You are on page 1of 4

Sampiano, Ghieric James D.

BSCRIM 1-4

MODYUL 1
DALUMAT-SALITA: Mga Salita ng Taon/ Sawikaan
(Selfie, Fotobam at Tokhang)
Pamagat ng Gawain GAWAING PAGKATUTO BILANG 1
1. Magagawa kong ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng wikang Filipino
sa pagdadalumat o pagteteorya.
2. Magagawa kong isa-isahin ang mga salitang itinanghal na salita ng taon.
3. Magagawa kong gamitin ang mga salitang itinanghal na salita ng taon sa
pagbuo ng sariling pangungusap tungo sa pakikipagkomunikasyon.
4. Magagawa kong makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng
piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa
Mga Layunin konteksto ng komunidad at bansa.
5. Magagawa kong makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika,
datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang
larangan.
6. Magagawa kong makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat
sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
 CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SA FILIPINO SA
KOLEHIYO (Nobyembre 2017).
Sanggunian
 Quijano, Ma.Lourdes R. et al. 2020. DalumatFil: Diskurso sa Araling Filipino.
Cabanatuan City: Nueva Ecija University of Science and Technology Printing

KAALAMAN:
Ang PAGDADALUMAT ay isang maagwat na prosesong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan
sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa
konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang
Pilipino.

DULA
Leksikal Simbolikal Diskurso
Ito ay pagtatanghal ng isang akda Ayon kay Salazar (1968) ang dula Ayon kay Mendoza (2011), hindi
o piyesa sa harap ng mga ay isang larawan ng buhay na na mabilang sa daliri ang
manonoood. sinasangkapan ng wika, napakaraming kahulugan ng dula.
damdamin at sining. Hinahabi ito Mula sa konsepto ng mimesis ni
upang itanghal, makaaliw, Aristotle hanggang sa pagkilala sa
umantig ng damdamin, at iba’t ibang katangiang taglay nito.
makapaghatid ng isa o higit pang
mensahe.

PAGSUBOK:
Magtala ng limang mga salita na hindi pa istandardisado o kasalukuyang ginagamit lamang ng mga tao
sa kanto at bigyang pagpapaliwanag kung bakit ito dapat na itanghal bilang salita ng taon batay sa kung
papaano ito lumalaganap at ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

Salita Paliwanag/ Dahilan


1. Omsim Ginagamit ang salitang ito kapag ang bagay ay aktwal, totoo, o
di naman kaya ay pag sang ayon

2. Idokk mula sa salitang idol o idolo ang idokk ay ginagamit na salita sa


taong kinahahangaan oh maari den na maituring na isang
honorific
3. Forda ferson Ang salitang forda ferson ay umusbong sa social media app na
tiktok kunsaan pinapalitan ang letrang p ng letrang f

4. eguls Nanggaling sa salitang lugi ang salitang eguls ay ginagamit sa


isang sitwasyon na hindi patas halimbaawa sa larong basketball
na kalaban ay mga batak at kayo ay taong bahay maari dito
gamitin ang salitang eguls sapagkat ang inyong kalaban ay
bihasa at kayo ay parating nasa bahay at walang ehersisyo
5. Sheesh pagkabigo, inis, o sorpresa

LEKTURA:
Sa aklat na Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon, nilalagom ng awtor na si Eilene
Antoinette G. Narvaez ang karanasan at napagtagumpayan ng Sawikaan bílang estratehiya hindi lámang sa
pamimilì ng salita ng taon kundi upang magkaroon ng mapanuring kamalayan ang mga Filipino tungkol sa
nagbabagong wika ng bansa. Inilahad niya ang kasaysayan ng Sawikaan sa konteksto ng mga pagsisikap ng
iba’t ibang institusyon na idokumento ang pagbabago ng wika sa buong mundo; tinása ang papel ng Filipinas
Institute of Translation hindi lámang bílang tagapagtaguyod ng Sawikaan kundi bílang isa sa mga
nangungunang tagapagsulong ng mga programang pangwika, pampanitikan, at pangkultura; tinalakay ang
mga diskurso ng mga tagapagtaguyod ng mga nominadong salita ng taon; at inilarawan ang katangian ng mga
nominadong salita ng taon batay sa wikang mulaan hanggang sa inuusbungang diskurso ng mga salita.
Galileo S. Zafra, PhD
Propesor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

 Sawikaan 2014: Selfie


Itinanghal ang “selfie” bilang salita ng taon matapos makakuha ng pinakamataas na boto mula sa mga
kalahok ng “Pambansang Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino at Sawikaan 2014: Pagpili
ng Salita ng Taon.”

 Sawikaan 2016: Fotobam


Hango sa salitang Ingles na “photobomb,” ginamit ni Michael Charleston Chua ang salitang “fotobam”
(upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles, bukod sa ito rin ang ginamit sa isang dokumentaryo ng
kaniyang mga estudyante noong 2014) upang ilarawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre de
Manila sa isang pambansang simbolo. Mula sa mababaw na pagsingit lang sa retrato ng ibang tao,
hinubdan nito ang realidad na hindi nakikita sa isang retrato— ang realidad kung paanong ang mga
awtoridad mismo ay mas minamahalaga ang negosyo kaysa ang mga pamanang pangkultura ng bansa.

 Sawikaan 2018: Tokhang


Hinirang ang “tokhang” bilang salita ng taon sa sawikaan 2018 na ginanap sa Institute of Biology sa
Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong ika-26 ng Oktubre.
Inilahok ng mamamahayag na si Mark Angeles ang salitang ito na hango sa salitang Cebuano na
“toktok” o katok at “hangyo” o pakiusap.

PAGSASANAY
Sagutin ang sumusunod na mga tanong/ gawain.

1. Saliksikin at itala ang mga salitang nakalaban ng Selfie (2014), Fotobam (2016) at Tokhang (2018) sa
Sawikaan: Pagpili ng Salita ng Taon.
Selfie (2014) Fotobam (2016) Tokhang (2018)
Kalakal Netizen Dengvaxia
Imba Bully Dds
Endo Foundling Dilawan
Pdaf Hugot Fake news
Wistle blower Lumad Federalismo
Storm surge Meme Foodie
Riding in tandem Viral Quo warranto
Cctv Tukod Resibo
Peg milenyal Train
Bossing troll
Filipinas
hashtag

2. Ano-anong mga salik/ dahilan ang nakapagpanalo sa mga salitang nasa ibaba upang tanghaling salita
ng taon?
Salita ng Taon Mga Salik/ Dahilan
a. Selfie (2014) ayon sa Oxford Dictionary, ay isang katagang hango sa salitang Ingles
na “self” na dinagdagan ng “ie” at tumutukoy sa isang retrato na
kinunan ng mismong nasa retrato sa pamamagitan ng isang
smartphone o webcam at inaplowd sa isang social media website.

b. Fotobam (2016) Nagmula umano ang “Filipinized” na baybay ng “Fotobam” sa isang


dokumentaryong gawa ng mag-aaral na si Carl Angelo Ruiz. “Ito ay isang
salita na hindi lamang tungkol sa paglilitrato ng mga milenyal kung saan may
asungot o sagabal o paningit o panira—hindi na lamang 'yon. Noong tinawag
na 'Pambansang Fotobam' ang gusali sa likod ng isang monumento, agad
na-pick up ng tao ang isyu,” ayon kay Chua.
c. Tokhang (2018) Naging matunog ang salitang “tokhang” noong ginamit ito ni Ronald
“Bato” dela Rosa sa “Oplan Tokhang” habang nagsisilbi bilang pinuno
ng Davao City Police Office mula Enero 2012 hanggang Hunyo 2016.
Lumawak ang saklaw nito nang maupo siya bilang hepe ng Philippine
National Police

3. Ano ang kahalagahan ng mga salitang Selfie, Fotobam at Tokhang sa mga sumusunod:
Mamamayang Pilipino Lipunan Wikang Filipino
Ang mga salitang ito ay Maari itong magbigay Ang mga salitang ito ay
nagpapakita sa pagiging kaalaman sa lipunan hindi man maintindihan
mapagpahalaga ng mga sa kadahilanang ang ng iba sa kadahilanang
filipinosa wika. Dahil sa mga salitang itoay may ito aymga makabagong
bilis ng pagtakbo ng kalakip na dahilan at salita, ngunit ito ay
oras, kalakip nito ang kahalagahan na isang indikasyon na
mga makabagong magbibigay ng ang wikang filipino
salita.Ang mga tao ay kamalayan sa aynagbabago at
magkakaroon ng lipunanukol sa mga lumalago kasama ng
a. Selfie (2014)
kaaalaman at malay sa napapanahong isyu. pagbabago ng oras.
mga makabagong salita
napwede nilang
magamit sa isang
particular na sitwasyon.
Ito ay isang indikasyon
naang wika ay dinamiko
at patuloy na
yumayabong
Mahalaga ang salitang Nag bibigay kaalaman Kahalagahan nito ay
fotobam sa mamayang sa lipunan na ang ito ay makaka dagdag
pilipino sapagkat di salitang fotobam ay sa makabagong wika
natin malalaman na ang isang salita na ng mga pilipino
ating lenguwahe ay tumutokoy sa isyu na
b. Fotobam (2016)
yuimayabong tungkol sa isang
establishimento na
naka sagal sa
magandang tanawin ng
ating monumento
Ang tokhang ay salita Noong kasagsagan ng Importanteng
na ginamit sa war on drugs ang nadadagdagan ang
kasagsagan ng war on tokhang ay naging salitang pilipino
drugs na talaga namang importanteng salita na sapagkat dito
c. Tokhang (2018) nagpapatunay na ang nagbigay kamalayan nalalaman o isang
lenguwahe o wika naten sa lipunan kung ano indikasyon na ang
ay dinamiko nga ba talaga ang ating lenguwahe ay
tokhang buhay

AWTPUT BILANG 1
KONSEPTONG PAPEL
- Ito ang nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
- Ito ay isang kabuoang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuoin.

Bahagi ng Konseptong Papel


1. Panimula/ Rasyonale – Taglay ng rasyonale ang pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit napili
ang isang paksa. Ang kabuluhan ng naturang paksa o pag-aaral ay inilalahad sa puntong ito.
Kailangang mabigyan ng bird’s eye view ang mga mambabasa tungkol sa pananaliksik.

2. Layunin – Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng napiling paksa. Maaari itong
pangkalahatan (general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang Layunin, ipinahahayag nito ang
kabuoang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Sa tiyak na layunin naman,
ipinahahayag dito ang ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.

3. Nilalaman/ Pagtalakay – tatalakayin ditto ang mga datos o impormasyong nakalap. Gamitin ang mga
sipi, buod, at iba pa. Huwag kalimutang kilalanin ang iyong mga hanguan sa pamamagitan ng in-text o
end-text citation sa bahaging ito.

4. Konklusyon – Ilahad sa bahagin ito ang mga natuklasan sa pag-aaral.

GAWAIN: Mula sa mga salitang nauuso sa kasalukuyan ay pumili ng isang salita na nais mong dalumatin.
Bumuo ng isang konseptong papel hinggil dito at isaalang-alang ang mga pamantayan sa paghirang ng salita
ng taon. Sundin ang pormat sa ibaba.

Salitang Dadalumatin: Omsim________________________________________________________

Panimula/ Rasyonale:

Ang "Omsim" ay isang terminolohiya ng milenyo, ito ay isang baligtad na anyo ng pagsulat ng salitang
Filipino na "mismo" ay nangangahulugang eksakto. Isa rin itong pagpapahayag ng isang indibidwal____

Layunin:

Ang aking konseptong papel ay naglalayon na mapalalim ang kaalaman


sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa salitang omsim

Nilalaman/ Pagtalakay:

Ang "Omsim" ay isang terminolohiya ng milenyo, ito ay isang baligtad na anyo ng pagsulat ng salitang
Filipino na "mismo" ay nangangahulugang eksakto. Isa rin itong pagpapahayag ng isang indibidwal___

Konklusyon:

Ang pagsasaliksik sa mga makabagong salita sa ating bansa ay talaga


namang nakakapagbigay ng panibagong kaalaman at at pagpapanatiling
buhay ng ating wika kaya naman at importante na na mag saliksik upang
mapa lalim ang ating pag unawa sa mga makabagong salita na gaya
ng aking dinadalumat na salita na tinawag na omsim

You might also like