Kung babalikan natin ang pagbibigay ng kahulugan sa retorika,
mababatid nating ito ay bahagi ng edukasyon sa malayang sining nangpanahon ng “medieval” at nakatuon sa paggamit ng wika upang magbigay ng panuto at manghimok. Binigyan ito ng kahulugan ni Sister Miriam Joseph bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa isang tao patungo sa iba, at ang pag-aangkop ng wikang gamit sa pangyayari at panahon. Sinasabi ring ang retorika ay nakatuon sa isang bagay sa panahong ipinahahayag ito. Ano nga ba ang Estilo? • Ang Estilo ay isa sa tradisyunal na kahingian ng retorikang klasikal. Mula kay Richard Nordquist, “The most durable thing in writing is style”. Ibig sabihin, ang estilo ang pinakamatatag na bahagi ng pagsulat. • Mula sa salitang Latin na Stylus, isang bagay na matulis na ginagamit na panulat, ang kahulugan ng estilo noong nakalipas na 2,000 taon. Ngunit sa kasalukuyan, ang kahulugan ng estilo ay hindi ang gamit- panulat kundi ang katangian ng pagsusulat mismo: ang paraan ng pagpapahayag, pagsasagawa, o paglalahad sa pasalita at pasulat na paraan. Kung pasisimplihin ang kahulugan nito, ito ay ang mga bagay na pinapalamuti sa diskurso ng isang tao; na kung palalawakin ay manipestasyon ng taong naghahayag o nagsusulat. Ito ang kahulugan ng salitang estilo na mula sa salitang Latin na Elocutio o salitang Griyego na Lexis. Inuri ni Quintilian ang tatlong antas ng Estilo sa sumusunod:
a. Ang estilong payak- ginagamit sa pagbibigay panuto sa mga
tagapakinig, b. Ang estilong midyal- ginagamit sa pagpapakilos ng tagapakinig, at c. Ang estilong mataas- ginagamit upang mapaglubag o ma- please ang tagapakinig. Ang mga kaantasang ito ng estilo ay maaaring magamit nang sabay-sabay. Wala ringkinikilalang mas mataas o mas mababa sa mga ito. Ayon sa paniniwala ni Baruch Spinoza, ang estilo ay karakter. Ito ay ang katangian ng damdamin ng isang tao na inihahayag; at sa hindi inaasahang pag-uugnay, etika at pamahalaan ang estilo. Ayon naman kay Johann Wolfgang von Goethe, kinakailangang malinaw raw muna ang pag-iisip ng isang manunulat upang magkaroon ng estilo ang kanyang isinusulat, at kung may magsusulat sakagalang-galang na estilo, dapat maging kagalang-galang muna ang kanyang pagkatao. Ang estilo ng manunulat ay nararapat sa kanyang larawang- diwa, subalit ang pili at kapangyarihan ng wikang kanyang gamit ang bunga ng kanyang panulat. Ito ay ayon naman kay Edward Gibbon. Kay Lord Chesterfield, ang estilo ay kasuotan ng kanyang naiisip; samantala, kay Richard Eberhart, ito ay pagpapatumpak ng punto de bista. Sa aklat namang College Composition and Communication (1974) ni Richard Graves,ang estilo ay hindi lamang palamuti ni katapusan ang paggamit nito sa isang panulat, ito ay paraan ng paghahanap at pagpapaliwanag ng katotohanan. Ang layunin nito ay hindi magmayabang kundi magpahayag.
At kay Gore Vidal, ang estilo ay pagkilala sa totoong pagkatao,
sa gustong ipahayag at hindinababahala sa kalalabasan.
Sa mga pahayag na ito, malinaw na ang estilo ay “buhay” ng
isang panulat. Hindi lamang itopalamuti kundi kahulugan ng mga pahayag ng isang manunulat. At ayon nga kay Vladimir Nabokov, ito ang lahat ng mga kailangan sa pagpapahayag. Kakanyahan at Kapangyarihan ng Wika
Sa mga nakaraang talakay, malinaw na binigyang-
kahuluganang wika bilang masistemangbalangkas ng sinasalitang tunog. At sapagkat ito ay may sistema at may balangkas, may taglay rin itongmga kakanyahan. Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasang pantao na may pinagkasunduang simbolo, tinig at tono, kilos at kumpas. Sa pahayag na ito, may dalawang kakanyahan ng wika ang mababasa: gamit sapakikipagtalastasang pantao at may pinagkasunduang simbolo, tinig at tono, kilos at kumpas. Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi isang abstraktong nilikha ng mga nakapag-aral o ng mga bumubuo ng diksyonaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan, pagmamahal, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa. Sa kahulugang ito, mababasa na ang wika ay nabuo batay sa pangangailangan ng gagamit nito. Ito ay kakanyahan pa rin ng wika. Ang wika rin ay maaaring itulad sa isang pirasong papel nn ang kabilang mukha ay angpapel, mahaaikang kaisipan at ang tunog Anumang bahagi ng pulol magtatagla kapa a ang kaisipan at tunog. At ang pagtataglay ng wika ng kaisipan at tunog ay kakanyahan nito. Sa nga kakanyahang ito, mabibigyan ng kapangyarihan ang wikang maging ina ng karunungan ayon kay Krank Kruas.
Gayundin, ang wika ay maaaring magtago ng naiisip at
nagpipigil sa pakikipagtalastasan ayon kay Abraham Maslow.
Ayon din kay Ludwig Wittgenstein, ang limitasyon ng wika ng
nagpapahayag ay nangangahulugang limitasyon sa kanyang mundo. Kahulugang Konotatibo at Denotatibo
Ang karaniwang layunin ng pakikipag-usap sa kapwa ay upang
magkaunawaan subalit minsan, ang pakikipag-unawaan ay hindi natatamo sapagkat nabibigyan ng ibang kahulugan ang mga salitang ginamit o ginagamit ng mga nag-uusap.
May dalawang pagpapakahulugan ang maaaring mailapat sa
mga salitang ginagamit o ginamit sa mga pahayag: Kahulugang Konotatibo at Denotatibo 1. Ang Kahulugang Konotatibo Ang konotatibo ay pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabataysa estilo ng nagpapahayag. Kadalasan, ang kahulugang ito ay nakasalalay sa pagtanggap ng nakikinig nainaangkop sa paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita. Nagbibigay ito ng emosyonal at/o intelektuwal nadating sa tumatanggap ng kahulugan. Karaniwan sa kahulugang ito ang pagiging subhetibo ngtumatanggap ng kahulugan. Kahulugang Konotatibo at Denotatibo
2. Ang Kahulugang Denotatibo
Ang denotatibo ay pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabataysa kahulugang ibinibigay ng diksyonaryo. Ito ang kahulugang literal ng salitang ginamit sapakikipagtalastasan. Inilalabas sa pagpapakahulugan ng salita ang pahiwatig-emosyonal, politikal atetikal. Ang tuon ng kahulugang ito ay ang pagiging obhetibo ng tumatanggap ng kahulugan. Kahulugang Tekstuwal, Kontekstuwal, Subtekstuwal at Intertekstuwal
Sa bahaging ito, ang bibigyang-linaw ay ang kahulugang
inilalapat sa mga pahayag. Nakatutulong sa pakikipag-unawaan ang kaalaman sa pagkilala sa kahulugan ng mga pahayag nakaraniwan nang nagaganap sa ugnayan ng mga salita sa loob ng mga pahayag. May apat na uri ng pagpapakahulugan sa mga pahayag na ginagamit sa pakikipagtalastasan: Ang Kahulugang Tekstuwal Ito ang literal na kahulugan ng pahayag batay sa ugnayan ng mga salitang ginamit. Binibigyang-tuon sa kahulugang ito ang kaayusan ng mga salita sa loob ng pangungusap,ang kaayusana pangungusap sa loob ng talata, ang kaayusan ng mga talata sa loob ng pahayag, at ang kaayusanng mga pahayag sa kabuuan ng diskurso. Ang kahulugang ito ay nakasasalayrin sa kakipilan, kaisahanat empasis ng pahayag. Ang salitang tekstuwal ay mula sa salitang-ugat na text o teksto na mula naman sa pandiwang Latin na texere na nangangahulugang bumuo, humabi o maglatag. THE END