa lipunan. Gumigising sa
damdamin tungo sa pagbabago o paghahanap ng solusyon sa isang problema sa
lipunan.
5. Paano pinatutunayan ng mga lahok sa Sawikain na buhay at dinamiko ang wikang Filipino?
 Pinatutunayan ng mga kalahok sa Sawikain na buhay at dinamiko ang wikang Filipino
sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng mga makabagong salita na kung saan ang mga
lumang salita ay may bagong kahulugan at dahil dito, nagbabago-bago ang
kahulugan ng mga salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. At patuloy ng
nagbabago, ginagamit ang yumayaman ang wika, na nagpapakita na buhay at
dinamiko ang wikang Filipino.
6. Sa mga nagwaging Salita ng Taon, anong salita ang pinakatumatak sa iyong kamalayan?
Pangatwiran.
 Sa mga nagwaging Salita ng Taon, ang salita na pinakatumatak sa aking kamalayan
ay ang salitang selfie. Na kung saan nung aking kabataan ay syang laging aming
ginagamit sa pagkuha ng litrato, at kahit ilann taon na ang lumipas ay hindi parin
kumukupas ang salitang selfie dahil hanggan ngayon ay akin/amin parin itong
nababanggit sa tuwing kami ay kumukuha ng litrato.

Gawain 1

Pagsulat ng papel para sa Sariling Salita ng Taon.

Ikaw ay mananaliksik na nagbabalak na lumahok sa susunod na kumperensya ng Sawikaan para sa


mga Salita ng Taon. Iisip ka ng salitang ilahok sa kumperensya. Ang iyong salita ay dapat na may kabuluhang
panlipunan, at malawak-lawak na ang paggamit sa midya at/o sa diskurso ng mga mamamayan sa bansa.
Ang iyong papel na nagtatanggol sa inyong salitang lahok ay kailangang iskolarli (nakabatay sa mga katiwa-
tiwalang sanggunian) at hindi hihigit ng 6,000 na salita. Ipiprint ito sa maikling bond paper at ipapasa sa
instructor/propesor.

Bilang paghahanda para sa pagsulat ng papel ay kokompletuhin ang balangkas (outline) ng inyong
papel sa ibaba. Ang pinal na papel ay mamarkahan batay sa rubric na nasa ibaba. Bukod sa halimbawang
papel na “wang-wang” (2012):
https://www.scribd.com/doc/106468938/wang-wang-Lahok-Para-Sa-SAWIKAAN-2012-2at”Endo”(2014):
https://.academia.edu/8510399/ENDO_Mga_Salita_Ng_Taon_SAWIKAAN_
Mungkahing Salita ng Taon:

 Sana all

Mga kahulugan ng salita:

 Sana (Tagalog) - Kahulugan : Salitang sinasabi tuwing naghahangad ang isang tao. Paghahangad.
Halimbawa : Sana maging guro ako balang-araw.
 All (English) - Kahulugan : Lahat
Halimbawa : Ang lahat ay masaya. (All is happy)

Paghahangad + Lahat = Panghahangad para sa lahat o Sana lahat.

Ang salitang ito ay ginagamit kapag merong pag-aari ang isang tao na wala ka. Ginagamit ito para
ipahayag na sana meron ka din sa bagay na meron sya. Madalas ginagamit ang mga katagang ito tuwing
mayroong isang sitwasyon o karanasan ang isang tao na nais din ng iba, at sasabihin nila sa taong iyon, “sana
all.” Sa mas kumpleto at mas malinaw na mga salita, ito ay maaaring “sana lahat ay ganiyan” o ‘di kaya’y
“sana lahat may ganiyan.” Ang ibang mga salitang magbubuo sa kaisipan ng “sana all” ay hindi na sinasabi pa
dahil iyon ay ipinapahiwatig pa na at naiintindihan naman ng mga tao, at para sa marami, iyon naman ang
mahalaga.

Sana + all = Sana all

Dalawang salitang magkaibang lenggwahe ngunit nakabubuo ng kaisipang naiintindihan ng marami at


nagagamit sa iba’t ibang konteksto. Ito ay sa mga kadahilanang ang bansang Pilipinas ay dating kolonya ng
Amerika, Ingles ang madalas ginagamit na language of learning sa bansa, at laganap sa mass media ang mga
pelikula at mga palabas ingles sa bansa, madaling maintindihan ng mga Pilipino ang maraming mga salitang
Ingles at kasama na doon ang salitang “all.”

Sana all: Sana lahat

Ngunit, kung ang taong nagsasabi nito ang nagnanais ng bagay o sitwasyon na iyon, bakit niya sinasabing
“all” o “lahat”? Karamihan sa mga kontekstong ginagamitan ng “sana all” ay mga bagay o sitwasyon na
maraming tao ang naghahangad, tulad ng girlfriend o boyfriend, pera, matataas na grado at iba pa. Ito ang
dahilan kung bakit inilalahat na ng mga tao ang kanilang paghahangad. Ngunit may mga pagkakataon din na
ginagamit ito sa mga pansariling paghahangad. Ibig sabihin, ito rin ay nagpapahiwatig ng kaisipang, “sana ako
rin ganiyan” o “sana ako rin may ganiyan.” Kahit na ito ay may kaibahan sa naunang kahulugan, naiintindihan
pa rin ito ng mga tao dahil mayroong pundasyon na nakuha sa iba o sa sariling iniisip at karanasan sa
pagpapahiwatig at pag-intindi kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga salitang ito.

“Sana ol” “Sana oil” “China oil”

‘Di nagtagal, pinagyaman pa ng mga Pilipino ang “sana all” at ginawan ito ng variations pagdating sa
pagbaybay. Naging “sana ol,” kahit wala naman talagang salitang “ol.” Nagkaroon din ng “sana oil,” kung
saan ang “oil” ay isang ingles na salita na ang ibig sabihin ay langis. Nagkaron pa ng “china oil,” kung saan
ang parehong salita ay pinalitan ng “China” na isang pangalan ng bansa at “oil” ulit na ang ibig sabihin ay
langis. Pinalitan man ang mga salita ng ibang baybay at ibang mga salitang may ibang kahulugan,
naiintindihan pa rin ng mga tao dahil ito ay katunog. Ang paggawa ng iba’t ibang mga malikhaing paraan ang
pagsulat at pagbigkas ng “sana all” ay nagsisilbing katuwaan ng mga taong gumagamit nito.

Tunay nga na kakaiba ang kakayahan ng tao sa pagyaman ng wika. Sa gamit lamang ng dalawang salita,
“sana” at “all,” napaghalo ang dalawang magkaibang lenggwahe at nakagawa ng kaisipang maaaring gamitin
sa iba’t ibang konseptong marami ang makaka-”relate” at makakagamit. Nagagamit din ang pagiging
malikhain sa paggawa ng mga variations ng mga salita sa paraang ito ay nagsisilbing katuwaan ng mga tao. Sa
kabila ng mga paghahalo-halo at pagkakaiba-iba ng mga salita at baybay, ang mahalaga pa rin sa mga tao ay
ang konsepto at kaisipan na naiintindihan ng mga taong tumatanggap nito.
Etimolohiya o Pinagmulan ng Salita:

 Ang mga salitang "sana" at "all" ay nanggaling sa magkaibang wika na Filipino at Ingles. Ito ay binuo at
pinasikat ng mga millenials sa social media na ngayon ay patok at biling-bili na salita sa masa. Ang
salitang sana all ay isang ekspresyon o komento ng isang tao na nagpapahayag ng pagkainggit.
Ginagamit ito upang hilingin ang tagumpay o swerte ng isang indibidwal na kumalat sa ibang tao.
Karamihan sa mga nagkokomento ng sana all ay ang mga taong gusto na ng nobyo/nobya, tapos yung
iba trip lang talaga nila.

Mga Halimbawa ng Aktwal na paggamit ng Salita sa Pangungusap, Diskurso, Midya,At Iba pa.

 SANA ALL
 Nagpost sa twitter ang kanilang kaklase ng isang larawan na kasama ang kanyang nobyo. Kanilang
ipinagdiriwang ang ika-apat nilang anibersaryo bilang magjowa at sa larawan ay makikita mong
napakasweet nila sa isa't isa.

Ikaw “na single”: Sana all.

Kahulugan:

1. Sana all may nobyo.


2. Sana all in a relationship.
3. Sana all anniversary.

 Sa pagsakay mo ng dyip ay may nakatabi ka na isang grade-7 na studyante na nag-aaral lang sa


inyong skwelahan. Ikaw ay nasa SeniorHigh na at isang grade-12 na studyante, hindi mo
sinasadyang mapatingin sa may dibdib niya.

Ikaw “na flat”: Sana all

Kahulugan:

1. Sana all malaki.


2. Sana all bundok, hindi kapatagan.
3. Sana all hindi parang tabla.
4. Sana all grade-7 na mature.

 May kaklase kang araw-araw nalang ay nanglilibre sa inyo dahil marami siyang pera at wala siyang
wallet, rich kid kasi.

Ikaw na kaklase niyang “pabigat na nagpapalibre lang at nakikidagdag sa kanyang mga gastusin”:
Sana all.
Kahulugan:

1. Sana all maraming pera.


2. Sana all nanglilibre.
3. Sana all mayaman.
4. Sana all walang wallet na paglalagyan ng pera.

Kabuluhang Panlipunan ng Salita:

 Mga salitang millenial na ginagamit narin ngayon ng mga magulang natin at kahit mga lolo at lola natin.
Dahil sa kadahilanang ito ay nagbibigay aliw at tuwa sa atin sa tuwing ito ang mga salitang ating
binabanggit. Aliw at tuwa na kahit biro lang ay may kahulugan at ideya na naipaparating nito sa kausap
at sa madla.

Tunay nga na kakaiba ang kakayahan ng tao sa pagyaman ng wika. Sa gamit lamang ng dalawang salita,
“sana” at “all,” napaghalo ang dalawang magkaibang lenggwahe at nakagawa ng kaisipang maaaring
gamitin sa iba’t ibang konseptong marami ang makaka-”relate” at makakagamit. Nagagamit din ang
pagiging malikhain sa paggawa ng mga variations ng mga salita sa paraang ito ay nagsisilbing katuwaan
ng mga tao. Sa kabila ng mga paghahalo-halo at pagkakaiba-iba ng mga salita at baybay, ang mahalaga
pa rin sa mga tao ay ang konsepto at kaisipan na naiintindihan ng mga taong tumatanggap nito.

Iba pang Argumento Pabor sa Inyong Lahok:

 www.scrib.com/document/445507491/SANA-ALL

Gawain 2

Pagpapalit ng Lyrics ng Popular na Awitin

Kalahok kayo sa patimpalak sa pagbuo ng mga awiting may malalim na mensahing panlipunan. Amg tema nag
pantimpalak ay “Awiting luma, bihisan ng bagong ideya para sa mondo ngayo’y umakma.” Ang awitin ang kailangang
nakasunod sa isang popular na awitin ang tono ( samakatuwid, pagpapalit ng lyrics ang isasagawa). Isulat ang lyrics
ng awitin sa espasyo sa ibaba.

Pamagat ng orihinal na awitin: Anak ni Fredie Aguilar

Pamagat ng binagong awitin: Maling Akala ni Rhena S. Gador

Bagong lyrics:

Nung una kitang nakilala,

Akala ko ikaw na nga sinta,

Kaya ibinigay sayo pagmamahal ko,


Sa mga buwan na nakaraan,

Tiwala sayo’y mas tumatapang’

Kaya isinuko na ang bataan,

At lumipas ang mga araw kasabay ang paglaho ng pag-ibig mo,

Hindi ko kaya na ang kalimutan ang lahat-lahat na meron tayo,

Nasanay nasa piling mo,

Sanay hindi nagkalayo,

Sana ako ay naririnig mo,

Ikaw nga’y biglang nagbago

Naging masakit sa puso ko,

At ang pangako mo’y pinako mo,

Hindi mo ba naiisip ang nakaraang pagmamahalan na kay saya,

Sa t’wing tayo’y magkatagpo na para bang hindi kilala ang isat isa,

Sa paggising ay wala ka na

Oh mahal ika’y nasaan ba,

Ikaw nga ba’y mayron na ngang iba,

Ngayon ngay nagbabalik ka,

Ngunit ako’y nagbago na,

Ako’y di na babalik sa nakaraan pa,

Ako ngayo’y natuto na’t nakatayo sa pagbagsak na iyong ginawa,

Kalayaan ang naramdaman sa buhay ko ngayong wala ka na,

Kalayaan ang naramdaman sa buhay ko ngayong wala ka na.


Gawain 3

Pagtukoy sa Mahahalagang Kaisipan mula sa Awitin.

sipatin sa Youtube o sa alinmang katulad nitong website ang lyrics ng sumusunod na mga awitin at ibuod ang
mensahe ng dalawang napiling awitin sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang kaisipan mula sa mga ito.
Gawin ito sa espasyo sa ibaba.

 “Tuldok” ng ASIN
 “Batingaw” ng ASIN
 “Laging Ikaw” ni Jess Santiago
 “Pananagutan” ni Eduardo Pardo Hontiveros,S.J.
 “Tayo’y mga Pinoy” ni Heber Bartolome/Banyuhay
 “Holdap” ni Gary Granada
 “Mamamayan ng Mamamayani” ni Gary Granada
 “Mabuting Pilipino” ni Neol Cabangon
 “Kayod Kabayo, Kayod Barya” ni Noel Cabangon
 “Pitong Gatang” ni Fred Panopio
 “Karaniwng Tao” ni Joe Ayala
 “Pinggan” ni Pol Galang
 “Kapayapaan Hatid ng Katarungan” ng Sinanglahi

Pamagat ng Awit 1:

 “Pananagutan” ni Eduardo Pardo Hontiveros,S.J.

Mahalagang Kaisipan 1:

 Napakaganda ng aral at mensahe ng awiting "Pananagutan." Isa lamang ang aral o mensahe ng
awiting ito. Ang ating kapwa ay ang ating pananagutan sa Diyos. Ang bawat isa sa atin ay may
tungkulin bilang kapwa. Kailangan nating maging mabuti sa ating kapwa. Kailangan nating ituring
ang isa't isa bilang ating kapwa. Iyan ang pananagutan o responsibilidad na kinakailangan nating
tuparin. Ang nagbigay ng responsibilidad na iyan sa atin ay walang iba kundi ang Diyos.
Maging mabuting kapwa. Makipagkapwa. Magpaka-kapwa. Iyan ang ating pananagutan o
responsibilidad sa Diyos. Ang bawat isa sa atin ay binigyan ng Panginoong Diyos ng pananagutan sa
ating kapwa-tao. Ang ating tungkulin bilang mga Kristiyano at bilang tao ay ang pagiging mabuting
kapwa sa isa't isa.
Maging mabuting kapwa. Magpaka-kapwa. Ang Panginoon ay nalulugod sa mga tutupad sa
kanilang pananagutan na maging isang mabuting kapwa. Inihahayag ng bawat isa sa pamamagitan
ng pagiging mabuting kapwa sa isa't isa ang kanilang pag-ibig para sa Diyos na nagbigay ng
tungkuling ito sa lahat ng tao.

Pamagat ng Awit 2:

 “Karaniwng Tao” ni Joe Ayala


Mahalagang kaisipan 2:

 Ang kantang ito na karaniwang tao ay tumutukoy sa mga ginagawa natin sa ating mundo at kung
gaano nakakaapekto o nagdudulot ng masama ang katulad nating karaniwang tao na naging
dahilan na nagiging kawawa at madumi ang ating mundo at kalikasan.
Ang tinutukoy na karaniwang tao sa kanta ay tayo dahil tayo lang naman ang tao na naninirahan sa
ating mundo na umaabuso at sumisira sa ating sariling kalikasan.

Pero hindi pa huli ang lahat, maaari pa rin nating maisalba ang naghihingalong kalikasan. Sa mga
karaniwang gawain natin sa pang-araw-araw ay maaari tayong makagawa ng malaking pagbabago
tulad ng simpleng pagtapon ng basura sa tamang tapunan, pag-iwas sa paggamit ng plastic,
pagboluntaryo sa mga proyekto sa pangangalaga sakalikasan at iba pang gawain. Kung bawat isa sa
atin ay ganito ang gagawin maaari nating maisalba at maihaon sa paghihirap ang ating mundo,
nang sa gayundin ay makakaamoy pa ng masarap at sariwang hangin ang mga kabataang
naghihintay pa ng bukas, makakalangoy pa sa dagat na walang halong dumi at kalat, tayo lang mga
tao ang nagsimula kaya tayo din ang magtatapos sa ating sinimulan.

Pagsusulit

Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

__Pagdadalumat_ 1. Panumbas ng Filipino sa pagteteorya


__Dalumat-salita_ 2. Pagteteorya gamit ang mga magkakaugnay na salita
__Selfie_________3. Larawang sling kuha na sumasalamin din sa kaakuhan o identidad ng kumuha ng
larawan.
__ Wangwang____4. Tunog ng trak ng bumbero, ambulansya at iba pa. Na sumasalamin din sa panawagang
pagbabago.

__ Wangwang____5. Politikal na terminong pantukoy sa mga konserbatibo, at ngayon nga ay inaakalang


tumutukoy lamang sa mga tagasuporta ng angkang Aquino sa Pilipinas.

__ Lobat_________6. Tumutukoy sa pagkaubos ng enerhiya ng cell phone at pananamlay ng isang tao


bunsod ng kapaguran.
__ Pananagutan___7. Salitang sariling atin para sa “responsibilidad”.
__ Karaniwang Tao ni Joey Ayala___8. Awiting tumatalakay sa problema ng tao at ng kalikasan.
__ Mamamayan ang Mamamayani ni Gary Granada_____9. Awiting maiuugnay sa People Power.
__ Pinggan ni Pol Galang _________10. Awiting nagdadalumat hinggil sa soberany.

You might also like