You are on page 1of 70

Paghahanda ng

Korespondensiya Opisyal
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

LOGO
Ang Korespondensiya Opisyal

Ano?
• Liham
• Memorandum
• Endoso
• Pormularyo
• Lahat ng tinatanggap o ipinadalang
komunikasyon na may kaugnayan sa
?
inyong ahensiya o opisina
Layunin ng Korespondensiya Opisyal

Maghatid ng impormasyon at manghikayat


ng mga kliyente.

Tumanggap ng mga panukala o


kasunduang may kaakibat na pananagutan.

 Tumugon sa katanungan ng mga kliyente.


 Magpabatid ng saloobin.
Paano ito sisimulan?

Nasaan na ang Filipino sa usapin ng


Korespondensiya sa inyong tanggapan?
Mga Anyo ng Liham

__________________
________________________
________________________
________________________
Ulong Sulat/Pamuhatan

Petsa
Full-block
__________________
Patunguhan
__________________
__________________
Bating Pambungad
__________________
Paksa
__________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Katawan ng Liham

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Bating Pangwakas
__________________
Lagda sa Ibabaw ng Pangalan

__________________
Mga Anyo ng Liham

Full-block
Mga Anyo ng Liham

________________________

Block
________________________
Ulong Sulat/Pamuhatan
________________________

__________________ Petsa

__________________
__________________ Patunguhan
__________________
Bating Pambungad
__________________
Paksa
__________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Katawan ng Liham

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Bating Pangwakas
__________________

Lagda sa Ibabaw ng Pangalan


__________________
Mga Anyo ng Liham

________________________
________________________
________________________
Ulong Sulat/Pamuhatan
Semi-block
__________________ Petsa

__________________
__________________ Patunguhan
__________________
Bating Pambungad
__________________
Paksa
__________________

_________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Katawan ng Liham

________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Bating Pangwakas
__________________

Lagda sa Ibabaw ng Pangalan


__________________
Mga Anyo ng Liham

Semi-block
Mga Anyo ng Liham

________________________

Special Paragraphing
________________________ Ulong Sulat/Pamuhatan
________________________

__________________ Petsa

__________________
__________________ Patunguhan
__________________
Bating Pambungad
(Espesyal na Pagtatalata)
__________________
Paksa
__________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

_____________________________________________
____________________________________________ Katawan ng Liham
_____________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Bating Pangwakas
__________________
Lagda sa Ibabaw ng Pangalan

_________________ kalakip

_________________
Espasyo
Mga Bahagi ng Liham

1. ULONG SULAT O PAMUHATAN

Ang Pamuhatan o letterhead na nagtataglay ng:


 Logo
 Pangalan ng ahensiya
 Eksaktong adres, telepono, numero ng
fax, website, e-mail adres
Mga Bahagi ng Liham

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
Malacañang Complex, 1005 San Miguel, Maynila
(632) 736252 komisyonsawika@gmail.com
www.kwf.gov.ph
Ulong sulat ng KWF
Mga Bahagi ng Liham
Mga Bahagi ng Liham

2. PETSA
Enero 22, 2016
22 Enero 2016
Ika-22 ng Enero, 2016
Sa pagsulat ng petsa, iwasan ang pagdadaglat tulad ng
5/6/16, na nangangahulugang 5 Hunyo sa Britanya
ngunit 6 Mayo sa Amerika.
Mga Bahagi ng Liham
Full Block
Mga Bahagi ng Liham
3. Patunguhan/Inside Address
Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan, at
tanggapan ng taong padadalhan ng liham.
Kgg. VIRGILIO S. ALMARIO, NA
Tagapangulo
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
1005 Maynila
Dr. VIRGILIO S. ALMARIO, NA
Tagapangulo
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
1005 Maynila
Mga Bahagi ng Liham
3. Patunguhan/Inside Address
Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan, at
tanggapan ng taong padadalhan ng liham.
Tagapangulong VIRGILIO S. ALMARIO, NA
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
1005 Maynila

VIRGILIO S. ALMARIO, NA
Tagapangulo
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
1005 Maynila
Mga Bahagi ng Liham

3. Patunguhan/Inside Address
Dr. Hilario Cruz Ortiz, LLB
Pangulo
Nueva Ecija University of Science and Technology
Gen. Tinio Street, Lungsod Cabanatuan

Tandaan!
Maging konsistent. Kung may titulo na sa unahan,
dapat wala na sa hulihan ng pangalan.

Halimbawa:
Dr. Purificacion G. Delima, PhD 
Purificacion G. Delima, PhD 
Mga Bahagi ng Liham

Titulong Pamitagan - gumamit ng titulo sa


unahan ng pangalan tulad ng:
Ang Kagalang-galang (The Honorable)
Ang Kaniyang Ekselensiya (His/Her Excellency)
Doktor (Medikal, atbp.)
Titulong akademiko (Academic titles)
Titulong eklesyastiko (Ecclesiastical titles)
Asawa ng may titulo (Spouses of title holders)
Mga retiradong opisyal (retiree officials)
Mga Bahagi ng Liham
Kgg. Gng.
Daglat ng mga titulo: Sen. Bb.
Kom. G.
Abo./Atty.
Ten.
Kor.
Hen.
Dr.
Prop.
Bro.
Sr.
P.
Pr.
Reb.
Mga Bahagi ng Liham

Ginamit ang daglat


na Abo. para sa
abogado
Mga Bahagi ng Liham
Gumagamit ng Kagalang-galang/Kgg. para sa mga taong
halal ng taumbayan at sa may mataas na katungkulan
gaya ng sumusunod:
1. Pangulo ng Pilipinas
2. Pangalawang Pangulo
3. Dating Pangulo at Pangalawang Pangulo
4. Kalihim ng Kagawaran
5. Gumaganap na/Nanunungkulang Kalihim
6. Kalihim ad interim/pansamantala
7. Kinatawang Kalihim
8. Pangalawang Kalihim
9. Solisitor Heneral
10. Mga Komisyoner ng Kagawaran
11. Punong Mahistrado ng Kataas-taasang
Hukuman
Mga Bahagi ng Liham

12. Kasangguning Mahistrado


13. Retiradong Punong Mahistrado
14. Retiradong Kasangguning Mahistrado
15. Pangulo ng Senado
16. Pangulo Pro Tempore ng Senado
17. Lider ng Mayorya/Lider ng Minorya ng 23. Embahador
Senado 24. Embahador Pangkalahatan
18. Senador ng Pilipinas 25. Dating Embahador
19. Ispiker ng Kapulungan 26. Konsul Heneral
20. Kinatawan ng Kapulungan 27. Charge d’Affaires
21. Gobernador o Punong Lalawigan 28. Puno ng isang Ahensiya, Pangasiwaan,
22. Alkalde o Lupon
29. Pangulo, Tagapangulo, o Miyembro ng
isang Komisyon o Kapulungan
Mga Bahagi ng Liham

4. Tawag-pansin/Attention Line
Panawag-pansin ito sa taong kailangan na ang
pagtukoy ay sa pamamagitan ng higit na
nakatataas.

Maaaring ihanay sa bating pambungad o sa


dakong gitna na ang nasa malaking tipo ay ang
unang titik lamang.
Mga Bahagi ng Liham

4. Tawag-pansin/Attention Line
8 Enero 2016

MARCEL CRUZ
Direktor
Philippine Broadcasting Service
Visayas Avenue, Lungsod Quezon

Tawag-pansin : Prospero S. Reyes


Acting Station Manager
Mahal na Ginoong Cruz:
Mga Bahagi ng Liham

5. Bating Pambungad/Salutation
Sa Bating Pambungad, hindi ipinapanukala ang
paggamit ng “Sa Kinauukulan” lalo’t hindi batid ang
pangalan ng nililihaman. Maaaring gamitin ang
Mahal na Ginoo o Mahal na Binibini kung talagang
hindi alam ang pangalan ng nililihaman.
Halimbawa:
• Sa lalaki (Mahal na Ginoong ________ :)
• Sa babae (Mahal na Binibining ________:)
• Sa matataas na pinuno ng pamahalaan
(Mahal na Kagalang-galang ________:)
Mga Bahagi ng Liham

Isulat nang buo ang titulo sa unahan ng


apelyido o tungkulin. Tutuldok ang ginagamit sa
mga pormal na liham:
Halimbawa:

Mahal na Ginoong Pangulo:


Mahal na Pangulong Duterte:
Mahal na Ginang Kalihim:
Mahal na Kalihim Taguiwalo:
Mahal na Senador Legarda:
Mahal na Propesor Zafra:
Mahal na Heneral Reyes:
Mga Bahagi ng Liham

6. Paksa/Subject Line
Bagaman hindi sapilitan ang paglalagay ng paksa,
nakatutulong ito upang matukoy agad ang layon o
nilalaman ng liham lalo na kung ito’y isang
kahilingan.

Inilalagay ito dalawang espasyo pagkatapos ng


bating pambungad.
Mga Bahagi ng Liham

Halimbawa:
Mahal na Ginoong Torres:

Paksa: Aplikasyon para sa Umento sa Suweldo

Ang Lupon ng Tagapamahala, na regular na nagriribyu ng


suweldo ay nakatakdang magpulong sa katapusan ng
buwan. Kaugnay nito, ipinababatid na pag-uusapan sa
naturan ang iyong kahilingan, at ipaaalam sa inyo ang
kapasiyahan ng lupon sa lalong madaling panahon.
Mga Bahagi ng Liham

7. Katawan ng Liham

Ilahad ang layunin o paksa ng liham sa



unang pangungusap/talata pa lamang ng
unang talata.
Ilahad ang ibang detalye sa
ikalawang talata.
 Wakasan ang liham sa isang matatag at
positibong tono.
Mga Bahagi ng Liham

Mabuhay kayo at nagpapasalamat


kami sa inyong patuloy na tangkilik
sa wikang Filipino .
Mga Bahagi ng Liham

Mula makro tungong maykro ang dapat na maging


daloy ng paglalahad ng impormasyon sa katawan ng
liham.

Pangunahing Detalye

Pantulong na
detalye
Mga Bahagi ng Liham

Tagubilin sa Pagsulat ng Katawan ng Liham


AKTIBO AT HINDI IWASAN ANG
PASIBO ANG HIMIG NG PAGGAMIT NG
BAWAT PANGUNGUSAP JARGON

KATAWAN
NG LIHAM
IWASAN ANG IWASAN ANG
MAHABANG PARIRALA PAGPAPAIKLI
O PANGUNGUSAP NG SALITA
Mga Bahagi ng Liham

8. Pamitagang Pangwakas
• Angkop sa layunin at mapagsaalang-alang
• Ugaliing maging magalang.

Katulad ng Bating pambungad, palatandaan din ito


ng pormalidad at paggalang. Palagi itong sinusundan
ng kuwit (,). Ilan sa pinakagamiting Pamitagang
Pangwakas ang sumusunod:
Mga Bahagi ng Liham

Ilan sa pinakagamiting Pamitagang Pangwakas


ang sumusunod:

Gumagalang,
Lubos na gumagalang,
Sumasainyo,
Magalang na sumasainyo,
Mapitagang sumasainyo,
Matapat na sumasainyo,
Mga Bahagi ng Liham

9. Lagda
Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng
lumiham. Ito ay nagpapakilala ng kapangyarihan
at pananagutan sa nilalaman ng liham.

Hindi iminumungkahi ang paglalagay ng titulo sa


unahan ng pangalan lalo’t ito ay lalagdaan.

Mula sa pamitagang pangwakas, mag-iwan ng


tatlong espasyo para sa lagda.
Mga Bahagi ng Liham

LAGDA
Mga Bahagi ng Liham

9. Lagda
Pagtatalaga ng karapatang lumagda

Halimbawa:

PURIFICACION G. DELIMA
Nanunungkulang Tagapangulo/
Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto

Para kay VIRGILIO S. ALMARIO, National Artist


Tagapangulo
Mga Bahagi ng Liham

10. Kalakip (Enclosure)


Ito ang talaan ng mga dokumento na
binanggit sa katawan ng liham at
matatagpuan sa ibaba ng kaliwang bahagi.
Ipinaaalala nito sa tumanggap ng liham na
hanapin o tingnan ang mga kalakip bilang
mahahalagang reperensiya.
Mga Bahagi ng Liham

Mga Kalakip:
Kasunduan
Katitikan ng Pulong
Kasunduan sa Pagbabayad

Kalakip:
Gaya ng nasasaad
Mga Bahagi ng Liham

11. NOTASYON NG BINIGYANG-SIPI (Copy


Notation)
Ipinakikita nito ang dami o bilang ng mga
taong tumanggap ng liham na inihuhudyat ng
simbolong cc.
Mga Bahagi ng Liham

Binigyang-sipi:
Yunit Pantauhan
Puno, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi
Puno, Sangay ng Literatura at Araling
Kultural
Mga Bahagi ng Liham

12. INISYALS NG PAGKAKAKILANLAN


(Identifying Initials)
Kakikitahan ito ng inisyals ng naghanda at
nagmakinilya ng liham. Karaniwan itong
makikita sa ilalim ng lagda sa gawing kaliwa ng
papel.
Mga Bahagi ng Liham

Halimbawa:
JIC:pst
JIC:pst/06102015
JIC:PST/mvc

Tandaan!
Tinatawag din itong tracer lalo pa’t
pangunahing gampanin nito sa
Korespondensiya Opisyal ang magsilbing
reperensiya sa hinaharap.
Hakbang sa Pagsulat ng Liham

1. Bago Sumulat
Basahin ang naunang palitan ng
korespondensiya ng sumulat at sinusulatan.
 Isaalang-alang ang pangunahing layunin
kung bakit lumiliham.
 Mayroon bang pangalawang layunin sa
pagliham?
 Mahalaga ang pagpaplano at
konsentrasyon sa pagtugon sa bawat liham
Hakbang sa Pagsulat ng Liham

2.Pagpaplano/Pagbabalangkas
3. Pagbuo ng unang Borador
4. Pag-eedit sa nabuong borador
5. Maingat na presentasyon
Hakbang sa Pagsulat ng Liham

Kailan masasabing maingat ang presentasyon?

 Kapag ito ay malinis (neat)

 Ginamitan ng magandang klase ng papel o

?
stationery
Hakbang sa Pagsulat ng Liham

PABALIK
Hangga’t maaari, kailangang
NA maganda ang kalidad ng
ADRES sobre.

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


Gusali Watson, Kalye J.P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
1005 Maynila

LUALHATI PEREZ PINADALHAN NG


42 Evergreen St.
Greenview Executive Village 3 SULAT AT ADRES
1118 Fairview, Lungsod Quezon
Hakbang sa Pagsulat ng Liham

Mahalagang Tagubilin!
Hakbang sa Pagsulat ng Liham

Ideal na tipo at sukat (font size at style)


 Arial (10, 12) depende sa haba ng liham at kadalasang
justified align ang bawat talata.
 Times New Roman (12)
 Courier (12) – ginagamit ito sa US State
Department
 Lucida (gamitin sa screen na mababa ang resolution)
 Garamond
 Century (mas gamitin ito sa teksbuk)
 Baskerville (mas pinapaburan ito ng US based printers)
 Optima
Hakbang sa Pagsulat ng Liham

Ideal na tipo at sukat (font size at style)

Sa kabuoan, madaling basahin at


malinaw ang pangunahing
konsiderasyon.
Katangian ng Liham

1. Malinaw (clear)
2. Wasto (correct)
3. Buo (complete)
4. Magalang (Courteous)
5. Maikli (Concise)
6. Kumbersasyonal
7. Mapagsaalang-alang (considerate)
8. Angkop (appropriate)
Ilang Tagubilin

1. Malinis ang anyo, wasto ang pormat, walang


mali sa baybay, at aspektong gramatikal.
2. Balanse, may paggalang, o sensitibo sa
kasarian.
3. Ugaliing maglakip ng numero ng telepono, e-
mail address, at pangalan ng taong hahanapin
para sa kaukulang tanong o paglilinaw.
4. Huwag kalimutang ilakip ang mga kalakip na
binanggit sa liham.
Iba pang Uri ng Korespondensiya

MEMORANDUM BLG.
Memorandum
MULA KAY:

PARA KAY/SA:

PAKSA:

PETSA:

(Katawan ng Memorandum)
Iba pang Uri ng Korespondensiya

Wastong Pagpo-format ng Memorandum


• 1–1 ¼ pulgadang palugit sa magkabilang gilid
ng papel
• 1–2 pulgadang palugit sa itaas ng papel
• Nasa malalaking titik ang MULA KAY, PARA
KAY/SA, PETSA, at PAKSA.
• Isang espasyo (single space) ang mga linya sa
talata at dalawang espasyo sa pagitan ng mga
talata.
Iba pang Uri ng Korespondensiya

Kahalagahan ng
Memorandum

Nakatitipid sa oras
 Hindi magkakaroon
ng iba’t ibang uri ng
interpretasyon
Iba pang Uri ng Korespondensiya

Liham, Memo, at e-mail 


 Ang memorandum ay para sa mga kawani o
empleado sa loob ng isang tanggapan o ahensiya.

 Ang liham ay para sa mga kawani o empleado sa


loob o labas ng isang tanggapan o ahensiya.

 Hindi pormal at atraktibo ng liham o memorandum


ang e-mail dahil sa kawalan ng template o formatting
tool sa e-mail at hindi rin ito sumasailalim sa
masusing editing liban kung nakaprint.
Iba pang Uri ng Korespondensiya

2. Paglilipat o pag-
eendoso
Iba pang Uri ng Korespondensiya
Iba pang Uri ng Korespondensiya

Tandaan!
1. Referred –Itinutukoy (mataas-pababa)
2. Returned - Ibinabalik (pantay ang katungkulan)
3. Endorsed-Inililipat (maaaring mababa-pataas o
pantay)
4.Forwarded-Itinutuloy (mababa-pataas)
Iba pang Uri ng Korespondensiya

3. Kapasiyahan
Iba pang Uri ng Korespondensiya
4. Pormularyo
Paano sisimulan ang paggamit
ng Filipino
bilang wika ng serbisyo
publiko?
1. Magtatag o bumuo ng Lupon sa
Korespondensiya Opisyal (LKO)
Sino-sino ang kasapi nito?
a. Tagapangulo
b. Mga Kasapi (5-7 kasapi)
> magtatalaga mula sa mga departamento/
sangay/yunit
> mula sa isang departamento/sangay/yunit
2. Ano ang tungkulin ng LKO?
a. Bumuo ng mga patakaran o proyekto
hinggil sa pagtataguyod ng paggamit ng
Filipino sa mga transaksiyon at
korespondensiya
b. Magsagawa ng mga proyekto o gawain na
gumagamit ng wikang Filipino
c. Makipag-ugnayan sa KWF
Mga mungkahing gawain:
1. Isa-Filipino ang ulong sulat o letterhead;
2. Isalin sa Filipino ang misyon at bisyon ng inyong institusyon;
3. Isalin sa Filipino ang Gabay sa Mamamayan (Citizen’s Charter);
4. Isa-Filipino ang ilang proseso at karatula na maggagabay sa mga
kliyente;
5. Bumuo ng mga pormularyo para sa mga kliyente na nakasulat sa Filipino;
6. Bumuo ng mga pormularyo para sa mga kawani na nakasulat sa Filipino;
7. Simulang gumamit ng Filipino sa mga korespondensiya, katulad ng
liham, memorandum, at iba pa;
8. Isa-Filipino ang mga pabatid, poster, brochure, at mga katulad na
materyales; at
9. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng mga tanggapan at mga sangay.
10. Makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika
KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko

Bumuo ng Lupon sa Korespondensiya Opisyal na mamumuno sa


pagsasagawa ng sumusunod:
1. Isa-Filipino ang ulong sulat o letterhead;
2. Isalin sa Filipino ang misyon at bisyon ng inyong institusyon;
3. Isalin sa Filipino ang Gabay sa Mamamayan (Citizen’s Charter);
4. Isa-Filipino ang ilang proseso at karatula na maggagabay sa mga
kliyente;
5. Bumuo ng mga pormularyo para sa mga kliyente na nakasulat sa Filipino;
6. Bumuo ng mga pormularyo para sa mga kawani na nakasulat sa Filipino;
7. Simulang gumamit ng Filipino sa mga korespondensiya, katulad ng
liham, memorandum, at iba pa;
8. Isa-Filpino ang mga pabatid, poster, brochure, at mga katulad na
materyales; at
9. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng mga tanggapan at mga sangay.

Dedlayn ng paglahok: 31 Mayo 2018


Maraming salamat po!

You might also like