You are on page 1of 5

Ano ang kabuluhan ng pagsasalin sa kontekstong Filipino?

Kung tayo ay magbabaliktanaw sa ating kasaysayan, makikitang ang pagsasalin ay may


mahalagang bahaging ginagampanan kahit noon pa mang unang panahon. Ganung sinasabing bago pa
man dumating ang mga tagakanluran, ay mayroon nang umiiral sa kapuluan na impormal na pagsasalin
sa oral na komunikasyon. Dahil naging mahalaga rin ito sa kanilang kabuhayan tulad ng pagbabarter o
pagpapalitan ng mga kalakal. At ito ay hindi lamang sa pagitan ng mga katutubo kundi narin sa mga taga
ibang bayan sa silangan, tulad ng mga Tsino na napadpad sa kapuluan ng Pilipinas.

Ang pagsasalin-wika ay isang paraan ng pagsulat kung saan ang isang tekso ay muling isinusulat
sa ibang wika subalit hindi nawawala ang diwa ng orihinal na konteksto nito batay sa gagamitin na wika
ng tagasalin. Kadalasan, ang mga akdang nakasulat o naisulat sa wikang Ingles ay naisasalin sa wikang
Filipino sapagkat ang wikang ito ay itinuturing na pangalawang wika ng mga Pilipino.

Ang pagsasalin ay nakatutulong sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa isang lugar. Sa


pagsasalin ng teksto nagkakaroon tayo ng kaalaman sa iba’t ibang lengguwahe. Mahalaga sa pagsasalin
na malaman ang kasaysayan at kultura ng tekstong pinagmulan upang malaman ang wastong gamit ng
wika at balarila ng teksto. Nagkakaroon din ng pagkakaunawaan at interaksiyon ang dalawang wika.
Nagagamit ang pagsasalin upang makabuo ng panibagong interaksyon sa pagitan ng magkaibang lugar.
Nakakatulong din ito upang maunawaan ang wika, kultura at kasaysayan ng ibang lugar gamit ang iba’t
ibang teksto o akda.

May malaking bahaging ginagampanan ang pagsasalin sa paglilipat at palitan ng kultura’t


kaalaman sa buong mundo. Dahil sa pagsasalin ay napapakalat at natatanggap natin ang mga pamana ng
sibilisasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundi. Halimbawa, ang mga isinulat ng mga pilosopong sila
Aristotle, Plato, Socrates, Buddha at ipa ba. Mula sa kanilang mga akda ay naisulong natin ang ating mga
paniniwala mula sa relihiyon, agham, at iba pang aspeto ng kultura. Dahil sa pagsasalin, ay nagkaroon ng
impluwensiya ang ibang kultura sa atin. Naimpluwensiyahan tayo ng Kastila, Amerika, at Hapon dahil na
rin sa pagsasalin.

Ang pagdating ng Kastila sa ating bansa ay nagtakda ng unang yugto ng kasiglahan sa


pagsasalingwika sa Pilipinas. Ang pagsasalin ay nagkaroon ng dalawang layunin layunin – (1) ang
pananakop at (2) ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Sa pamamagitan ng pagsasalin ay naitanim ng
mga mananakop na kastila sa isip at damdamin ng kanilang sinakop ang kanilang mga ideolohiya,
paniniwala at pananampalataya. At mula rito, makikita ang kahalagahan ng pagsasalin, sa ugnayang
pangkomersyo sa dalawa o mahigit pang bansa, sa pagpapairal ng kapangyarihan at kamulatang
parelihiyon. Bukod pa sa mga kahalagahang ito, ang pagsasalin may malaki ring bahaging ginagampanan
sa paglilipat at palitan ng kultura’t kaalaman sa buong mundo. Base sa artikulong Pagsulyap sa
Kasaysayan ng Pagsasalin ni Almario: ‘’Kung ang pagkaimbento ng papel ay nagpakahalaga sa lansakan
at matagalang pang-iimbak ng matatayog na karunungan at dakilang panitikan, ang pagsasalin naman
ang nagging mabisang kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap ng mga naturang pamana ng
sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.’’
Ang sariling kulturang Pilipino ay sumagap at nakinabang din sa mga kultura ng mga kolonisador
nito sa pamamagitan ng mga salin. Ayon kay Ramos: Sa mga kolonisador nito, ang mga Kastila ang may
pinakamalaking impluwensiya sa bansa lalo na sa basehan ng unang wikang pambansa natin, ang
Tagalog.’’ Nalaman natin ang mga batayang aralin sa kristiyanismo sa pamamagitan ng Doctrina
Christiana en la lengua Espanola at mula sa iba pang mga salin tungkol sa simbahan o eklesyastik.

Kaugnay nito, nagkaroon rin tayo ng kaalaman sa pulitika dahil sa mga salin na pampulitika at
nilalaman at layunin. At isa pang kabilang dito ay ang Huling Pahimakas na salin ni Andres Bonifacio ng
Mi Ultimo ni Jose Rizal. Kung noong panahon ng pananakop ng mga kastila ay krus o relihiyon ang
nagging isa sa pangunahing kasangkapan na pananakop ng mga kastila; ayon kay Santiago (1994)
‘’noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles.’’
Ipinaliwanag pa niya sa panahon ito nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang iba’t ibang
uri ng genre ng panitikan at naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa lalo na ng mga akdang
klasika. Ang pakikipag-ugnayan intelektwal ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nagging liberal ang iba’t
ibang anyo at uri ng karunungan mula sa kanluran.’’

Isa ring bagay na hindi rin dapat kaligtaan ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagsulong o
pagyabong ng wikang pambansa o sa intelektwalisasyon nito. Gaya ng sabi ni Fortunato mula sa kanyang
na pinamagatang Pagsasalin: Instrumento sa Intelektwalisasyon ng Filipino (1991): “Napakahalaga ng
pagsasalingwika upang mailapat ang mga ‘naimbak’ na karunungang nasa mga aklat na nasusulat sa
Ingles at iba pang intelektwalisadong wika. Tumutulong din ang pagsasalin na magkaroon ng mga
bagong impormasyong kultural ang mga iskolar na babasa ng salin. Ang pag-introdyus ng mga bagong
konseptong produkto ng pagsasalin ay nakatutulong sa intelektwalisasyon. Yumayaman ang kultura ng
Filipino sa pagdaragdag ng mga bagong leksikon. Sa ganitong paraan napapayaman ang wikang Filipino
at nabubuo ang kultura ng syensya at mga asignaturang abstrak sa pamamagitan ng behikulong
ginagamit.”.

Kaugnay nito ang pagkakaroon ng malawak at malago na isang Pambansang Kasarinlan.


Sinasabing ang Filipino ay isang daluyan ng pagiging makamasa sapagkat ginagamit ang Filipino ngayon
upang patatagin ang mga karunungan ng mga magaaral. Ang wika dapat ay maglilingkod sa kabuuang
interes ng lipunan, hindi lamang sa iisang tao. At hindi mapagkakailang patuloy ang paglago ng
Siyentipikang Edukasyon na dahil sa wikang Filipino. Kapag pinagsama ang Edukasyon at Siyentipiko
nakakabuo ito ng isang konseptong Makabayang Edukasyon. Ang wikang Filipino ay magagamit na sa
paraan na makatarungan at hindi maaring itago ang mga kasinungalingan na nagkulong sa kaisipan ng
mga Filipino sa matagal na panahon. Ito ay maaring magbubunga ng isang walang katupusang
pagsaliksik ng mga pamamaraang makakatulong sa pagsulong ng interes ng masa gamit ang obhetibong-
siyentipikong pamamaraan tungo sa iisang kolektibong pag-unlad ng bayan.

Ang pagsasalin sa konstektong Filipino ay nagsimula lamang sa iisang pananaliksik at ngayon ay


naging isang ganap na asignatura sa kadahilanang kailangang umunlad ang lahat ng sector ng ating
bansa. Isa na rito ang Pambansang Industralisasyon na sinasabing ang esensyal sa isang ekonomiya ang
pagsisisgurado na ang mga likas na yaman ay nagagamit sa pagproprodyus ng mga pangangailangan ng
mga nakakaraming tao. At kainakailangang magkaroon ng iisang komprehensibong programa na
makamasa upang diretso sa tao ang pag-unlad, pambansang industriyalisasyon upang makabuo ng isang
makapilipinong ekonomiya. At makikitang hindi uunlad ang ating ekonomiya kung tayo ay babatay
nalang sa takbo ng binigay ng mga banyaga, kung atin isalin ang mga gawing dayuhan at gawin nating
sariling atin ay mas makakabuti sa lahat ng Filipino.

Kung nais nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika,
agham at teknolohiya. Kinakailangang maging mabilis ang pagtuturo ng mga kaalaman na nauukol dito.
Matutugunan natin ito kung maisasalin sa wikang madaling nauunawaang ng mga Filipino ang mga aklat,
pamplet, papel pananaliksik, artikulo, at iba pang babasahin na nauukol sa agham at teknolohiya.

Ang wikang Filipino ang ginagamit upang maging tagapamagitang wika upang maunawan at
makilahok ang maraming mamamayan sa proseso ng globalisasyon. Dito na papasok ang mga iba’t-ibang
pag-aaral ng disiplina na magagamit nila sa mga iba’t-ibang aspeto ng agrikultura sa wikang Filipino na
magagamit ng ating mga magsasaka dahil alam na nila kung paano bumasa ng isang pananaliksik na sa
kalaunay sila narin ang gagawa. Ang pagsasalin ang nagiging kagamitan natin sa pagiging parte ng
globalisasyon sa kadahilanang ito mas lalong mapapalakas ang posisyon natin kung sino ba talaga tayo
sa mata ng ibang kultura.

Ang pagsasalin lalo na ng mga mahahalagang akdang karunungan ay ang patuloy na lilinang ng
mga kakayahan ng bawat Filipino. Isa itong pamamaraan upang masabing ang isang bansa ay may
sariling kasarinlan, pagkakakilanlan at pagiging makabansa sa patuloy na hamon ng globalisasyon. Ito ay
nagbibigay ng daan upang ang bawat Filipino ay makalahok at makasali sa diskursong pang edukasyonal,
ekonomikal, siyensya, medikal, at iba pang aspetong nakakatulong sa pagpapaunlad ng pambansang
kasarinlan. Ito ay hindi nagtatapos sa iisang hakbang kaya’t habang lumalago ang ating karunungan
gamit ang pagsasalin ito ay ating mapapag-yabong sa bawat aspeto na makakatulong sa ating lumago.

Mahalaga ang pagsasalin upang makaabot sa iba pang panig ng daigdig ang mga akda mula sa iba’t
ibang lugar. Sa ganitong pagkakataon ay nawawala ang balakid ng pagkakaiba-iba ng wika sa
pagkakaunawaang global. At ayon kay Bienvenido Lumbera (1982), ang pagsasaling-wika ay may
layuning nagbubunsod ng mga sumusunod: una ay ang pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang
nakapaloob sa akda; pangalawa, pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon;
at pangatlo ay pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng
isa o ilang tao.

Nahahati ang ating bansa ng mga katubigan at mga kabundukan. Mula rito nagkaroon ang bansa ng
sarili-sariling wika na nagresulta pagkakaiba ng mga kultura sa iba’t ibang pulo. Umabot sa higit isang
daang wika ang nabuo at bukod pa dito ang mga dayalekto na nabuo dito. Malaki ang katanungan na
kung paano magkakaintindihan ang mga Waray at Ilokano o di kaya’y mga Bicalano at Bisayan, at ang
nagiisang kasagutan ditto ay ang ating wikang Pambansa. Hindi na ito lingid sa ating kaalaman na kaya
nabuo ang wikang Pambansa ay para matugunan ang ating problema sa kung paano magkaisa ang
bansang watak watak. Katulad ng patuloy na binigyang diin ni Dr. Barbaza na ang wikang Filipino ang
lingua franca o ang isang wika na nagkakaintidihan ang mga Filipino. At dahil dito hindi natin makakaila
na dahil sa wikang Filipino nagkaroon tayo ng mga samu’t saring koneksyon sa lahat ng pangkat etniko
sa bansa. Ang pagkakaroon ng wikang komon, lahat ng kaalaman na nilikha at isinulat ng iba’t ibang
pagkat ay pwede ng magamit dahil naiintindihan na ito ng lahat na Filipino. Nang dahil dito,
napagkakaisa natin ang mga kaalamang makakatulong sa iba’t-ibang aspeto ng ating buhay tulad ng anu-
anong halaman ang maaaring tumubo sa kung anong uri ng lupa, kung paano mabisang magpatubo ng
mga halaman at prutas, nariyan ang kung paano gumawa ng sabon at iba pang mga bagay, at isa sa
mahalaga ang mga bagay na ginagawa ng iba’t ibang etnisidad sa pag-aalaga ng kalikasan. Dito narin
maiiugnay ang maraming pang pananaliksik ng mga eksperto natin sa iba’t ibang larangan ng kaalaman
katulad ng pag-aaral sa mga insekto na maaring maging peste sa pananim, pagaaral sa bagyo at iba pang
mga kalamidad, kaalaman sa siyensa ng komputer o di kaya’y paglalayag sa dagat gamit ang barko at
marami pang mga bagay. Napagkakaisa ng pagsasalin sa wikang pambansa ang iba’t ibang aspeto na
maaring makatulong sa pangkabuhayan ng mga etnikong nakakalat sa ating pulo pulong bansa.

Naging mahalaga din ang pagsasalin upang madaling maunawaan, matutuhan at sa gayon ay
mapakinabangan ng masang Pilipino ang mga bagong teknolohiya mula sa mga dayuhan. Ito ay
mapatutunayan ng karanasan ni Teo Antonio na kanyang inilahad sa artikulong Pagsasalin ng Kaalaman
Panteknolohiya (1995), isang siyang manunulat at tagasalin sa Technology at Livelihood Resource
Center,. Sa artikulong ito ay kanyang sinabi: ‘’Pinatunayan ng maraming tagasubaybay na mamamayan
na dumagsa sa pagbili ng mga babasahin gabay sa kaalamang panteknolohiya na sila ay natuto,
nakinabang at nagamit sa kanilang pag-unlad ang mga babasahin naisalin.’’

Wika ang sentro o ubod ng kulturang kinabibilangan natin. Nauunawaan at nagpapatuloy ang lahat
sa pamamagitan ng wika. At, walang pagkakataong hindi tayo nagsasalin. Sa sandaling nagsisikap tayong
unawain ang anuman, nagsasagawa na tayo ng pagsasalin. Gayundin, lampas sa nakamihasnan natin na
ang teksto ay ang mga nakasulat na binabasa natin, ang kahit ano ay teksto, nakasulat man, nakaguhit,
nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan, o nahihipo. Binabasa o inuunawa natin ang lahat ng ating mga
karanasan bilang teksto. Bagaman lagi nating nakikita bilang isang lingguwistikong aktibidad, laging
lampas sa pasalitang wika ang pagsasalin. Ang pagiging lublob sa karanasang naisawika o wika ng
karanasan. Hindi sapat ang diksiyonaryo at ang mga batayang aralin sa estruktura ng pangungusap kung
magsasalin ng kaisipang may mahigpit na kaugnayan sa karanasang pangkultura. 

Bilang pagwawakas kailangan nating malaman at isa isip, gaya nga ng sinabi ni Theodore H.
Savory (1959) tungkol sa unibersal na gawain ng pagsasalin. Ganito ang kanyang sinabi na isinalin ni
G.Almario “Sa lahat ng dako, isinagawa ang mga salin alang-alang sa mga dalisay na layunin utilitaryo at
walang ibang nasa tagasalin maliban sa pag-aalis ng hadlang na naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng
mga wika sa manunulat at sa mambabasa.”

Gamitin natin ang pagsasalin sa kontekstong Filipino upang madaling maunawaan, matutuhan at
sa gayon ay mapakinabangan ng masang Pilipino upang patuloy nating mapapa-unlad ang iba’t ibang
aspeto ng lipunan gaya nalamang ng agham at teknolohiya. Lalo na’t ngayon, kung saan tayo ay
nahaharap sa panibagong pakikibaka. Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya.

You might also like