You are on page 1of 3

UBAS, CHRISTINE JOICE B.

BSE 1-1
KABANATA 2:
TAKDANG GAWAIN:
Saliksikin at Ipaliwanag ang mga sumusunod; isulat sa hiwalay na papel ang iyong
paliwanag na hindi bababa sa 200 na salita bawat bilang.

1. Bakit itinuturing na pagtataksil ang gawaing pampagsasalin sa panahon ng


Romano?

- Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglipat ng kahulugan bilang proseso ng


paglipat ng kahulugan mula sa isang wika patungo sa iba pang wika .Ayon kay
dizon ang, ang pagsasalin ay isag pagsusuri sa pilosopiya ng wika, pinaliwanag
nya ito sa tatlong susing salita: wika, ideolohiya at pagsasalin. Sinasabi nyang
ang pagsasalin ay kadalasang nakasalig sa intensyon ng tagasalin batay sa
kanyang ideolohiyang taglay kung kaya‘t malaki ang kinalaman ng tagasalin sa
perspektiba ng mga akdang isasalin. (Zafra, 2009). Ang pagsasalin batay kay
Nida ay binubuo ng paglikha sa pinakamalapit na likas na katumbas ng diwa
sa pinagmulang wika, una sa kahulugan at sumunod sa istilo (1969). Sinasabi
nina Liban- Iringan na ang pagsasalin ay kagamitan sa muling
paglikhapagbabagong anyo na naaayon sa pangangailangang diwa ng
kaalaman sa patutunguhang wika (Batnag et. al. 2009). Sa pagpapakahulugan
ni Newmark, sinasabing ang pagsasalin ay tumutukoy sa paglilipat ng
kahulugan ng isang teksto mula sa isang wika patungo sa ibang wika na
nakatuon sa makabuluhang kapakinabangan sa kahulugan (1988).
Kasangkapan ang pagsasalin para ganap na makinabang ang isang bansa o
pook sa mga impluwensiyang mula sa isang sentro o sulóng na kultura. Sa
Kanluran, halimbawa, sinagap nang husto ng Latin ang mas mayamang
kulturang Griego sa pamamagitan ng salin. Pinakamatandang nakaulat na
salin ang Odyssey sa bersiyong Latin noong 240 B.C. ng isang aliping Griego
na si Livius Andronicus.Sa kabilang banda,itinuturing na pagtataksil ang
pagsasalin sa panahon ng Romano dahil sinasabi na nawawala angpagiging
tula ng isang tula kung ito ay isinasalin. Ang pagsasalin ay itinuturing na
parasitikong Gawain at ang mga tagasalin ay kinukutya dahil sinasabing hindi
sila malikhain.

2. Pananakop bang maituturing nang isinalin sa katutubong wika ang katuruan ng


simbahan? Bakit?

- Ang pagsasalin ay isang disiplinang lalapat sa kamalayang mag-uugnay sa


diwa at praktika ng pakikisangkot sa pagpapayaman sa wikang Pambansa at
kultura. Noong isinalin sa katutubong wika ang katuruan ng simbahan ay hindi
ito maituturing na pananakop sapagkat gaya ng sabi ni Theodore H. Savory na
unibersal na Gawain ng pagsasalin “ Sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako,
isinagawa ang mga salin alang-alang sa mga dalisay na layuning utilitaryo at
walang ibang nasà ang tagasalin maliban sa pag-aalis ng hadlang na
naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng mga wika, sa manunulat at sa
mambabasa.” Kinailangan na isalin sa katutbong wika ang katuruan ng
simbahan para sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bagong sákop na
kapuluan. Malaki ang naging tungkulin ng pagsasalin sa paglilipat at palitan ng
kultura‘t kaalaman sa buong mundo. Kung ang pagkaimbento ng papel ay
napakahalaga sa lansakan at matagalang pag-imbak ng matatayog na
karunungan at dakilang panitikan, ang pagsasalin naman ang naging
mabisàng kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap ng mga naturang
pamana ng sibilisasyon sa iba‘t ibang lugar sa buong 60 introduksiyon sa
pagsasalin mundo. Pasalita man o pasulat, laging kailangan ang pagsasalin sa
anumang pananakop at pagpapairal ng kapangyarihang pampolitika sa ibang
nasyon gayundin sa ugnayang pangkomersiyo ng dalawa o mahigit pang
bansa.
3. Pagtataksil pa rin bang maituturing ang pagsasalin sa panahon ngayon?

- Ang pagsasalin sa panahon ngayong ay hindi maituturing na pagtataksil


sapagkat ang mga salin na akda at iba pang literatura ang siyang naging daan
upang maging mulat tayo sa ibang bagong kaisipan at ideya na nagdulot ng
bagong yaman sa lipunan. Kung walang pagsasalin hindi marahil maiintindihan
ng kasalukuyan ang mga panitikan at ideya na mula sa nakaraang panahon
kung saan ang mga tao ay nasa ilalim ng mga banyaga. Ang panahon ngayon
ay maituturing na modern era kung saan may mahahalatang pagtindi ng
kamulatan hinggil sa halaga ng pagsasalin kaugnay ng mga pormal na
pagsasanay at kapisanan ng mga pagsasalin. dahil sa unti-unting pananaig ng
wikang Filipino sa iba‘t ibang larangan at gawain ay higit na lumawak ang
paksa‘t nilalaman ng mga salin. Malinaw din ngayon ang pagpapahalaga sa
pagsasalin ng mga panitikan sa iba‘t ibang wika ng Filipinas tungo sa pagbuo
at pagpapalakas ng pambansang kamulatan. Hindi pagtataksil ang pagsasalin
sa halip ito ay paagpapayabong sa mga kaalaman. Malaki ang naging tungkulin
ng pagsasalin sa paglilipat at palitan ng kultura‘t kaalaman sa buong mundo.
Ito naman ang naging mabisàng kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap
ng mga naturang pamana ng sibilisasyon sa iba‘t ibang lugar sa buong 60
introduksiyon sa pagsasalin mundo. Pasalita man o pasulat, laging kailangan
ang pagsasalin sa anumang pananakop at pagpapairal ng kapangyarihang
pampolitika sa ibang nasyon gayundin sa ugnayang pangkomersiyo ng dalawa
o mahigit pang bansa.

You might also like