You are on page 1of 3

PALIWANAG:

Ang komiks na aking ginawa ay nagpapakita ng pagunlad ng Pagsasalin sa Pangdaigdigan. Pinakita ko dito kung paano
nagsimula ang pag sasalin sa iba’t ibang bansa upang mas lalo pa natin maunawaan ang pinagmulan nito. Ang pagsasalin
dito ay napakalaking parte para sa mga tao sa panahon na yon dahil sinasalin nila ang ibang lengwahe tungo sa lengwahe
ng mga tao kung nasaan sila, na nagbibigay sa mga tao ng bagong kaalaman at lubos nilang naiintindihan ang nasa teksto.
Sa nakaraan ng pagsasalin, may mga ilang wika ang naging bantog kabilang na dito ang wikang Griyego, Latin, Arabic,
Ingles at siyempre ang wikang Filipino. Ang pag sasaling ito ay nag bigay ng impluwensya para sa kultura ng mga tao at
upang makaimpluwensya din sa ibang panitikan sa pandaigdigang lipunan. Ang ilang akdang pampanitikan ang nabanggit
tulad ng Odyssey ni Homer, mga aklat ni Plutarch, at ang Bibliya. Ang mga akdang ito ay nananatili hanggang sa ngayon at
walang tigil na nagbibigay-inspirasyon at naglalaman ng mga halaga at karanasan na may bisa hanggang sa ngayon. Ang
impluwensya ng mga ito ay tuloy-tuloy na nakaaapekto sa panitikan at kultura ng mga bansa dahil sa pagsasalin ang bawat
isa ay nagkakaron ng kaalaman, katulad ng ang mag sasalin ay nagkakaron ng kaalaman o prior knowledge base sa ibang
lengwahe. Ang mga taong nakabasa naman ng kanilang sinalin ay nagkakaron din ng kaalaman base sa tekstong kanilang
binabasa. Sa paraan ng pagsasalin mas nauunawaan nila at tiyak kong magagamit nila ang kanilang mga naunawaang
binasa sa pang araw-araw na buhay. Ang pagsasalin ay parang nagbibigay salamin sa nakaraang mahahalagang
pangyayari o bahagi ng ating kultura sa pagpapalitan at pagtanggap ng bagong kaalaman mula sa iba't ibang kasanayan
o kultura. Ang pagsasalin ay napaka importante dahil isa ito sa dahilan para sa pag-unnlad ng panitikan sa ating lipunan.
Kailangan nating bigyang halaga ang pagsasalin dito sa ating bansa upang mapanatili ang pagkakaunawaan sa iba't ibang
panitikan at upang manatili ang pagpapalitan ng mga kaalaman base sa mga libro o babasahing pampanitikan.

You might also like