You are on page 1of 2

UNANG PAGSASANAY SA GEE-KKF

I. Pagsasanay (Practice)

Aktibiti 1: LINAWIN NATIN!

Panuto: Bigyang-depinisyon ang sumusunod:

1. TAGALOG
 Ang Tagalog ay isa sa mga batayan ng wikang Filipino.
 Ito ang wika na ginagamit sa Luzon at ibang bahagi nga Mindanao.
2. PILIPINO

 Ang Pilipino ay itinakdang tawag sa mga taongmamamayan sa Pilipinas.


Pilipino ang tawag sa atin na nakatira sa Pilipinas. Ito ang tawag sa lahi
natin.

3. FILIPINO
 Ang Filipino, ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Itinalaga ang Filipino
kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika ng bansa. Isa itong
pamantayang uri ng wikang Tagalog, isang pang-rehiyong wikang
Austronesyo na malawak na sinasalita sa Pilipinas.

II. Pagganap/Performans (Performance)

Aktibiti 2: PUNAN NATIN! Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang
sumusunod na pahayag.

1. Sek.8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

2. Sek.9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.

3. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang


itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
4. Sek.7. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon
at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.

5. Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga


hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging Filipino.

6. Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang wikang Tagalog ang magiging opisyal
na wika ng Pilipinas

7. Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles
at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

You might also like