You are on page 1of 3

D.

Aplikasyon

1. Nasusunod ba ang mga alituntunin ukol sa pagbabaybay na isinasaad sa


Ortograpiyang Filipino? Bakit?

Ang Ortograpiya ay tumutukoy sa paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang


pasalita sa paraang pasulat. Sa madaling sabi, ito ang paraan ng pagbaybay,
ispeling na ginagamit sa isang wika. Ngunit tila hindi nasusunod ang mga alituntunin
ayon sa apat na kataliwasan ni Almario (2013).

Unang kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa


unang pantig ng salita. Halimbawa, “tIYA” (tia), “pIYAno” (piano). Ating makikita na
sa paglipas ng panahon ay nagiging mabilis ang bigkas. Maging ang paggamit ng
kudlit (‘) at gitling (-) sa bawat katinig sa ibang salita ay unti-unting nababago dahil
sa modernong pagbaybay ng “millennials”.

Ikalawang kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o


mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita. Halimbawa,
“ostIYA” (hostia), “impIYERno” (infierno). Para sa mga kabataan na hindi sanay sa
Espanyol ito ang paraan ng “pagpapaluwag” sa mga pantig at upang matulungan
ang mag-aaral.

Ikatlong kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H.


Halimbawa, “mahIYA” (magia), “estratehIYa” (estrategia), Ang letrang H ay isang
mahinàng katinig kayâ naglalaho ito kapag walang kasámang patinig. Ngunit sa
panahon ngayon, mariin at mataas binibigkas ang letrang H dahil sa kaalaman ng
karamihan ay ganito ang pagbigkas.

At ang huli ay ang ikaapat na kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay nása


dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. Halimbawa,
“ekonomIYA (economía), “pilosopIYA (filosofía). Sa halip na dalawang tunog ng
patinig ang maibibigkas nang mariin, nagiging isang diin na lamang dahil
nakasanayan nang maisali ito sa ibang katinig.

Ito ang mga kataliwasan sa pagbaybay ng Ortograpiyang Filipino. Na


nagiging karaniwan na sa nakakarami. Bilang isang kabataan at mag-aaral nawa’y
hindi ito ipagsawalang-bahala na lamang sapagkat ito ang ating pagkakakilanlan.

2. Mayroon ka bang maimumungkahi kung paano mapapaunlad ang Ortograpiyang


Filipino at gawin itong mas praktikal? Ilahad.

Bilang isang mag-aaral, imunumungkahi ko na upang mas mapapaunlad at


maging praktikal ang Ortograpiyang Filipino, ay kung lagi natin itong ginagamit.
Sapagkat sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino, ay mas naisasaloob ang
diwa na naroon sa mga salita. At magkakaroon ng kamalayan ang bawat kung
paano ito lubos na pagyayamanin o pauunlarin.
3. Isalin sa wikang Filipino ang PLM Vision and Mission. Sa ginawa mong salin,
ipaliwanag ang bisyon at misyon ng PLM.

Vision
Guided by academic excellence, integrity, and social responsibility PLM is committed
to pursue the principles of "Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan."

Mission
The PLM Board of Regents, Management, Faculty, and Staff are committed:
 To be recognized by the Philippines and ASEAN academic accrediting
agencies as a premier university for its quality education, research, and
extension services;
 To ensure that PLM maintains a higher than the national average
performance in all professional licensure examinations taken by its graduates;
and
 To continue to provide the students with an education that will give them a
competitive advantage for employment opportunities.

Bisyon

Kaakibat ang gabay sa kahusayang pang-akademiko, integridad, at ng


responsibilidad panglipunan, nakatuon ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa
pagtamo ng prinsipyo ng "Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan.”

Misyon

Ang lupon ng mga rehente, nangangasiwa, samahanng mga guro, at mga kawani ng
PLM ay nakatuon sa:

 Pagkakilala sa buong bansang Pilipinas at ng mga ahensya na kinikilalang


pang-akademiko ng ASEAN bilang isang nangungunangunibersidad dahil sa
angkin nitong dekalidad na edukasyon, pananaliksik, atserbisyo sa mga
nangangailangan.
 Pagtitiyak na mananatiling makakapagtamo ang PLM ng higit sa nasyonal na
karaniwang pamantayan sa kalahatang pagsusulit ngpagkamit ng
propesyonal na lisensya na makakamtan ng mga nakapagtapos; at
 Pagpapatuloy sa pagkakaloob ng edukasyon namakapagbibigay ng
mapagkumpitensyang kalamangan pagdating sa pagtamo ng mga
oportunidad na trabaho.

Paliwanag:

Ayon sa bisyon ng PLM, ang Pamantasan ay nakatuon sa pag-abot ng


prinsipyo ng karunungan, kaunlaran, at kadakilaan sa pamamagitan ng gabay ng
kahusayan pang-akademiko at responsibilidad panglipunan.
Sa kabilang dako, nakasaad sa misyon ng pamatasan na nakatuon ito sa
pagpapakilala sa PLM bilang nangungunang unibersidad sa buong Pilipinas.
Kaugnay nito, nais din na manatiling makapagtamo ng mataas na grado sa
kalahatang pagsusulit sa pagkamit ng propesyonal na lisensya ang mga
nakapagtapos. Sa huli, nais ng pamantasan na maipagpatuloy pa ang pagkakaloob
ng edukasyon na makapagbibigay ng mataas na kalamangan pagdating sa pagtamo
ng trabaho.

4. Masasabi mo bang nakaangkla ang deskripsyon at layunin ng kurso sa bisyon at


misyon ng PLM? Paano mo ito nasabi? Ipaliwanag.

Masasabang nakaangkla ang deskripsyon at layunin ng kurso sa bisyon at


misyon ng pamantasan sapagkat mahusay at lubos itong nauunawaan. Ating
makikita na malinaw na nakasaaad ang mga layunin at prinsipyo gaya ng
prinsipyong pagtamo ng "Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan”. Ang prinsipyong ito
ang gabay at huhubog sa mga mag-aaral upang maging isang propesyunal na
produkto ng pamantasan.

Pangalan: Orduna, Camille L.

Seksyon: IPP 0010-2

Iskedyul: Wed. – Thurs. 1:00 – 3:00 pm

You might also like