You are on page 1of 2

TAKDANG GAWAIN:

Isalin ang napiling akda, artikulo o aklat kaugnay sa sinundan na gawain.


Matapos isalin ay humanap ng eksperto o dalubhasa at/o survey sa katanggapan hinggil sa
akda/ materyales na isinalin para sa balidasyon ng salin.

Pag-unawa sa Pamprogramang Kompyuter bilang Kaalaman


Annette Vee Pamantasan ng Pittsburgh

Abstrak
Simula pa noong 1960, ang mga siyentipiko at mga mahihilig sa kompyuter ay
inilarawan na ang pamprogramang kompyuter ay kapantay bilang isang kaalaman, at
ipinaglalaban nila na ito ay pangkalahatang kakayahan na dapat pang mas maituro at ganapin.
Sa paglulunsad mula sa ganoong palagay, ang artikulo na ito ay may pagtukoy sa kasaysayan
at sosyal na pananaliksik mula sa pag-aaral ng kaalaman upang maihatid ang pamprogramang
kompyuter bilang “literasiyang pangkompyuter”. Ako ay nakikipagdiskusyon na ang
pagpoprogram at pagsusulat ay may parehong sinunod na kursong pangkasaysayan bilang
materyales ng teknolohiya at ipaliwanag kung paanong ang dalawang ito ay magkaugnay sa
mga katangian ng kontemporaryo komposisyon. Ang konsepto ng “literasiyang pangkompyuter”
ay tutulungan tayong mas maintindihan ng mabuti ang pabago-bagong sosyal, teknikal, at
kultural na aspekto ng pagpoprogram, ngunit ito din ay magpapayaman sa ating pagtingin sa
komposisyon ng ika-dalawampu’t unang siglo.

Konklusyon
Katulad ng unti-unting pag-angat sa paggamit ng pagsusulat sa gobyerno at sosyal na
imprastraktura sa Kanluran, ang pagpoprogram ay tumungo sa maraming panig na nauna nang
sinaklaw ng pagsusulat. Ang pagkakaroon ng katulad na kurso nito ay iminumungkahi na ang
pagpoprogram ay maaaring maging pundasyon ng panibagong literasiyang pangkompyuter.
Ngunit sa kabila ng tatahaking hinaharap ng pagpoprogram, ito ay materyales na ng
katalinuhan at isang makapangyarihang klase ng komposisyon. Dahil sa kautusan ng
pangunahing papel ng pamamahala, edukasyon, negosyo, at pagkamamamayan—dahil ang
kautusan ay imprastraktura—ang pagsusulat nito ay nagsasanay sa mga alalahaning
tagapagturo ng kaalaman. Ito ang reaksyonaryong argumento sa pagbibigay atensyon sa
literasiyang pangkompyuter—tulad ng sinabi ni Douglas Rushkoff, “iprogram o maprogram”. Ito
din ang lohika mula sa ilang mga paraang upang makapagtuturo ng pagpoprogram sa mga bata
sa paaralang elementarya; sa pamamagitan ng pag-aaral sa wikang pamprograma na Logo sa
Estados Unidos noong 1980 ay dapat makakatulong sa atin na talunin ang mga Russia, tulad
ng pagsasanay sa pagpoprogram noong 1960 na nagtagumpay.
Ngunit ang konsepto ng literasiyang pangkompyuter ay mas nag-aalok sa atin kaysa sa
mga istratehiyang pagsasanay ng teknolohiya ng digmaang malamig. Ito din ay nakakatulong
sa atin na maintindihan ang mga paraan kung saan ang komposisyon ay nababago. Ang
pagpoprogram ay hindi pinapalitan ang pagsusulat, bagkus ito ay nakikipag-ugnayan dito at
pinapalawak pa. Ang pagpoprogram ay may papel na ginagampanan sa pagsuporta sa
tradisyunal na pagsusulat (kabilang dito ang mga sanaysay na binuo sa kompyuter gamit ang
software na pangproseso ng mga salita), at mapadali ang mga bagong porma ng pasulat na
komunikasyon tulad ng tweets, texts, Facebook posts, emails, at saglit na mga mensahe. Ang
mga halimbawa na aking pinangalanan sa taas mula sa pamamahayag, literaryang gawa, at
mga sibikong aplikasyon ay nagpapakita ng ilang mga pagbabago na dala ng modernong
pagsusulat gamit ang teknolohiya. Sa pagsusuri sa sulat ng kautusan gamit ang konsepto ng
literasiyang kompyuter ay nagbibigay daan sa atin upang tumutok sa pagsasanay sa pagsusulat
na pinagbabatayan ng ating kumplikadong, katangian ng kontemporaryo komposisyon.
Hinahayaan tayo nito na mas maging kritikal na kasali gamit ang ating software dahil
binibigyang pansin nito ang mga tao na sumusulat nito pati na rin ang mga kursong
pangkasaysayan na nauna dito.
Sa wakas, ang pag-uunawa sa pamprogramang kompyuter bilang literasiyang
pangkompyuter ay nagbibigay daan patungo sa mas komprehensibo at inklusibong palaaralan
ng pagsusulat. Ito ay importante upang lumawak ang paggamit sa pagpoprogram dahil sa
kakayahan nito at pagkakaiba-iba ng aplikasyon, na kung saan ang pagpoprogram ay hindi
lamang nakapaloob sa mga eksklusibong aspekto ng agham pangkompyuter. Mahalaga din na
palawakin ang ating konsepto sa pagsusulat upang isama ang pagpoprogram. Sa kabuuan, ang
mga imahe, tunog, at iba pang klase ng komposisyon ay agad nang nag-iba ng paraan sa kung
paano tayo makipag-usap at kung paano tayo magpahayag at magproseso ng impormasyon.
Dahil dito, ang mga iskolar sa karunungan ay nagdagdag ng ganitong klase ng pagsusulat sa
ating konsepto ng kaalaman, at pinagdidebatehan kung paano maisasama sa mga klase.
Ngunit ang pagpoprogram ay hinahayaan ang lahat ng klase ng digital na komposisyon. Tayo
ay dapat nang mag-iba ng klase ng ating kaalaman upang maging responsable dito.

Orihinal na artikulo: http://d-scholarship.pitt.edu/21695/1/24-33-1-PB.pdf

You might also like