You are on page 1of 3

Antonette M.

Gacutan Hulyo 17, 2021


BSC 1-1 Pagsasalin sa Kontekstong Filipino

Takdang Gawain

1. Bakit itinuturing na pagtataksil ang gawaing pampagsasalin sa panahon ng


Romano?

Ang pagsasalin ay isang paraan ng pagsulat ng salita kung saan ito ay muling
isinusulat sa ibang wika ayon sa target na wika ng manunulat. Sa pagsasalin ay hindi
dapat nawawala ang orihinal na diwa ng teksto na isasalin. Ayon kay Walter Benjamin,
ang isa sa tungkulin ng isang tunay na tagasalin ay hindi lamang maihatid sa mga
mambabasa ang orihinal na teksto kundi ang isa sa gampanin nito ay maipakita ang
kaibahan nito sa orihinal na teksto.

Sa panahon ng Roman, ang kauna-unahang naging tagasalin ay si Livius


Adronicus, isinalin nya ang librong Odyssey ni Homer. Masasabi na ang isang tagasalin
ay taksil kung ang kanyang isinalin ay malayo ang ibig sabihin sa nais ipagpakahulugan
ng orihinal na hinanguan nito. Marahil maraming tagasalin noong panahong Romano at
ang mga tagasalin ay nililibak kung hindi malikhain ang gawa nito na nauuwi sa maliit
na kabayaran; sila ay sinasahuran lamang sa maliit na halaga. Ang isa sa halimbawa
kung bakit binansagan ang mga tagasalin bilang taksil ay ang banal na kasulatan. Sa
panahon noon ay maraming tao ang naging tagasalin ng Bibliya ang iba salita sa salita
ang pagkakasalin at ang iba naman ay kahulugan sa kahulugan. Isa sa mga naging
dahilan kung bakit sinasabi ng mga tao na ang tagasalin ay taksil marahil hindi nito
naihahatid ang tunay na diwa ng nakasulat at hindi inuunawa ng mga tagasalin ang
kultura ng dalawang lengguwahe kung kaya't iba ang nagiging salin nito at hindi
nagiging katulad sa gustong ipabatid ng orihinal na teksto.
2. Pananakop bang maituturing nang isinalin sa katutubong wika ang katuruan ng
simbahan? Bakit?

Kung ating babalikan ang panahon ng Espanyol kung saan pinag-aralan ng mga
ito ang katutubong wika upang maisalin ang mga aklat, kabilang na ang mga libro ng
katuruan sa simbahan na Doctrina Christiana at Bibiliya na isinalin sa wikang katutubo.
Unang hinimok ng mga Espanyol ang mga Pilipino ng Kristiyanismo --- ang kanilang
paniniwala. Maliban pa sa dalawang nabanggit sa itaas ay marami pang isinalin ang
mga Espanyol, katulad na lamang ng mga dasal, gawaing espiritwal, at iba't iba pang
aklat na may kinalaman sa relihiyon.

Maituturing na pananakop ang pagsalin sa katutubong wika ng katuruan ng


simbahan sapagkat isa ito sa naging daan ng mga kastila upang pag-aralan ang ating
wika at impluwensyahan tayo ng Kristiyanismo. Sa pamamagitan ng pag impluwensya
ng mga Kastila sa atin ay maaari na nating sabihin na ang bansang Pilipinas ay unti-
unting nasasakop ng bansang Espanya na magpa sa hanggang ngayon ay makikita
natin sa ating bansa dahil ang pinakamalaking porsyento ng relihiyon sa Pilipinas ay
Kristiyanismo.

Sa karagdagan, maituturing na pananakop ang pagsasalin ng katuruan ng


simbahan sa ating wika sapagkat naiba nila ang ating paniniwala at unti-unting
naniniwala ang mga Pilipino noon sa ipinakilalang relihiyon ng Espanyol na maaaring
patunay na ito ay isang pananakop. Higit pa rito ay kahit na mahirap aralin ang ating
wika ay pursigido silang pag-aralan ito upang lubusang masakop ang ating bansa. Hindi
man lantaran sa una ang ginawa nilang pananakop ngunit makikitang mong gumawa
sila ng paraan upang maimpluwensyahan nila ang Pilipinas ng kanilang paniniwala.

3. Pagtataksil pa rin bang maituturing ang pagsasalin sa panahon ngayon?

Sa aking hinuha, hindi na maituturing na pagtataksil ang pagsasalin sa


kasalukuyang panahon, bagkus, ang ngayong pagsasalin ay binibigyan ng
pagpapahalaga at hindi ito ginagawa ng kung sino lang. Nararapat na may kaalaman
ang tagasalin sa kultura at lengguwahe ng isasalin at pagsasalinan. Ang pagsasalin rin
ay higit na nakatutulong sa ngayon. Madalas ang mga dahilan ng mga awtor kung bakit
sila nagsasalin ay para maintindihan ng ibang mambabasa ang mga aklat na nakasulat
sa ibang lengguwahe. Halimbawa na lamang kung ang isang aklat o sulatin ay
nakasulat sa lengguwaheng Ingles. Hindi lahat ng Pilipino ay kayang intindihin ang
nakasulat dito. Kung kaya't ang pagsasalin sa panahon ngayon ay lubusang
nakapagbibigay-liwanag. Higit na sa mga Pilipinong hindi maalam sa ibang wika at hindi
nakapagtapos.

Bukod pa rito, ang pagsasalin ay natural na lamang sa ngayon dahil mas


pinayayabong pa ito sa ating bansa dahil mayroon ng kursong BA medyor sa
Pagsasalin sa mga Unibesidad katulad na lamang ng Unibersidad ng Pilipinas (UP),
Unibersidad ng Santo Tomas (UST), De Lasalle State University (DLSU), at iba pa.
Gamit din ang pagsasalin ay mas napalalakas nito ang ating pambansang kamulatan at
mas nalilinang pa ang ating pambansang wika, ang pananalitang Filipino . Gamit din
ang pagsasalin ay mabilisan at wastong naipapaabot ang mensahe sa buong mundo.
Maitutumbas din natin na isang pagliligtas ang pagsasalin dahil sa salin mas humahaba
ang buhay ng orihinal na sulat o katha at nakararating pa ito sa malaking lipunan ng
mambabasa. Katulad na lamang ng dalawang akda na isinulat ni Emilio Jacinto na may
pamagat na "Pahayag" at "Sa mga Kababayan" na sa ngayon ay nawawala at
nabubuhay na lamang sa salin ng Espanyol at Ingles.

You might also like