You are on page 1of 9

MIDTERM SA PANANALIKSIK

Pangalan: Louie Jay D. Lleno Petsa: Abril, 2021


Seksyon: BSED-Filipino

1. Ano-ano ang mahahalagang baryabol sa pamagat sa pananaliksik?

 Ang mahahalagang baryabol sa pamagat ng pananaliksik ay ang Picture


Theory of Meaning ni Ludwig Wittgenstein at ang editoryal kartun ng mga
pahayagang pangkampus

2. Talakayin ang sumusunod na batayang ng pananaliksik na ginamit sa ANG


SALIGAN NG PAG-AARAL

a. Batayang legal

Ang batayang legal na makikita sa pananaliksik ay ang mga sumusunod:

 Batas Republika bilang 7079 na lalong kilala sa tawag na Campus


Journalism Act ng 1991, isinasaad ng naturang batas ang
pagtatalaga o pag-aatas sa mga paaralan, pribado man o
pampubliko, sa anumang antas-elementarya, sekundarya, tersarya
at gradwado na magkaroon at magpalabas ng pahayagang
pangkampus bilang hulmahan ng kaalaman ng mga batang
manunulat sa kani-kanilang paaralan. Sa ganitong paraan ang
pahayagan ay magsisilbing katuwang ng kaguruan at ng mismong
paaralan sa paghubog ng kabataan upang ang mga ito ay maging
mabubuting tao

 Ikalawang seksiyon ay R.A 7079 ito ay isang idineklarang


patakaran ng estado na pataasin at pahalagagahan ang kalayaan
sa pamamahayag kahit na ito ay nasa pampaaralang lebel lamang
at idampana ang pag unlad at pagsulong ng pamahayagang
pangkampus bilang pamamaraan sa pagpapalakas ng mga
pagpapahalagang etikal, paggayak na kritikal at malikhaing pag-
iisip at maging ang katayuan at disiplinang persobal ng mga
kabataang Pilipino. Dagdag pa rito, ang estado at nararapat na
makapagsagawa ng iba’t ibang mga programa at proyekto na
naglalayong malinang at mapaunlad ang kasanayang journalistik
ng mga mag-aaral nang isinasagawa ang responsible at malayang
pamamahayag.
b. Batayang teorya
 Malaki ang kaugnayan ng teorya ni Ludwig Wittgenstein, isang
Pilosopong Aleman na tinawag niyang pIcture theory of language o picture
theory of meaning sa malalimang pag-aanalisa ng mga editoryal kartun.
Sinasaad ng picture theory of meaning na ang mga pahayag ay mas
makabuluhan kung sila ay mabibigyang-katuturan o naisasalarawan sa
pagmalas o pagsilay ng buong daigdig. Ipinaliwanag ni Wittgenstein na
may di matatawarang puwang sa pagitan ng anumang ipinahahayag
gamit ang wika at ng mga pahayag na ginagamitan ng mga di berbal na
kaparaanan. Nangagahulugan itong may mga isyung maaaring ielaboreyt
o ipaliwanag gamit ang payak na pahayag subalit mas magiging
makabuluhan ito kung may kalakip pang bisuwal na paraan kagaya ng
mga larawan, karikatura, o kartun. Sa ganang pahayagan sa kabuoan at
pahayagang pangkampus sa tiyak na aapketo, higit na maipauunawa sa
masang mambabasa ang saysay, lalim, o lawak ng isang teksto o isyung
panlipunan gamit ang mga karikatura at kartun na inilalagay sa pahinang
opinyon. Sa larangan ng pilosopiya, ang paggamit ng larawan na
inihahalo sa teksto ay Isang paraan upang makaroon ng kompletong
elemento at mas ganap ba pagpapaunawa at pagtingin ng buong isip.

Dagdag pa rito, sa larangan ng pisika, mas naipauunawa ng guro ang


Konspeto ng velosidad o aksilirasyon gamit ang mga larawan ng tunay na
bagay o mga gumagalaw na modelo upang maipaunawa ang mga
nabanggit na komplikadong konseptong pang-agham. Sa pagtuturo ng
Mother Tongue Based Multi-Lingual Education, mas epektibong
mapapangalanan ng mga bata ang mga pangkaraniwang bagay sa
kaniyang kapaligiran kung hindi lang niya ito naririnig na sinasabi ng guro
kundi nakikita pa niya ito sa pamamagitan ng mga larawang maaaaring
gumagalaw (video o film clips) o kaya naman ay di gumagalaw (still
pictures). Sa gayong mga halimbawa, mas malinaw na maipapamalas ng
larawan ang kanilang importansiya sa paghahatid ng kahalagahan sa
buhay ng tao. Ito rin ang nais na linangin ng kasalukuyang mananaliksik
sa mga nilikhang kartun ng mga kartunist ng Catanduanes. Saa gayon,
layunin ng pananaliksik na ito ang masuri ang mga sosyo- politukal na
aspekto ng mga piling editoryal kartun ng mga paaralang Sekundarya ng
Rehiyong Bikol upang makapagmungkahi ang mananaliksik ng
kagamitang panturo at gawaing pangwika na lalo pang lilinang sa
kahusayan ng mga kartunist na Catandunganon sa paghahatid ng
mensahe at opinyon gamit ang kanilang mga likhang-sining

3. Ano-ano ang mga sinaliksik sa pag-aaral na ito?


 Malikom at masuri ang mga editorial kartun ng mga pahayagang
pangkampus ng mga paaralanag sekundarya ng Catanduanes.
 Makabuo ng isang aklat na lilinang sa kakayahan at kasanayan ng mga
kabataan sa pagguhit ng editorial kartun.
 Makalikha ng isang libreng webinar-online lecture hinggil sa pagguhit ng
editorial kartun.

4. Sino-sino at sa paanong paraan makatutulong ang pananaliksik na ito?


 MAG-AARAL - ito ang magbubunsod ng panibagong babasahin o aklat
na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kaniang pag-aaral sa
larangan ng pamamahayag at pamahayagang pangkampus.
 GURO- ito ay magiging dagdag kagamitan panturo.
 MANANALIKSIK - magsisilbing dagdag na babasahin sa larangan ng
pamahayagang pangkampus.
 MANUNULAT- ito ay magsisilbing nilang dagdag na sanggunian .
 KARTUNISTA- ito ay mabigyan sila ng dagdag na mungkahi at
motibasyon sa paggawa ng isang kartun.
 TAGAPAYO NG PAHAYAGANG PAMPAARALAN- ito ay magkatutulong
upang mas mapabuti ang kanilang pagtuturo sa mga kartunist.
5. Ilan ang kaugnay na literatura at ilan ang kaugnay na pag-aaral ang ginamit sa
saliksik na ito?
 Apat ( 4 ) na kaugnay na liteatura at apat ( 4 ) na kaugnay na pag-aaral.

6. Ano ang PICTURE THEORY MEANING at paano ito ginamit sa pananaliksik?


 Ang pag-aaral na ito na may pamagat na PAGSIPAT SA MGA
EDITORYAL KARTUN NG MGA PAHAYAGANG PANGKAMPUS GAMIT
ANG PICTURE THEORY OF MEANING NI LUDWIG WITTGENSTEIN:
BATAYAN SA PAGBUO NG MGA KAGAMITANG INSTRUKSIYONAL SA
FILIPINO SA PANAHON NG PANDEMYA, ay isang preliminaring
pagtatangkang masuri ang mga naisgawang kartun sa 32 pahayagang
pangkampus na lumahok sa paligsahang pangkatan sa ginanap na
Division Secondary Schools Press Conference noong 2019 upang sa huli
ay makapagmungkahi ang mananaliksik ng mga kagamitang panturo at
gawaing makatutulong sa lalo pang ikalilinang ng kaalaman at kasanayan
ng mga mag- aaral sa larangan ng pagguhit pandiyaryo o editoryal kartun.

Ginamit sa pagsusuri ng mga kartun ang Picture Theory of Meaning ni


Ludwig Wittgenstein, isang pilosopong Aleman na nagpormula ng
nasabing teorya. Nakuha ni Wittgenstein ang pormulasyon ng nasabing
teorya sa pamamagitan ng matiim na pagbabasa ng mga pahayagan
hinggil sa mga hukuman sa Paris na gumagamit ng mga modelo upang
talakayin ang noo’y mga bagong penomenon ng mga aksidenterng
pangtrapiko. Ang mga modelong sasakyan at manika ay ginamit upang
katawanin ang mga posibleng naganap o magaganap sa lansangan
kapag pinaiiral ang mga karaniwang mga tuntuning panlansangan. Sa
ganitong Sitwasyon, ang mga component ng anumang modelo o larawan
ay marami at bawat isa ay pawang mga proksi sa mga component na
kinakatawan ng mga ito. Anumang component ng mga modelo O larawan
ay maaaring kahawig o kayay direktang kapareho ng mga komponent ng
mga tunay na bagay na mo sa mga aktuwal na penomena sa lipunan. Sa
pinakapayak na turing, ang Picture Theory of Meaning ay isang teoryang
kanluraning nagpapaliwanag sa mg aktuwal na pangyayaring
pangkapaligiran gamit ang mga larawan at modelo. Sa ganitong

Paraan ay mas maihahayag ng nagpapalinawanag ang kaniyang saloobin


sapagkat ang mga tao ay mas binibigyan ng saysay ang mga bagay na
bisuwal kaysa sa mga bagay na pawang naririnig o nababasa lamang.

Pansinin ang paradim ng balangkas teoretikal ng pag-aaral sa susunod na


pahina.

Larawan o Modelo

Pag-unawa sa mga aklat na


penomena.

Kahulugang Panlipunan

Pradim 1: Balangkas Teoritikal

Sistemang Input-Proseso-Awtput ang ginamit ng mananaliksik sa pagbuo ng pag-aaral


na ito. Makikita sa unang kahon ang input ng pag-aaral na siyang nagsisilbing
pangunahing baryabol ng pananaliksik na ito, ang mga nalikom na editoryal kartun. Ito
ay dumaan sa mabusising pangnilalaman at sinipat ang mga aspektong sosyl-kultural at
tema ng bawat kartun. Sa ganitong paraan ay makikita kung gaano kamulat ang mga
kartunist sa mga isyung panlipunang nagaganap sa bansa. Sa huling kahon ay ang
mga binuong awtput ng mananaliksik na inaasahang makatutulong sa paglinang ng
kakayahan at kasanayan ng mga kartunist upang sa ganoon ay magkaroon sila ng mga
panlo sa ibat ibang lebel ng kompetisyong pampamahayag makikita sa ibaba ang
paradim ng balangkas konseptuwal ng pananaliksik na ito.

Paradim 2: Paradim ng Balangkas konseptwal

1.) Pagsusuri ng mga


paksang sosyo-
politikal sa apekto
Mga Editoryal kartun ng mga ng kartun. 1.) Aklat katipunan mg
Paaralang Sekundarya sa 2.) Pagsusuri saga mga Editoryal kartun
Catanduanes simbolismo at 2.) Isnag webinar
elementong tungkol sa pagguhit
nakapaloob sa ng kartun.
kartun

7. Talakayain ang sumusunod:

a. Disenyo ng saliksik – ang pananaliksi na ito ay isang deskriptib-kuwaliteytib na


pag-aaral . deskriptib ito sapagkat nilalayon ng pananaliksik na ito ang
malalimang pagsusuri at paglalarawan sa mga paksa at sosyo-politikal na
aspekto ng mga editorial kartun ng mga paaralang sekundarya, Sangay ng
Edukasyon.

b. Pamamaraan- Gaya ngnabanggit, ang pananaliksik na ito ay gagamit ng content


analysis o pagsusuring pangnilalaman kung saan inisa-isa ang pagsipat sa mga
kartun batay sa mga baryabol na nakalagay sa paglalahad ng suliranin na
kinabibilangan ng 1. Paksang Sosyo-Politikal Simbolismo 4. Mga
element/tuntuning nasunod. Walang yunit ng pagsusuring gagamitin sa paksa, at
simbolismo sapagkat nakadepende ito sa pagtanaw ng mananaliksik bilang
manunuri. Samantala, sa elemntong ginamit sa kartun, ang pagsusuri ng
mananaliksik ay nakatuon sa mga yunit na batay kay Peralta na kinabibilangan
ng espesyal na linya, visual psychology, rule of third, speech balloon, humor,
metaphor, exaggeration, at action. Wala ring sampol na gagamitin sapagkat lahat
ng 32 kartun ng mga pahayagang pangkampus na lumahok sa DSSPC 2019 ay
kalahok sa pananaliksik na ito.
c. Respondent- nakatuon ang pananaliksik na ito sa 32 editoryal kartun ng mga
pahayagang pampaaralan ng sangay ng catanduanes na lumahok sa School
Paper Contest sa ginanap na Division Secondary School Press Conference
noong 2019

1. Ang Lampara—Bote Integrated School


2. Ang Sigya—Baras Rural Development High School
3. Ang Manlalayag—Antipolo National High School
4. The Strand—Tubli National High School
5. Ang Pluma—Panganiban National High School
6. Ang Ugat—Calatagan High School
7. Ang Pagsibol—San Andres Vocational School
8. Ang Pitak—Catanduanes State University Laboratory School
9. The Dawn—Bagamanoc Rural Development High School
10.The Voyager—Antipolo National High School
11.The Vigor—San Andres Vocational School
12.The PSAT Gear—Pandan School of Arts and Trade
Development Services
CSU-F-RES-03 Rev. 0 Effectivity: June 1, 2015
13.Ang Rimora—Caramoran Rural Development High School
14.The Spotlight—Bato Rural Development High School
15.Ang Sinag—San Miguel Rural Development High School
16.Ang Magon-on—Magnesia National High School
17.Ang Bato-Balani—Bato Rural Development High School
18.The Beacon—Bote Integrated School
19.Ang Granahe—Pandan School of Arts and Trade
20.Ang Hibla—Tubli National High School
21.Ang Sinagtala—Viga Rural Development High School
22.The Pantograph—Supang Datag National High School
23.The Stylus—Sicmil Integrated School
24.The Flame—Baras Rural Development High School
25.The Day-Star—Viga Rural Deevelopment High School
26.The Synchronizer—Catanduanes National High School
27.Ang Kampilan—Catanduanes National High School
28.The Pinoneer’s View—Calatagan High School
29.The Courier—Caramoran Rural Development High School
30.The Laboratorian—Catanduanes State University Laboratory School
31.The LIVinian—Leandro I. Verceles Sr. National High School
32.The Gravity—Magnesia National High School
d. Instrument –gumamit ang mananaliksik sa kanyang pananaliksik ay isang
talahayan o kuwalitatibong talaan ng mga paksa, simbolo, saklaw, kartun, at
aspektong sosyo-politikal upang maipakita ang pagkakapareho ng mga
aspektong ito sa bawat kartun.

8. Ano-ano ang mahahalagang natuklasan sa saliksik?


Matapos ang paglalahad, tabyulasyon, at pagsusuri ng mga datos at
impormasyon, natuklasan ng mananaliksik ang sumusunod:

1. Sampung kartun ang pumapaksa sa kontrobersoyal na panukalang-batas na


No Homework Policy ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang iba pang mga paksa ay
kinabiblangan ng Paggamit ng social media, Pista sa Nayon, LGBT lesbians,
gays, bisexuals, and tregenders, Pagpapanatili ng kalinisan, pagtulong ng
Kagawaran ng Edukasyon sa mga mag-aaral, Pagtanggal ng mga asignaturang
ilipino at Panitikan sa mga unitbersidad at kolehiyo, Good Conduct and Time
Allowance Law, Pagkontra sa korapsyon, Pagpapairal ng disiplina at respeto,
Suliranin sa pagbasang may unawa, Komunidad ng LGBT at ang SOGIE Bil,
Kaligtasan ng mga mag-aaral, Kadakilaan ng mga guro, Mga
programang/proyektong pampaaralan, Pagdidisiplina sa paaralan, Maagang
pagbubuntis, Pasada Eskuwela, Ang pagpaslang sa asignaturang Filipino,
Palagiang pagkawala ng kuryente sa isla ng Catanduanes, Kalinisan, Palagiang
brownout sa Catanduanes, at Last Miles School Program ng Kagawaran ng
Edukasyon.

2. Ginamit sa 32 kartun ang mga simbolismong, 1) lobo, karayom, aklat, at


angmag-aaral, 2) Kalihim Briones at hawla, 3) guro, mag-aaral, salakot, basag
nabumbilya, kuwaderno, at karatula, 4) bahay-kubo, mga mag-aaral, salakot,
ulan, at payong, 5) kamay, bag, at mag-aaral, 6) cellphone at bandila, 7) lalaki,
Salakot, sabon, heganteng langaw, 8) bangin, ilog, guro, salakot, mag-aaral,
gusali, tulay, 9) hegante, mag-aaral, salakot, 10) salakot, bata, bomba, 11)
Pangulong Duterte, baboy, aso, kaning aso, 12) guro, salakot, mag-aaral,
cellphone, pisara, 13) kawayan, banderitas, mag-aaral, bomba, 14) kamay,
kuwaderno, mag-aaral, salakot, 15) ta0 O, gulong, 16) aklat, mag-aaral,
Cellphone, 17) bag, mandirigma, pananggalang, 18) pisi, lalaki, babae, anino,
19) kuwaderno, cellphone, mag-aaral, 20) guro, mag-aaral, cctv, kartula, 21)
guro, mag-aaral, bangin, ilog, lapis, daan, sinag ng araw, 22) mag-aaral, guro,
karatula, kuwaderno, 23) mag-aaral, patalim, mag-aaral, 24) kadena, lalaki, 25)
lalaki, babae, pisi, basketbol ring, 26) bangin ilog, sasakyan, karatula, 27) lalaki,
Lagari, puno, 28) bombilya, kamay, 29) lalaki, vaccuum cleaner, karatula, lamok,
30) Cong. Sanchez, ilaw, saksakan, Catanduanes, Luzon, 31) guro, mag-aaral,
daan, sasakyan, at 32) mag-aaral, salakot, bomba, karatula.
3. Kung susumahin, ang elementong aksiyon at rule of third ang pinakagamitin
ng mga kartunist sapagkat 24 sa kanila ang maalam sa mga aspektong to. 22
Kartunist naman ang maalam sa metaphor habang 17 ang maalam sa
exaggeration. Sa kabilang dako, kalahati ng kabuoang bilang ang maalam sa
special lines, 13 lamang ang maalam sa visual psychology, pito lamang ang may
humor, at dadalawa ang maalam gumamit ng speech balloons. Kaugnay nito,
kung susuriin bawat kartun at ang nasunod nilang tuntunin, makikita ang kartun
bilang isa ay apat lamang ang ginamit na kinabibilangan ng rule of third,
metaphor, exaggeration, at action. Rule of third lamang ang nasunod ng
ikalawang katun. Special lines, humor, at action naman ang nagamit ng ikatlong
kartun. Ang ikaapat na kartun ay may apat na tuntuning sinunod kabilang ang
special lines, visual psychology, rule of third, at action. Ang ikalimang kartun ay
gumamit ng tatlong pamantalayan na rule of third, exaggeration, at action. Lima
sa walong pamantayan ang nagamit ng Ikaanim na kartun kasama na ang
special lines, visual psychology, humor, metaphor, at action. Lima rin ang
nagawa ng ikapitong kartun kabilang ang Special lines, rule of third, metaphor,
exaggeration, at action. Anim naman ang nagawa ng ikawalong kartunist
kabilang ang special lines, visual psychology, metaphor, exaggeration, at action.
Ang ikasiyam na kartun ay may tatlo lamang na elemento at ang mga iyon ay
special lines, rule of third, at action. Tatlong elemento rin ang matatapuan sa
ikasampung kartun kabilang ang metaphor, exaggeration, at action. Ang
ikalabing-isang kartun ang natatangi o nag-iisang nagtataglay ng walong
mahahalang elemento ng pagkakarun habang ang ikalabindalawnag kartun ay
wala ni isang ginamit na anong elemento.

4. Dawalang kagamitang panturo na nilikha ng mananaliksik ang maaaring


makatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan at kaalaman ng mga kartunist sa
paggguhit ng editoryal kartun. Ito ay ang Debuho na isang sanayang aklat at ang
Webinar sa Pagguhit ng Editoryal Kartun na mapapanood sa Youtube Channel
ng mananaliksik na may pamagat na Dr. Jovert Vlogs.

9. Ano-ano ang awtput ng saliksik?

Ang atwput ng pananaliksik ag Debuho at isang webinar/ E-Aralin sa


pagguhit ng Editoryal.

10. Magbigay ng sariling reaksyon sa saliksik?

Napakahusay ng pagkakalahad ng mga impormasyon at mga datos,


naging masuai rin ang mananaliksik sa bawat detalye, mahusay na napalutang
kung ano ang resulta ng ginawang saliksik, nakalipon ng mga sapat na materyal
upang mas maging malaman at siksik sa impormasyon ang pananaliksik,
nagbigay ng mga impormasyon na lubos na makatutulong sa bawat mag-aaral at
sa mga Guro.

You might also like