You are on page 1of 6

GRADE 11

Center for Development, Training and Competency Assessment Inc.


0030 Zapote St. PHHC Area-D Camarin Caloocan City

Modyul sa sariling Pagkatuto

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
IKASAMPUNG LINGGO

Week No: 1

PANGALAN: _____________________________________________________________

STRAND: _____________________________________________________________

PANGKAT: _____________________________________________________________

ARAW NG __________________ NATANGGAP NI: __________________


PAGPASA:
GABAY SA PAGGAMIT NG MODYUL
Habang sinisimulan mong pag-aralan ang modyul na ito, nais naming isantabi mo muna ang mga Gawain o bagay
na nakaaabala sa iyo habang pinag-aaralan ang mga aralin. Basahin ng mabuti ang mga panuto sa ibaba upang
maunawaan ng Mabuti ang mga talakayin at mapagtagumpayang sagutan ang mga aktibidad ba kinakailangang sagutin.
Magpatuloy at maging masaya sa Pag-aaral ng modyul na ito!

1. Sundin ng mabuti ang lahat ng nilalaman at tagubilin na nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
2. Huwag kalimutang sagutin ang paunang pagtataya/pagsusulit bago magpatuloy sa iba pang mga aktibidad na
kasama sa modyul.
3. Basahing Mabuti ang tagubilin bago gawin ang bawat Gawain
4. Maging matapat sa paggawa ng mga gawain at pagtatama ng iyong sagot.
5. Suriin ayon sa konsepto ang pagtatasa .
6. Tapusin ang mga naunang gawain bago magpatuloy sa susunod.
7. Maging masaya sa pag-aaral!
8. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy sa sandalling malampasan mo ito.

Kung nakaranas ka ng anumang kahirapan sa pag-unawa at pagsagot sa mga Gawain sa modyul na ito, huwag mag-
atubiling kumunsulta sa iyong guro o tagapagpatulong. Palaging tandaan na hindi ka nag-iisa.
Inaasahan namin na sa pamamagitan ng material na ito, makakaranas ka ng makabuluhang pag-aaral at makakuha
ng malalim na pang-unawa sa mga nauugnay na kakayahan. Kaya mo ‘yan!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

⚫ Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga
balita, radyo at telebisyon. (F11PN – IId – 89)
⚫ Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. (F11PT – IIe – 87)

INAASAHAN

Pagkatapos ng talakayahan ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang:

a. Maipaliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko.


b. Matukoy ang mga bahagi ng pananalita sa Wikang Filipino; at
c. Magamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.

Page 2
Aralin
10 Kakayahang Lingguwistiko

Ang Kahulugan ng Kakayahang Lingguwistiko


Tumutukoy ang Kakayahang Lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap.
Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na
kakayahang komunikatibo, na nangangahulugang “Abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi
ng isang interaksiyong sosyal” (Hymes 1972). Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod a
tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang
pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila.

MGA BAHAGI NG PANANALITA SA MAKABAGONG GRAMATIKA

A. Mga Salitang Pangnilalaman

1. Mga nominal
o Pangngalan: nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, at iba pa
o Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan
2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita
3. Mga panuring
o Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
o Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-abay.

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong pala-baybayan o ortograpiya ng wikang
Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa ortograpiya (1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan natin ang ilang tuntunin sa pagbaybay na pasalita at
pasulat:

Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-ingles ng mga titik, maliban sa (enye) na tunog-
Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita,
pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa.

Pasulat na Pagbaybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, n, q,
v, x, z) para sa:
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas.

Halimbawa:
o palavvun (Ibanag) bugtong
o kazzing (Itawes) kambing
o jambangan (Tausug) halaman
o safot (lbaloy) sapot ng gagamba
o masjid (Tausug, Meranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na salitang lumaganap na sa baybay
na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng panuntunang ito.

Halimbawa:
o selfie
o digital detox

Page 3
3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang siyenti-piko at teknikal, at mga salitang
mahirap na dagliang ireispel.

Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico quorum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo

Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa (1) pagpapalit ng D tungo sa R; (2) paggamit ng “ng” at
“nang”; at (3) wastong gamit ng gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:

1. Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig
o sa malapatinig na W at Y (halimbawa: malaya rin, mababaw raw). Nanatili ito sa D kung sa katinig naman
nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin, nana-natili ang D kung ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa —ra, -ri, -raw, o —ray (halimbawa: maaari din, araw-araw daw).
2. May limang tiyak na paggamit ng nang:
1. bilang kasingkahulugan ng noong (halimbawa: “Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad
silang nagpatayo ng mga paaralan.”)
2. bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: “Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito
makakagat pa.”)
3. katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa: “Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi
Arabia.”)
4. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano (halimbawa: “Iniabot nang palihim ni
Carl ang liham kay Christine.” “Tumaas nang cobra ang presyo ng langis.”)
5. bilang pang-angkop ng inuulit na salita (halimbawa: “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.”)
Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakaton ay kailangang gamitin ang ng.

3. Wastong gamit ng gitling (-):

1. sa inuulit na salita, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw, gabi-gabi, para-paraan)


2. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak, brum-brum)
3. sa paghihiwalay ng katinig at patinig (halimbawa: pag-aaral, mag-asawa)
4. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa: pa-Marikina, maka-Pilipino)
5. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay (halimbawa: mag-compute,
pa-encode)
6. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog atsa iba pang wika sa
Pilipinas (halimbawa:gab-i, mus-ing, lab-ong) g. sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-
pawis)
7. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- (hal. ika-12 ng tanghali, ika-23 ng Mayo) at sa
pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- (halimbawa: alas-2 ng hapon, alas-dos ng
hapon) sa kasunod ng “de” (halimbawa: de-lata, de-kolor)
8. sa kasunod ng “di” (halimbawa: di-mahawakan, di-kalakihan)
9. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa (halimbawa:
Genoveva Edroza-Matute)

Page 4
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikaanim na Linggo
Mga Gawain

PANGALAN: _______________________________________________________________________
STRAND: _______________________________________________________________________
TAON AT PANGKAT: _________________________________________________________________
GURO SA ASIGNATURA: _________________________________________________________________
ARAW NG PAGPASA: __________________________________________________________________

SUBUKIN

Panuto: Isulat ang OMSIM kung ang paggamit ng NANG o NG ay tama BARAMBIDA naman kung Mali ang paggamit nito sa
mga sumusunod na pangungusap.

1. Nang dumating ang mga Amerikano ay nabago ang Wikang Panturo ng mga Pilipino.
2. Isa sa katangian ng pagiging masipag ay ang hindi pagsuko kahit na gaano kahirap ang gawain.
3. Sinigawan ni Aliya si Menchie nang masagi niya ang iniinom niyang kape.
4. Pasalitang wika ang karaniwang batayan ng pagsusuri ng wika.
5. Tagalog ang naging batayan nang Wikang Pambansa.

BALIK-TANAW

1. Magbigay ng mga pagbabago ng wika sa panibagong sibol na henerasyon na inyong napapansin ngayon.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________.

2. Ang mga pagbabago bang ito ay may maitutulong sa pag-unlad ng ating wikang Pambansa? Pangatwiranan ang iyong
kasagutan.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________.

Page 5
Gawain #1 PAGGANAP SA ARALIN

Panuto: Gumawa ng mga Pangungusap na nagpapakita ng tamang paggamit ng (NG at NANG, DIN,
RIN, DAW, RAW)

Karagdagang Gabay: Gumawa ng tig-limang Pangungusap lamang sa bawat hinihinging salita.


Limang NG
Limang NANG
Limang DIN
Limang RIN
Limang DAW at
Limang Raw

Pamantayan sa Pagmamarka:
Tamang paggamit ng mga hinihinging salita sa pangungusap: 90%
Tamang paggamit ng bantas: 5%
Tamang pagbabaybay ng mga salita sa bawat pangungusap: 5%
Kabuuan: 100

GAWAIN #2 MAIKLING PAGSUSULIT


Panuto: Guhitan ang tamang sagot ayon sa hinihinging imporamsyon sa pangungusap.

1. (Ng , Nang) isilang si Maria ay sumaya na ang pakiramdam ni Jose at Amor.


2. Binigyan (Ng , Nang) ulam ni Jenny si Martha.
3. Hindi (rin , din) Nakita ni Robert ang bahaghari dahil tulog siya.
4. Makukuha naman (daw , raw) sa pakiusap ang pagsuspinde ng demolisyon.
5. Pinayagan (daw , raw) ng kanyang nanay si Edna na sumama sa atin.
6. Mahal na mahal ni Sisa si Crispin ganon (din, rin) si Basilio.
7. Pinatakas ni Gilmore ang kanyang alagang aso sa pagkakatali (ng , nang) makaramdam ito ng mga
yabag ng magnanakaw.
8. Bahagya (raw , daw) nag landfall ang bagyo sa katimugang bahagi ng Rehiyon ng Bikol.
9. Gumawa (rin , din) ng paraan ang magkapatid upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay.
10. Lumakad (ng , nang) marahan upang hindi mapahamak.

PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano gamitin ang RIN?


2. Paano gamitin ang DIN?
3. Ano ang tamang eksplanasyon sa paggamit ng NANG sa pangungusap na ito. “Nang dumating ang mga
Kastila sa Pilipinas ay nasaksihan nila ang mga kultura nito.”
4. Paano ginagamit ang (-) ?

Page 6

You might also like