You are on page 1of 2

RICHARD F.

BALTE
BSCE 2B
WRITTEN RECITATION (FINALS)

1 - 15. Pilosopiya at Sikolohiyang Pilipino: Kahulugan at Kahalagahan.


Ang Pilosopiya at Sikolohiyang Pilipino ay magkahiwalay subalit magkaugnay na agham. Ang
Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyon ng Pilipino, batay sa
kabuuang paggamit ng kultura at wikang Pilipino. Mayroong tatlong anyo ng Sikolohiya. Una
ay ang Sikolohiya sa Pilipinas, ito ay maaring mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa
Pilipinas, mapabanyanga man o makapilipino. Ang ikalawa naman ay ang Sikolohiya ng mga
Pilipino, ito ay mga pananaliksok at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga
Pilipino. Panghuli ay ang Sikolohiyang Pilipino, ito ay ang bunga ng karanasan, kaisipan, at
oryentasyong Pilipino. Sa madaling salita ang Sikolohiya sa Pilipinas ay bisita sa bahay,
Sikolohiya ng mga Pilipino ay ang mga tao sa bahay, at ang Sikolohiyang Pilipino naman ay
ang maybahay. Samanatalang ang Pilosopiya naman ay gumagamit ng hanay ng
pangangatuwirang lohikal at pamamaraan tungkol sa mga abstract na kosepto tulad ng
pagkakaroon, katotohanan, at etika batay sa agham. Sa aking palagay ang kahalagahan ng
Pilosopiya at Sikolohiyang Pilipino ay ang pag kilala sa kaibahan ng musika sa pilipinas at
musikang Pilipino, makakatuolong din ito sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan ng
pagpapahayag ng mga problema. Ayon din kay Stauffer, maaaring gamitin ang sikolohiya sa
pilipinas bilang modelo at maaaring ang paggamit ng di-wastong modelo ay nagbubunga ng
maling resulta. Ang Pilosopiya at Sikolohiya rin ay katulad ng pag-ibig at pagkapoot, pag-
aasawa at paghihiwalay ayon kay Peters.

16 - 30. “Pagsasalin: Makabuluhan ang papel sa pagdadalumat”.

Ang Pagsasalin ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, ito ay maaring pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang
dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Sa madaling salita, ito ay ang paglilipat sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang
isinasalin. Ang mayroong iba’t-ibang paraan ng pagsasalin. Una ang Literal na Pagsasalin, ito
ay tumutukoy sa literal na paglilipat ng isang awtor ang salita sa salita at linya sa linya tungo
sa ibang wika. Ikalawa ay ang Binagong Literal, ito naman ay ang pagasasalin sa kahulugan ng
sinabi ng awtor ngunit sa paraang nababago at nadadagdagan ang kaniyang wika. Ikatlo ang
Idyomatikong salin, ito ay mga pahiwatig ay buong naisalin nang di nawawala ang kahulugan.
Panghuli ay ang Lubhang Malaya, ito’y dinadagdagan ng pampalinaw ang salita upang
lubusang maunawaaan. Dagdag pa rito, mayroon din mga katangiang na dapat taglayin ang
isang tagapagsalin. Una, mayroon dapat sapat na kalaaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkat sa pagsasalin upang wastong magamit ang mga salita, wastong pagbubuo,
pagkakasunod-sunod, at iba pa. Ikalawa, mayroong sapat na kakayahan sa pamanitikang
paraan ng pagpapahayag sapagkat kahit alam na alam ng tagapagsalin ang paksa, hindi ito
sapat na garantiya ang mga iyon upang ang isang tagapagsalin ay magkapagsalin nang
maayos, lalo na kung ang isasasalin ay mga malikhaing uri ng panitikan.
Ikatlo, sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Ika-apat, ay ang sapat na kaalaman sa kultura
ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. Ikalima at ang panghuli na dapat taglayin ng
isang tagasalin, ay sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sapagkat kapag ang
isang tagasalin ay nauunawaan ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang
pandamdamin na taglay ng mga salita na gagamitin ay tiyak na epektibo ang kaniyang
isasagawang pagsasalin.

31 - 45. “Pagsulat ng Dalumat - Sanaysay: Dakilang ambag sa Intelektwalisasyon ng Bansa”.

Ang Dalumat-sanaysay ay binubuo ng dalwang salita na Dalumat at Sanaysay. Dalumat, ito’y


tumutukoy sa pinakamalalim na kaisipan at abstraktong pagkokonsepto na kasingkahulugan
din ng mga salitang paglilirip at paghihiraya. Samantala, ang Sanaysay naman ay
nangangahulugang alinmang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon,
nagpapaliwanag, umaakit na paniniwalaan ang isang panig, tumutuligsa, at umaaliw. Kung
paghahambingin ang dalwang salitang nabanggit, ito ay isang gawaing kritikal sa larangan ng
pagsulat na layuning magpaliwanag, magbigay impormasyon, maghapag ng katuwiran,
tumuligsa, at mang-aliw gamit ang malaim na kaisipan, ideya o konsepto. Pagdating sa
usaping ambag ng Dalumat-sanaysay sa Intelektwalisasyon ng Bansa, malaki ang ginampanan
nito at ito’y sa pamamagitan ng sulating papel na may layuning mangumbinsi at magbigay ng
mga punto o solusyon sa ating mga suliranin sa lipunan. Ang Dalumat-sanaysay ay
kinakailangan ng masinsinang at mapanuring pagbabasa ng mga tekstong lokal at dayuhan na
may tuwiran o di-tuwirang kaugnayan sa napiling paksa na patunay lamang na epektibo itong
makatutulong sa pagpapalawak hindi lamang ng ating bansa kundi tayo ring mga mamamayan
na nasasakupan. Ang intelektwalisasyon ay nagaganap din sa papamagitan ng pagkabuo ng
sariling lente mula sa mga tekstong binasa.

You might also like