You are on page 1of 13

LEARNING

BLOCK 6

Kakayahang Komunikatibo
ng mga Pilipino
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11

BALANGKAS NG KABANATA

LIP 1 : Kakayahang Lingguwistiko


LIP 2 : Kakayahang Sosyolingguwistiko
LIP 3 : Kakayahang Pragmatik

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1.Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng


paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon
(F11PN – IId – 89)

2.Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan


(F11PT – IIe – 87)

3.Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga


usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan
(F11PS –IIe – 90)

4.Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at


paraan ng pagsasalita
(F11WG- IIf – 88)

5.Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng


paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
(F11EP – IIf – 34)

1
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11
NILALAMAN
Kakayahang Lingguwistiko

Ano ang Kakayahang Lingguwistiko?

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na


makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba
ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan
sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan namang
abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng
isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).

Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang kakayahang


lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng
tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at
makaunawa ng wika. Pumapaloob dito ang kaalaman ng tao na pag-ugnayin
ang tunog o mga tunog at kahulugan nito. lba ito sa isinasaad ng
lingguwistikong pagtatanghal (linguistic performance) o ang aplikasyon ng
sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.

Hindi maipaghahalintulad ang kakayahang lingguwistiko at lingguwistikong


pagta-tanghal dahil ang huli ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o
sagabal. Halimbawa, ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang
nagbibigay ng talumpati ay hindi masasabing kawalan o kakulangan sa
kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito ay dulot ng kaniyang kaba na
maituturing na sagabal sa kaniyang lingguwistikong pagtatanghal.
Kinakailangang sanayin ng isang tao ang kaniyang kakayahang komunikatibo
upang mapaimbabawan ang mga sagabal na ito na nagsisilbing puwang sa
kaniyang pag-unawa at aksiyon.

Ano ang Kakayahang Lingguwistiko sa wikang Filipino?

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa


tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming
pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng
pagbabago sa matandang balarila. Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco
(2003) ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika.

2
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11
Ano ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika na
tinutukoy nina Santiago at Tiangco?

A. Mga Salitang Pangnilalaman

1. Mga nominal
• Pangngalan nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, at iba pa
• Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga


salita

3. Mga panuring
• Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
• Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-
uri, at kapuwa pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian

1. Mga Pang-ugnay
• Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
(halimbawa at, pati, ni, subalit, ngunit)
• Pang-angkop — katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan (halimbawa na, -ng)
• Pang-ukol nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
(halimbawa sa, ng)

2. Mga Pananda
• Pantukoy — salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
(halimbawa si, ang, ang mga)
• Pangawing o Pangawil — salitang nagkakawing ng paksa o simuno at
panaguri (halimbawa ay)

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong


pala-baybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay
sa ortograpiya (1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan
natin ang ilang tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat:

3
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11
C. Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-


ingles ng mga titik, maliban sa (enye) na tunog-Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang
binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa
isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa.

Pantig

Pasulat Pasalita

it /ay-ti/

pag /pi-ey-dyi/

kon /key-o-en/

trans /ti-ar-ey-en-es/

Salita

Pasulat Pasalita

bansa /bi-ey-en-es-ey/

plato /pi-el-ey-ti-o/

Fajilan /ka pita I ef-ey-dyey-ay-el-ey-en/

Jihad /kapital dyey-ay-eyts-ey-di/

Akronim

Pasulat Pasalita

MWSS /kapital em- kapital


(Metropolitan Waterworks and dobolyu-kapital es-
Sewerage System) kapital es/

ASEAN /ka pital ey- kapital es-

4
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11

Pasulat Pasalita

(Association of Southeast Asian kapital i- kapital ey-


Nations) kapital en/

PAGASA
/kapital pi- kapital ey-
(Philippine Atmospheric,
kapital dyi- kapital ey-
Geophysical, and Astronomical
kapital es- kapital ey/
Services Administration)

HIV /kapital eyts- kapital


(Human Immunodeficiency Virus) ay- kapital vi/

Daglat

Pasulat Pasalita

Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/

G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/

Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi tuldok/

Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/

Inisyal

Pasulat Pasalita

MLQ /kapital em-kapital el-


(Manuel L. Quezon) kapital kyu/

TKO /kapital ti-kapital key-


(Technical Knockout) kapital o/

KKK
/kapital key- kapital
(Kataas-taasang Kagalang-
key- kapital key/
galangang Katipunan)

MRT /kapital em- kapital ar-

5
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11

Pasulat Pasalita

(Metro Rail Transit) kapital ti/

UCC /kapital yu- kapital si-


(University of Caloocan City) kapital si/

Simbolong Pang-agham/Pangmatematika

Pasulat Pasalita

Fe (iron) /kapital ef-i/

kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/

H2O (water) /kapital eyts-tu-kapital o/

V (velocity) /kapital vi/

D. Pasulat na Pagbaybay

Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa


paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, n, q, v, x, z) para sa:

1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula


sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
• palavvun (Ibanag) bugtong
• kazzing (Itawes) kambing
• jambangan (Tausug) halaman
• safot (lbaloy) sapot ng gagamba
• masjid (Tausug, Meranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating
hiram na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay
hindi na saklaw ng panuntunang ito.
Halimbawa:
• Selfie
• digital detox

6
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11

3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga,


katawagang siyenti-piko at teknikal, at mga salitang mahirap na
dagliang ireispel.
Halimbawa:

• Jason
• zeitgeist
• cauliflower
• Mexico
• Bouquet
• Nueva Vizcaya
• Valence
• flores de mayo

Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa (1) pagpapalit
ng D tungo sa R; (2) paggamit ng “ng” at “nang”; at (3) wastong gamit ng
gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:

✓ Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang


sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W
at Y (halimbawa: malaya rin, mababaw raw). Nanatili ito sa D kung sa
katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis din,
malalim daw). Gayundin, nana-natili ang D kung ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa —ra, -ri, -raw, o —ray (halimbawa: maaari din, araw-
araw daw).
✓ May limang tiyak na paggamit ng nang:

• bilang kasingkahulugan ng noong (halimbawa: “Nang dumating ang mga


Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”)
• bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: “Ikinulong ni Ana
ang aso nang hindi na ito makakagat pa.”)
• katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa: “Malapit nang makauwi
ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.”)
• pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano
(halimbawa: “Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”
“Tumaas nang cobra ang presyo ng langis.”)
• bilang pang-angkop ng inuulit na salita (halimbawa: “Pabilis nang pabilis
ang ikot ng elisi ng eroplano.”) Maliban sa limang ito, sa ibang
pagkakaton ay kailangang gamitin ang ng.

7
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11

✓ Wastong gamit ng gitling (-):

• sa inuulit na salita, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw, gabi-


gabi, para-paraan)
• sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak, brum-
brum)
• sa paghihiwalay ng katinig at patinig (halimbawa: pag-aaral, mag-
asawa)
• sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa: pa-
Marikina, maka-Pilipino)
• sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na
baybay (halimbawa: mag-compute, pa-encode)
• sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang
Tagalog atsa iba pang wika sa Pilipinas (halimbawa:gab-i, mus-ing, lab-
ong) g. sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-
pawis)
• sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- (hal. ika-12 ng
tanghali, ika-23 ng Mayo) at sa pagbilang ng oras, numero man o salita,
na ikinakabit sa alas- (halimbawa: alas-2 ng hapon, alas-dos ng hapon)
sa kasunod ng “de” (halimbawa: de-lata, de-kolor)
• sa kasunod ng “di” (halimbawa: di-mahawakan, di-kalakihan)
• sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na
apelyido noong dalaga pa (halimbawa: Genoveva Edroza-Matute)

Kakayahang Sosyolingguwistiko
Ano ang Kakayahang Sosyolingguwistiko?

Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika


nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak
na sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit
ng pormal na wika (halimbawa: “Magandang araw po! Kumusta po kayo?”) sa
pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa
paggamit natin ng impormal na wika (halimbawa: “Uy! Kumusta ka naman?”) sa
ating mga kaibigan at kapareho ng estado.

Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika (halimbawa, ang


mga tao na Tagalog ang unang wika ay tinatawag na taal na tagapagsalita
ng Tagalog), nagiging natural lamang o hindi na kailangang pag-isipan ang
paggamit ng naaangkop na pahayag ayon sa sitwasyon. Gayunman, para sa
8
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11
hindi taal na tagapagsalita, dapat niyang matutuhan kung paano “Iumikha at
umunawa ng wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may
pagsasaalang-alang sa mga salik gays ng estado ng kausap, layunin ng
interaksiyon, at itinatakdang kumbensiyon ng interaksiyon” (Freeman at Freeman
2004).

Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974) ang nasabing


mahahalagang salik ng lingguwistikong interaksiyon gamit any kaniyang
modelong SPEAKING:

Setting and Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito
S
nangyari?

P Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?

E Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?

A Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?

K Key: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o pabiro?

Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba


I
o may mahigpit na pagsunod sa pamantayang panggramatika?

Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksiyon


dito ng mga kalahok? Malaya bang nakapagsasalita ang mga kalahok o
N
nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian, edad, at iba
pang salik?

Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na ginagamit (halimbawa:


G
interbyu, panitikan, liham)?

Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya


ng komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang
sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na
pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na
kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa
wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan
ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998).
Isang kahingian, kung gayon, na pahalagahan ang mga salik na nababanggit
sa modelong SPEAKING tungo sa mas maayos at mabisang komunikasyon sa
tiyak na konteksto.

9
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11

Anu-ano ang ibat ibang barayti ng wika?

Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago


sa wika at Iw pag-aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga
naunang aralin ay natalakay na ang mga barayti ng wika. Ang mga barayti na
ito ay nagpapahiwatig ng:

• pormalidad at impormalidad ng sitwasyon maaaring maging pormal o


impormal ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap;
• ugnayan ng mga tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng
pagsasalita ang mga magkakaibigan. Nailalangkap din nila ang mga
biruan at pahiwatigan na hindi mauunawaan ng hindi kabilang sa
kanilang grupo;
• pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat –
gumagamit ng lokal na wika at/o diyalekto sa kausap na nagmula sa
kaparehong bayan ng tagapagsalita; at
• awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan – tinitiyak ang pormalidad
at kaangkupan ng salita sa harap ng guro, magulang, at iba pang
nakatatanda at may awtoridad.

Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot


din ng pamamalagay rito bilang panlipunang penomenon. ‘big sabihin,
nagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng indibidwal kung
ito ay nailulugar sa boob ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga
tao. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ng
paggamit sa wika dulot na rin ng paglahok ng mga tao na may iba’t ibang
gawain, papel, interes, at saloobin sa proseso ng komunikasyon. Kaya naman,
masasabing katangian din ng wika ang pagiging heterogeneous o pagkakaroon
ng iba’t ibang anyo bunga ng lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-
ekonomiko, politikal, at edukasyonal na kaangkinan ng partikular na komunidad
na gumagamit ng wika (Constantino 2002).

Bilang halimbawa, pansininin ang humigit-kumulang na anyo ng diyalektong


Cebuano-Filipino, dulot ng hindi pag-uulit ng pantig gaya ng Tagalog at hindi
paggamit ng panlaping urn na hinahalinhan ng panlaping ma-:

“Huwag kang magsali sa laro.”


“Madali ang pagturo ng Filipino.”

10
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11
Dahil ang Cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang tiyak na wikang
nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita sa mga halimbawa sa itaas,
nakaiimpluwensiya ito sa kaniyang pagkatuto at pagsasalita ng pambansang
wikang Filipino. Ito ang tinatawag na interference phenomenon na siyang
lumilikha ng iba pang natatanging barayti ng Filipino—Ilokano-Filipino,
Bikolnon-Filipino, Kapampangan-Filipino, Hiligaynon-Filipino, at iba pa. Dahil din
sa kaalaman sa mga wika, sa proseso ay nababago ng tagapagsalita ang
gramatika sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng
alituntunin (Constantino 2002). Kilala ito bilang interianguage o mental grammar
ng tao. Halimbawa nito ang mga salitang gaya ng mailing, presidentiable, at
senatoriable na hindi matatagpuan sa “standard” na Ingles.

Mahalagang maunawaan na ang ganitong barayti ng Filipino ay hindi


maituturing na pagkakamali. Sa pananaw ng sosyo-sikolohistang si William
Labov, na siyang nagtaguyod ng variability concept, likas na pangyayari ang
pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng mga barayti ng isang wika. Kung
gayon, nararapat kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng mga barayti—
walang maituturing na mataas o mababang anyo ng wika. At sa kaso ng
wikang Filipino, nangangahulugan itong lahat tayo ay may gampanin sa
pagpapaunlad ng ating wika bilang isang bansang may sariling
pagkakakilanlan.

Kakayahang Pragmatik

Ano ang pragmatiks?


Ang pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-
aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.

Ayon kay Yule,1996:


“binibigyang-pansin dito ang gamit ng wika sa mga kontekstong panlipunan
gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng kahulugan ang tao sa
pamamagitan ng wika.”

Nakatuon ang larangan ng pragmatiks sa komunikatibong aksyon sa loob ng ko


ntekstong sosyokultural., sa madaling salita, binibigyang pansin ang kaangkupa
n ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

Para kay Fraser 2010:


“nakapaloob sa kakayahang ito ang pagpaparating ng mensaheng ninanais---
kasama ang lahat ng iba pang kahulugan---sa anumang kontekstong sosyo-
kultural.”

11
Modyul sa Pagkatuto – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino Baitang 11
Para kay Chomsky:
“ang kakayahang ito ay tumutukoy sa kaalaman kung paano naiuugnay ang
wika sa sitwasyon na pinaggagamitan nito.”

Sang-ayon naman kina Badayos at mga kasama 2010:


ang pragmatiks ay kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang kakayahan sa
komunikasyon.

Anu-ano ang tatlong pangalahatang kakayahan sa komunikasyon ayon kay


Badayos at mga kasama nito?

1. Ang gamit ng wika sa iba’t ibang layunin gaya ng pagbati, pagbibigay


impormasyon, pagnanais, paghiling, at pagbibigay pangako.
2. Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa
pangangailangan o inaasahan ng tagapakinig at/o sitwasyon.
3. Ang paggamit ng tuntunin sa isang talastasan at mga naratibong dulog
gaya ng pagkukuwento, pagbibigay ng ulat, at iba pa.

Pagkilala
Kakayahang Lingguwistiko, Hymes, 1972
Kakayahang Lingguwistiko, Noam Chomsky, 1966
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino, Santiago, 1977 at Tiangco, 2003
Edisyon 2014 ng Ortograpiyang Pambansa, Komisyon sa Wikang Filipino
Kakayahang Sosyolingguwistiko, Freeman at Freeman, 2004
Pagtuon sa Wika, Farah, 1998
Pagbabago sa Wika, Constantino, 2002
Kahulugan ng Pragmatiks, Yule, 1996
Kahulugan ng Pragmatiks, Fraser, 2010
Kahulugan ng Pragmatiks, Noam Chomsky

Sanggunian
Gragasin, JM., et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City, C & E Publishing, Inc., 2016.
Kakayahang Lingguwistiko .ElComblus. Kinuha mula sa
https://www.elcomblus.com/kakayahang-lingguwistiko/
Kakayahang Sosyolingguwistiko. ElComblus. Kinuha mula sa
https://www.elcomblus.com/kakayahang-sosyolingguwistiko-paglikha-ng-
angkop-na-pahayag-sa-tiyak-na-sitwasyon/
Kakayahang Pragmatiks. Blogspot. Kinuha mula sa
http://euclidpragmatiks.blogspot.com

12

You might also like