You are on page 1of 2

TAKDANG GAWAIN:

1. Bakit itinuturing na pagtataksil ang gawaing pampagsasalin sa panahon ng Romano?

Ang paraan ng pagsusulat muli ng isang salita o teksto patungo sa ibang wika na
naaayon sa gustuhin o target na wika ng tagasalin nang hindi nawawala ang diwa ng orihinal na
teksto ay pagsasalin. Ang pagpapanatili ng katangian ng orihinal na teksto pagkatapos nitong
isalin sa panibagong wika ay ang tungkulin ng isang tagasalin. At hindi lamang layunin ng isang
tagasalin na maibigay sa mga mambabasa ang mismong tekstong pinagmulan ngunit siya ang
magiging katumbas ng may-akda ng orihinal sa wikang isinalin. Ang maipahayag nang totoo at
malinis sa panibagong wika ang nais ipahayag ng orihinal na teksto ay ang tungkulin ng
tagasalin
Isa sa mga kinikilalang unang tagasalin ay ang isang aliping Griego na si Livius
Adronicus sa kontinenteng Europa. Posibleng hindi si Adronicus ang unang tagasalin ngunit
siya ay kilala sa kanyang pagsaling-wika ng epikong Odyssey ni Homer sa bersiyong Latin
noong 240 B.C. sa kaparaanang patula. Tinagurian din siyang ama ng literaturang Latin sa
kabuuan at ama ng “Roman Poetry”. Ang kinikilalang unang nagsulat ng panitikan sa Latin ay si
Adronicus din. Sa panahon ng Romano, itinuturing na pagtataksil ang gawaing pampagsasalin
dahil sinasabi na nawawala ang tunay na anyo at katangian ng pagiging isang tula kung ito ay
isinasalin. Itinuturing na parasitikong gawain ang pagsasalin at pinupuna ang mga tagasalin
dahil sinasabing hindi sila malikhain at walang orihinal na pagmamay-ari.

2. Pananakop bang maituturing nang isinalin sa katutubong wika ang katuruan ng


simbahan? Bakit?

Ang mga katuruan ng simbahan na isinasalin sa wikang naiintindihan ng mga mamayan


sa bansa ay matagal nang isinasagawa at ito ay nakaulat na sa kasaysayan. Ang mga Pilipino
ay naimpluwensiyahan ng mga Kastila ng Kristiyanismo noong tumapak sila sa teritoryo ng
Pilipinas dahil isa ito sa kanilang mga layunin na ipakalat at ipalaganap sa kanilang mga
nasasakupan. Malaki din ang impluwensiya ng ganitong relihiyon sa iba’t ibang bansa at
rehiyon kaya ito ay pinaniniwalaan ng karamihan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay mayroon na itong sariling
sibilisasyon, paniniwala, relihiyon, gobyerno, kultura, at sinasamba. Ang Animismo ay ang
paniniwala sa relihiyon na ang mga bagay, lugar, at nilalang ay nagtataglay ng isang
natatanging kakayahang espirituwal. Ang paniniwala na nagsasabing mayroong enerhiyang
hindi materyal na nagpapakilos sa kapaligiran at ang pagsamba dito ay lumaganap na sa
Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay
sumasamba sa bato, lupa, araw, hayop, buwan, bituin, kidlat, liwanag, apoy, at iba pang mga
bagay. Ang layunin ng pagsasalin ng mga katuruan ng simbahan sa katutubong wika ay para
mas lalong maunawaan ng mga target na mambabasa ang naisipahayag ng mga dayuhan at ng
Kristiyanismo kaya maituturing na paraan ng pananakop ang pagsasalin nito. Dahil sa
impluwensiya ng paniniwala ng mga Kastila at dahil sa pagsasalin sa wika ng katuruan ng
simbahan upang mas maintindihan ang mga nakapaloob dito ay nabago ang paniniwala ng mga
Pilipino at ito ay nakaapekto sa kanilang pang araw-araw na katangian, pagkilos, at
pamumuhay.
3. Pagtataksil pa rin bang maituturing ang pagsasalin sa panahon ngayon?

Ang pagsasalin ay isang paraan ng paglilipat o pagbabago ng wika ng isang salita o


teksto upang ito ay lubos na maintindihan ng mga mambabasa sa kanilang wikang
nauunawaan. Sa mga nakaraang panahon, itinuturing na pagtataksil ang iba’t ibang gawaing
pagsasalin dahil sa iba’t ibang paraan. Ang iba ay sinasabing nagiging pagtataksil ang
pagsasalin dahil nawawalan ng bisa at orihinal na kahulugan ang isinalin na teksto. Sa iba
naman ay nagiging pagtataksil ito dahil sa kanya-kanyang naiintindihang wika ay nagkakaroon
ng plano at pagtuturo sa target na mambabasa at mag-iiba ang kanilang nalalaman at
paniniwala kaya magiging paraan ito upang masakop ang isang teritoryo o bansa.
Ngunit sa panahon ngayon, ang pagsasalin ay hindi na itinuturing at nakikita bilang
pagtataksil. Ito ay lubos pang nakakatulong para mas maintindihan ng iba’t ibang tao na may
limitadong kaalaman sa wika. Ang pagsasalin ay napakadalas nang isinasagawa dahil ito ay
nagdudulot ng impluwensiyang kaalaman at impormasiyon na siyang makakatulong sa mga
mambabasa at makakapaghatid ng balitang nangyayari sa iba’t ibang panig ng bansa. Mas
nabubuksan ang mga mata ng tao sa reyalidad sa pamamagitan ng pagsasalin dahiil
nakakapagbigay ang bawat isa ng opinyon na nakabase sa katotohanan. Mayroon ding wikang
Ingles at ito ay tinaguriang “Universal Language” kung saan madaming tao sa iba't ibang
rehiyon, relihiyon, at lugar sa mundo ang may alam kaya direkta nang isinasalin ng ibang tao
ang kanilang sasabihin sa wikang Ingles upang maintindihan kaagad ng nakararami.

You might also like