You are on page 1of 16

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)

INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)


DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

INTEL 01: REDEFINING TRANSLATION IN A GLOBAL AGE

Ang pagsasalin ng isang wika ay lubhang mahalaga di lang para sa ating mga

pilipino kundi para din sa iba pang tao na nananahan sa ibang bansa. Ito ang paraan

upang higit na maunawaan ang isang sulatin lalo na kung ito ay nakatala sa na iibang

wika na karaniwang gamit ng isang bansa o lugar. Sa pag daan ng panahon, marami ng

paraan upang maisagawa ang pag sasalin. Nariyan ang teknolohiya, telebisyon, at audio

visual. Mayroon na ding global at lokal na paraan ng pagsasalin. Sa isang babasahin na

gawa ni Susan Bassnet na redefining translation in a global age, tinalakay doon ang mga

bagay na ito. Ngunit bago pa man natin talakayin at himayin ang mga impormasyon sa

babasahing iyon, unahin muna nating pag usapan kung ano ang kahulugan ng pagsasalin

upang magkaroon tayo ng paunang kaalaman patungkol sa bagay na ito .Ang Pagsasalin

ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa kalapit na katumbas na diwa

na gamit ang ibang wika ayon kay (Griarte, 2014). Sa pagsasaling wika dapat

isinasaalang-alang ang diwa o konteskto at ang balarila o gramatika ng dalawang wika.

Dapat isinasaalang-alang din ang pamamaraan ng pagsulat o estilo upang hindi mabago

ang diwa ng tekstong isasalin. Kadalasan nagiging kamalian sa pagsasalin, ang

pagsasalin ng salita-sa-bawat-salita sapagkat ang pagsasalin sa ganitong paraan ay

maaring hindi mabigyang pansin ang diwa, estilo at balarila. Dapat maging maingat sa

pagsasalin upang mapanatili ang diwa ng orihinal na teksto. Ang tagasalin ay nararapat

na may kaalaman sa simulaang lengguwahe at mas may sapat na kaalaman sa

tunguhang lengguwahe upang maayos na maisalin ang teksto.

1
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

Ngayong alam na natin ang kahulugan ng pagsasalin, sunod na nating alamin ang

mga impormasyon na nakapaloob sa babasahing aking nasambit kamakailan. Ang

redefining translation in a global age ay tumatalakay sa paglaki ng pangangailangan sa

pagsasaling wika. Ito ay bunga ng pag lobo ng populasyon. Nang dahil sa kaganapang

ito, lumaki din ang pangangailangan sa mga tagasalin at tagapagsalin sa buong mundo.

Sila ang mga indibidwal na may kasanayan at kaalaman hingil sa pagsasalin ng wika.

Dagdag pa rito, sinimulan na din ang pag buo ng mga machine-translation programmes

upang makayanan na matugunan ang lumalaking pangangailangan sa pagsasalin.

Halimbawa nalamang sa pag papa labas ng mga balita. Mayroon tayong tinatawag na

mga flash reports at breaking news. Ito yung mga balita na kinakailangan na maipakalat

kaagad sa mga mamamayan. kumbaga, madalianang pag aasikaso sa mga ito. Maaaring

sa pamamagitan ng telebisyon o di naman kaya ay ng radyo. Pag isinasagawa ang mga

bagay na ito, mahirap para sa mga tagapagsalin at tagasalin na isalin kaagad ang mga

teksto at babasahin na kinakailangang ibalita lalo na kung ito ay madalian at agarang

kinakailangan. Ang pag sasalin ng isang wika ay nangangailangan ng sapat na panahon

upang masiguro ang kawastuhan at kaangkupan nito. Kung mamadaliin ang pagsasalin

ng wika, hindi ito masisiguro. Isipin nyo kung gaano kahirap para sa mga tagasalin at

tagapagsalin ang bagay na ito. Upang matulungan sila, unti unting binuo ang machine-

translation programmes at mga websites na maaaring maka tulong sa pagsasalin ng

isang wika tungo sa isa pa. Ngunit ang bagay na ito ay mayroon din masamang dulot.

Dahil dumadami na ang mga plataporma na nagagamit sa pagsasalin, ganun na din ang

mga tao na maaaring magsalin, madalas ay na iiba iba na din ang pag papakahulugan

ng mga salin na salita, teksto, babasahin at iba pa. Gayunpaman, mas bigyan nalamang

2
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

natin ng pansin ang magandang epekto nito sa atin. Dahil sa internet at pagsulong ng

teknolohiya, naging mas possible at magaan na ang pagsasalin ng mga literatura mula

sa orihinal na wika tungo sa saling-wika.

Sa tekstong aking binasa, mayroon doon na nabanggit hingil sa ibat-ibang uri,

klase at gamit ng pagsasalin. Ang mga iyon ay: "television news translation, global news

translation, local and global, and audiovisual translation". Subukan nating talakayin ang

mga ito. Una ay ang patungkol sa television news translation. Ibinahagi ni Claire Tsai na

isang dating taiwanese television news translator ang kanyang karanasan sa pag ta

trabaho sa loob ng isang television newsroom. Inamin ni Tsai na hindi madali ang trabaho

doon sapagkat kulang ang oras na ibinibigay sa kanila upang makapagsalin. Halimbawa

nalamang, tatlong balita ang kinakailangan nilang isalin sa loob lamang ng dalawang

oras. Kung limitado na ang oras ng kanilang pagsasalin sa mga normal na balita, higit na

kaunti ang kanilang oras kung ang kanilang isinasalin ay mga flash reports at breaking

news sapagkat binibigyan lanmang sila ng 15 minutos para makapag bigay ng mga

impormasyon. Sinabi din ni Tsai na hindi man lamang isinama ng kompanyang kanyang

pinag ta trabahuhan ang salitang translator sa kanyang title. Tinatawag lamang syang

writer in the international news centre kahit pa malaking parte ng kanyang isinasagawang

trabaho ay kabilang ang pagsasalin. Kung pag babasehan ang karanasan ni Tsai, higit

syang nahirapan sa kanyang ginagawang trabaho. Madalas pa nga daw ay kinakailangan

nyang mag multi task para lamang makasumite ng kanyang gawa. Hindi madali ang

trabaho ng isang television news translator sapagkat kinakailangan nyang mag pakita ng

kasanayan sa linguistics, cultural, technological, editorial and presentational. Hindi

lamang na lilimitahan ang kanyang trabaho sa pagsasalin ng mga wika. Kinakailangan

3
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

niya ring matutong mag trabaho ng mabilis ngunit maayos at organisado pa din ang

output. Inamin ni Tsai na nasisiyahan din naman sya sa kanyang trabaho sapagkat

nabibigyan sya ng pag kalayaan na muling isulat sa kanyang paraan ang mga

impormasyon galing sa orihinal na teksto. Gayunpaman, sinisigurado naman niya na ang

kaangkupan, diwa, at saysay ng impormasyon na kanyang isinasalin ay mananatili sa

panibagong sulatin na kanyang mabubuo. Iba lamang ang istilo, ngunit ang kaangkupan

ay naroroon pa din.

Sunod naman nating talakayin ang global news translation. Ayon sa aking nabasa,

ang klase ng pag sasalin na ito ay hindi lamang naka pokus sa iisang pamamaraan.

Sinabi ni Anthony Williams, isang senior reuters journalist, na kinakailangan na mayroong

internasyunal na mang gagawa para sa internasyunal na manood at lokal na mang

gagawa para sa lokal na manonood. Sa aking pakiwari, nais niyang ipabatid na mas

mainam kung mayroong sari sariling mang gagawa, tagapagsulat, taga balita at tagasalin

ang mga lokal at internasyunal na ahensya ng sa ganon ay hindi magkaroon ng problema

sa pag sasaling wika. Nilinaw naman nya na nararapat na ang parehong panig ay

makapag sagawa ng mga angkop na kagamitan at output para sa kanya kanya nilang

mga manonood. Magkaiba man ang kanilang paraan, ngunit dapat lamang na kakitaan

pa din sila ng kahusayan at kasanayan sa kanilang napiling larangan. Sinabi din ni William

na nakikita niya ang pagsasalin bilang puro at payak. Bukod pa doon, nakikita ni niya din

ito bilang word-for-word activity lamang. Ngunit nilinaw ni Bassnet na sa librong kanilang

gawa, walang mag papatunay na ang pagsasalin ay puro at payak sapagkat ito ay

nangangailangan ng husay sa pag babasa at pag sulat ng dalawang wika. Ang bagay na

ito ay hindi ma kokonsidera na madaling gawain. Dagdag pa, hindi dapat sinasabing

4
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

word-for-word activity ang pagsasalin sapagkat hindi lang ang mismong salita ang

isinasalin kundi pati na din ang saysay at diwa ng sulatin. Dahil sa sinabing iyon ni

William, napag tanto nila Bassnet at Ezperanza Bielsa na hindi pare pareho ang konsepto

ng bawat isa patungkol sa usaping pagsasalin. Maaaring maiba iba ang mga ito, depende

sa kung sino ang may lulan at gawa. Para mapatunayan ang kanilang palagay, minabuti

nila Bassnet at Bielsa na tingnan ang kasaysayan ng development of international news

agencies and cases of international reporting of the same contemporary story by different

news agencies. Sa pag tingin ng mga ito, napagtanto nila na tama ang kanilang

sapantaha sapagkat wala ngang pagkakatulad sa paraan ng pagsasalin ang mga

ahensyang ito kahit pa pareho lang naman ang mga balita na nais nilang ipabatid sa

kanilang mga mamamayan. Bukod dito, sinubukan din nilang pagnilayan at aralin ang iba

pang importanteng dimensyon ng pagbabalita. Ito ay ang different journalistic practices

and rhetorical traditions na naging paiba iba dahil na din sa ibat ibang kultura na

katanggap tanggap sa isang lugar o bansa. Halimbawa, ang mga british tabloid ay hindi

tanggap sa ibang lugar marahil na din ay dahil mayroon naman silang sarili nilang mga

tabloid. Isa pang halimbawa, ang mga arabic journalism ay hindi katanggap tanggap sa

mga English readers sapagkat hindi naman nila ito na uunawan dahil iba naman ito sa

ginagamit nilang lengguwahe. Sa mga ganitong pagkakataon, higit na nahihirapan ang

mga tagapagsalin sapagkat kinakailangan nilang baguhin ang ilan sa mga orihinal na

balangkas ng sulatin upang higit na maunawaan ito ng mga mambabasa. Dahil iba ang

balangkas ng mga ingles na letra sa balangkas ng mga arabic na letra, mahirap para sa

tagapagsalin na isalin ang sulatin ng walang kaunting pag babago na mangyayari dito.

Bukod pa duon, hindi gaanong masisiguro ang kawastuhan ng mga saling salita.

5
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

Halimbawa nalamang noong sinubukang isalin ang talumpating politikal nina Saddam

Hussein, Heneral Gaddafi, at presedente Al-Assad. Hindi maiwasan na mag karoon na

kaunting pag babago sa pagsasalin nito. Katanggap tanggap ang nagawang salin para

sa mga tara arabya, ngunit ito naging walang katotohanan at nakatatawa para sa ibang

mambabasa na mayroong naiibang lahi. Hindi man lamang nasigurado ang kaangkupan

ng salin kung ito ba ay lubos na mauunawaan ng mga tinatarget na mambabasa at kung

ang pagkakasalin ba sa mga ito ay matutugunan ang inaasahan nila . Kahit na mayroon

namang mga kongkreto na sulatin at pag aaral patungkol sa pag babalita sa

pamamagitan ng mga print media at ng iba pa, hindi naman ito ganoong nabibigyan ng

pansin hanggang noong araw na umusbong ang mga large international news agencies

at media companies. Sa mga imbestigasyon patungkol sa pagsasalin hindi naman

lubusang naitatampok ang mga usapin patungkol sa "media studies, communication

studies, at globalization studies, kahit pa kita naman na mayroong interlingual

dimensions. Mayroong mga sulatin na ginawa lamang para sa mga tinatarget na

audience. Ang mga sulating kagayan nun ay naka pokus sa relasyon ng mambabasa sa

mismong sulatin. Inaalam nila ang relasyong ito sa pamamagitan ng pag aanalisa ng

klase, kasarian, edukasyon at politikal na pag kakaugnay ng mambabasa. Tinitingnan din

nila ang iba pang mga makabuluhang salik na maaaring makaapekto sa kaugnayan ng

mambabasa at sulatin. Mas binibigyan nila ng atensyon ang relasyong iyon kaysa sa

nangyayari sa mga impormasyon na nakatala sa mga sulatin kapag ito ay nailipat o

naisalin na sa ibang lenggwahe. Sa pagsasaliksik nila Bassnet at Bielsa patungkol sa

global news translation, nais nilang mas bigyan ng pansin ang kaganapan sa mga

paglilipat na ito ng sa ganun ay magkaroon sila ng mas malinaw na pagunawa kung ano

6
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

ba ang mga bagay na dawit sa pagsasalin ng mga balita. Nais nilang unawain ng mabuti

ang mga kalakalan at paraan ng pagsasalin sa konseptong ito ng sa ganun ay hindi sila

magkaroon ng kalituhan at kaguluhan sa kanilang mga kaisipan. Sa pag daan ng

panahon, hindi na lamang iisang tao ang nahihirapang mag salin ng sulatin mula sa

orihinal na wika tungo sa isa pa. Bagkus, nag tutulungan na ang mga network of foreign

correspondents at outside news agencies upang mag karoon ng mas angkop na salin ng

mga balita na siguradong magiging higgit na katanggap tanggap para sa mga

mambabasa dahil natugunan na ang kanilang mga inaasahan at ito pa ay naka hanay sa

kanilang pinaniniwalaan. Ang nag iisang problema o suliranin na maaaring masalubong

sa bagay na ito ay ang hirap sa pag alam kung anong sulatin na ang orihinal. Sa dami ng

gumagawa ng pagsasalin mahirap ng malaman kung saan ang tunay na pinag mulan

nito. Sa lawak ng global na pagsasalin, at sa dami na din ng mga tao o maging ahensya

na nag sasagawa ng salin, lubhang napakahirap ng matunton kung nasaan na nga ba

ang tunay at orihinal na mga sulatin.

Ngayon na tapos na tayo sa pag talakay ng global news translation, dumako na

tayo sa kasunod na paksa. Talakayin naman natin ang tungkol sa global and local. Sa

mga nag daang sularin patungkol sa pagsasalin hingil sa journalism at politika, nabuo

ang ilan sa mga ideolohiya na katanungan tungkol sa relasyon sa pagitan ng global at

local. Ang libro ni michael cronin na translation and globalization (2003) ay patungkol sa

pagaaral ng mga pagbabago sa global,social, at ekonomiks. Tumatalakay din ito paraan

kung paanong ang mga pag babagong dulot nito ay nakakaapekto sa industriya ng

pagsasalin. Nag bigay sya ng mga halimbawa kung saang ang industriya ay yumabong

at nag karaon ng mga imprastraktura na di nag tagal ay nag bunga ng mga establisimento

7
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

tungkol sa software technology parks sa bansang india at ganun na din sa mga timog

asyang bansa. Natalakay din sa libro ni Cronin ang tungkol sa mga lenggwaheng

dominante at mga minoryang kultura. Nabanggit nya na kahit makapangyarihan ang mga

lenggwaheng European katulad ng french, portuguese, at spanish, higit paring

domenante ang wikang Ingles. Napatunayan na natin ang bagay na iyon kahit pa noon.

Ang Ingles ang kinokonsidera nating universal language sapagkat halos lahat ng bansa

sa buong mundo ay pinag aaralan kung paano magamit ang wikang ito. Kumbaga, ito

ang ating nagiging paraan upang makipag talastasan sa ibang lahi lalo na't hindi naman

magkatulad ang ating mga unang wika. Kahit madaming panahon na ang lumipas, hindi

pa din non nabago ang katotohanang ang ingles pa din ang pinaka dominanteng wika sa

lahat. Sa katunayan pa nga, karamihan ng mga ginawang pagsasalin ay mula sa ingles,

tungo sa ibang wika o di naman kaya ay kabaliktaran. Bihira lamang magkaroong ng

pagsasalin na hindi damay o kasali ang wikang ingles. Kahit maganda ang epekto nito

sa kabuuan, meron pa din itong masamang resulta. Halimbawa nalamang ang pag

kakaroon ng "inguistic imbalance. Bukod pa rito, nag aalala din si Cronin sa marked

bilingualism. Ang klase ng bilingualism na ito ay tumatatalakay sa mga tagapag salita na

mayroong kakayanan sa pag gamit ng dalawang minoryang wika. Gayunpaman, kahit na

mayroon syang kasanayan sa dalawang wikang iyon, mayroon pa ding isa sa mga iyon

ang nakahihigit at nakakalamang. Kumbaga, oo nga at may kasanayan siya sa dalawang

wika, ngunit ang kasanayang ito ay hindi naman pantay. Isang magandang halimbawa

nito ay ang mga pilipino. Kaya nating makipag talastasan sa wikang tagalog at ingles

ngunit mas litaw ang ating kasanayan at pagkadalubhasa kapag ang gamit natin sa

pakikipag talastasan ay ang ating inang wika kumpara kung ang gagamitin natin ay yaong

8
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

wikang ingles. Kung ang isang taong bilingual ay nagagawang makapag salita ng 2 wika

at magpakita ng kasanayan sa pag gamit nito, ang "multilingualism" naman ay

tumututukoy sa mga taong kayang matuto at gumamit ng napakaraming wika. Hindi

lawang dalawa, hindi lamang tatlo o lima, kundi mas madami pa.

Ngayong tapos na nating matalakay ang global at local, pag usapan naman natin

ang sumunod na paksa dito na audiovisual translation. Sa pagdaan ng madaming

panahon, unti unti na ding nag babago ang ang ating lipunan. Karamihan sa atin ay

nagiging multilingual na. Kasabay ng pag babagong ito, unti unti na ding umuusbong ang

gamit sa ibat ibang teknolohiya na syang na kakaapekto sa ating pakikipag talastasan at

pakikipag usap sa iba. Ang pag usbong ng teknolohiya ay parehong nangyari sa lokal at

internasyunal na mga lugar. Dahil sa paglawak ng pag gamit ng teknolohiya, nagkaroon

ng pag babago sa mga translator training programs at kasabay pa nito ang pagusbong

din ng pag gamit ng mga translation, dubbing, subtitling, internet translation and

translation and global market. Bawat isa sa mga usapin at paksang ito ay mayroong

sariling mga metodolohiya at literatura. Iba iba ang paraan ng pag papakilala sa kanila

ngunit pare pareho sila umuusbong, lumalago at lumalaganap. Kapansin pansin din na

sa mga ginawang pananaliksik ukol sa mga ito, nakakapag pakita sila ng kanya kanyang

communication studies, language engineering, at applied linguistics. Mas banayad at

litaw ang mga ito kumpara sa cultural and literary studies. Ang Audiovisual translation ay

mabilis na umunlad at umusbong ng mayroong sariling pagkakakilanlan. Kagaya

nalamang ng pag usbong ng sariling pagkakakilanlan ng film at media studies ng ito at

tumiwalag o humiwalay sa literary studies. Sa ngayon, ating natutunghayan ang

Audiovisual translation na unti unting nag kakaroon ng pagkakakilanlan at ng kalayaan

9
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

na humiwalay sa tradisyunal na pag aaral hingil sa pagsasalin. Habang nabubuo ang

sariling katayuan ng pag kaka kilanlan ng Audiovisual translation sa industriya, hindi

naman nawawala ang ilang suliranin at problema. Isa nalamang dito ay ang pagiging

dominante ng wikang Ingles sa mga produksyon ng film at telebisyon. Si Jorge Diaz-

Cintas one of the principal researchers into audiovisual translation ay nag bigay ng mga

pa alala kung paano nagagamit ang ingles sa mundo ng industriya. Sabi niya, hindi

gaanong nabibigyan ng pansin at atensyon ang mga film na hindi gumagamit ng ingles o

iyong mga minorya. Kungbaga, nawawalan ng pagkakataon ang mga minoryang film na

ito na makilala din kahit pa mahusay naman ang pag kakagawa sa kanila. Kumbaga, mas

pinapaburan ang mga output kung ito ay gagamit ng ingles na wika. Mas binibigyan ng

pansin at mataas na katayuan ang isang film o produksyon sa telebisyon kung sila ay

gumagamit ng ating universal language na ingles. Madalas pa nga ang nangyayari,

isinasalin ang mga gawang ito sa wikang ingles. Ngunit hindi naman na na sisiguro ang

kaangkupan ng pag sasalin na ito. Iba iba ang katangian ng bawat wika. Iba iba ang

paraan ng pag babalangkas at pag sulat kung kaya't ang kaangkupan ng salin ay hindi

palaging tama. Napatunayan ito ni Anna Matamala na isang visual expert. Ayon sa

kanyang sanaysay, hindi maganda ang pagsasalin na ito sapagkat ang iilan sa mga

importanteng impormasyon sa mga dokumentaryo at iba pang mga sulatin at palabas ay

hindi naman nabibigyan ng hustisya sapagkat hindi maayos ang pagkakasalin sa mga

ito. Lubos na mahalaga ang siguridad ng mga impormasyon na kabilang sa mga sulatin

o literatura. Nararapat lamang na kahit isalin sila sa ibang wika, ay mapapanatili pa din

ang mga mahahalagang impormasyon na nakapaloob sa kanila. Isa sa mga halimbawa

na ipinagkaloob ni Matamala sa kanyang sanaysay ay ang isang dokumentaryo na

10
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

isinagawa na may gamit na wikang french. Ayon sa kanya, hindi nabigyan ng hustisya

ang pagsasalin ng dokumentaryo ito sa wikang ingles kaya’t hindi naging ganun kaganda

at kahusay ang naging output nito kumpara noong orihinal na wika pa ang gamit. Bukod

pa dito, tinalakay din ang subtitling at dubbing na madalas isinasagawa sa mga film at

drama na ipapalabas sa mga bansa na iba ang wikang kinalakhang gamit. Halimbawa

nalang ay ang mga k-drama na ipinapalabas dito sa pilipinas. Upang higit na maunawaan

ng mga pilipino ang takbo ng istorya, madalas ay dina dub ng mga voice actor ang linya

ng mga orihinal na tauhan sa storya gamit ang wikang tagalog upang higit na maunawaan

ng mga pilipino ang nais nilang sabihin at iparating. Ganun din ang layunin ng pag lalagay

ng mga subtitles sa mga pelikula. Nais din nitong mapag buti ang pang unawa ng mga

manonood sa palabas. Ngunit sa kabila nito, at sa magandang layunin nila, hindi naman

nakasisiguro ang mga manonood kung tunay bang angkop at tama ang pagkakasalin sa

mga linya ng tauhan sa mga palabas at pelikula. Gayunpaman, patuloy ang paggamit sa

dubbing at subtitling sapagkat mas napapalawak nito ang Audiovisual translation at mas

napag yayabong ang ibat ibang sektor at paraan ng pagsasalin. Mabuti din naman na

unti unting tinatanggap ang ibat ibang paraan ng pagsasalin ng wika ng sa ganun ay hindi

nagiging limitado sa iisang paraan lamang ang ating pagsasaling-wika.

Ang babasahing ito ay nag lalayon na maipaliwang ang kahalagahan at gamit ng

ibat ibang uri ng pagsasalin. Kahit na may roong ibat ibang pamamaraan ang mga ito,

iisa lang naman ang kanilang layunin. Iyon ay ang patuloy na mapalago at mapausbong

ang pagsasalin at hindi ito malimitahan sa iisang aspekto lamang. Hindi pa man ganun

ka kongkreto ang mga nabubuong paraan at mayroon pa din iilan na nagiging suliranin,

dapat pa din nating ipagpasalamat na kahit papaano ay nagagawa nating mapagyabong

11
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

ang mga ito. Wala namang bagay na nakukuha kaagad sa unang subok pa lang. Lahat

ay nangangailangan ng panahon at oras para umunlad. Ang pagsasalin ay isang

malaking parte ng globalisasyon. Sinabi pa nga ni Cronin na kung walang pagsasalin,

imposibleng maganap ang globalisasyon sapagkat ito ay binubuo ng ibat ibang paraan

ng pakikipag talastasan hindi lang sa iisang lahi kundi pati na din sa iba. Kung walang

pagsasalin na magaganap, paano magkakaunawaan ang bawat isa? Paano tayo

makakabuo ng koneksyon? Mahalagang mapabuti ang katayuan ng pagsasalin para

masigurado din ang hinaharap ng globalisasyon. Naniniwala ako na kaunting panahon

pa, magagawa na din ng pagsasalin na maging mas konkreto ang paglilipat ng mga

sulatin galing sa orihinal na wika papunta sa isa pa ng napapanatili ang diwa, saysay, at

importansya ng orihinal na sulatin at literatura. Ang pag sasaling wika ay hindi isang

simpleng gawain lamang. Ito ay nangangailangan ng dedikasyon, husay, galing at talino.

Hindi lamang basta salita ang sinasalin dito kundi pati na din ang mga mahahalagang

impormasyon sa mga literatura. Nakakatuwang isipin na noon mga tagasalin at

tagapagsalin lamang ang may kakayanang magsalin ng mga teksto. Ngunit ngayon, dahil

sa pag babago at pagunlad, nariyan na din ang ilang mga ahensya at ang teknolohiya na

handang gumabay at tumulong upang makamit natin ang inaasam asam na pag yabong

ng pagsasalin.

12
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

GABAY NA TANONG:

1.) Ano ang tinatampok na konsepto ng babasahin?

Sa aking palagay, ang itinatampok na konsepto sa sulating aking nabasa ay ang

gamit at importansya ng pagsasalin. Sa babasahing iyon, ipinaliwanag kung ano ang

gamit ng pagsasalin sa "elevision news translation, global news translation, at audiovisual

translation. Natutunan ko mula sa aking nabasa kung ano ang gampanin ng pagsasalin

ng wika sa aspetong ito at napag alaman ko din ang kanilang nagiging epekto sa

kalakaran at sa pag papatakbo ng mga industriyang aking nabanggit. Bukod dito, madami

pa akong ibang bagay na natutunan hingil sa pagsasalin dahil na din sa mga ilang mga

tao sa babasahin na nagbahagi ng kanilang karanasan at kaalaman tulad nina Claire

Tsai, Anthony Williams, Mary snell-Horny, and Anna Matamala.

2.) Ano ang kaugnayan ng konseptong ito sa wikang filipino?

Kung mayroon mang kaugnayan ang sulating aking nabasa sa wikang filipino, iyon

na marahil ang patungkol sa mga minority language. Sa isang banda ng sulating iyon,

natalakay kung ano ang kahulugan ng minority language. Natalakay din kung paano ang

trato sa mga ito pag dating sa pag gana ng mga industriya. Hindi naman sa sinasabi kong

minoryang wika ang Filipino, na alala ko lamang ito nung pinag uusapan ang mga

minoryang wika sa sulatin sapagkat kadalasan ay inihahambing ang wikang Filipino sa

wikang Ingles na isang dominanteng wika. Ito na naman ay muling napatunayan sa

sulatin na aking nabasa. Kahit sa pagsasalin ay mataas ang pagkilala

13
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

sa wikang Ingles. Kung pag hahambingin ang dalawang wikang aking nabanggit,

lumalabas na ang minoryang wika dito ay ang Filipino kung kaya't ito ay aking na alala.

Hindi ko nais maliitin ang aking sariling wika. Ngunit kung i kukumpara natin ito sa

narating na ng wikang ingles, malayo pa ang kinakailangan nitong lakbayin.

3.) Saang dimensyon na ibinigay ni Haugen mauuri ang konseptong ito? Patunayan

at tiyakin.

Batay sa aking sariling pang unawa, sa mga dimensyon na ibinigay ni Haugen,

mauuri ko ang konsepto ng sulating aking nabasa sa kodipikasyon(pamamaraang

istandardisasyon). Ang dimensyong ito ay hinggil sa usaping pangkalinangan o

pagpapaunlad ng wika na tungkulin ng publiko, sa kalakhan, at ng mga intelektuwal sa

partikular. Halimbawa nalamang ang mga guro at mga nagpapakadalubhasa sa mga

tiyak nalarangan. Sa dimensyong ito nakapaloob din ang bilingualism at multilingualism.

Ang mga bagay na ito ay napaliwanag din sa sulating aking nabasa.Tinalakay duon kung

ano ang kahulugan nila ganun na din ang kanilang gamit at importansya sa pagsasalin.

Bukod pa duon, maaari ko ding maiugnay ang mga tagasalin at tagapagsalin sa mga

dalubhasa na tinutukoy sa kodipikasyon sapagkat sila din naman ay nagpakita ng

kasanayan at kaalaman patungkol sa pagsasaling wika. Ang mga tagapagsalin at

tagasalin ay maituturing na mga dalubhasa sapagkat pinaglaanan nila ng mahabang

panahon at oras ang kanilang pag aaral ng sa ganon ay makapagpakita sila ng

natatanging kahusayan sa kanilang napiling lanrangan pagdating ng panahon.

14
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

4.) Paano maiugnay ang mga konseptong ito sa Intelektwalisasyon ng wikang

Filipino?

Bago ko mapagugnay ang Intelektwalisasyon at ang pagsasalin, hayaan nyo

munang ibigay ko ang kanilang mga kahulugan. Ang Intelektwalisasyon ay ang

paglulunsad ng proseso ng pagtaas ng wika mula sa mababang kalagayan nito. Ito ay

Isang proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay

saantas na intelektwalisado nang sa gayoy mabisang magamit sa mga sopistikadong

lawak ng karunungan. Mabisa ang wikang intelektwalisado hindi lamang bilang wika ng

tahanan, wika ng lansangan, wikang malikhaing panitikan kundi bilang wika rin ng agham,

teknolohiya at ng iba pang teknikal at mataas na antas ng karunungan. Sa kabilang banda

naman, ang Pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa kalapit

na katumbas na diwa na gamit ang ibang wika ayon kay (Griarte, 2014). Sa pagsasaling

wika dapat isinasaalang-alang ang diwa o konteskto at ang balarila o gramatika ng

dalawang wika. Dapat isinasaalang-alang din ang pamamaraan ng pagsulat o estilo

upang hindi mabago ang diwa ng tekstong isasalin. Kadalasan nagiging kamalian sa

pagsasalin, ang pagsasalin ng salita-sa-bawat-salita sapagkat ang pagsasalin sa

ganitong paraan ay maaring hindi mabigyang pansin ang diwa, estilo at balarila. Dapat

maging maingat sa pagsasalin upang mapanatili ang diwa ng orihinal ng teksto. Kung

mayroong mag kaugnayan ang Intelektwalisasyon sa wikang Filipino sa konsepto ng

sulating aking nabasa, ayon na marahil siguro ang pag kaka tulad nila na pareho pa silang

pinauusbong, pinalalago, pinayayaman at pinabubuti. Ang wikang filipino ay malayo pa

ang lalakbayin bago tulunyang maging isang intelektwalisadong wika. Madami pa itong

kailangang malampasan at mapagtagumpayan bago ba ito ihanay sa mga wikang

15
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (MAIN CAMPUS)
INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO (GEED 10123)
DEPARTMENT OF EDUCATION (ENGLISH MAJOR)

intelekwalisado na tulad ng Ingles. Ganun din ang sistema ng pagsasalin. Marami pa din

itong kailangang malampasan bago tuluyang matiyak ang kawastuhan ng mga salita na

isinasalin. Bukod pa doon, dumadami na ang mga sangay nito sapagkat hindi na lamang

ang mga tagasalin at tagapagsalin ang ma aaring mag sagawa nito. Bagkus ay may

kakayanan nading ang mga ahensya at website na makapagsalin sa tulong na din ng

teknolohiya. Bunga nito, mas nangangailangan pa lalo ang pagsasalin ng sapat na

panahon at oras upang masiguro ang kanyang kaangkupan. Ang pagsasalin at

Intelektwalisasyon ay parehong malayo pa ang kailangang lakbayin. Ito ang kanilang

pagkakatulad at kaugnayan.

PANGALAN: CESISTA, BIANCA NICOLE T.


KURSO AT BAITANG: BSEDEN 2-2D
STUDENT NO:2019-07502-MN-0
GURO: MR. ALVIN ORTIZ

16

You might also like