You are on page 1of 16

AYUNIN

KABANATA I
L Modyul blg. 1

Matapos ang yunit na ito, inaasahang matututuhan


ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan


ng wikang Filipino sa pagdadalumat o
pagteteorya;
2. Makapag-iisa-isa ng mga salitang itinanghal na
salita ng taon;
3. Magagamit ang mga salitang itinanghal na
salita ng taon sa pagbuo ng sariling
pangungusap tungo sa
pakikipagkomunikasyon;
4. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa
pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling
makabuluhang konsepto at teoryang lokal at
dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad
at bansa;
5. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang
Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya; 6.
Makabuo ng sanaysay hinggil sa isang
mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang
umiiral na konsepto o teorya, o kaya‟y isang
mungkahing bagong konsepto o teorya na
aakama sa mga realidad ng lipunang Pilipino; at
7. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling
teorya ng mga Pilipino sa iba‟t ibang
larangan.
D
ALOY NG KAALAMAN
Kahulugan ng Salitang
“Pagdadalumat” at Konsepto ng mga
Salitang Itinanghal na Salita ng Taon
Panimula

Ang paksa at mga gawaing inilahad sa modyul na ito


ay magsisilbing susi upang iyong ganap na mabigyang
kahalagahan at kahulugan ang salitang “Pagdadalumat”
at
kaunayan nito sa proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa
mga salitang nakaugnay sa salita o paksang dinadalumat.
Ito ang gagabay sa iyo upang lubos pang mapayabong
ang iyong talasalitaan na dulot ng katangian ng wika na
buhay at nagbabago ay nagbubunga ito ng mga bagong
salita na ganap na itinanghal at kinilala bilang salita ng
taon.

A. Kahulugan at Katuturan

Ang PAGDADALUMAT ay isang maagwat na


prosesong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan
sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba‟t ibang larangan,
sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang
Pilipino.
Ayon kay Nuncio (2018), pagdalumat ang tawag sa
proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa mga lantay o
ipinahiwatig ng isang salita. Dagdag pa niya, madalas
ginagamit lamang ang mga ito para makabuo ng
matino‟t makahulugang pahayag o ekspresyon para
makipag-usap.
Ang pag-aaral na ito ay may pagtatangkal dalumatin
ang salitang “dulansangan”. Gagamitin ang tatlong lebel
ng pagdadalumat ng salita na tumutukoy sa lexical,
simbolikal, at diskursibo. Ang prosesong ito ay batay sa
Utopian Natin, sa pagdadalumat ng isang salita.

Halimbawa ng Pagdadalumat sa

Lebel na Lexical, Simbolikal, at

Diskursibo Ang Leksikal na

Talakay sa Salitang Dula

Sa pagtalakay sa leksikal na bahagi ng salitang


dulansangan, dalawang salita ang dadalumatin, ang
salitang “dula” at “lansangan”. Ang dalawang salitang ito
ay nagtataglay ng kani-kanilang kahulugan. Mga
salitang-ugat na maaaring lagyan ng panlapi upang
makabuo ng isa pang salita na magbibigay rin ng iba
pang kahulugan o konotasyon. Ang tawag sa prosesong
ito ay simantiko. Ayon kay Bernales (2016), ang
paglalapi ay tumutukoy sa proseso ng paggamit ng
panlapi upang makabuo ng bagong salita. Sa Filipino,
maaaring maglapi sa limang paraan tulad ng (1) pag-
uunlapi, o pagkabit ng panlapi sa unahan ng salita (2)
paggitlapi o pagkakabit ng panlapi sa gitna ng salita (3)
paghuhulapi o pagkakabit ng panlapi sa huliha ng salita
(4)
paglalaping kabilaan o pagkakabit ng panlapi sa unahan
at hulihan ng salita, at (5) paglalaping laguhan o
paglalagay ng panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng
salita.
Mahalagang matalakay ang paglalapi sa usaping
leksikal ng dalawang salitang dadalumatin. Sa mga
susunod na tala, makikita kung papaano nilapian ng
mananaliksik ang dalawang salita at kung paano
nauugnay ang mga nilapiang salita sa pagdadalumat ng
dulansangan.
Sa lebel na ito, aalamin ang kahulugan ng
dalawang salitang dinalumat. Ang dalawang salitang ito
ay mayroong magkaibang kahulugan at kayarian batay sa
mga sangguniang nabasa ng mananaliksik. Narito ang
ilang paglilinaw sa leksikal na talakay ng salitang “dula”
ayon sa Diksyunaryo-Tesauro ni Panganiban (1970).
Dula, var. dula n. Sb. Tg. Stage play. Syn. Drama.
sarswela, parsa, komedya (moromoro); cf opera, operata,
-llk. Pabuya; Pang.Palayan.

Dagdag pa rito ang pagbibigay kahulugan ng


Binagong Edisyon ng UP Diksyunaryong Filipino
(2010).

Du-la pnd du-la-in, du-mu-la (Bik): kumain,


makihalubilo sa kainan.

Talakayin naman natin ang interlingual analisis


ng salitang dula. Ginamit na pangunahing hanguan ng
katumbas na kahulugan ang Diksyunaryo-Tesauro ni
Panganiban (1971) ngunit isasama rin ang iba pang
pagpapakahulugan ng UPDF (2010) para sa mas
malawak at mas matibay na pagtalakay. Sa Teasauro ni
Panganiban (1971), ganito niya binigyang katumbas ang
salitang dula:
Ilokano – pabuya
Pangasinan – palayan
Para naman sa UPDF (2010),
binigyan katumbas ang dula sa
ganitong paraan: Hiligaynon – puksa
Bikol – kumain, makihalobilo sa kainan.
Kapansin-pansin na sa pinaghalong katumbas ni
Panganiban at UPDF ay apat lamang na lipi ng tao sa
Pilipinas ang nakatalang may sariling pagtutumbas ng
salitang dula.
Patunay lamang na mayaman ang leksikal na
kahulugan ng salitang dula. Ang mga nakatalang mga
salita mula sa interlingual at intralingual na analisis ay
gagamitin ng mananaliksik upang mapayaman ang
pagbibigay ng sariling kahulugan ng dula kapag ito ay
naitatambal sa isa pang salita.

Ang Usaping Simbolikal sa


Salitang Dula

Ayon kay Salazar (1968) ang dula ay isang


larawan ng buhay na sinasangkapan ng wika, damdamin
at sining. Hinahabi ito upang itanghal, makaaliw,
umantig ng damdamin, at makapaghatid ng isa o higit
pang mensahe.
Ayon naman kay Atienza (2001), karaniwan nang
ikinakabit sa salitang dula ang mga konseptong tulad ng
teatro, artista, iskrip, pag-arte, stage, costume make-up,
set, props, rihersal, director at palakpak.
Batay sa mga konseptong nakalahad, malawak
ang sinisimbulo ng salitang dula bilang isang salita na
nagsisimula sa mga gresya bago na isinilang si kristo
(Salazar 1968). Sa pamamagitan ng dula, maaari nating
mabatid ang mga isyung pampolitika, panrelihiyon, pang
ekonomiya, panlipuna at maging mga usaping
tumatalakay sa pag-uugali, pananamit at kaisipan ng mga
taong nabubuhay sa isang lugar. Simbolo ang dula ng
representasyon ng mga ganap at danas ng mga tao ng
isang lipunan sa pamamaraang pagtatanghal o dulaan.

Usaping Diskurso sa Salitang


Dula

Ayon kay Mendoza (2011), hindi na mabilang sa


daliri ang napakaraming kahulugan ng dula. Mula sa
konsepto ng mimesis ni Aristotle hanggang sa pagkilala
sa iba‟t ibang `katangian taglay nito. Dagdag pa niya,
bago dumating ang mga kolonyalistang espanyol, ang
dula ay ang kabuoang ritwal na idinaraos n gating mga
ninuno. Sa pamamagitan ng mga awit, at tula bilang
pangunahong anyo ng panitikan at pagkatuto. Kasama ng
mga sayaw at pagtugtog ng mga instrumentong
pangmusika, nabubuo ang kolektibong uri ng komunidad.
Samakatwid, kung pakasusuriin ang kalawakang
nasasaklaw ng dula, batay sa katuturang nabanggit,
malaki ang maitutulong nito sa kaakuhan ng identidad ng
grupo ng mga tao sa isang
lipunan. Isa itong mabisang paraan na nagpapakita ng
kaisahan ng mga mamamayan para sa pagpapahalaga
niula sa kanilang kultura at pagkatao.

AYUNIN
KABANATA I
L Modyul blg.2

Matapos ang yunit na ito, inaasahang matututuhan


ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

1. Maipaliwanag ang kahulugan at


kahalagahan ng wikang Filipino sa
pagdadalumat o pagteteorya;
2. Makapag-iisa-isa ng mga salitang
itinanghal na salita ng taon;
3. Magagamit ang mga salitang itinanghal na
salita ng taon sa pagbuo ng sariling
pangungusap tungo sa
pakikipagkomunikasyon;
4. Malikhain at mapanuring makapag-ambag
sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng
piling makabuluhang konsepto at teoryang
lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng
komunidad at bansa;
5. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang
Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya;
6. Makabuo ng sanaysay hinggil sa isang
mungkahing rebisyon o ekspansyon ng
isang umiiral na konsepto o teorya, o
kaya‟y isang mungkahing bagong
konsepto o teorya na aakama sa mga
realidad ng lipunang Pilipino; at
7. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling
teorya ng mga
Pilipino sa iba‟t
ibang larangan.

DALOY NG KAALAMAN

Konsepto ng mga salitang itinanghal


na salita ng taon

a. “Canvass” (2004) – bago nagkaroon ng


authomated election, ang resulta ng halalan ay
dumadaan sa mano-manong “Canvasing o pagtally
sa eleksyon. Itinuturing na isa sa pinaka-
kontrobersyal sa bansa ang halalan noong 2004.
b. “Huweteng” (2005) – may malaking impluwensya
ang popular na sugal na huweteng sa mga
koneksyon sa politika at sa pagkontrol ng galaw ng
mga nasa kapangyarihan. Sinasabing nagbibigay
naman ito ng pag-asa sa karaniwang mamamayan,
at sumira rin ng values. Nagkaroon ito ng mga
“kapatid na salita” tulad ng “Jueteng lord” anak ng
huweteng, “juetengate,” at „jueteng payola,” ayon
sa manunulat na si Roberto T. Anonuevo, na
nagnomina ng salita ng taon.

c. “Lobat” (2006) – ito ang itinuturing na unang


pagpaparamdam ng epekto sa wikang Filipino ng
umuunlad na mobile na technology. Sa panahon
ring ito dumami ang gumamit ng cellphone sa
bansa. Mula sa ingles na “low battery” kalaunan
ding gumagamit ang “lowbat” upang ilarawan ang
matinding pagod o pagkawala ng gana.
d. “Jejemon” (2010) – ay bagong buong salita noong
panahong iyon na kumakatawan sa bagong
umuusbong na kultura na dala ng cellphone. Isa
itong paraan ng kakaibang pakikipag-usap sa text
dahil sa limitasyon ng 160-character ayon sa
nagnomina sa salita ng taon na si Prof. Roland
Tolentino ng UP.

e. “Miskol” (2007) – Kadalasang sinasabi iyan upang


maisave ang number ng kausap, mahanap ang
nawawalang cellphone, o pinagyabang ang bagong
ring tone. Ngunit naging paraan din ang
pag‟miskol upang magparamdam sa isang mahal
sa buhay nang hindi kailangang mabawasan ang
load.

f. “Wangwang” (2012) – walang wangwang, walang


counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo
ay muling magkawanggawa. Luma na ang
wang‟wang pero nauso itong gamitin ni Pinoy sa
kanyang inaugural speech para patamaan ang mga
abusadong opisyal. Naging sumbulo ang
wang‟wang na “Tuwid na Daan” na kampanya ng
kanyang administrasyon. Ngunit nang lumaon,
ang salita ring ito ang ginamit ng mga kritiko laban
diumano‟y kakulangan ng pamahalaan na labanan
ang katiwalaan.

g. “Selfie” (2014) - ang pagkuha ng sariling larawan


gamit ang smart phone o webcam at agarang
pagpapaskil sa social media. Itinuturing na
penomenal ang paglaganap ng salitâng ito sa
buong mundo sapagkat isa itong bagong likhang
salita para sa isang bagong karanasang dulot ng
abanteng teknolohiya. Unang kinilala ito sa
wikang Ingles at sa katunayan ay itinanghal ding
Word of the Year noong 2013 ng Oxford
Dictionary.
h. “Fotobam” (2016) - Hango sa salitang Ingles na
“Photobomb,” ginamit ni Michael Charleston
Chua ang salitang “fotobam” (upang maihiwalay
sa orihinal nitong Ingles, bukod sa ito rin ang
ginamit sa isang dokumentaryo ng kaniyang mga
estudyante noong 2014) upang ilarawan ang isyu
ng pagsira ng isang gaya ng Torre de Manila sa
isang pambansang simbolo.
i. “Tokhang” (2018) - Inilahok ng mamamahayag na
si Mark Angeles ang salitang ito na hango sa
salitang Cebuano na “toktok” o katok at “hangyo”
o pakiusap. Naging madalas ang paggamit ng
“tokhang” mula nang ilunsad ng Philippine
National Police ang “Oplan Tokhang” noong
2016. Ito ang pagbisita ng mga pulis sa mga bahay
ng mga pinaghihinalaang gumagamit o nagtutulak
ng ilegal na droga upang kumbinsihin sila na itigil
na ang gawaing ito at makipagtulungan sa
pamahalaan.

KABANATA 1 

Modyul blg. 3  

  
LAYUNIN 

Matapos ang yunit na ito, inaasahang: 


1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa
pagpapaliwanag at pagpapalawak ng  piling
makabuluhang konsepto at teoryang lokal at
dayuhan na akma sa konteksto ng  komunidad at
bansa.  
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon,
estadistika, datos atbp. mula sa mga  babasahing
nakasulat sa Filipino sa iba‟t ibang larangan. 
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang
Filipino bilang daluyan ng makabuluhan  at
mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat
sa lipunang Pilipino, bilang wika  ng
pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan
ng komunidad at bansa. 

DALOY NG KAALAMAN
PAGSIPAT SA MGA AWITIN
BILANG PANIMULANG
PAGDADALUMAT Musika 
Ang musika ay isang uri ng sining na mas kilala
bilang tugtugin o tunog. Ayon kay  Mangusad (2009),
ito ay repleksyon ng ating kultura at ng ating pagkatao.
Ayon naman kay  Straubhaar, ang isang awitin ay higit
na magiging kaaya-aya at makabuluhan kung ito ay 
tumatalakay sa mga problemang kinahaharap ng
bansa.  
Bahagi ng sining ang musika at sa pagiging
bahagi nito sa sining ay karaniwang  naglalarawan ito
sa pag-aaral ng mga saklaw ng diseminasyong estitika
ng musika. Mas  kumplikado at mas naiiba ito sa ibang
sining sapagkat meron itong katangian na makakapag
indayog ng mga tagapakinig, nakapagbibigay ng
kakaibang sensasyon sa pakiramdam ng  tagapakinig,
nakakapagaan ng loob ng isang tao at may magandang
epekto sa isipan. Sa sining,  ang musika ay maaring
mauri sa iba‟t ibang genre na maaaring maitanghal,
awditoryo at fine  arts. 
Ang Elemento ng musika 
⮚ Ang pitch o tinis, ito ay ang mababa at mataas na
tono na sumasabay sa harmoniya at  melodiya.  
⮚ Ang Daynamiks ay ang paglakas at paghina o
pagbaba ng himig, ito ay ang komposisyon  na
malakas at mahina ay may malawakang daynamiks
at ang pagbabago ng paunti- unti at  pabigla-bigla. 
⮚ Timbre o uri ng tono ay ang kalidad ng tunog. 
⮚ Melodiya o himig ang tema ng isang komposisyon,
ito ang kombinasyong ng mga ritmo  at tono.  
⮚ Ang ritmo na may kaugnayan sa metro, tempo at
artilulasyon. 
Mga naratibo sa mga himno na musikang pop at
awit protesta 
Repasuhin natin ang mga liriks ng awit upang
makita kung paano pinagagana ang mga  persona ng
mga ideolohiyang pinambuhay sa naratibo ng mga
pyesa mula sa mga panulat,  talento at pananaw ng mga
umakda.
Handog ng Pilipino sa Mundo  "Tatsulok" 
(Jim Paredes)- Mayo 2009 (originally by Buklod)
„Di na „ko papaya mawala ka muli,  Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo Ilagan ang
mga bombang nakatutok sa ulo mo Totoy tumalon
„Di na „ko papaya na muli mabawi,  ka, dumapa kung kailangan At baka tamaan pa ng
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.  mga balang ligaw 
„Di na papayagang mabawi muli. 
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi 
Baka mapagkamalan ka't humandusay dyan sa  tabi 
Magkakapit-bisig libo-libong tao. 
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo Ng
Kay sarap palang maging Pilipino.  di matapos-tapos na kaguluhang ito 
Sama-sama iisa ang adhikain. 
Kelan man „di na paalipin.  Ref: 
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban Ang
kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga't
Ref:  marami ang lugmok sa kahirapan At ang
Handog ng Pilipino sa mundo,  hustisya ay para lang sa mayaman 

Mapayapang paraang pagbabago. 


Koro: 
Katotohanan, kalayaan, katarungan 
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di
Ay kayang makamit na walang matatapos itong gulo 
dahas. Bastat‟t magkaisa
tayong lahat. 
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao 
Masdan ang nagaganap sa aming At ang dating munting bukid, ngayo'y  sementeryo 
bayan. Nagkasama ang mahirap Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
at mayaman. Kapit-bisig madre, Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok (Ulitin
pari at sundalo.  ang refrain at koro) 
Naging Langit itong bahagi ng mundo.  Di matatapos itong gulo

Huwag muling payagang umiral ang


dilim. Tinig ng bawat tao‟y bigyan
ng pansin. Magkakapatid lahat sa
Panginoon. 
Ito‟y lagi nating tatandaan. 
(repeat refrain two times) 

Koda:
Mapayapang paraan ng pagbabago. 
Katotohanan, kalayaan at katarungan. Ay kayang makamit na walang dahas. Basta‟t
magkaisa tayong lahat

Maoobserbahan si “’ko” (akin ang mga diin),


unang panauhang isahan na persona sa  unang saknong
ng Handog ng Pilipino sa Mundo. Natransporma sa
“tayo”, maramihan,  pagdating sa refrain.  
Ngunit ang dalawang persona pa ang
nagmamando sa bayan, na gumanap sa  pagbabagong
panlipunan, na magkaisa para sa “Mapayapang paraang
pagbabago” sapagkat “Isa  lang ang ugat na ating
pinagmulan”. Ang mga tagamasid at palautos na
katangian ng mga  persona ay pagpoposisyon ng
paninindigan, perspektiba ng karakter ng persona sa
penomenong  panlipunang pinaksa. Kung gayon, sikal
o ripleksyon lamang ito ng bahagi ng buong 
paninindigan at perspektiba, sa totoong buhay na
ideolohiya ng may-akda.  
Sa Tatsulok, pinaiiwas naman ng persona si
Totoy sa pook na tagpuan ng armadong  tunggalian.
Paniguradong hindi ito Metro Manila na
pinangyayarihan ng kudeta sa pagitan ng  mga
adbenturista, paksyonalistang militar at tropang tapat
sa institusyon ng AFP. Kundi sa  kanayunan,
kadalasang larangan ng armadong tunggalian sa
pagitan ng mga NPA at AFP, o  MILF at AFP.  
Sinalarawan pa ng persona kay Totoy na kapag
lantad siya sa karahasan ng digmaan,  buhay ang
magiging kapalit. Sinita rin ng persona, kung alam ng
bata ang mga sanhi ng  tunggalian. Saka pinangaralan
sa koro. Mayorya ang nilulugmok sa kahirapan
sapagkat pang elitista, o pang-oligarka lamang ang
katarungan sa kaayusang sinatalinghaga sa Tatsulok.
Nang  mapansin ng personang nagreresulta sa
kamatayan, sa huling saknong, ang kahirapan ng mga 
taganayon dahil sa armadong tunggalian, at pagkasira
ng kapaligiran sa daigdig ni Totoy, umiral  ang himig
tagamando ng persona sa batang magsasaka na
baligtarin ang kaayusan. Walang sapat  na
impormasyon, o pahiwatig man lang, kung ano ang
kinayang unawain, at naunawaan na ni  Totoy, sa mga
komplikasyon ng mga sosyo-politiko-militar na mga
larangang lunsaran ng  walang katapusang karahasan. 
Naiiba ang persona ng Tatsulok sa persona ng
Handog ng Pilipino sa Mundo dahil  nakalahad ang
kapangyarihan nitong pag-ingatin, sitahin at mandohan
si Totoy ng gawaing higit  pa sa pagkakaisa sa
katuturan ng mapayapang pagbabago, sa gitna ng
labanan. Posibleng armado  ang sumita. Hindi
maipagkakamali sa MILF at AFP ang armadong
persona. Sa pamagat pa  lamang, minumungkahi ng
may-akda ang pangangailangan ng tagapakinig na
gamitin ang lente  ng marxistang sosyolohiya na
pagsuri sa balangkas ng social pyramid, o lipunan, na
tinalinghaga  sa tatsulok na kaayusan.  
Sa ganitong pagsuri, inilulugar si Totoy, sa
ilalim, o base ng piramide, bilang anak ng  magsasaka,
mayorya ng lipunang Pilipino. Sa taas nila ang pang-
hirarkiyang kamada ng mga  uri—mga manggagawa,
propesyonal o panggitnang uri, negosyante, at sa
tuktok, asendero kapitalista, o mga oligarka.
Nakasalikop o katirintas sa kamada ng mga
panlipunang uri, mula  base-patuktok ang
superstruktura ng mga kalakaran: sa pananalapi,
kalusugan, edukasyon,  teknolohiya, panloob at
panlabas na kalakaran ng bansa, batas at katarungan,
tanggulan,  relihiyon, sining at musika, mga gawi,
perspektiba at pananaw sa daigdig ng bawat uri, at iba 
pang pagraranas sa araw-araw na buhay; habang
hinuhubog bilang kultural na identidad (Storey  193).
Ngunit limang dimensyonal ang piramide kaysa
tatsulok na may isang dimensyon  lamang. Bukod sa
ugnayan nina Totoy at ng persona, nakasalansan sa
mga dimensyon nito ang  suson-suson na interaksyon
ng bata sa mga magulang na magsasaka, sa panginoong
maylupa o  asenderong amo ng kanyang mga
magulang, pamilya nila sa komunidad, sa komite ng 
katarungan at tserman sa bulwagan ng barangay, sa
kanyang guro, sa barangay health worker, sa  kanyang
mga kaklase at kalaro, sa simbahan, sa militar, sa
radyo-TV-sinehang dinadayo at iba  pa. 
Isang proseso ng panipis na pananalinghagang
nauwi sa pagsita, sa ikalawang berso,  kung nalalaman
ba ni Totoy ang puno‟t dulo ng gulo? Saka
pinangaralan nang patalinghagang  hindi ideolohiya at
katayuan sa buhay ng mga uring burgis at proletaryado
ang dahilan ng  labanan. Kundi ang pinupunang
tradisyonal na patatsulok na kaayusang mayayaman din
ang  nagdisenyo at nagmamantini. Tinangkang
pangalagaan sa unang berso, sa bandang huli, biglang 
minandohan ang musmos ng isang panlipunang atas.
Dukhang tulad ni Totoy ang pinalalagay sa  tuktok sa
proseso ng pagbaligtad sa tatsulok. 

You might also like