You are on page 1of 15

PAGSASALING WIKA

Danilo V. del Mundo, MAED


SALIN - (A) pagbubuhos mula sa isang sisidlan tungo sa iba pa;
- (B) pagkopya;
- (C) pag-endorso ng isang dokumento o komunikasyonm
mula sa isang opisina tungo sa isa pa; at
- (E) paglilipat ng isang opisina o tungkulin.

Mula sa tesauro ni Panganiban (1972)


Ang pagsasalin ba ay isang sining o agham?
Ayon sa Webster:

- art – conscious use of skill and creative imagination; the making of things that have
form or beauty
- science – systematized knowledge derived from observation, study and
experimentation; one that skillfully systematizes facts, principles and methods
“(M)ay dalawa lámang (paraan sa pagsasalin). Maaaring pabayaang manahimik ng
tagasalin ang awtor, hanggang posible, at pakilusin ang mambabasá túngo sa kaniya; o
maaaring pabayaang manahimik ng tagasalin ang mambabasá, hanggang posible, at
pakilusin ang awtor túngo sa kaniya.”

–FRIEDRICH SCHLEIERMACHER (1813)


Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y
mauunawaan, at ginagawang malaya naman kapag
iyon ay may kalabuan datapua’t hindi lumalayo
kailanman sa kahulugan.

– PACIANO MERCADO RIZAL


Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit
na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.
Kinapapalooban ng dalawang wika– ang simulaang wika (SW) at tunguhang
wika (TW).
Ang mga sinaunang pagsasalin ay masasabing napaalipin sa porma ng
mensahe.
Ang bawat wika ay may kanya-kanyang kakanyahan, S=sistema ng oagbubuo
at pagsusunod-sunod ng mga salita upang magpahayag ng kaisipan.
PORMA – DIWA/MENSAHE – REAKSYON NG MAMBABASA
Hindi lamang pagsasalin ng nilalaman at impormasyon ang inaasahan sa anumang
pagsasaling-wika; mahalaga rin ang kakawing nitong tungkuling
pangkomunikasyon na may pagsasaalang-alaang sa konteksto at intension ng salin,
nagpapasalin at target na mambabasa;
Hindi lamang pagtutumbas sa mga terminolohiya at kaalaman sa mga wikang
kasangkot sa pagsasalin ang maituturing na suliramin sa pagsasalin;
Walang iisa o tiyak na pagsasalin o lenggwaheng pagsasalin ang makapagbibigay
garantiya sa pagsasaling-teknikal;
Tulad ng pagsasaling pampanitikan, ang pagsasaling teknikal ay maitutyuring din
na isang malikhaing gawain.
Higit kailanpaman, ngayon ang panahon upang magkaroon ng isang ahensya o isang
sangay ng gobyerno na maaaring tumayo bilang tagapagbantay, tagapagtaguyod,
tagapag-ingat at tagapangasiwa sa mga usapin na may kinalaman sa pagsasalin.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

Kahalagahan ng Pagsasaling Wika


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

 Ano ang kahalagahan ng pagsasalin? Bakit kailangang magsalin? Kung pagbabalikan


natin ang kasaysayan, makikita natin ang mahalagang bahagi ng ginagampanan ng
pagsasalin kahit noon pa mang unang panahon gaya ng sinabi ni Ramos sa kanyang
artikulong Pagsasalin Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pambansa (1998). Ayon kay
Ramos bago pa man “dumating ang mga taga kanluran, sigura"o nang umiiral sa
kapuluan ang impormal na pagsasalin sa oral na komunikasyon. Mahalaga rin siguro ito
sa kanilang kabuhayan. Tulad ng kalakalan.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

 Kahalagahan ng Pagsasaling wika ay tunay na mahalaga. Ang


pagsasalin ayon sa Pambansang Alagad ng Sining na si Prop.Virgilio
S. Almario, sinaad niya sa aklat ng pagsasalin ni Alfonso Santiago
(2003)na“Isang pambansang tungkulin sa larangang pangkultura at
pang-edukasyon ang pagsasalin aniya Malaki ang papel ng
pagsasalin sa paglilipat at pagpapalitan ng kultura, kaalaman at
pamana ng matandang sibilisasyon sa mundo.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

* Ayon naman sa pananaw na ito ni Prop. Almario na


tunay na malaki ang gampaninng pagsasalin sa
buong mundo upang buwagin ang mga pader dulot
ng magkakaibang wika at sa pagbuo ng tulay tungo
sa pagbabahaginan ng kultura at kaalaman ng
alinmang lahi na magbubunga ng higit na pag-unlad
sa sangkatauhan.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

Ayon naman kay Santiago (2003)“Isang gawain ang


pagsasalin na may malaking magagawa sa
intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sapagkat sa
malikhaing paggamit ng wika sa proseso ng
pagsasalin ay napag-iibayo ang pag-unlad ng wika.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

Pinaghanguan:
https://www.scribd.com/doc/311188993/Kahalagahan-Ng-Pagsasalin

https://networks.upou.edu.ph/7048/kahalagahan-ng-pagsasalin-sa-
wikang-filipino-ng-mga-pananaliksik-at-malikhaing-akda-mula-sa-
ibat-ibang-wika-sa-pilipinas/
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

GAWAIN
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

GAWAIN 1: (Performance Task)


PANUTO: Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang dalawang talata sa
bawat katanungan.
1. Bakit mahalaga ang pagsasalin? Paano ito nakatutulong
sa pagpapaunlad ng ating wika?
2. Sa iyong pananaw, ano ang ginampanan ng
pagsasalin sa napakahabang kasaysayan ng ating lahi
sa buong mundo?
3. Ano ang implikasyon ng pagsasalin sa iyo bilang isang mag-aaral
sa kolehiyo?
4. Dapat bang maging bahagi ng iyong asignatura ang
pagsasalingwika- teknikal? Bakit?

You might also like